CHAPTER 03

2127 Words
Tony knows he can’t convince his Dad that easy, but he tried his best para mapa-oo niya ito. “Please Dad, just this once, pagbigyan n’yo ‘ko,” he asked his Dad. “My conscience won’t stop bothering me ‘til maramdaman kong nakabawi na ako kay Lolo.” “And how long do you plan to do that?” seryosong tanong ni Fernan sa anak. Hindi makasagot ang binata. Nakita ni Fernan ang pagkadesidido sa mukha ng anak. Nagbuntong hininga ito. “Sige, isang taon. At pagkatapos ng isang taon, you’ll go back to America at sa kompanya ka na magtatrabaho. Our company may not need you by now, but that doesn’t mean I don’t want you there. I want you there son.” Nakahinga ng maluwag si Tony. “Yes, Dad.” His Dad gave him a tap on his shoulder at saka ito naglakad palayo. Ok na ‘yon, wika niya sa sarili. Isang taon? Matagal na rin iyon. Siguro naman ay matutuwa na ang kanyang Lolo Manuel. Nakilala niya ang katiwala ni Don Manuel na si Mang Zacharias, at ang dalawang binatang anak nito na sina Dan at Mike. Ilang araw makaraang dumating sila sa San Marcos, ilang beses na rin siyang sinamahan ng magkapatid sa paglilibot sa lugar. Bata pa siya nang umalis sila patungong US kaya marami nang nagbago sa lugar ngunit hindi pa rin kumukupas ang ganda niyon. “Kuya Tony, maganda po ba sa Amerika?” tanong sa kanya ni Mike. Labing anim na taong gulang na ito samantalang si Dan naman ay dalawampu. “Oo maganda, pero mas maganda rito,” mabilis niyang tugon. “’Di ba, magaganda ang chicks sa Amerika?” tanong ulit ni Dan na may pilyong ngiti. Natawa si Tony. “Oo naman! Maraming maganda ro’n kahit saan ka lumingon.” “Nakailang girlfriend ka na po?” Natawa ulit si Tony. Ginulo niya ang buhok ni Dan. “Ba’t ang dami mong tanong?” aniya. “Hala, si Kuya Tony! Siguro kaya hindi mo masagot kasi hindi mo na mabilang ‘no?” wika naman ni Mike. “Hindi, dalawa pa lang! Anong hindi mabilang? ” Tumawa ito. “E ngayon po kuya wala kang girlfriend?” tanong muli ni Dan. Umiling si Tony. “E ikaw, may girlfriend ka na?” tanong nito kay Dan. Si Mike ang sumagot, “Binasted po ‘yan ng nililigawan niya!” Humalakhak ito. Tiningnan ito nang masama ng kapatid. “Baka hindi ka marunong manligaw!” tukso ni Tony. “Hindi po kasi sila bagay. Ang ganda po kasi ni Ate Tintin.” Asar pa rin ni Mike sa kanyang kuya Dan. “Taga san ba ‘yang Tintin?” kuryusong tanong ni Tony. “Taga riyan lang po sa malapit. Ituro ko sa inyo ang bahay kapag dinaanan natin,” tugon ni Dan na halatang asado na sa kapatid. Sabado noon kaya may naisip si Tony. “Ba’t hindi na lang ngayon? Pakita mo sa’kin ‘yong Tintin, para malaman ko kung paano mo dideskartihan,” aniya. Mabilis naman silang lumakad. “Titigan mo si Kuya Dan, Kuya Tony, at titigan mo mamaya si Ate Tintin, malalaman mong nagsasabi ako ng totoo!” ani Mike. Binatukan ito ni Dan kaya napa-aray ito. Dalawang kanto lang at naabot na nila ang harapan ng bahay nina Kristina. Tumambay sila sa may tindahan kung saan tanaw nila ang bahay at bakuran ng kanilang pakay. Mga halos labinlimang minuto silang nag-antay. “Lalabas na ‘yon Kuya, hintay pa tayo saglit,” ani Mike. Ilang saglit pa ay nanlaki ang mata nito at itinuro ang pinto ng bahay nina Kristina. “Andiyan na siya kuya!” Tumayo ng deretso si Tony. Kunot ang noo niyang inabangan ang lalabas sa pintuan ng bahay na iyon. Napatitig siya sa babaeng lumabas mula roon. Maiksi ang buhok, medyo may kapayatan at may kalakihan ang mata. Lalong kumunot ang kanyang noo. Hinampas siya ni Mike sa braso. “Hindi ‘yan Kuya!” wika ni Mike. “Iyong kasunod,” anito. Ilang saglit ulit at nawala ang kunot sa noo ni Tony, at napalitan iyon ng ngiti sa labi. Kahit hindi na siya utusan pa ng kahit na sino na titigan ang babaeng iyon ay, napatitig na lamang talaga siya sa angkin nitong ganda. Mula sa pintuan ay lumabas ang isang babaeng may katangkaran, katamtaman lamang ang kaputian ng balat, mahaba ang tuwid at itim na buhok na abot hanggang siko, may mapupungay na mata, maliit na ilong at magandang ngiti. “O, ‘di ba Kuya Tony, sabi ko sa’yo e. Ang ganda ‘di ba?” ani Mike. “Kita mo na, hindi niya talaga sasagutin si Kuya dahil ako ang sasagutin niyan. Kapag tumangkad na ako, ako ang manliligaw riyan!” “Ako nga binasted, ikaw pa kaya?” ani Dan. “Asa ka pang tatangkad ka!” Natahimik si Tony. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa niyang kasama. Napako na ang kanyang mga mata kay Kristina na walang malay na may mga matang nakamasid sa kanya. “Alam ko na kung kanino siya bagay,” nakangiting wika ni Mike. “Kanino?” ani Dan. “Kay Kuya Tony!” mabilis na sagot nito. Noon lamang natawag ang pansin ni Tony. Pakiramdam niya’y para siyang nagising sa isang magandang panaginip. “Ha, anong sabi mo? Bagay kami?” Kunyari pa ay hindi niya malinaw na narinig ang sinabi ni Mike. “Oo kuya Tony, sa tingin ko, bagay kayo.” Napaismid si Tony. Kunyari ay hindi siya natuwa sa sinabi ni Mike ngunit sa loob loob niya ay nakaramdam siya ng kiliti sa kanyang puso. “Si Kuya Tony, interesado, balak akong karibalin!” nakasimangot na wika ni Dan. “Hindi ah!”tanggi niya ngunit sumasalungat ang kanyang kalooban. “Ano ba ang totoo niyang pangalan?” tanong niya. “Maria Kristina Regalado po,” tugon ni Mike. “Hindi raw interesado pero panay tanong!” nakaismid na wika ni Dan. “Bakit, masama ba magtanong?” natatawang wika ni Tony. He shrugged his shoulders. “Tara na, uwi na tayo!” yaya niya sa dalawa. Isang beses niya lang narinig ang buong pangalan ng Tintin na iyon, ngunit hindi na niya iyon nakalimutan. Maria Kristina Regalado. Marami na siyang nakita at nakilalang magagandang babae sa Amerika, pero iba pa rin talaga ang gandang Pilipina. Napakasimple lang ni Kristina. Walang kahit anong ekstrang desenyo sa mukha nito kagaya ng biloy. Sa ngiti pa lang nito ay marami na itong gandang naitaob. Ang ngiting iyon ay parang markang naiwan sa kanyang isip. Hindi na huminto ang utak niya sa kakaisip kay Kristina mula nang makita niya ito. And the next thing he knew, nasa harapan na ulit siya ng tindahang tinambayan nila kanina at inaabangan ang muling paglabas ni Kristina. If his neck was only elastic, ay baka singhaba na iyon ng leeg ng giraffe sa kakahanap niya sa dalagita. Nakakailang bili na rin siya ng kung ano ano lang sa tindahang iyon, ngunit hindi pa rin lumalabas ang pakay niya. Bigo siyang umuwi. Ni hindi man lang niya nasilayan ang mukha ni Kristina. At nang gabing iyon ay naging mailap sa kanya ang antok. Kinabukasan, habang nanananghalian ay tinawag niya si Mike. “Mabait ba ‘yon?” tila wala sa sariling tanong niya. “Sino po?” nagtatakang tanong ni Mike. “Iyong nam-basted sa kuya Dan mo,” tugon niya. Hindi siya makatingin ng deretso sa binatilyo. Naiilang siya, nahihiya. “Ah, si Ate Tintin? Aba opo, sobrang bait! ‘Di lang mabait, matalino pa tsaka masipag!” wika ni Mike. Kumunot ang noo nito at sinipat ang mukha ni Tony. “Oy si Kuya Tony, may gusto kay ate Tintin!” tukso nito. Ngumiti lang ang binata, hindi na tumalima pa. Iyon naman ang totoo. Hinatak niya ito sa braso at saka binulungan.. “’Wag mong sasabihin kay kuya Dan mo ha?” bilin niya rito. Tumango si Mike habang nakangiti ng may panunukso. “Hindi po, promise!” anito kasabay ng pagtaas ng kamay bilang pagsumpa. “Sa tingin mo, magugustuhan kaya ako no’n?” nag-aalangang tanong niya. “Gusto n’yo pong malaman? E ‘di ligawan mo!” pilosopong tugon ng binatilyo. Napakamot sa batok si Tony. “Parang bibiglain ko naman ata?” “Pero pwedeng kaibiganin muna,” wika ni Mike. Marami pa siyang itinanong kay Mike tungkol kay Kristina. Gagawin niya ang lahat upang mapalapit dito. Kahit kaibigan lang muna. Kinabukasan, lunes, maaga siyang bumangon. Babaguhin niya ang nakagawian sa States. Naligo siya, nag-almusal, pagkatapos ay nagbihis ng kaswal ngunit presentableng damit, at saka humayo. Nilakad niyang muli ang nilandas niya kahapon, at muli pang tumambay sa harap ng tindahang iyon. Naghintay, nag-abang sa paglabas ni Kristina. Nalaman niya mula kay Mike na mayroong service na tricycle si Kristina kapag papasok sa University at doon siya magsisimula. Maagang natapos ang mga responsibilidad ni Kristina sa kanyang mga nakababatang kapatid kaya maaga rin siyang makakapasok. Minsan lang ang mga ganoong pagkakataon na hindi siya sa loob ng tricycle makakapagsuklay. Nagpaalam na siya sa kanyang ama at lumabas na ng bahay. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang mayroong laman ang tricycle ni Toper. Lalaki iyon. Nagtaka siya kung sino iyon. Ilang buwan na ring mag-isa lang siyang hinahatid sundo ni Toper na siya lang mag-isa, pakyaw niya kasi ito. Gayunpaman nagpatuloy siya sa paghakbang palapit doon. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang naroroon. Iyon ang lalaking napadaan sa may labas ng kanilang bakuran ilang gabi na ang nakararaan! Gwapo nga ito, moreno at halatang matangkad kahit nakaupo. Katamtaman lamang ang kapal ng kilay na lalong nakadaragdag sa ganda ng mga mata nito. Matangos ang ilong nito at natural ang bahagyang pagkapula ng mga labi. Bigla siyang nagbawi ng tingin nang mapalingon sa kanyang gawi ang lalaki. “Hi miss, pasabay ako ha? Ok lang ba?” anang lalaki. Ngumiti ito sa kanya. Napakagaganda ng mapuputi nitong mga ngipin. Napansin kaya nito ang pagtitig niya kanina? Kinabahan siya. Sana naman hindi, dasal ng kanyang isip. “Ha? Ah, sige, ok lang, “ nauutal niyang wika. “Sige, sa likod na ako sasakay.” At saka siya tumalikod. “Hindi miss!” wika ng lalaki. “Dito ka na. Ako na lang sa likod, nakakahiya naman sa’yo,” anito. “Kung gusto mo, pareho na lang tayo rito sa loob, maluwag naman.” “Hindi, hindi! Sige, diyan ka na.” Tatalikod sana muli si Kristina nang hawakan siya ng lalaki sa pamulsuhan ng kanyang kamay. Mabilis niyang binawi ang kamay. “Sorry! I insist, sa loob ka na,” wika ng lalaki at saka ito lumabas. Pumasok si Kristina at umupo ang lalaki sa likod ng tricycle sa tapat niya mismo. Ang totoo ay, nagdulot ng malakuryenteng pakiramdam sa kanyang buong katawan ang ginawang paghawak na iyon sa kanya ng lalaki. Para bang nakakapaso. Iyon ang unang beses na naramdaman niya ito. Tony felt a bit awkward for what he did. Bakit niya ba kasi hinawakan pa si Kristina? Nakalimutan niyang ang ugali nito’y parang si Maria Clara. Baka isipin nito na bastos siya o ‘di kaya ay nananamantala. Napangiti si Tony. Mas maganda pala ang dalaga sa malapitan. May nunal ito sa bandang ibabaw ng labi sa kanan, na lalong nakadagdag sa ganda nito. Lalong nagkagulogulo ang sistema ng kanyang utak at puso. Kanina nang mahawakan niya ang kamay ni Kristina, pakiramdam niya ay para bang iyon ang unang beses na may dumaloy na kuryenteng likha ng damdamin para sa isang babae. He had two ex girlfriends. He had her first girlfriend when he was only a freshman in high school. Tuksuhan lang na nauwi sa totohanan. Pero hindi iyon nagtagal dahil sa mga bata pa sila noon at hindi pa siniseryoso ang salitang ‘relasyon’ at ‘pag-ibig’. His second and last girlfriend was Dianna. Sa tingin niya naman ay minahal niya iyon. Dahil sa liberated sa States, hindi na issue kung babae ang magpakita ng motibo o pagkagusto sa lalaki. Sa madaling salita, si Dianna ang nanligaw sa kanya. Hindi naman siya nahirapang magustuhan ito, palibhasa ay maganda, sexy at popular ito sa kanilang University. They had two good years together. Nasira lang iyon when he found out that she was cheating on him with a guy who she had only met. Nasaktan siya, along with his ego and pride. He split up with her. Eventually, nagsisi din si Dianna after losing him, but too late for her, wala na siyang balak balikan ito. At hindi na iyon nasundan pa. Hindi komportable si Kristina sa kanyang kinauupuan. Pakiramdam niya ay may mga matang nakatitig sa kanya. Gusto niyang lumingon, upang makompirma kung nakatingin nga sa kanya ang lalaking nagdudulot ng laksang kaba sa kanyang puso sa mga sandaling iyon. Ngunit nangangamba siya sa maaari niyang iasal kapag nagsalubong ang kanilang mga mata. Baka maging kahiyahiya na naman siya. Naupo na lamang siyang parang tuod hanggang makarating na siya sa pinapasukang Unibersidad. Pagbaba niya ay bumaba rin ang lalaki. Nagtaka siya kung saan ito pupunta dahil hindi naman ito mukhang estudyante. Nagmadali siyang lumakad papasok sa gate ng campus. Gusto niyang lumingon upang makita kung naroroon pa ang lalaki, ngunit hindi niya ginawa. Sinundan ni Tony ng tingin si Kristina. Hinintay niyang maglaho ito sa kanyang paningin bago siya umuwi. Dahil sa nakita na niya si Kristina at naihatid pa ng tingin, pakiramdam niya ay napakaganda ng simula ng kanyang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD