CHAPTER 3

1216 Words
HINDI nakatulog ng gabing iyon si Ysabel. Hindi kasi mawaglit sa kanyang isipan ang kaganapan kanina. Umuwi itong basang-basa ng ulan dahil sa kanyang pride. Hindi kasi nito maatim na sumakay sa sasakyang pagmamay-ari ng isang ubod ng yabang at pilyong lalaking may bulok na pag-uugali kung iisipin niya pa. Napasabunot na lamang si Ysabel sa kanyang ulo sa pag-iisip sa lalaking iyon. Nag-iisip siya ng paraan para makaganti. Hindi nito lubos maisip na may isang lalaki rito sa baryo nila na sisira ng araw niya. Iniisip nito kung paano niya muling makikita ang lalaki gayong hindi naman nito nasilayan ang kanyang mukha. Tanging kulay ng kotse at plaka lang ang alam nito. "Siguro, pangit iyon kaya ganoon na lamang kung makapagbalot ng sarili," wika ni Ysabel at bahagya pang natawa sa kanyang iniisip. "Anak, anong pinagsasabi mo riyan mag-isa?" nag-aalalang tanong ng ina nito na kasalukuyang katabi niya sa kama. "Ma, alam mo ba kanina, nakita ko na yung drayber ng kotseng dinumihan ang uniporme ko, maangmaangan pa ang acting niya, ma! Grabe!" hindi makapaniwalang pagkukwento ni Ysabel sa kanyang ina "Alam mo, anak, kalimutan mo na iyan dahil nalabhan ko na ang uniporme mo. Balita ko ay may isang Mortelli raw na nagbalik-probinsya. Si Randolf na kaya iyon?" nakangising sabi ni aling Celia para ibahin ang topiko. "S-Si Randolf? Ma?" pag-uulit pa ni Ysabel. Halos mabingi pa si ito nang marinig ang pangalan ng kanyang childhood crush. Hanggang ngayon kasi ay matindi pa rin ang paghanga niya rito kahit ilang taon na ang lumipas. Dahilan kung bakit wala pa rin itong nobyo hanggang ngayon. "Anong malay mo, hindi ba?" tugon naman ni aling Celia saka kumindat sa dalaga bago niya ito talikuran. Nagtalukbong na ito ng kumot samantalang si Ysabel ay nakatitig sa kisame at tila binibilang ang magdaang mga butiki. MAGANDA ang panahon ngayon at tirik na tirik na ang sinag ng sikat ng araw. Nag-unat-unat si Rafael pagkalabas niya ng kotse. Maaga kasi nitong hinatid ang anak ng katulong nilang si Kaye—mag-aaral ni Ysabel. "Kaye, ayos ka lang ba rito?" tanong nito sa bata sabay linga sa paligid at baka nariyan na ang babaeng masungit na pinagtatalakan siya kahapon. "Opo, Kuya pogi!" masiglang tugon ni Kaye sa kanya bago ito kumaway-kaway habang papasok ng klase. Malapit si Rafael sa mga bata. Malapit ang puso niya rito. Sa makatuwid ay may mabuting puso ang binata kahit pa natatabunan ito ng kayabangan at kapilyohan. Malinis ang kanyang kalooban, hindi lang madalas makita ng ibang taong hindi marunong mag-appreciate maliban sa mga magulang ni Kaye na nagtatrabaho sa kanilang mansyon. Kaya't ganoon na lamang niya kung pakitaan ng kabaitan ang pamilya. Bukod sa matagal na silang nagtatrabaho sa kanila ay subok na ang loyalty ng mga ito. Pinaandar ni Rafael ang kanyang kotse paliko sa tapat na kalsada. Itinigil niya ito sa harap ng dalawang palapag na bakery. Ang natatanging branch ng kanilang pastry business dito sa Baryo Estrella. Nakasuot ito ng suit at talagang mukha itong professional sa kanyang pustora. May mamahaling relo at naka sunglasses pa ito. Pagkalabas niya ng kanyang kotse ay agad niyang kinuha ang kanyang sunglasses upang makita ng malinaw ang buong building. Sa hindi kalayuan ay napadaan si Ysabel at agad na inagaw ang kanyang atensyon ng sasakyan na nakaparada sa tapat ng Mortelli's Sweets. Kinutuban agad ito at mas lalong umigting ang kanyang kutob na baka si Randolf na nga iyong lalaking kakababa lamang ng kotse. Hindi niya mawari kung inis o kaba ang kanyang mararamdaman. Una, dahil nakita niyang muli ang dati niyang crush. Pangalawa ay ito yung kaskaserong drayber na pinutikan ang uniporme niya noong kamakailan lang. "R-Randolf?" bulong ni Ysabel sa kanyang sarili. "Just wow! Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko!" nangigigil niyang wika sa kahanginan. Hindi na niya maatim pang titigan si Rafael na inaakala niyang si Randolf dahil sa halo-halong emosyon ang nararamdaman nito. Isa lang naman ang malinaw sa lahat. Miss na miss na niya ang dating lalaking sinusungitan siya araw-araw. Ibinaling na lamang ni Ysabel sa mga bata ang kanyang atensyon upang makalimutan ang natuklasan kaninang umaga lamang habang patungo siya sa paaralan. Coincidence nga naman bagkos sa lahat ba naman ng pwedeng paglagyan ng Mortelli's Sweets ay doon pa sa tapat ng Paaralang Elementarya ng Estrella kung saan nagtuturo ang dalaga. Sa kalooban nito ay nagagalak siyang iyon si Randolf, ang dati niyang crush kaya't baka pwede naman siguro nitong kalimutan ang ginawa nito sa kanya noong isang araw lang. "Teacher, may bisita po ako sa labas. Saglit lamang po," pagpapaalam ni Kaye kay Ysabel pero bago paman ito makalabas ay dumungaw na sa kanilang pintuan ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng suit at gwapong gwapo sa sariling kumaway kay Ysabel. Bahagyang umiwas ng tingin ang dalaga at namumula pa. Doon niya napagtanto na ang lalaking balot na balot noong isang araw na sumundo kay Kaye at ang kapal mukha niyang tinanong kung maari bang sumalo sa payong at ang lalaki sa harapan niya ngayon ay iisa. Ang hindi lamang niya alam ay si Rafael ito at hindi si Randolf. "Hi, Miss Ysabel," mahinang pagbati ni Rafael sa dalaga sabay ngisi rito. Hindi siya matingnan ng dalaga ng diretso sa mata kaya't patuloy lamang ito sa pag-iwas ng tingin. "S-Sige na, Kaye. Pwede ka nang lumabas saglit." Pahintulot pa ni Ysabel kay Kaye. Pasimple nitong sinulyapan sina Kaye at Rafael nang hindi nila nakikita. Iniabot ni Rafael ang isang supot ng snacks kay Kaye na siyang nakapagpataas ng kilay ni Ysabel. Masungit kasi ito sa pagkakakilala niya, hindi siya yung tipong nagbibigay dahil inaagaw pa nga niya ang pagkain ni Ysabel noon, at kapag umiyak na si Ysabel ay iiwanan na niya itong mag-isa. Pero anong malay niya? Baka nga nagbago na ito dahil matagal na panahon na rin naman ang lumipas at baka ang Randolf na kilala niya noon ay iba na sa gwapo at matipunong Randolf ngayon. Noong mga bata pa lamang sila, araw-araw niyang pinupuntahan sa labas ng kanilang mansyon si Randolf. Pinipilit niya itong makipaglaro sa kanya at kahit sinusungitan siya ni Randolf ay nakikipaglaro ito kay Ysabel. Mag-isa lamang kasi si Randolf sa napakalaki nilang mansyon. Kahit pa sabihing may kasama siyang mga katulong ay hindi kailanman mapapalitan ang saya kapag kapwa bata mo ang iyong kasama at kalaro. "Hindi ko lubos akalain na ang dating masungit na lalaking kalaro ko ay ganito na kagandang lalaki at kakisig ngayon. Noon pa lamang ay malayong-malayo ka na sa akin, Randolf. Paano pa kaya ngayon?" Bulong nito sa kahanginan na siya lamang ang makakarinig. Tanging ingay ng mga mag-aaral ang umaalingawngaw sa bawat sulok ng silid. "Okay na, teacher Ysabel," wika ni Kaye nang nakangiti habang pabalik ito sa kanyang upuan. Agad namang binalingan ni Ysabel ng tingin ang pintuan kung saan naroroon si Rafael kanina lang pero wala na ito. Nanghinayang naman ang dalaga ng mga oras na iyon. Ganoon na lamang ang kanyang kagustuhang masilayan ang mukha ni Rafael sa pag-aakalang ito si Randolf—ang matagal na niyang hindi nakikitang kaibigan, lalaking mayroon siyang lihim na pagtingin mula noong mga bata pa lamang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD