CHAPTER 4

1246 Words
Halos mapatalon sa gulat si Ysabel nang biglang may bumusina mula sa kanyang likuran. Pauwi na kasi siya ngayon mula sa eskwela at as usual, maulan na naman. May dala dala naman siyang payong but it still seemed not enough to protect her from the rain drops. Napalingon siya sa lapastangang bumusina ng malakas sa kanya. "Ano bang probl--" Napatigil siya sa sinasabi niya nang mapagtanto na koste iyon ni Rafael. Napaatras siya bigla. Shookt. I am not ready to face him yet. Namukhaan na ba niya ako? Nakikilala niya pa rin ba 'ko? "Sumakay ka na!" wika ni Rafael. Pero tila walang narinig si Ysabel dahil nanatili itong nakatayo sa gilid ng daan. Nag-aalangang sumakay ang dalaga. Naaalala niya ang pagiging arogante ni Rafael kahapon. Hindi pa rin talaga ito nagbabago para sa kanya. Kung gaanong kasungit si Randolf noon ay ito pa rin siya hanggang ngayon. Iyon ang nasa isip niya without knowing it wans't her childhood crush. "A-Ayaw ko!" Pagtatanggi niya saka siya nagsimulang maglakad ulit. Hindi. Hindi siya dapat magpasindak sa kanya. E, ano naman kung crush niya ito noon? Matagal na naman iyon. Things changed now. Sobrang dami nang nagbago. Hindi na sila iyong dating gusgusin, or shall I say, si Ysabel lang pa la ang gusgusin noon. "If you continue to be like that, mapupudpod ang takong mo kalalakad. Ikaw din." Maulan at nagsisimula na namang magputik ang daan. Napabuntong hininga si Ysabel saka nilunok ang pride niya. Mukhang wala na nga siyang choice kundi sumakay dahil mukhang mapilit itong si Rafael. Labag sa kalooban na sumakay siya sa kotseng iyon na hate na hate pa man din niya. Hindi niya iyon makakalimutan. "If you feel bad about what you did to me the other day, Randolf, mag-sorry ka na lang. Wala ka bang balak na mag-sorry sa 'kin matapos ng ginawa mo?" Kompronta nito. Napataas ng kilay niya si Rafael saka napakunot noo. "R-Randolf?" "Oo. Akala mo ba hindi kita kilala? Tsk. Ikaw nga lang siguro itong nakalimot. I used to play with you when we were kids." Pagpapaliwanag niya pa. "At hindi ako makapaniwala na ganito ka nang kaarogante ngayon. Napangisi si Rafael sa kanyang isipan. This girl mistook me for being my twin. Napailing iling na lang siya habang simpleng napangiti. Mukhang magiging masaya ito. If Randolf and this girl had a past, then puwede akong magpanggap na lang muna na Randolf for the mean time. Aniya sa isipan. "See? Natahimik ka dahil wala ka talagang balak na mag-sorry!" "I am sorry, okay? Okay na ba? Matatahimik na ba ang bibig mo?" She pursed her lips and glared at Rafael na nagmamaneho. Tunog napipilitan lang ito nang mag-sorry but it is already better than nothing at all. Tsk. Hindi na naman siya nasurpresa dahil noon pa lang na mga bata na sila, masungit na talaga si Randolf. But how can she be this clueless na ang kasama niya ngayon ay hindi si Randolf kundi ang kakambal nito? Simple lang, dahil maraming taon na ang lumipas. Wala pa sila masyadong muwang nang umalis si Randolf at bumalik nang Maynila. Ngayon naman, na si Rafael ang kinailangang umuwi sa probinisya, inakala niya na ito ang Randolf na noon ay kaibigan niya. "Saan ang bahay niyo?" tanong ng binata sa gitna ng pagmamaneho nito. "Malapit na tayo. Diretso lang naman." Nakalimutan na ba nito ang bahay namin? Kung sa bagay, matagal na panahon na rin naman kasi ang lumipas. Malamang sa malamang ay limot na nito. "Are we close before?" tanong ni Rafael na tila gustong makakuha ng ideya. Napataas ng kilay niya si Ysabel. Mukhang pati ako ay nakalimutan na nga nito ah? Tsk. Inis na wika niya sa isipan. Iniisip niya tuloy na baka siya lang noon ang nag-akala na magkaibigan na sila ni Randolf. Iniisip niya na ni isang memory nila ng binata ay hindi naman talaga nito pinahalagahan. "Hindi," mabilis na sagot ni Ysabel. Hindi na bale. Kung hindi niya ako maalala, bakit ko pipilitin ang sarili ko? Aniya sa kanyang isipan. Huminto ang kotse ni Rafael sa tapat ng kanilang bahay. Lalabas na sana si Ysabale pero natigilan siya nang magsalita si Rafael. "It was nice seeing you again, Ysabel," anito na siyang nakapagpatindig ng balahibo niya. Nilingon nito ang binata na parang nagtataka. "You remembered me?" Ngumiti si Rafael. "How can I forget?" nakangisi nitong sagot. Matalino si Rafael. Madali niyang nabasa ang tumatakbo sa isipan ni Ysabel base pa lang sa mga sagot nito sa kanya. Mukha ngang may koneksyon ang babaeng ito sa kakambal kong si Randolf. Aniya sa isipan. Napatulala na lang si Ysabel habang papasok siya sa loob ng bahay nila. Hindi niya alam kung dahil lang ba iyon sa lamig o dahil sa nangyari kanina. Impit siyang napangiti habang iniisip na naalala siya ni Randolf. Kinikilig siya na ewan! "Hoy, takpan mo naman 'yang bunganga mo at baka pasukan iyan ng lamok." Suway ng Kuya Yvan niya habang naglalagay ng palaman sa kanyang tinapay. "Tse! Kumain ka na nga lang diyan. Ako na naman ang nakita mo!" Pagsusuplada nito. "Sus, kunwari ka pa. Ang sabihin mo, kinikilig ka lang dahil umuwi dito ang kakambal ni Randolf! Hindi siya iyon pero magkamukha naman sila kaya pwede na rin naman." Napahalukipkip si Ysabel saka napatayo. "What?! H-Hindi iyon si Randolf??" histerikal na sigaw niya. Tila nabingi yata siya sa mga sinabi ng Kuya Yvan niya. Ano raw? Hindi ito si Randolf?? E, kung gano'n? Nagsinungaling ito sa kanya kanina?? Pinagtitrip-an talaga ako ng lalaking iyon!! Nanggagaliti niyang sigaw sa isipan niya. "Kung makapag-react ka naman, bakit? Nagkita na ba kayo? Nalito ka ba? Baliw. Ayan kasi. Asang-asa ka agad masyado," natatawang pang-aasar ng kuya niya. Pulang-pula na ang mukha niya ngayon sa inis dagdagan pa ng pang-aasar ng kuya niya. Ang galing rin naman talagang um-acting ng lalaking 'yon! Naisahan niya ako! Bukas talaga y malalagot siya sa 'kin kapag nagkita kami ulit! "Alam mo, kuya, isa ka pa talagang nagpapainit ng ulo ko, e. Akin na nga iyang peanut butter! Kain nang kain hindi nagbibigay!" inis na aniya saka inagaw ang palaman na hawak ng kuya niya. Habang nilalagyan niya iyon ng palaman ay binuhos niya sa tinapay ang inis niya sa kakambal ni Randolf. "Anong pangalan nung kakambal ni Randolf?" tanong niya sa kuya niya. "Aba, interisado? Ma, si Ysa, o. Interisado na naman sa kakambal ni Randolf. Akala ko ba kay Randolf lang kakalampag 'to?" Pang-aasar muli nito. "Ikaw kuya sumosobra ka na sa pang-aasar mo sa 'kin, ha! Kapag si Randolf naalala pa rin ako kapag umuwi siya, who you ka sa 'kin!" "Mangarap ka ng gising, Ysabel. Alam mo, mayaman iyon. Kumbaga, ikaw lupa, siya ang langit. Madaming city girls ang nagkakandarapa do'n." Sumama na lang tuloy bigla ang loob ni Ysabel. Napanguso siya habang sinusubo ang tinapay na nilagyan niya ng peanut butter habang nanlilisik ang mga mata niya sa kuya niya habang kinakain niya iyon. "Para mo naman akong kakainin diyan sa titig mo. Oo na sasabihin ko na. Si Rafael iyong kambal ni Randolf, okay? Siya ang umuwi at hindi ang childhood crush mo." Pagpapaliwanag ng kuya niya. Rafael, Rafael, Rafael. Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko simula noong unang araw na nagkita tayo. May araw ka rin talaga sa 'kin kupal ka. Aniya sa isipan saka sinuksok sa bunganga niya ang tinapay. Hindi na siya makapaghintay na makita ulit si Rafael nang makaltukan na niya ito dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD