CHAPTER 5

2112 Words
Nasa tapat lang Paaralang Elementarya ng Estrella ang branch ng bake shop nina Rafael kung saan siya paminsan-minsang naglalagi bukod sa pagtatambay sa mansion nila. At ngayon, inaabangan niya na agad ang pagdaan ni Ysabel nang makapagsimula na siya sa mga panibago niyang hakbang para rito bilang si Randolf kuno. Wala lang, he just want to have some fun at mukhang nakakatuwa si Ysabel para sa kanya kaya ito ang una niyang bibiktimahin. Ngingisi ngisi pa siya habang humihigop ng kanyang kape at nakatanaw sa labas. Glass ang paligid ng bake shop nila kaya mula sa loob ay makikita niya ang mga mukha ng mga taong nagsisidaan sa labas. Bawat makita niyang chicks ay pamatay na ngiti ang ibinibigay niya rito dahilan para halos mangisay naman ang mga ito. He can't help it. He is undeniably handsome, at pilyo. Halos mapatigil siya sa pag-inom niya ng kape nang mahagip ng tingin niya si Ysabel habang naglalakad at paatwid na ng kalsada. Nagkandahulog ang mga dala nitong mga papel sa daan kaya at nagkalat iyon. "Tsk tsk," wika ni Rafael habang nakatingin sa kanya mula sa loob. "Maganda sana, pero tanga," dugtong pa niya. Wala sana siyang balak na tulungan ito pero dahil mukhang kailangan niyang magpa-impress ngayon ay nagmamadali siyang lumabas. Pabukas pa lang siya ng sliding window nila nang bigla nang makita niyang may isang lalaking tumutulong kay Ysabel na pulutin ang mga nagkandahulog nitong gamit. He was wearing the same uniform as she is. Siguro ay katrabaho niya o. Siguro ay isa rin iyong teacher. Iyon ang nasa isipan niya. "Psh. Agaw eksena." Reklamo niya. Natatarantang pinulot ni Ysabel ang mga gamit niya. Kung saan naman patawid na sana siya ng kalsada saka pa ito nangyari. Tuloy ay pakiramdam niya, harang siya sa daan. Mabuti na lang at dumating ang co-teacher niyang si Calvin. Tinulungan siya nito na pulutin isa-isa ang mga gamit niya. "Uy, Calvin. Salamat, ha?" aniya pa. "Here, ito pa. Sa susunod kasi, huwag mo nang dalhin lahat. You can leave it in school. Hindi ka si super woman," ani Calvin sa kanya. Natawa siya ng kaunti. "Oo nga. Sa susunod babawasan ko na ang dinadala ko nang hindi na masyadong magkaaberya sa daan," nahihiya niyang sagot. Hindi maipagkakaila na sa lahat ng mga bagong teachers dito sa Estrella, isa si Calvin sa pinakamakisig at guwapo. Mala-labanos kasi ang kutis nito saka lahing Hapon ang tatay. Singkit ang mga mata nito at masyadong matangkad kung ikukumpara sa iba pang mga lalaking teacher dito sa pinagtuturuan nila. "Nga pa la, congrats sa pagiging newly-hired teacher mo dito sa Estrella. Kung hindi ka pa sanay sa barriotic life, naku mahihirapan ka talaga dito sa una. Pero along the waym matututo ka rin naman, 'yun nga lang, medyo mahirap," wika ni Ysabel habang naglalakad sila sa hallway papasok ng paaralan. "Aww, thank you. Sa tingin ko hindi naman ako gaanong mahihirapan since I grew up in a province as well with my grand parents. Pero kung tutulungan mo naman ako, Ms. Ysabel, I think it would be much better," nakangiting sagot ni Calvin. Naglaho tuloy bigla ang mga mata nito. Hindi na halos makita kapag nakangiti, e. Namula si Ysabel sa mga sinabi nito. Hoy, Ysa. Maghunos dili ka nga. Nagpapatulong lang sa 'yo 'yong tao, e. Kung ano ano na naman agad ang pumapasok diyan sa kukote mo. Suway niya sa sarili niyang pag-iisip. Sa dinami dami ng mga teacher sa Estrella Elementary School? Bakit siya pa? Bakit sa kanya pa talaga? "S-Sa akin talaga? S-Sure ka ba?" Natawa ng mahina si Calvin,. "Why? Hindi ba puwede? I am sorry. Don't worry I will seek help from other teaching staffs na lang--" "No, o-okay lang. Ano ka ba? Para ka namang iba. Don't worry. I can help you naman when it come to adjusting in this new environment. Minsan na rin akong naging tulad mo na baguhan. Ang kinaiba lang naman natin ay taga dito ako mismo." "Thank you, Ysa. Thank you for not refusing to me." Abot langit ang ngiti nito na ani mo ay nanalo sa lotto. E, wala pa nga namang naitulong para sa kanya ang dalaga. Napakamot na lang si Ysabel sa kanyang batok. Ano ba itong pinasok mo Ysa? Hmp! Sa paglalakad niya ay nakasalubong niya ang studyante niyang si Kaye. Nagtaka siya saka napatigil. Mag-a-alas otso na pero mukhang lalabas pa ito. Saan naman kaya ito pupunta e magsisimula na maya-maya lang ang klase nila? "O, Kaye. Saan ka pupunta? Magsisimula na ang klase maya maya ah?" Puna nito. "E, ma'am pupuntahan ko lang po si Kuya Pogi doon sa tapat ng iskul natin. Doon ang bakeshop nila, e." Oo nga pa la. Muntik na niyang makalimutan. Isang Mortelli si Rafael at ang malaking bake shop sa harapan ng school nila ay pag-aari ng mga ito. Well, sikat salarangan ng pagbi-bake ang pamilya nila kaya baka nga namana iyon ng mga anak. In the end, sa kanila pa rin naman ipapamana ang business ng mga Mortelli. They are the only heir after all. Silang dalawa lang ni Randolf. Napangisi si Ysabel sa ideya na pumasok sa isipan niya. Well, mukhang umaayon sa kanya ang tadhana ngayon. Kapag sinuswerte ka nga naman, oo. "Calvin, mauna ka na, ha? Samahan ko lang itong studyante ko." Tumango lang si Calvin. "Sure, mag-iingat kayo." Hinawakan ni Ysabel ang kamay ni Kaye. Mahirap para sa isang bata na patawid tawid lang ng kalsada lalo na kapag walang kasama. Hindi niya masasabi kung kailan mangyayari ang mga aksidente. Marami pa naman din mga kaskaserong drayber diyan sa tabi tabi at isa na don si Rafael na ngayon ay nagpapakulo pa rin ng dugo ni Ysabel. "Kaye, anong gagawin mo doon kay Kuya Pogi mo? E, may klase na tayo. Saka, hindi mo ba naisip na puwede kang masagasaan diyan sa tapat kapag tumawid ka ng kalsada na walang kasama? Delikado. E, ang liit liit mo pa naman." "E, Teacher Ysa, diyaan naman siya maghihintay sa tapat, e. Pero salamat po at sinamahan ninyo ako," nakangiting sagot ni Kaye. Makita pa lang ni Ysabel ang bake shop ng mga Mortelli ay si Randolf agad ang naaalala niya. Pero ngayon, si Rafael na. Akala siguro ng bugok na 'yon ay maloloko niya ako, ha? Aniya sa isipan habang nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa bake shop na nasa tapat ng paaralan. "Kung makatingin ka diyan sa bakeshop namin, parang gusto mong ipa-demolish, ah. Do you have a problem with our business, Ms. Ysabel?" wika ng isang pamilyar na boses. Agad na napabaling ng tingin dito si Ysabel pati na rin si Kaye. Nagsalubong agad ang tingin ng dalaga nang makita niya si Rafel na nakasandal sa pader sa labas ng paaralan habang nakapamulsa pa. Agad na nag-init ang ulo niya. Akyat hanggang ulo ang init ng dugo niya kay Rafael. Kung gaano siya kapapansin kay Randolf noon, ay gano'n niya kagustong maglaho sa Barrio Estrella si Rafael ngayon. "O, nandiyan na pa la ang kuya pogi mo, Kaye," wika niya na nagkukunware na parang hindi niya pa alam ang katotohanan. "Kuya Pogil, akala ko po ay nasa bakeshop pa kayo." "Puwede ba naman 'yon, Kaye? Delikado para sa 'yo na tumawid tawid ng daan kaya ako na ang tumawid agad dito. Heto, pabaon sa 'yo 'yan. Kainin mo at ubusin ha?" Bilin pa ni Rafael. Sinamaan ito ng tingin ni Ysabel saka muling tumingin kay Kaye. "Okay na ba, Kaye? Wala na bang iba? Kailangan na nating pumasok dahil may klase pa tayo. Nag-nod lang si Kaye. "Okay na po, Teacher." Imbes na kumprontahin si Rafael ay pinili na lang muna ni Ysabel na itikom ang bibig niya at hintayin kung hanggang kailan ba balak ni Rafael na pangatawanan ang pagpapanggap niya. Gusto niya itong tingnan habang ginagawa niya ang kasinungalingan niya. Akmang tatalikod na sana sila para bumalik sa loob ng paaralan nang magsalita pa ulit si Rafael. "Ms. Ysabel," tawag niya dito. Agad na nakuha niya ang atensyon ng dalaga kaya napalingon ito sa kanya. Nilingon siya ni Ysabel na may isang sarkastikong ngiti. "Yes, Randolf?" anito na pinagdiinan pa ang salitang 'Randolf' "If you are free later this afternoon, can you come over to our bake shop? I felt the need to talk about everything that we missed since I moved in to Manila. 'Yun ay kung okay lang naman sa 'yo?" Humugot ng buntong hininga ang dalaga habang nag-iisip. Hmm, wala naman sigurong mangyayaring masama kung pauunlakan ko ang paanyaya niya hindi ba? Isa pa, the more na mas napapalapit ako sa kanya, the more na makakahanap ako ng ebidensya ng kasinungalingan niya. Kung mahuli man niya ito, for sure sa bibig niya iyon dapat manggagaling. "Sure. Walang problema, Randolf." Naninindig ang balahibo ni Ysabel habang sinasabi niya ang pangalan ni Randolf sa mismong harapan ni Rafael. It's kind of cringe pero kailangan niya itong sakyan. Ngising ngisi tuloy si Rafael habang pabalik siya sa bake shop nila. Wala naman siyang choice kundi ang magpunta dito at magbantay. His Dad wants him to inherit their business since hilig ito ni Rafael, pero ayaw niya ng madaliang tagumpay. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit labag sa kalooban, he stayed here to take care of their business and at the same time, hinahasa niya rin ang baking skills niya. He wants to build a name of his own. Yung makikilala siya dahil sa sarili niiyang pagsisikap at hindi dahil isa siyang Mortelli. Ma-pride man kung pakikinggan, pero iyon ang gusto niya at walang makakapigil sa pangarap niyang ito. Kinahapunan, napansin na lang ni Ysabel ang sarili niya na nagpapaganda. Tapos na ang klase at naalala niyang magkikita sila ngayon ni Rafael. Habang kaharap niya ang sarili niya sa salamin ay napakagat siya ng labi. "Bakit ba ako nag-aayos ha? E mag-uusap lang naman kami. Hindi iyon date, Ysa. Gumising ka nga!" Suway niya sa mismong sarili niya. Akala niya siguro ay siya na lang mag-isa ang nasa klasrum. Hindi niya alam ay nakatitig na pa la sa kanya ang tatlo niyang mga studyante na nakatoka ngayon sa paglilinis ng klasrum bago ang uwian. Nagtatakang napanganga ang mga ito sa teacher nila na nagsasalita mag-isa sabay kamot ng kani-kanilang ulo, "Okay lang ba si Teacher Ysa?" bulong ng isa. "Mukhang okay naman. Siguro may kausap?" sagot naman ng isa, "E, siya lang naman mag-isa ang nasa lamesa niya, e.?" Pati tuloy ang mga bata ay hindi alam kung bakit nagsasalitang mag-isa ang Teacher Ysa nila kaya napakibit-balikat na lang ang mga ito saka ipinagpatuloy ang paglilinis. Nang makalabas ng paaralan si Ysabel ay hindi niya maipaliwanag ang kaba na nararamdaman niya ngayon na palapit na siya nang palapit sa bake shop nina Rafael. Paano kung anong gawin nito sa kanya? Ano ba talagang balak nito? Hindi pa siya handang isuko ang p********e niya! Aniya sa isipan. Agad rin nyang nabatukan ang sarili niya dahil sa kung ano anong tumatakbo sa isip niya. Breathe in, breathe out, Ysa. Relax ka lang. Si Rafael lang iyon. Hindi si Randolf pero kamukha niya naman kaya huwag ka nang umarte! Pilit niyang kinakalma ang sarili niya hanggang sa napatigil na nga siya sa tapat ng bakeshop ng mga Mortelli. She was about to open it nang biglang bumukas ito at hinila agad siya papasok habang takip takip ang bibig niya. Napasinghap siya sa gulat. Halos atakihin siya sa puso sa kaba. Namilog ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. "A-Ano ba! Bakit ka ba nanghihila?!" singhal niya nang makawala siya sa mga kamay nito, "Sorry, e kasi baka may makakita sa 'yo na pumasok dito. Sarado kami ngayon, e." Napalunok ng laway niya si Ysabel. S-Sarado? It means walang ibang customers? Napadasal agad siya sa isipan niya. Nagawa nga nitong magsinungaling! Ibig sabihin, magagawa rin nitong gawan siya ng masama! Iyon ang iniisip niya. Hindi niya lang pinahalata pero kinakabahan na siya ngayon pa lang. "Bakit ka namumutla? Take a seat," ani Rafael sa kanya. Humila siya ng isa sa pinakamalapit na upuan. Magara ang loob ng bake shop. Masyadong malaki ang space para sa mga tinapay lang. Ang talino talaga ni Mr. Mortelli. Hindi akalain ni Ysabel na mayroon din pa lang coffee section sa loob. Partner kasi lagi talaga ng tinapay ang kape. "S-So, anong gusto mong pag-usapan natin?" nautal na tanong ni Ysabel. "Gusto ko?" Pag-uulit pa ng binata. "Uhuh." Napangisi ito saka nilapit ang mukha niya sa dalaga. Napaawang naman ang mga labi ni Ysabel saka nilayo ng kaunti ang kanyang mukha. "A-Ano ba. . ." aniya. "Ang gusto ko. . .ikaw." Nakakabinging katahimikan. Tila umatras ang dulo ng dila ni Ysabel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD