CHAPTER 6

2082 Words
Napakurpa-kurap ng kanyang mga mata si Ysbael saka nilayo ang mukha niya mula kay Rafael. Maagap niyang ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang mga mata. "Ano bang pinagsasabi mo?" wala sa sarili niyang sagot,. "Ikaw naman, 'di ka naman mabiro. Are you hungry? Nakatingin ka sa naka-display na tinapay, e." Tuloy ay napakagat siya ng kanyang labi sabay lunok ng laway niya. In fairness, mukang masasarap ang mga tinapay. "Mas masarap kaharap ang mga tinapay kaysa sa 'yo, R-Randolf." Pagdadahilan niya pa. Mas lalong lumapad ang ngisi ng binata. "Really? Pero. . .you have'nt tried me yet. Mas masarap ako," sagot pa nito nang may pang-aakit sa boses niya. "Kanina ka pa. Kapag hindi ka tumigil diyan, mababatukan na kita!" Pagbabanta pa ni Ysabel habang nanlalaki ang mga mata niya. Kung huhusgahan mo siya base sa ekspresyon ng mukha niya ay para itong lalamon ng buo. Masyado mo kasi siyang binibigla-bigla, Rafael, e. Mag-bwelo ka naman paminsan-minsan. "Joke lang. Pero if you want to try. . ." Agad na binusalan ni Ysabel ang bibig nito gamit ang mga daliri niya sa gulat niya. "Sssssshhhh!!" aniya. She doesn't want to hear more. Nababastusan siya pakinggan ang ganoong mga pinipiling salita nito. "Okay okay. Just sit down and relax. I am going to get you something to eat," natatawang wika ni Rafael bago niya iniwan saglit si Ysabel para kumuha ng makakain. Dahil wala pa naman ang binata ay nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng bake shop na iyon. Puwedeng mag-dine in ang customers dito. Perfect place lalo pa at nasa harap ng eskwelahan. Talagang pawi ang gutom mo dito. Hindi ka rin ginigisa na para kang nasa impyerno dahil airconditioned ang buong lugar. This one is a good place though. Kahit ngayon lang nakapunta dito si Ysabel after she has been hired as a teacher one is Estrella Elementary School. Bahay at eskwela lang kasi lagi ang routa niya. Ni hindi nga niya naranasan na lumabas kasama ang mga kaibigan niya, o makipag-date man lang. Nakakahiya man na aminin, pero she never got a boyfriend ever since. Isa pa, isa't kalahating pilyo at sulsol ang kuya niya. Kaya iniiwasan niya talagang magka-boyfriend minsan, e. Dahil sa kuya niya na napakamapang-asar. Gigil na gigil siya rito at sa dalawa niyang mga nakakatandang kapatid, ito ang pinaka-hate niya sa lahat. Saka, isa pa, hindi siya nawawalan ng pag-asa na baka bumalik si Randolf. Na baka pagbalik nito ay magkita silang muli. Maamin niya man lang sana dito na gusto niya ito noon pa. Kahit na may pag-asa man siya, o wala. "O, baka malunod ka na diyan sa lalim ng iniisip mo." Halos bumagsak ang panga ni Ysabel dahil sa gulat nang biglang nagsalita si Rafael. Nakatayo ito sa kanyang harapan na may hawak-hawak pang tray. He is topless at tanging apron lang ang saplot nito sa katawan. Nang balingan siya ng tingin ng dalaga ay halos mapatulala siya habang tinitingnan ang katawan ng binata na nakatambad sa kanyang pagmumukha. Pawis na pawis pa ito na mas lalong nakadagdag ng kakisigan niya. "What do you want to eat? This cake, or. . .me?" pilyo pa nitong sinabi. Napairap si Ysabel. "Tsk. Seriously, Randolf. Kailan ka pa natuto ng kapilyuhan? Kanina ka pa sa 'kin at bibingo ka na talaga. The Randolf I knew isn't like that," ani Ysabel na tila sinusubukan kung magpapahuli ba ang binata ngayon. Hmmmm. Paano ka ngayong magtatanggol sa sarili mo, kupal? Stop pretending to be someone else! Pagprotesta ni Ysabel sa kanyang isipan pero nakangiti siya sa harapan ni Rafael. That caught Rafael. Hindi siya agad nakapag-isip ng isasagot niya kaya wala sa sariling nailapag niya ang tray sa lamesa. "W-Well . . . a-ano kasi, in Manila, y-you know? Medyo liberated kami do'n. Hindi lang medyo, ha. But girls really are so naughty there kaya nasanay na kaming sabayan sila. But don't get me wrong, I am a good boy in Manila." Pagpapaliwanag naman nito. Akala naman nito ay mapapaniwala niya nang gano'n gano'n lang si Ysabel. Ngayon na huli na niya ito, mas marami na siyang puwedeng gawin laban dito para ma-corner niya ito at mahuli sa mismong bunganga niya in the end. Napa-smirk si Ysabel sa isipan niya. Really, Rafael? You are a good boy in Manila? Tsk. Ma-search nga kita mamaya nang malaman ko kung good boy kang talaga. Madalas kasing marinig ng dalaga noon patungkol nina Randolf na magkaiba ng ugali ang dalawa. As in salungat sa isa't isa. Kung gaanong kapareho ang mga mukha nila, ay gano'n kasalungat ang mga ugali nila. At , halos lahat nang naririnig niya patungkol sa kakambal ni Randolf ay masasabi niya na hindi maganda. Naisip rin ni Ysabel na mukhang isa itong magandang paraan para mas kilalanin niya si Rafael. "Oo nga naman, ano? Saka, mga bata pa kasi tayo no'n, e. Marami na nga sigurong nagbago." Pagkukunwari pa na sagot ng dalaga. Hinubad ni Rafael sa mismong harapan niya ang suot nitong apron. Agad na napanganga si Ysa. "Hoy! Ano'ng ginagawa mo?" Suway niya habang salubong ang mga kilay. "Why? It's so hot inside the kitchen." "Nababaliw ka na ba? Baka magkapulmonya ka niyan sa ginagawa mo. Naka-aircon tayo dito tapos wala kang damit?" Pangaral ng dalaga sa kanya. Para tuloy siyang nanay niya na nangangaral sa isang matigas na ulong anak. "Hey, you sound like my mom. Fine then, I will just get something to wear." Tumayo na ito at akmang maglalakad na para kumuha ng damit nang biglang magsalita si Ysa. "Wait!" Pigil ni Ysabel kaya napahinto sa paglalakad ang binata. Napakunot ng kanyang noo ang binata. "Hmmm?" "Did you make this?" tanong ni Ysa habang nakaturo sa cake na nasa harapan niya. It looks yummy. Mocha flavored cake ito at ito ang pinakapaborito niyang flavor since mahilig siya sa kape. Mocha tastes close to coffee kaya niya ito paborito. Ngumiti si Rafa. "Uhuh. Why?" Napailing-iling ang dalaga. "N-Nothing. Mukhang masarap. Magaling ka pa lang mag-bake." Pagpupuri pa ni Ysabel habang nakatingan sa cake. "It runs through the blood, Ysa. And if you don't ask, mas masarap ako kaysa diyan," nakangisi niyang sagot. Tatawa tawa pa ito habang papasok sa isang silid kung saan siya kumuha ng damit na pamalit niya. Napailing iling na lang talaga si Ysabel sa kakulitan ni Rafael. Napangiti siya ng simple habang nakatitig lang sa cake. It looks so simple pero mukhang masarap. Is this really for me? Aniya pa sa isipan. "Hindi mo pa rin ginagalaw? Gusto mo bang ako na lang ang gumalaw sa---" "Kakainin ko na!" Putol ni Ysabel sa sasabihin nito at baka kung saan na namang mapunta ang usapan. Sa gitna ng pagkain niya ay nakatitig lang sa kanya si Rafael habang mukhang takam na takam na pinagmamasdan siya habang kumakain. "Akala ko, ako 'yung masarap. Pero mukhang mas masarap kang panoorin habang kumakain kaysa diyan sa cake," anito pa sabay ngiti ng nakakaloko. Simple siyang sinipa tuloy ni Ysabel mula sa ilalim ng lamesa. "Ouch!" Reklamo nito, "Bagay 'yan sa pilyong tulad mo. Kailan ka pa natutong magdaldal, Rafa? Alam mo ba,. when we were just kids, ang tahimik mo. Sobra! Ni minsan ka nga lang magsalita ng tatlo hanggang limang salita sa isang araw. Ako lang itong kulit nang kulit sa 'yo na makipaglaro sa akin noon, e. Araw-araw kitang pinupuntahan sa inyo." Pagkukuwento pa ni Ysa kay Rafael na para bang binibigyan ito ng kaunting ideya. Gusto niya lang makita kung paanong pagtatakpan ni Rafael ang kasinungalingan niya. Gusto niyang makita kung paanong magre-react si Rafael sa harap niya. "W-Well, hindi ko na s-siguro iyan maalala. You know, things were different now than before. But, at least, I've got to still remember you. Paano naman kitang makakalimutan?" Banat pa nito. Simpleng napairap si Ysabel. Sige lang, Rafael. Magsinungaling ka lang. Tingnan natin hanggang saan ka dadalhin niyan. "Naaalala mo pa ba kung ano ang pinakalinyahan mo sa 'kin dati?" Napaklaro bigla ng lalamunan niya si Rafa. This girl really! Ba't andami niyang tanong? Teacher ba talaga siya, o member ng SOCO? Wika ni Rafael sa kanyang isip. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso sa dalaga dahil baka mamaya ay kung ano ang masagot niya at mabuking siya agad. "T-Tulad nga ng sabi ko, things changed now. I-I think I already forgot that line." Pagdadahilan niya. Tsk. Ang boring naman nitong si Rafael. Masyado siyang playing safe kung si Ysabel pa ang magsasabi. Mukha ngang wala siyang balak na magpahuli rito. "Anyway, how was the cake? Naubos mo na ang isang saucer without even giving me a slice," nakangusong ani Rafael na mukhang nagpapa-cute pa. Akala siguro niya ay tatalab iyon kay Ysabel. "Ay, sorry! Akala ko ba para sa 'kin 'to?" kunot noo na tanong niya. "Actually, hindi talaga dapat iyan ang para sa 'yo." Napa-ha si Ysabel. Hindi niya masyadong na-gets ang sinabi nito. "Huh? E ano?" "Ako. Ako yata ang bagay sa 'yo." sagot ni Rafael habang nakangiti ng nakakaloko. Napatayo si Ysabel. "You know what, I think I should get going. Masyado na yatang lumalakas ang aircon at nilalamig na ako sa dala nitong hangin," pabalang na sagot ni Ysabel saka pinagdiinan pa ang salitang hangin. Tawang-tawa si Rafael sa isipan niya dahil naaasar niya ang dalaga. Ito ang gusto niya, e. Mga babaeng pakipot at palaban. Hindi iyong babaeng isang salita niya pa lang at isang pa-impress pa lang ay kumakagat na agad o 'di kaya ay bumibigay na agad. He finds it boring. Pero si Ysabel? He finds her interesting. Mukhang hindi nga magiging madali ang pagpapa-impress niya dito lalo pa na nakikita niya na mukhang may gusto pa ito sa kakambal niyang si Randolf. Sa kapilyuhan niya ay nakaisip siya ng isang ideya. What if gawin niya ang lahat para mapaibig niya si Ysabel? That would be a good idea para inisin ang kuya niya. Lalo pa at may hindi sila pagkakaunawaan ni Randolf dahil para sa kanya, lagi itong nagmamagaling sa lahat ng bagay. Lagi siyang nakukumpara sa kakambal niya at iyon ang bagay na hindi niya talaga gusto. Nanliliit siya sa tuwing nakukumpara silang dalawa. Sino ba naman siya para itapat kay Randolf? Matalino, mabait, at isa pa ay responsable at disiplinado. Lagi nitong nakasunod sa kung anong gusto ng daddy nila. Isa ito sa inaasahan ng daddy nila pagdating sa mga negosyo ng mga Mortelli. Samantalang siya, bad boy, babaero, pilyo, hindi nagseseryoso. Iyon ang tingin nilang lahat sa kanya. Hindi nila alam, he also has a dream. He has a dream to build a name of his own. 'Yung makikilala siya sa kung ano ang sinimulan niya at magtatagumpay siya dahil nagsimula siya sa wala. Gano'n siguro kataas ang tingin niya sa sarili niya na kaya niya kahit na hindi siya nakasandal sa apilyedo nilang Mortelli. "Wait." Pigil niya sa dalaga mula sa pag-alis sabay hawak nito sa kamay ni Ysabel. Napadako doon ang tingin ng dalaga habang namumula ang pisngi niya. Hindi naman siguro siya namamalikmata? Hawak ba talaga nito ang kamay niya? "Bakit?" sagot niya saka mabilis na binawi ang kanyang kamay. "P-Puwede ko bang mahingi ang number mo?" Nabingi pa yata si Ysabel. Teka, awat muna, Ysabel! Bakit parang ang bilis naman yata? Hindi niya alam kung magpapakipot ba siya o ilalabas na lang niya ang cell phone niya. Pero ang lola niyo, ayun hindi na yata namalayan na binibigay na niya ang cell phone number niya. Akala ko ba pakipot effect muna ang dalagang Pilipina, Ysa? "Thanks. Expect my call tonight. Or, shall I ride you home? What do you think?" Aaaackkk. Sumasakit ang ulo ni Ysabel. Bakit ka ganyan, Rafael? Feeling tuloy niya ay naiipit siya. O baka ini-imagine niya lang na ang kaharap niya ngayon ay ang kakambal nitong si Randolf kaya gano'n na lang kung mapapayag siya nito agad agad? Napansin niya na lang na nasa kotse na siya ng binata at handa na para iuwi siya nito sa kanila. Malalagot na naman siya nito sa kuya niya. For sure, mang-aasar na naman iyon kapag nakita niyang hinatid ni Rafael si Ysa. Sa lahat ng bunganga, bunganga ng Kuya Yvan niya ang gusto niyang tahiin e. "Fasten your seat belt. Malubag ang daan dito sa baryo. Baka aksidenteng mahulog ka sa 'kin." Banat pa ulit ni Rafael saka kumindat pa kay Ysa. Iba talaga ng self confidence ng isang 'to. Siguro kung hindi niya alam na nagpapanggap lang ito ay baka kinilig na siya, pero hindi e. Init ng dugo ang naramdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD