CHAPTER 7

2405 Words
Mapang-asar agad ang mga tinitig ng Kuya ni Ysabel sa kanya nang makapasok siya sa loob ng bahay nila. Paano ay nakadungaw siya kanina sa bintana habang pababa ang dalaga ng kotse. Nakita niyang inihatid ito ni Rafael kaya hanggang ngayon ay abot hanggang langit ang ngisi niya. May ipang-aasar na naman kasi siya sa kaaptid niya. "Ma, o si Ysa. Nakita kong hinatid ng Mortelli na 'yon." Sumbong pa nito sa nanay nila nang makapasok na si Ysabel sa bahay. Talagang sinadya niya itong iparinig sa dalaga para inisin ito at nagtagumpay nga siya. "Kuya!! Magtigil ka nga!" Suway niya dito. Didiretso na lang sana siya sa kuwarto niya nang biglang magsalita ang nanay niya na kalalabas lang din ng kusina. Sinundan ito ng kaibigan niyang si Therese. O, nandito pa la ang babaeng 'to? Akala ko naman ay nakalimutan na niya ako. Wika niya sa kanyang isipan. "Ysabel. Tama ba ang sinabi ng kuya mo? Hinatid ka ni Rafael?" kunot noo na tanong ng nanay nila. Napakamot siya ng ulo saka niya sinamaan ng tingin ang kuya niya bago binalingan muli ng tingin ang nanay niya. "O-Opo. Pero hinatid niya lang ako, okay? Walang malisya 'yon." Pagdedepensa niya agad. "Asus, pakipot ka pa, e. Ang sabihin mo, wala si Randolf kaya si Rafa ang next target mo?" Pinandilatan niya ng mga mata ang kuya niya. "Nakakainis ka na! Sumosobra ka na talaga, Kuya!!" singhal niya pa habang nakapamewang. "Ang mabuti pa bes, tara na at magmeryenda. Naghanda si aunty, o. Magbihis ka na doon nang makakain na tayo," sagot ni Therese nang matigil na ang pagbabangayan ng dalawa. Ngingisi ngisi pa ang Kuya Yvan niya without knowing na inis na inis at pikon na pikon na ang dalaga sa kanya. Padabog pa nga itong pumasok sa kuwarto niya saka binalibag ang pinto. Parehas lang ang Kuya Yvan niya saka si Rafa na walang ibang ginawa kundi painitin ang ulo niya. Nang makalabas siya ng kwarto ay hindi pa rin siya nakagtakas sa mga tanong ng Kuya niya. "So, bakit hindi mo siya pinatuloyb dito, Ysa? Chance mo na sana iyon na ipakilala sa amin ang anak ng mga Mortelli. Isa pa, si Rafael iyon. Ang bad boy na anak ni Mr. Mortelli. Sigurado ka bang walang ibang meaning ang paghatid niya sa 'yo?" Maging si Therese ay nahihiwagaan na rin kay Rafael. "And you sound concern now?" pabalang na sagot ni Ysa. Tumawa ng mahina ang kuya niya. "Hindi naman sa gano'n, bunso. Ang akin lang, ayaw kitang makitang iiyak-iyak sa huli dahil alam mo naman. Ang pangit mo kayang umiyak!" sagot nito sabay hagalpak pa ng tawa habang hawak-hawak ang tiyan niya. Kung puwede niya lang talagang ibato sa harapan ng kuya niya ang mangkok ng champorado na meryenda nila ngayon ay kanina niya pa ginawa sa sobrang inis niya. "Kapag itong si Ysa crush talaga ni Rafael, tatahimik ka din, Kuya Yvan!" Kampi naman ni Therese sa kaibigan niya. Hindi mo akalaing pawang mga adult na ang nag-uusap dahil para pa rin silang mga bata kung magbangayan at mag-asaran. Knowing Ysabel is already an elementary teacher, madalas bata ang kasama niya kaya siguro. Si Therese naman ay suma-sideline sa laundry shop sa bayan lang din. Hindi kasi ito nakapagtapos ng trabaho kaya dito lang din ang bagsak niya. Ayos lang din naman ito sa kanya kasi kahit paano ay kumikita pa rin siya. Iyon nga lang, hindi gaanong malaki. Kaya madalas kapag tapos na ang trabaho niya ay dito siya tumatambay kina Ysabel. "Sus! Kung maging crush man siya ni Rafa, lilipas din iyon agad. Wala namang babaeng nagtatagal diyan kay Rafael. Trial card nga lang sa kanya ang mga babae, e. Kaya ikaw, Ysa, gamitin mo 'yang utak mo ha? Matalino ka naman, e. Kung kakalampag ka rin lang, I advice kay Randolf na lang. 'Yun, mas maaasahan 'yon." Napailing-iling na lang si Ysabel habang umiinom ng orange juice na timpla ng nanay niya. Hindi niya alam kung pabor ba talaga sa kanya ang pinagsasabi ng kuya niya, o dini-discourage lang siya nito kay Rafael. But she won't be discourage not until mahuli niya ito. Kailangan niya pang sakyan ang lahat ng plano nito. She is aware that this is lying, pero sino ba ang nagsimulang magsinungaling? Matapos nilang magmeryenda ay sa kwarto ang diretso ng dalawa. Nakahilata lang si Ysabel kasama si Therese sa kama. "Sis, hinatid ka ba talaga ni Rafael? Talaga? Oh my gosh naman! Kinikilig ako!!" Halos magwala na si Therese. Siya pa itong mas kinikilig kumpara kay Ysabel samantalang ang dalaga ay wala man lang karea-reaksyon. "Oo nga. Saka huwag ka ngang masyadong kiligin diyan. As if hindi mo 'yon kilala! Alam mo ba, nagsinungaling siya. Balak niya pang magpanggap na Randolf! Mabuti na lang at sinabi sa akin ni Kuya Yvan na si Rafael ang umuwi at hindi si Randolf! Minsan may kwenta din pa la 'yong si Kuya, e." Namilog ang bilugang mga mata ni Therese. "What?! So, nagsinungaling siya? E, ang tanong. Binuko mo na ba siya? Kinompronta mo na ba tungkol sa kasinungalingan niya?" Ngumiti na mala-demonyita si Ysabel. "Syempre, hindi, 'no. I will wait until such time na mahuli ko siya mismo sa bibig niya. Tsk." "Ibig sabihin ba niyan, patuloy kang aarte na wala kang alam? Ibig sabihin ba niyan posible pa kayong magkita araw-araw? Paano kung mahulog ka sa kanya??" sunod sunod na tanong ni Therese kaya masyado namang naguluhan si Ysabel. "Teka teka nga, Therese. Isa isa lang naman. Para namang baril iyang bunganga mo sa bilis ng putak, e." Pag-awat niya dito. "Pero 'yun na nga, paano kung ma-inlove ka sa kanya? Huwag mo akong sasabihan na hindi iyan mangyayari dahil sasabunutan talaga kita! Kamukha ni Rafael si Randolf dahil kambal sila. At crush na crush mo si Randolf. Isa pa, si Rafa ang madalas mo nang makakasama. Hindi mo masasabi na hindi ka mahuhulog sa kanya!" "Alam mo, Therese, masyado ka ring maingay, e. Sa tingin mo ba papauto ako kay Rafael? E, wala namanng ibang inisip 'yon kundi ang sarili niya, 'no." "Uy, pero aminin mo, nung una inakala mo talaga na siya si Randolf, ano? Hays, I can't wait na umuwi na rin ng probinsya si Randolf nang magkita na kayo. Ano kaya ang magiging reaksyon niya?" Napailing-iling si Ysa. "For sure, hindi iyan ang magiging tanong kundi, maalala niya pa kaya ako? Kasi panigurado, limot na ako no'n. Sino ba naman ako para maalala? E, alam mo naman noon. Saksi ka sa kung paano niya akong pinagtutulakan palayo. Minsan na nga lang niya akong hinahayaang makipaglaro sa kanya, e. Ewan ko nga ngayon kung loner pa rin siya tulad ng dati. May girlfriend na kaya siya?" sunod sunod na wika ni Ysabel. "Paano nga kapag mayroon na, Bes? Kay Rafael ka na lang ba?" tanong nito habang nakangiti at kumikislap-kislap pa ang mga mata. "I don't think so, Bes. Hindi ko kailan man naisip ang bagay na 'yan." Iiling iling na wika nito. Kinabukasan ay weekend, pero imbes na humarap muna sa class record niya para mag-compute ng grades ng mga studyante niya ay napagpasyahan ni Ysa na mag-walking muna kasama si Therese. Nakasuot lang siya ng sweat shirt at itim na leggings saka rubber shoes. Habang naglalakad ay nakapasak ang earphones sa kanyang tenga. Gano'n din si Therese, although shorts naman ang suot nito. Mahilig kasi itong mag-shorts. Nakasanayan na rin naman ito ni Ysabel every weekend. Mabuti na lang at may kagandahan ang panahon ngayon. Hindi masyadong mainit, hindi rin maulan. Sakto lang para makapaglakad-lakad sila at makalanghap ng sariwang hangin. Hindi pa naman sila nakakalayo ay bigla na lang may isang puting kotse na huminto sa harapan nila. Napakunot ng noo silang dalawa at sabay na nagkatinginan sa isa't isa. Parehas ang takbo ng kanilang isip. Kung masamang loob ito, handa na silang tumakbo. "Mawalang galang na. Kayo po ba si Ms. Ysabel Cuevas?" tanong ng lalaking nagmamaneho ng kotse. Mukha itong driver. Siguro ay hindi siya ang may-ari ng sasakyang iyon. Pero, bakit niya kilala si Ysabel? "A-Ah, mawalang galang na po, ha? Pero bakit niyo po pinatatanong?" sagot niya. Magkahawak kamay lang sila ni Therese. Syempre, para kung may ano mang mangyari na masama ay mahihigit agad nila ang isa't isa para tumakbo. "Pinatatawag po kasi sa 'yo ni Don Ramon Mortelli. Kailangan niya raw po kayong makausap ng kayo lang." Halos malaglag ang panga ni Ysabel. Kulang na lang ay sumayad iyon sa lupa sa gulat niya. Nanlalaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Did he just mention Don Ramon Mortelli? Ang sikat na business man? Para siyang hihimatayin sa kaba niya. Para na rin kasi nitong sinabi na makikipagkita siya sa isang kilala at respetadong tao. Na-excite siya na ewan. "S-Sigurado po ba kayo? H-Hindi po ba kayo nagkakamali? A-Ako talaga? As in sure na? Sure na sure?" tuloy tuloy na tanong niya. Tumango lang ang matandang driver ng kotse. "Oho. Kung hindi niyo po mamasamain, sumakay na lang po kayo sa kotse. Mabuti na lang at naabutan ko kayo." Napabuga ng hangin si Ysabel. Pero teka, bakit siya pinatatawag ni Don Ramon? Napaisip siya pero agad rin siyang napakibit-balikat. Bahala na. Binalingan niya ng tingin ang kaibigan niyang si Therese. "Bes, paano ba 'yan. Mukhang hindi kita masasamahan sa walking ngayon. Kailangan ko pang puntahan si Don Ramon Mortelli, e. See you na lang ulit mamaya sa bahay." Mapang-asar pa na ngumisi si Therese sa kanya saka pilyang kumaway kaway. "E, ano pa nga bang magagaw ako? Makikita mo na naman ang prince charming mo doon." Pang-aasar pa nito. "Frog prince kamo! Ano ka ba!" Suway niya dito bago sumakay ng kotse. Kinakabahan siya habang palapit nang palapit na sila sa mansiyon. Hindi pa niya ito nakikita ulit simula noong huling beses na nakalaro niya si Randolf, e. Isa pa ay mga bata pa sila no'n. Ano na kaya ang hitsura ng mansiyon ngayon? Siguro ay mas magara na at mas maganda kung ikukumpara sa dati. Hindi namalayan ni Ysabel na huminto na pa la ang kotseng sinasakyan niya. Doon niya lang napansin na nasa loob na pa la sila ng mansiyon at naka-park na ang sinasakyan niyang kotse. Kung anu-ano kasi ang tumatakbo sa isipan niya kaya hindi na niya napansin. "Ma'am, nandito na po tayo. Baba ka na po," wika ng drayber na kani-kanila lang ay nasa harapan niya pa at nagmamaneho. Ngayon ay nasa labas na pa la ito. Naku, Ysabel! "Ay, o-opo!" natatarantang sagot niya saka siya nagmamadaling lumabas ng kotse. Halos lumuwa ang mga mata niya sa sobrag pagkamangha sa mansiyon ng mga Mortelli na sa sobrang laki, hindi at sobrang ganda, hindi niya alam kung ano ang una niyang titingnan. Para itong palasyo. Sobrang lawak ng hallway. May mga magagandang bulaklak at halaman sa gilid. Hindi niya maipaliwanag pero parang hindi bahay itong pinasok niya sa sobrang gara ng mga disenyo. Nakakaulol talaga! "Ma'am, sundan niyo po ako," wika ng isang katulong. Doon lang nappabalik sa katinuan niya si Ysabel saka siya sumunod sa katulong na nagsalita. Habang papasok sa loob ay kung saan-saan nakatingin ang mga mata niya. How can she resist looking at all the details of this mansion? One of a kind! Kabado pero at the same time ay excited si Ysa na makaharap si Don Ramon Mortelli. Ano man ang dahilan nito ng pagpapatawag sa kanya ay mukhang maganda ang dulot nito. Pumasok sila sa isang silid. Iniwan na siya doon ng katulong sabay sarado nito ng pinto. Doon nakita ni Ysabel ang isang bulto ng lalaki na nakatalikod sa kaniya. Bakit mukhang payat naman yata itong si Don Ramon? Wala ba siyang maintainance na vitamins? Aniya sa kanyang isipan. Hanggang sa unti-unti itong humarap sa kanya. At nakilala niya agad ito. "Ikaw?!" sigaw niya nang maaninag ang mukha ni Rafael. Naglaho bigla ang kaba at excitement na nararamdaman niya bagkos napalitan na ito ng inis. Kahit kailan talaga, Rafael!! "Yup. Ako nga. Ako ang nagpatawag sa 'yo." Napakamot ng ulo niya si Ysabel. "E ano bangh kailangan mo? Alam mo ba na sa kasagsagan ako ng pagwo-walking kanina at sa kaba ko na akala ko pinapatawag ako ng daddy mo ay sumama agad ako dito? Tapos malaman laman ko na ikaw pa la ang nagpapatawag sa 'kin? Bakit? Miss mo na ba ako agad?" sarkastiko at sunod sunod na talak ni Ysabel habang nakapamewang pa. "E paano kung miss nga kita?" "Gusto mo bang sikatan pa ng araw?" Pambabara niya dito. "Ano ba talaga ang dahilan ng pagpapapunta mo sa 'kin dito? At bakit kailangan mong magsinungaling, ha? Sinungaling ka talaga, e no?" "Bakit? Kapag nagsabi ba ako ng totoo, pupunta ka talaga dito? Hindi 'di ba? But don't worry. This isn't about you and me." Ysabel rolled her eyes. "E, ano?!" high pitch na tanong nito. "Gusto ko lang sana na i-hire ka bilang home tutor ni Kaye kahit every Saturday lang. I notice na medyo mababa ang exams niya noong nakaraang grading. Pinakita niya iyon sa 'kin. I think she needs help." "E, bakit ako?" Napatayo si Rafael. "Dahil ikaw ang mas malapit. Isa pa ay malapit na sa 'yo ang loob ng bata." "You really care for her that much?" Pag-uusisa ni Ysa. "Yes. Out of pity. Her family is poor. Since dito naman nagtatrabaho ang nanay niya, naging malapit sa 'kin ang batang 'yon. So, I think I need to help her kahit sa ganitong paraan man lang." Lihim naman na napangiti si Ysabel. Kahit paano pa la ay may puso rin itong hambog na 'to. Akala niya ay puro kahanginan lang ang lumalabas sa bibig nito. Mabuti naman at naisip niya pa ring tumulong sa mga nangangailangan. Since he came here, napansin nga ni Ysabel na malapit ito kay Kaye. Siya itong boss pero, hindi siya nag-alinlangan na ihatid o sunduin si Kaye sa eskwela paminsan-minsan. At dahil diyan, one point ka kay Ysabel, Rafa! Good job! Napasinghap si Ysa. "E, paano kung hindi ako pumayag?" Paghahamon ni Ysabel. Nilapitan siya ni Rafael. Palapit nang palapit. Napapatras na lang si Ysabel sa bawat hakbang palapit sa kanya ng binata hanggang sa ma-corner na nga siya nito sa dingding. Napalunok si Ysa ng laway niya. "Kung ayaw mong pumayag? You still have to, Ysa. Or else, kami ni Kaye ang pupunta sa bahay niyo?" Pagbabanta pa ni Rafael sa kanya sabay pitik ng maliit at matangos niyang ilong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD