CHAPTER 8

1200 Words
Matatalim na titig ang ginawad ni Ysabel sa binata. Paano ba naman kasi, nagtu-tutor na siya kay Kaye, pero itong si Rafael ay walang ibang ginawa kundi titigan siyang magdamag. Memoryado na nga yata nito ang mukha niya dahil ilang oras na siyang nakatitig sa dalaga. "Akala ko ba it's not about me and you? E bakit ka nandito kung si Kaye ang dapat na tinu-tutor ko?" Pagtataray ni Ysa. "E, bakit ba palagi kang highblood? Can you calm down just for few hours? Gusto mo bang dumami ang white hair mo? You are too young to be stress on such a handsome man like me." Pagmamayabang pa nito. Napangiwi na lang si Ysabel saka siya napa-roll eyes. "Whatever!" Maging si Kaye ay hindi makapag-concentrate tuloy sa ginagawa niya. "Kaye needs a condusive space for learning at hanggat nandito ka, hindi makakapag-focus ang bata. Kaya kung totoo na gusto mo siyang matuto at magkaroon ng mataas na grado, get out of thia library dahil nakakaistorbo ka." Mabilis na kumurba ang kilay ng binata. "But this is our mansion!" Pagdidiin nito. "Ikaw ang lalabas, o ako? Mamili ka." Kondisyon ng dalaga. Napatiim bagang na lamang si Rafael saka napa-tss. "Fine. I will just wait outside." Dumiretso ang tingin nito kay Ysabel na nakataray sa kanya. "Magtutuos tayo sa labas." Pagbananta pa niya. Kibit balikat at walang paki si Ysa. She just concentrated on tutoring Kaye. Iyon naman kasi talaga ang pinunta niya dito, kahit na mas sakit pa sa ulo niya si Rafael at hindi ang bata. Studious naman na bata si Kaye. Yun nga lang ay mahina talaga ito sa English. Ayos naman sa ibang ang academic performance niya sa ibang language pero kapag English na ang pinag-uusapan, she is often left behind. Ewan niya ba, ginagawa naman ni Ysabel ang lahat para maturuan ang mga bata, pero gano'n siguro talaga. May mabilis matuto at mayroon ding hindi. Walang kamalay-malay si Ysabel na usap-usapan na pa la siya sa baba ng mga katulong. Akala ng mga ito ay nobya na siya ng amo nilang si Rafael. Napadaan it Rafael habang nagbubulong-bulungan sa isang sulok ang iilan sa mga katulong kaya hindi niya naiwasang mapatigil. "Hindi ba't iyong si Ysabel ang madalas na makalaro ni senyorito Randolf noong bata pa lamang sila? Dugyot dugyot pa ang batang 'yon noon, ano? Naaalala niyo pa ba?" wika ng isang katulong. "Aba, oo! Makakalimutan ba namin? Siya ang kauna-unahang kalaro ni senyorito noon kasi alam mo naman iyon, napakakulit. Hindi niya talaga tinantanan si senyorito Randolf. Pero tingnan mo naman ngayon, napakagandang babae. Abay teacher na pa la iyon?" sagot ng kausap nito. "Kapag bumalik si senyor dito, for sure matutuwa iyon kapag nagkita sila ulit ng dati niyang kalaro!" "E, hindi ba nobya na iyon ni Sir Rafael? Ang liit naman ng mundo ano?" "Baliw! Hindi! Ano ka ba? Nagpunta lang iyon dito para mag-tutor kay Kaye." Pagtatama ng isa. "Ehem," singit bigla ni Rafael kayat napaatras ang mga dila nilang lahat. Parehas silang kinabahan at nanlamig. Oras kasi ng trabaho pero panay tsismis ang pinag-aatupag nila. "Are you done talking about other people's lives?" masungit na tanong nito. "H-Hindi n-naman po sa g-ganoon, Sir." "E, ano? Huwag niyong sabihing bingi ako because I heard everything!" Natahimik sila. Wala silang kaalam-alam at hindi man lang kasi nila napansin na napadaan ang amo nila. "Ysabel is not your business. Mula ngayon, huwag niyo nang babanggitin ang pangalan ng kambal ko dito because he isn't gonna come back here anymore." Pagdidiin niya. Nalungkot ang mga ito. Matagal na rin kasi simula nang lumuwas ng Maynila si Randolf kahit tahimik iyon ay napalapit na siya sa mga katulong na hanggang ngayon ay nagseserbisyo pa rin sa mga Mortelli. "Accept the fact that I am your new boss here. Ako na ang masusunod sa bahay na to. Maliwanag ba?" Pagkaklaro niya. Matalim ang titig nito sa kanilang lahat. Para bang tutuklawin niya ang mga ito any moment from now. Wala siyang pakialam kung sabihin man ng mga ito na bitter siya sa kambal niya. It's the truth but who cares? "Go back to work now!" Sigaw niya dahilan para patakbo at halos matarantang nagsibalikan ang mga katulong sa trabaho nila. Napa-tsk na lamang siya sa inis niya. He went outside his balcony holding in his hand a bottle of wine. Nilagyan niya ang wine glass niya at nilagok iyon habang nakatitig siya sa labas at tulala. Lagi na lang si Randolf. Can they stop talking about him? Hanggang dito ba naman sa probinsya, si Randolf pa rin? Akala niya makakapagpahinga na siya kapag nasa probinsiya na siya pero parehas lang din naman pa la. Inis na sunod sunod niyang nilagok ang wine. It tastes really good. Sa sama ng loob niya ay muli siyang nag-attempt na mag-bake sa sarili niyang kitchen. Nilapag niya ang bote ng wine sa lamesa saka hinanda ang ingredients niya. Kapag ganitong frustrated siya sa mga bagay bagay, ang hobby niyang pagbi-bake ang tanging napagbubuhusan niya ng lahat. He started making dough and kneeded it well. Tamang tama, for sure kapag natapos ang tutor session ni Kaye ay gutom na sila ni Ysa. This is just in time for meryenda. Napagpasyahan niya na gumawa na lang ng pizza. Last time kasi ay something sweet naman ang ginawa niya so he thinks, he need to make something new today. He is only wearing his apron as his top. Ayaw niya kasing magdamit dahil para sa kanya sagabal lang iyon ag baka madumihan pa. Hindi pa naman biro ang presyo ng bawat damit niya. Kahit nagmamasa ay napakaguwapo pa rin nito. Kahit nga medyo pawisan ay amoy mabango. Napatigil siya sa ginagawa niya nang makarinig ng hakbang ng mga paa na papasok sa kusina niya. Napakunot agad siya ng noo. Sino na naman ba ang istorbo sa oras na 'to kung saan focus siya sa ginagawa niya? He hates any disturbances. "Ano ba--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang makita si Ysabel. Nang makita ang kalagayan ni Rafael ay napaiwas agad ng kanyang mga tingin si Ysa. Bakit ba lagi na lang walang damit tong si Rafael?? Kayaman yaman, hindi nagdadamit? Okay lang ba siya? "Uh, hi. Sorry if I barged in. The maid said you are here. Gusto ko lang naman sanang sabihin na tapos na ang session namin ni Kaye and I am going home now." Dire-diretso nitong sabi habang hindi nakatingin kay Rafa. "You can freely look at my body. Walang charge. Puwede mo ring hawakan kung gusto mo ng pandesal. But if you want something more than that--" Mabilis na dinampot ni Ysabel ang pinakamalapit na bagay sa kanya. A wooden spatula saka tinutok niya agad iyon sa binata. "Sige! Ituloy mo iyang sasabihin mo nang lumipad to sa 'yo!" Pagbabanta niya pa. Tinaas ni Rafael ang kamay niya na para bang hindi siya manlalaban. Gusto niyang matawa sa reaksyon ng dalaga pero pinipigilan niya ito. "Relax, you're always hot! Ang ibig kong sabihin, if you want more than that, you can wait until I finish making pizza." Pagkaklaro ni Rafael habang malapad na napangisi. Pero syempre, palusot niya lang iyon dahil sinadya niya naman talagang asarin si Ysabel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD