Abot hanggang paaralan ang panunuyo ni Rafael kay Ysa. Inabangan niya agad ito sa gate ng Estrella Elementary School. Nakapamulsa siya na napasandal sa gate ng paaralan. Pinagtitinginan na nga siya ng iba pang mga studyante lalo na ng ibang mga guro na nagdaraan ay sadyang napapalingon sa kanya. Sa malayo pa lang ay tanaw na agad ni Ysabel ang bulto ng binatang si Rafa habang nakasandal ito sa may labas ng gate. Napataas siya agad ng kilay. Inis na inis siya dito. Nagsisiakyatan yata lahat ng dugo niya sa ulo kapag nakikita niya ito. She walked unbothered hanggang sa lampasan niya lang ito. Hindi niya ito kinibo. Nagkunwari siyang hindi niya ito nakita. Akala nga niya ay hindi na siya hahabulin ni Rafael pero mukhang siya talaga ang pinunta niya dito. "Wait lang naman, Ysa!" ani Rafae

