Labag sa kalooban ni Ysabel ang pagbabalot niya ng mga pagkain para ilagay sa basket. Pinagdala rin siya ng nanay niya ng blanket para ipansapin nila doon sa tabing ilog. Kanina pa nga siya nagdadabog pero pinagtatawanan lang siya ni Rafael. Pakiramdam niya ay mas anak pa si Rafael kaysa sa kanya, e. “O, panonoorin mo lang ba ako? E, kung tinulungan mo na lang kaya ako, ano?” Pataray na singhal niya kay Rafael na pakain-kain lang ng saging. Nanghimagas pa talaga ito matapos niyang magtanghalian. Feel at home talaga ang mokong. Sino ba naman ang hindi magfi-feel at home e nararamdaman niya na welcome na welcome siya dito kina Ysabel. He is only seizing the moment. “Huwag kang mag-alala mahal na prinsesa, ako naman ang magbubuhat niyan mamaya, e. Hahayaan ba kitang mapagod?” nakangisi nito

