Ysabel never thought that this would ever happen. Ang halik na iyon na parang panaginip. Halik na akala niya, hindi mangyayari kahit sa susunod niya pang buhay. Randolf will really cut off his wedding with Sandy para sa kanya. But will it be worth it? Tumila na ang ulan at nakahanap sila ng masisilungang kubo na mukhang hindi na tinitirhan pa. Doon sila pansamantalang sumilong habang malakas ang ulan. Parehas silang nanlalamig. Parehas silang basang basa. Naiilang na nakahilig ang ulo ni Ysabel sa bintana ng kubong sinisilungan nila. Hindi niya alam kung anong oras na. Siguradong malalagot siya sa nanay niya kapag makitang basang basa siya ng ulan sa pag-uwi niya. Kapag nalaman nito na wala siya sa kuwarto niya at umalis ng walang paalam, patay na. “Pasensya ka na, Randolf. Hindi sana t

