Nasa labas na siya at nasa parking area nang mga oras na iyon. Isa na namang masamang hangin ang nagdala sa traydor na si Selina para mapadpad sa gym na kaniyang pinag-eehersisyuhan. ‘Talagang nagkalat na ngayon sa kung saan ang mga basura sa lipunan. You get what you deserved.’ She smirked nang mapalingon sa gym. Inilapag niya sa katabing upuan ang bag na dala niya at saka naupo sa driver's seat. Binuksan niya ang makina at matulin na pinatakbo ang kotse. Kailangan niyang makabalik agad sa mansion. Sigurado siyang may naghihintay sa kaniya roon. Nasira ang umaga niya dahil sa walang kwentang Selina na iyon. Sa biglaan nitong pagsulpot sa lugar. Sa dinami-rami ba ng gym na pwedeng pasukin nito, doon pa talaga sa suki na niya. Tama lang ang ginawa niya. Pasalamat lang ito dahil iyon lan

