Kylie
Hindi ko magawang kumilos mula sa kinapupuwestuhan ko. Tulala lang akong nakatingin kay Caleb habang nakikipagpalitan siya ng putok ng baril sa kung sino man na nakatago mula sa balkonahe.
Where the hell did his gun come from, anyway? Ni hindi ko man lang napansin ’yon kanina habang nag-uusap kami.
“Let’s get out of here. I need to secure your safety first. Masyadong open ang area na ’to.”
Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Hanggang sa bigla na lang akong nakaramdam ng hilo dahil tila tinatangay kami ng malakas na hangin patungo sa kung saan.
Ngunit napaawang na lang ang bibig ko nang sa wakas ay tumigil na kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na nasa sala na pala kami ng mansyon. Sa pagkakataong ’yon ay narinig ko na rin ang pakikipagpalitan ng putok ng mga tauhan namin sa labas maging ang malakas na pagtunog ng system alarm sa buong mansyon.
Pero bukod sa pagkakakilanlan ng kung sino man na umaatake sa ’min ngayon ay may isang bagay pa na bumabagabag sa ’kin.
“Paano tayo nakarating agad dito? Ang layo ng kuwarto ko mula rito,” hindi makapaniwala kong tanong sa kanya at nagdududa siyang tiningnan. “Pagkatapos ay nakahubad baro ka pa. Paano na lang kung biglang kumawala sa pagkakakapit ang tuwalya mo?” nakangiwi kong aniya.
Kapag nagkataon ay mukhang mas nakakatakot pa na masaksihan ang insidente na ’yon kumpara sa nangyayaring barilan ngayon.
Ngunit hindi niya ako pinansin at seryoso lang na nagmamatyag sa paligid namin.
“No worries. My towel can manage,” he answered after a few seconds.
I was about to ask again when we suddenly heard some footsteps approaching our direction. We both looked back and prepared ourselves for a possible attack.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita si Papa. May kasunod siyang lima sa mga tauhan namin. Ang isa sa mga ’to ay hinubad ang suot na coat bago iniabot kay Caleb.
Mabuti naman.
“What’s happening? Paanong may nakapasok na kalaban dito?” tanong ni Papa na nakatuon ang atensyon kay Caleb.
I was taken aback when I looked down on the thing that he’s holding. It’s a sword.
Napakurap ako. What the hell? Kailan pa siya nagkaroon at natutong gumamit ng espada?
“I’m sorry. It seems that they manage to break the barrier,” Caleb answered.
Napakunot noo ako nang dahil sa naging sagot niya. “What barrier?”
Sa pagkakataong ’yon ay napatingin sa ’kin si Caleb. May kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata na hindi ko gustong bigyan ng kahulugan.
“We’ll explain to you about it later.”
Napasinghap na lang ako nang bigla niya akong hinila patungo sa likod niya bago mabilis na binaril ang isang kalaban na pababa sa hagdan.
“For now, we will protect you no matter what happens.”
Tinabihan ako ni Papa habang pinalibutan naman kami ng lima pa naming mga tauhan. Para silang mga sundalo na sasabak sa giyera nang dahil sa depensa na binuo nila at tila ba isa akong mahalagang bagay na kailangan nilang protektahan.
Napasimangot ako. Sa totoo lang ay rinding-rindi na akong marinig mula sa kahit na sino ang mga kataga na ’yon. Hindi ako nag-ensayo ng ilang taon para lang ipagkatiwala ulit sa iba ang kapakanan ko.
“I don’t want to be protected, and I can take care of myself very well. So, stop acting as if I’m still a child.” I rolled my eyes.
Kasabay ng paghugot ko ng baril sa isa sa mga tauhan namin ay ang malakas na pagkakabasag ng salamin ng mga bintana. Mula roon ay pumasok ang mga tao na nakasuot ng itim na mask. Kaya naman ay hindi namin sila magawang mamukhaan.
Sa isang iglap ay biglang nanumbalik sa ’kin ang alaala ng nakaraan. Ang tungkol sa lalaking nakasuot din ng itim na mask noon na siyang pumatay kina Adrian at Tito Seb. Ang kriminal na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang mahanap.
Tila kumulo ang aking dugo at matalim silang tiningnan.
“Sisiguraduhin ko na magbabayad kayo!” nagngingitnit kong sambit dahilan para mapalingon sa ’kin si Papa.
There are five of them. Kung tutuusin ay mas lamang kami pagdating sa bilang. But I don’t want to underestimate them. Lalo pa at sila ang may lakas ng loob na sumugod dito.
My grip on the gun tightened. I also need to do something.
Nagsimula na silang umatake at ganoon din ang mga kasama ko. I was about to advance when my father stopped me. Marahan siyang napailing.
“Let them do their job. We will proceed further if necessary.”
Kahit nagsisimula ng manginig ang mga kamay ko nang dahil sa galit na biglang umusbong sa dibdib ko ay hindi na lang ako nagkomento pa at nanatili na lang sa kinatatayuan ko.
Pero napanganga na lang ako nang makita ang labanan na nagaganap sa harapan ko ngayon.