Kabanata 17

3120 Words
Kabanata 17 [Anak, pasensya ka na talaga. Nahihiya man akong magsabi sa 'yo ngunit wala na akong ibang malapitan pa.] halos mabasag ang puso ko nang marinig ko ang pag-iyak niya kaninang sinagot ko ang tawag. Ang walanghiya kong ama pala ay nag-uwi na naman ng isang malaking problema sa bahay. Pagkatapos niya kaming iwan noong mga bata pa kami, babalik siya ngayon kung kailan may gusot siya sa buhay! Nakakagalit. Hindi ako ang tipo ng tao na nagtatanim ng hinanakit, pero hindi ko maiwasan pagdating sa kanya. Bukod sa mga pambubugbog niya noon kay inay, wala siyang ibang ginawa kundi atupagin ang mga bisyo niya. Halos wala siyang maibigay na pangkain sa pamilya ngunit pagdating sa pagsugal, lagi siyang may handang itaya. Kaya naman nang bigla siyang magpasyang iwan kami, kahit na labis na nalungkot ang inay ay hindi ko napigilan ang matuwa sa pag-alis niya. "Ayos lang iyon, Inay. Ang importante ay hindi niya kayo sinaktan. Hindi ko siya mapapatawad sa oras na may gawin siyang hindi maganda sa inyo d'yan." [Maraming salamat talaga, anak. Palagi kang mag-iingat d'yan at magdarasal ha?] "Opo, Inay. Hintayin niyo na lang po ang padala kong pera ngayong araw." Pagkaputol ng tawag, napahawak ako sa bridge ng nose ko sa sobrang stress. Humugot ako ng malalim na paghinga pagkatapos ay nag-check agad ako ng balanse ko sa aking banking app sa phone. Gustong kong maiyak sa inis at galit. Kalahating taon na allowance na ito ng pamilya ko, pero nang dahil sa kasugarolan ng walanghiya kong Itay, maglalaho na lamang na parang bula ang perang pinaghirapan ko. Kung hindi lang ako nangangamba sa kaligtasan nina Inay at Onyok ay hinding hindi makatitikim ng kahit na kusing sa akin ang lalaking iyon. Pero importante ngayon na masiguro kong hindi niya guguluhin ang pamilya ko. Kinusot ko ang mga mata ko para tanggalin ang mga luha ko rito. "Baby yow my love so sweet?" Kumurap kurap ako at inayos ang upo ko sa sala. Nakatapis ng puting tuwalya ang kanyang pang-ibaba at katatapos lang niyang maligo. Tinunghay ko siya na nakatayo na sa may papasok sa kwarto. "Bilisan mo na sa pag-aayos at baka mahuli ka sa lakad ninyo." "What do you think should I wear?" napahawak siya sa baba niya habang tila nag-iisip. "May binili kaming long sleeves nina Marites kahapon para sa inyo. Nilagay ko na sa damitan mo, i-check mo na lang." Biglang sumaya ang mukha niya. "The best ka talaga, My Majesty!" excited siyang pumasok sa kwarto at nagbihis. Tutulong kasi sila nina Danilo, Jojo, at Jonel sa pagtatanim ng palay ngayon sa isang sakahan lagpas sa bayan kapalit ng mga kaban ng bigas pagkatapos. Hindi nga ako makapaniwala kahapon nang magpaalam siya sa 'kin sa gagawin nila today. Akala ko ay ginu-good time lang niya 'ko, pero seryoso pala talaga siya. Natutuwa akong makita na nag-e-enjoy siya sa mga ginagawa niya rito kahit na alam kong bago ang lahat ng karanasan na ito sa kanya. Lumabas siya ng naka-trousers ngunit wala pang suot na pang-itaas. Lumapit siya sa 'kin at patalikod na umupo sa harapan ko. "Palagay naman, My Majesty." Inabot niya sa 'kin iyong pinapalagay niya at napa-iling ako habang natatawa ng patago. Binuksan ko ito at naglagay ako sa palad ko. "Record breaker ka na namang loko-loko ka." Tumatawa kong ipinahid ito sa likod niya. "Ikaw lang ang nag-iisang magsasakang nagpapalagay muna ng sunblock bago magsaka." "Siguraduhin mong lagyan lahat ng parts na masisinagan ng araw ha." Natatawang utos niya. "Harap ka." Pagharap niya ay pinahiran ko rin ang mukha niya at hirap na hirap akong maikalat ito ng maayos dahil sa kakatawa naming dalawa. Nilagyan ko rin ang dalawang braso niya hanggang sa kadulu-duluhan ng daliri niya sa paa. "Ikaw ang pinaka-maarteng magsasakang nakilala ko." "I'm just protecting myself, My Majesty." "Uminom ka palagi ng tubig do'n, ha?" "Opo. Ikaw din ha? Para kapag iinom na 'ko ng tubig maaalala kong umiinom ka rin." "Abnormal ka. Iyong balanggot mo laging mong isuot, ha." "Ano 'yun?" Tinuro ko sa kanya iyong sumbrerong pangsaka. Tumayo siya at sinukat iyon sa harap ng salamin. "Wow. Mas mukha yata akong perpektong cosplayer imbes na magsasaka, ano?" Heto na naman po tayo. "Upo ka doon sa pasamano at kukunan kita ng picture. Dali!" Lumabas kami sa aming balkonahe at feeling model siya na nag-strike ng iba't ibang pose. Feeling proud nanay naman ako sa pagkuha sa kanya ng litrato. Na-immune na lang yata siguro ako sa ugali ni Jasper kaya hindi na ako naiinis at naiirita sa mga ginagawa niya. Natatawa na lang ako dahil sa totoo lang, minsan pampawala ko ng stress ang mga kalokohan niya. "Lapit ka rito, My Majesty. Patingin ako ng mga gwapo kong shots." Natatawa akong lumapit sa kanya na nakaupo sa mataas na pasamano at ipinakita ko iyong mga kuha ko. Pero imbes na tignan niya ang mga ito, bigla niya 'kong hinawakan sa magkabilang pisngi at siniil ng halik. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ngunit hindi ko nagawang magprotesta nang makita ko ang nakapikit niyang mga mata. Napakalambot ng mga labi niya at nanlambot ang buong katawan ko sa paggalaw ng mga ito. Naramdaman ko ang marahang paghawak niya sa batok ko upang mas palalimin pa ang mga paghalik niya. Napapikit na lang ako na ginantihan ang mga ito. Hindi maipagkakailang napakagaling sa paghalik ng lalaking ito kahit na wala akong masyadong karanasan katulad niya. Hindi ko maisip kung gaano pa siya kahusay pagdating sa ibang bagay. Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko sa pag-iisip ng bagay na iyon. Nang dahil sa mga kagagawan niya ay kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa utak ako! Humahangos kaming naglayo at hindi ko siya matignan ng deretso sa mata pagkatapos. "Ay kaaga aga naman niyang lambingan na 'yan!" Sabay na napatingin kami kay Marites na nasa tapat na ng bahay namin at kasama na iyong tatlong lalaki. Tumatawa ito habang pinupukulan ako ng mga makahulugang tingin. Napakagat ako ng ibabang labi ko sa kahihiyan na baka nakita nito ang ginawa namin ni Jasper. Nakakahiya jusko! Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at kinuha iyong backpack na dadalhin niya. Inabot ko ito sa kanya nang nakaiwas ang tingin ko. Narinig ko ang pagtawa niya na kinuha ito. "S-Sige na umalis na kayo. May hinanda akong baon mo d'yan. Kainin mo 'yan kapag nagutom ka." Bumaba siya mula sa pasamano at sinuot iyong bag sa likod niya. "Thanks, My Majesty. Tawagan mo lang ako kapag miss mo na 'ko." Nag-goodbye kiss pa siya kaya't lalo akong nahiya sa mga nakaharap sa amin. Tanaw na tanaw ko ang nang-asar na mukha ni Marites hanggang sa makaalis ang mga ito. Hawak ko ang magkabilang pisngi ko na pumasok sa loob ng bahay. Bakit ba ang hilig niyang manghalik ngayon ng pabigla bigla? Hmp! Naligo na rin ako at nag-ayos. Pumasok ako sa trabaho at sakto pagdating ko ay marami-rami ang mga kumakain kaya tumulong muna ako sa pag-aasikaso. Kulang talaga kami sa tao kaya madalas ay nag-se-serve na rin ako. Hindi ko pa kasi mapag-start iyong dalawang na-hire ko dahil kulang pa sila sa mga requirements. Iyong iba ay umatras na dahil hindi raw nila maasikaso ang mga dokumentong kailangan nila kaya mas lalo akong na-stress. Sino ba naman kasi ngayon ang mag-a-apply ng trabaho nang walang mga kaukulang dokumento? Syempre effort naman ng konti. Nang makasingit na ako sa pag-alis ay mabilisan akong tumungo sa bangko at nagpadala ng pera para sa kailangan ng Itay at pati ng panggastos na rin nina Inay roon. Isinama ko rin sa ipinadala kong pera iyong natipid kong panggastos ko sana para sa sarili ko. Mabuti na lang ay hindi namin kailangan gumastos masyado rito sa Paniman dahil halos ng kinakain namin dito ay nanggagaling sa pinagta-trabauhan ni Jasper. Tapos kung may mga kailangan pa kami sa bahay ay siya pa rin ang pilit na nagbibigay. Hindi niya ako hinahayaang maglabas ng kahit magkano. Kaya naman kapag may kailangan ako ay binibili ko na agad at hindi na ako nagsasabi sa kanya para hindi na siya makakontra pa. Alas tres ng hapon ay umuwi na ako dahil wala naman ng masyadong kumakain ng mga gan'tong oras. Naglinis ako ng buong bahay pagkauwi. Lalo ko tuloy gustong pagka-ingatan ang bahay na 'to dahil sa pagbili rito ni Jasper. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip niya at binili niya ito gayong isang taon lang ang usapan naming maninirahan dito. "Cindy! Cindy!" Magkakasunod na katok ang narinig ko at mabilis kong tinungo ang pintuan. Pagbukas ko ay naroon sina Marites at Merling. "Pasok kayo." Pinaupo ko sila at ipinaghanda ng malamig na maiinom. Napakainit kasi ng panahon kaya medyo nag-aalala ako kung kamusta na kaya si Jasper sa pagsasaka niya. "Kaya gustong gusto kong pumupunta rito dahil malamig lagi akong inumin!" tumatawang wika ni Marites at inistraight iyong laman ng baso niya. Tumatawa ring uminom muna si Merling bago nila naalala iyong pakay nila. "Kaarawan bukas ni Fatima! Gusto niyang magkaroon tayo ng salu-salo sa kanilang bahay. Tayo lang daw na mga ka-edaran niya. Tapos mayroon daw kantahan! Gusto ko 'yon!" napapalakpak pa sa sobrang pananabik niya si Marites. "Sige sasabihin ko kay Jasper pagdating nila. Sakto ay wala naman kaming lakad bukas." "Oo at siguradong matutuwa rin iyon dahil may alak din daw! Ang balita ko pa ay galing ibang bansa ang mga alak nina Fatima sa bahay! Tiyak na magdiriwang ng todo ang mga kasama nating kalalakihan bukas!" Nakangiti akong umayon sa sinabi ni Merling. Matagal tagal na rin nang huling uminom ako. Si Jasper din ay simula nang dumating kami rito ay hindi ko pa siya nakikitang uminom ulit. Mabuti na lang ay nakapagluto ako ng maaga dahil pagdating ni Jasper ay kumain agad siya bago naligo. Nakanguso siyang pumasok sa kwarto at sinundan ko siya. "Grabe nagising yata lahat ng natutulog ko pang muscles sa katawan. Ang sakit putek." Dumapa siya sa kama at natatawa ko siyang tinabihan. Mukhang pagod na pagod siya at hindi na maigalaw ng maayos ang katawan niya. Ngumiti ako at minasahe ko ang likod niya. Napabalikwas siya sa ginawa ko. "Ay sus maria napakasarap naman ng masahe mo, My Majesty. Araw araw na yata akong magsasaka para palaging sumakit ang katawan ko." Nagtaas baba ang kanyang katawan dahil sa pagtawa. "Saktan na lang kita araw araw para hindi ka na magpagod saktan ang sarili mo." "Ikaw talaga hindi mabiro. Kamusta ka naman nang wala ako?" diniinan ko ang bandang gilid ng likod niya dahil doon daw ang masakit. "f**k ang sarap tangina. Diinan mo pa." "Nagpunta ako ng Green Pepper at tumulong sa pagse-serve. Hindi ko nga namalayan na wala ka." "Whoo. Maniwala ako sa 'yo. Kung alam ko lang na siguradong buong araw mo 'kong iniisip." Napakataas talaga ng tingin ng bruhong 'to sa sarili niya. Pero in fairness, namula lang ang balat ng loko. Nagmukha pa nga yata siyang mestizo dahil sa ginawa niyang pagbibilad maghapon! "Ikaw? Kamusta naman ang pagsasaka mo? Hindi ba sumakit ang ulo sa 'yo ng mga kalabaw do'n?" Hinarap niya sa side ko ang mukha niya. "Nakita mo ba 'yung uwi kong mga gatas?" "Oo ang dami nga. Nilagay ko na sa ref." "Ako mismo ang naggatas no'n sa mga kalabaw! Feeling ko nga na-inlove rin sa 'kin 'yung mga kalabaw sa galing kong magpagatas. I owe it all to my skilled and talented hands." Ginalaw galaw niya ang mga kamay niya katulad nang kung papaano ang ginawa niyang pagpiga sa s**o ng mga kalabaw. Asdfghjkl!! "Tama na nga 'yan! M-Matulog na tayo!" Bumaba ako ng kama at pinatay ang ilaw. Paghiga ko ay nagsumiksik siya sa tabi ko na para bang walang unan na nakapagitan sa aming dalawa. Nakatagilid siyang yumakap sa 'kin. "H-Hoy lumayo ka nga!" "Bakit? Yakap lang naman para mas masarap matulog." "Lalayo ka o sisipain kita?" "Sige na please hayaan mo na 'ko. Pagod ako oh. Mahabag ka naman," mahinang tugon niya. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang malalim niyang paghinga. Payapang nakapikit na at mukhang nakatulog na nga yata siya. Napabuntong hininga na lang ako at sinubukang matulog na rin. Nagpikit ako ng mga mata, pero hindi ako makatulog dahil nararamdaman ko iyong paghinga niya sa balat ko. Ugh. Nakakadistract! Napadaing ako ng mahina nang subukan kong kumawala sa yakap niya at hindi ko magawang makaalis. Gumalaw siya ng kaunti. Napakunot noo ako nang may parang nararamdaman akong tumutusok sa may bandang gilid ko. Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko roon at napaawang ang labi ko nang hinawakan ko ito at napagtanto kung ano iyon. Napabalikwas siya at maging ako ay napabangon at napaupo bigla. "What the f**k did you just f*****g touch?!" "H-Hindi k-ko a-alam k-kasi m-may t-tumutusok s-sa g-gilid k-ko e!" "Ahh!! Cinderella naman e!" "B-Bakit kasi tumutusok e malay ko ba?!" "Nagising e! Tapos lalo mo pang binuhay! Kainis naman oh! Hirap na hirap na nga 'yong tao." Reklamo niya at saka siya humiga ulit nang nakatalikod na sa 'kin. Kinuha niya iyong unan na nasa gitna namin at itinakip niya sa ulo niya saka siya bumaluktot. Dahan dahan akong humiga ulit at kabadong baka matamaan siya. Punyemas kasalanan ko naman ba kasing yakap siya ng yakap? Hindi yata talaga magandang setup itong pagtulog namin ng magkatabi. Napahawak ako sa noo kong pinagpawisan at pinalis ko iyon. Napa-thank you Lord ako nang sa pagdilat ko ng mga mata ay umaga na. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala na si Jasper at ako na lang ang narito sa buong kwarto. Bumangon ako at naglakad palabas habang itinatali ang buhok ko. Nagsalubong ang kilay ko paglabas dahil nakita ko si Jasper na natutulog sa aming mahabang upuan sa sala. Lumipat ba siya kagabi? Hindi ko napansin. Nilapitan ko siya at mukhang puyat na puyat siya sa lalim ng kanyang tulog. Hinayaan ko na lang siyang matulog pa at naghimalos na lang ako saka nag-toothbrush. Naghanda na rin ako ng almusal pagkatapos para makakain agad siya paggising. Hindi ko pala nabanggit sa kanya ang tungkol celebration ng kaarawan ni Fatima mamaya. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya. Nauna na akong kumain at habang hindi pa siya nagigising ay hinanda ko na ang mga labada ko sa likod bahay. Nilabas ko ang dalawang malaking batsa roon at saka idinugtong iyong hose para umabot ang tubig. Tinipon ko lahat ng marurumi naming damit. Jusko nagpuputik ang mga damit ni Jasper. Kinailangan ko munang ibabad sa sabon para lumuwang ang mantsa! "My Majesty, where are you?" parang bagong gising na anak na naghahanap ng ina. "Nandito sa likod! Naglalaba!" Ilang sandali pa ay nakatayo na siya sa may pintuan ng likod bahay at nagkukusot ng mata. Kyot. Haha. "Bakit 'di mo 'ko ginising? Tulungan kitang maglaba." Ay wow. Maglalaba raw. "Kumain ka muna d'yan bago mo 'ko tulungan." "Okay!" Hay salamat at mukhang back to normal na ulit siya. Pagkatapos niyang kumain ay kumuha siya ng maliit na bangko at pumwesto sa kabilang side ng batsa. Bakit feeling ko guguluhin lang ako nito sa paglalaba? "Ang colorful naman ng mga panty mo, My Majesty." Sinasabi ko na nga ba e. Itinaas niya ito sa harapan ko at mabilis ko itong inagaw sa kamay niya. "Anak ng tokwa ka talaga! Wag mo na nga lang akong tulungan! Pumasok ka na lang sa loob!" Itinago ko agad ito sa ilalim ng mabula kong labada. Mapang-asar niya akong tinignan. "Yieee siguro gusto mo lang solohin ang pagkukusot sa mga boxers ko. Siguro may kinuha ka ring brief ko, no?" bintang niya. Jusko bakit ba ako naglaba nang narito ang damuhong ito?! Maling mali, Cinderella. Dapat yata ay hinayaan ko na lang ulit siyang magpa-laundry sa bayan! "Aba'y malay ko! Binuhos ko lang lahat ng laman no'ng lagayan mo ng marumi!" "Sabi ko na e. Malamang nando'n lahat lahat." Para siyang tanga sa pagkukusot na mukha namang hindi pagkusot. "Kunin mo na nga lang lahat ng damit mo d'yan at ihatid mo sa laundry shop!" Bigla siyang ngumisi at tumatawang nginuso ang hawak ko. "Kailangan mong panagutan ang paghawak mo d'yan sa brief ko." Itinaas niya ang isa niyang kamay sa bandang ulo ko na parang bine-bless niya 'ko. "Simula ngayon, itinatakda kita bilang nag-iisang tagapangalaga ng aking sagradong brief." Pagkatapos ay sumalok siya ng bula sa palad niya at biglang hinipan ng siraulo. Napunta tuloy sa mukha ko! "Ano ba! Napupunta sa mata ko!" kinuskos ko ang mukha ko gamit ang likod ng palad ko. "Hala ka, My Majesty. Ipinangkukuskos mo pa sa mukha mo ang brief ko!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin hawak ko nga pala ito habang kinukuskos ang bula sa mukha ko. Anak ng tatlumpu't pitung pato naman oh! "Ugh! Lumayas ka sa harapan ko ngayon din!" "Wag please! Hahahaha! Mananahimik na 'ko pramis!" Tinignan ko siya ng pagkasama sama. Binuhos ko ang galit ko sa pagkukusot kaya't sobrang puti tuloy ng mga labada ko. Sa kakapilit niyang tumulong, napilitan na lang din akong turuan siyang magkusot. Nang magbabanlaw na ay sa kanya ko pinabanlaw lahat maliban sa undergarments kong hiniwalay ko na. "Ayusin mo may bula bula pa oh!" nakapamaywang kong utos. "Bakit kasi ang dami mong nilagay na sabon? Sa susunod hindi na 'ko bibili ng sabon!" "Sige, tapos sa susunod maglaba ka ng walang sabon ha? Siguraduhin mong mapapaputi mo at mapabanguhan mo ang mga damit ng walang sabon!" "Sabi ko nga aayusin ko ang pagbabanlaw e." Iniwan ko siya at sinabihang isampay niya lahat pagkatapos. Nagluto na ako ng pananghalian namin at nakuha ko ng natapos sa paghahanda ay hindi pa rin yata siya tapos. Kinakabahan ko siyang binalikan. Dahan dahan akong sumilip sa ginagawa niya at napatango tango ako nang maayos na nakahilera ang mga nakahanger niyang sampay. Nice. Hinanap ko kung nasaan siya at natatakpan pala siya ng mga sinampay niya. Naglakad ako palapit sa kanya para ayain na siyang kumain. Inabutan ko siyang sobrang seryoso niya sa ginagawa niya ngunit napasapo ako sa noo ko nang makita ang pinagkakaabalahan niya. Napalingon siya sa kinatatayuan ko. "Patapos na 'ko, My Majesty. Ang ganda noh?" iminuwestra niya ang mga kasalukuyan niyang inaayos na sampay. "Parter partner 'yung mga bra at panty mo." Pagmamalaki niya nang may malapad na ngiti. "I also have practiced on how to perfectly unclasp your bra. Because it's been a while already since I last did it. Watch this." Parang slow motion ang ginawa niyang pagkuha sa bra kong nakahanger. Itinalikod niya ito sa 'kin at ipinakita kung papaano perpektong kinalas ng isang kamay niya ang lock nito sa likod. "Ang smooth 'di ba, My Majesty?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor na nasa aking kamay at matalim ko siyang tinignan. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD