Pinapanood ko si Jasper habang seryoso siya sa pagtatapos sa inventory ng Green Pepper. Napakalaking tulong ng ginagawa niya para mapabilis ang trabaho ko. At kung minsan nga, siya na halos ang nagta-trabaho para sa 'kin. Lahat na lang ng ginagawa ko inaangkin niya. Kulang na lang itanong ko sa kanyang—gusto mo bang pati sweldo ko iyo na rin? Nakaka-guilty naman kasing sumusweldo ako, pero siya ang nagpapagod.
"Alam kong gwapo ako. Pero baka naman maglaho na ako sa tamis ng mga titig mo? Ikaw din, mabubyuda ka agad."
"Sagad hanggang buto talaga ang kayabangan mo ano?"
"Hindi naman. Winawarningan lang kita, pero I understand you. Mahirap talagang magka-boyfriend ng perfect." Tugon niya habang patuloy siya sa pagtipa sa laptop.
"Bilisan mo d'yan nang makakain ka na. Para kang laging nalilipasan sa ugali mo." Tumayo ako at iniwan siyang tumatawa sa mahabang upuan sa sala. Pumunta ako sa kusina para ipaghanda siya ng meryenda.
Dahil walang trabaho si Jasper, sumasama siya kina Danilo para mangisda at magbenta sa bayan pagkatapos. Ipinagmamalaki nga ng loko na marami na raw siyang mga suki sa palengke na laging naghihintay ng mga huli niyang isda. Ang yabang yabang niya lalo at pinakumpirma pa talaga niya sa 'kin sa mga kasama niya na totoo nga talaga ang sinasabi niya. Ani Jojo ay lumakas daw at tumaas ang kita nila dahil gustong gusto si Jasper ng mga kliyente nila. Kinongrats ko na lang siya para matahimik na ang nagmamayabang niyang kaluluwa.
"Alam niyo na ba ang balita mga Inday?" excited na intro ni Marites sa chismis niya for the day. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay never siyang nawalan ng baong balita. Para siyang living radio ng buong Paniman na laging may breaking news. Kahit tuloy wala akong kilala sa mga tao rito, halos makilala ko na silang lahat dahil sa mga kwento niya.
"Ano iyon? Ano iyon?" sabik na tanong naman ni Merling. Magkakasama kami ngayon sa isang pampublikong kubo malapit sa nag-iisang resort dito sa Paniman. Ito ang naging tambayan namin tuwing hapon habang hinihintay ang mga lalaki galing sa palengke.
"Paparating na raw dito sa Paniman iyong napakaputing anak ni Aling Tonyang na si Fatima! Jusko siguradong magkakagulo na naman ang mga kalalakihan sa babaeng iyon! Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo, itali na natin ang ating mga asawa upang makasiguro!"
"Porke ba maputi ay pagkakaguluhan na agad?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Naku oo! Alam mo naman dito sa atin ay walang mapuputi. Kaya kapag mayroong napapadpad ay tiyak na kinagigiliwan ng lahat!"
"Maganda ba?" dagdag ko pa.
Halos matanggal ang ulo ni Marites sa pagtango. "Oo! Sikat iyon dito sa buong Paniman kahit bihira naming makita. Dahil bukod sa sila ang pinaka nakaaangat dito, siya pa ang pinakamaputi. Bihira kasi iyong lumabas mula sa malamig niyang kwarto. Ang sabi nga sa kwento ay para kang nasa ibang bansa sa lamig ng silid nito!"
Tumawa si Merling at hinampas pa 'ko sa braso. "Kaya nga inggit na inggit kami roon noong bata kami. Hahaha! Tapos gusto man namin siyang makalaro noon ay hindi pwede dahil lagi siyang nakakulong sa bahay nila. Bawal maarawan. Kaya noong tumuntong ito sa tamang edad ay pinag-aral sa ibang bansa. Napaka-pinagpalang babae sa lahat!"
Magkahalong tuwa, inggit, at pagkabahala ang emosyon ng dalawang ito habang nagkukwento. Natatawa lang ako sa pakikinig sa kanila. Bakit ba kasi napaka big deal ng kulay ng balat sa mga tao? Like hello? Pare-pareho naman kaming may mga kamay at paa. Masyado na lang kasing nasanay ang mga tao sa standard na kapag maputi, maganda na. Psh.
Pinagmasdan ko ang kahabaan ng dalampasigan at ang mga taong nagkalat. Wala nga ni isang may light color. Sa lahat yata ng narito ngayon, sagad na ang kulay ko bilang pinakamaputi. Matatawa na sana ako na ako na ang may lightest color here kaso malayo pa lang ay kumakaway na ang umagaw ng korona ko.
"My Majesty! May pasalubong ako sa 'yo!"
Susmaryosep. Napatakip ako ng mukha ko sa kahihiyan ko sa pagsigaw ng damuhong 'to. Manong pagkalapit na lang niya sabihing may pasalubong siya? Kailangan ipagsigawan?!
"Jusko, Cindy! Napakagwapo naman talaga ng nobyo mo kahit galing palengke! Tignan mo naman at nagmukhang mga basahan na iyong tatlo, pero si Jasper ay nananatiling walang mantsa!" binangga bangga ako ni Marites sa sobrang tuwa niya. Tama naman kasi ang sinabi niya. Napakakisig ni Jasper kahit na sandong puti lang ang suot nito. Pagkalapit nilang apat sa amin ay agad niya 'kong inakbayan.
"Guys, uwi muna kami ng misis ko." Sinamaan ko siya ng tingin sa pagtawag niya sa 'kin ng misis niya.
"O sige sige! Uuwi na rin muna kami at para makapagpahinga kayo. Siguradong napagod kayo sa pagkarga ng mga huli kanina." Kumapit sa braso ni Jojo si Merling at naghiwa-hiwalay kami nang makarating na sila sa tapat ng kanilang mga bahay.
Binuksan niya ang pinto at pinauna akong pumasok.
"Ano 'yang dala mo?" tukoy ko sa malaking plastic na kanina pa niya ibinabandera sa 'kin.
Ipinatong niya ito sa aming maliit na lamesa.
"Mga saging ko ito na siguradong magugustuhan mo!" excited niyang binuksan ang supot at pumigtas siya ng isa sa piling. "Tikman mo ang saging kong 'to, My Majesty. Matamis 'yan!"
Hindi ko alam kung kukunin ko ba ang alok niyang saging o ipupukpok ko sa ulo niya. Ilang segundo ko itong tinitigan hanggang sa narinig ko ang malakas na pagtawa niya.
"Hahahahah! Jusko mahabagin!" napaupo siya sa kakatawa habang hawak ang kanyang tiyan na mukhang sumasakit na sa sobrang kasiyahan. "Are you that scared of my banana, My Majesty?!" Hindi na niya kinaya ang kasiraan niya ng ulo at napahiga na ang gago sa sahig.
"Ang gago mo. Kainin mo lahat 'yang mga saging mo!" inis ko siyang iniwan at naglakad papasok ng kwarto.
"Para sa 'yo lang ang saging ko, My Majesty! Please don't leave my banana! Bumalik ka dito!"
"Punyeta ipapalunok ko lahat sa 'yo 'yan kapag hindi ka pa nanahimik!"
"No! Come back here, My Majesty! Taste—ohhhh!!" Halos magkandapa-dapa siya sa pagtakbo palabas nang balikan ko siya hawak ang malaking gunting ng yero.
"Halika rito at nang makita mo kung papaano ko pagpuputul-putulin 'yang saging mo na 'yan! Lumapit ka rito, Jasper!"
"Nariyan sa lamesa, My Majesty! Wala sa 'kin 'yung saging! Nasa lamesa! Pakiusap 'wag mong itutok sa 'kin 'yan oy!" napaluhod siya sa harapan ko nang harangin ko ang pintuan. Seryoso akong lumapit sa kanya at nilaro laro ang gunting sa harapan niya.
"Gusto mo 'kong lumapit 'di ba?"
"L-Love mo 'ko 'di ba?"
Kinagat ko ang labi ko para hindi matawa sa mukha niya. Pasalamat ka love kita naku! Baka wala pang isang araw na kasama kita ay pinaslang na kita sa kayabangan mo. Binitawan ko ang gunting sa mahabang upuan. Para siyang nabunutan ng tinik nang makitang ginawa ko iyon.
"Maligo ka na. Amoy kang isda."
"Aye aye, Captain!"
Haay. Sa tatlong buwan na pananatili namin dito sa Paniman, nasanay na 'kong taasan ng dugo bawat araw. Pakiramdam ko ay napakalaki na ng tinanda ko dahil sa stress ko sa lalaking ito. Kung si Jasper ba naman kasi ang lagi mong kasama, tiyak ang pagtanda mo sa bawat segundo ng buhay mo. Marahil malaki ang kasalanang nagawa ko noong nakaraang buhay ko kaya akong pinarurusahan ng ganito.
Buong linggo akong nag-asikaso ng lectures ko para sa mga aplikanteng interesadong mag-training as managers. Walang gaanong nag-aapply dahil halos lahat ay waiter/waitress lang ang gusto. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. So, habang wala pang mga applicants for managerial position, inasikaso ko lang muna ang mga dapat kong ituro kung sakaling magkaroon.
"Cindy! Jasper!" Dumungaw si Jasper mula sa aming bintana at hinarap si Merling. Abala kasi ako sa pananahi sa shorts niyang sumabit sa pako ng upuan naming kawayan.
"Oh, Merling? Nagmamadali ka?"
"May salu-salo mamayang hapunan sa resort nina Aling Tonyang! Dumating na raw si Fatima!" humahangos na wika nito.
"Jasper, buksan mo nga ang pinto at papasukin mo 'yang si Merling."
Tumayo ako at ikinuha ko ng malamig na tubig ang hinihingal na si Merling.
"Salamat! Grabe uhaw na uhaw ako walang gan'to kalamig na tubig sa amin." Inubos niya ang isang mataas na baso ng inumin.
"Hindi naman kami kilala nung Fatima para makisalo kami mamaya." Sa mga kwento lang naman nila ko ito nakilala.
"Naku! Kayo nga ang pangunahin pinaiimbita ni Aling Tonyang bilang kayo ang nakabili nitong bahay kubo nila."
"Binili?"
"Oo. Sabi niya imbitahan ko raw 'yung mga nakabili sa bahay kubo nila. Eh kayo lang naman ang nakatira rito."
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Merling at pumayag na lang akong pupunta kami mamaya. Pagkaalis nito ay nakapamaywang akong humarap kay Jasper.
"Binili mo 'tong bahay?"
"Hehehe." Lumayo siya sa 'kin at pumwesto siya sa likuran ng mahabang upuan. "Mura lang naman e."
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"
"Hindi ka naman nagtatanong. Hehe."
"Magkano? Babayaran ko ang kalahati."
Sumama ang mukha niya at nakalabi siyang lumapit sa 'kin. "Please 'wag mong gawin 'yan."
"Hindi naman tayo mag-asawa para bilhin mo ito, Jasper."
At saka, kahit bahay kubo lang ito, tiyak kong may halaga pa rin ito lalo na't puntahan ng mga turista ang lugar!
"Payag naman akong magpakasal sa 'yo anytime na magpropose ka para maging mag-asawa na tayo." Tumatawa niyang hinawakan ang dalawang kamay ko para pigilan ang mga itong saktan siya. Nagdidilim na naman kasi ang pangingin ko sa hangal na ito.
"Ang titulo, Jasper."
"Ihhh. Wag ka ng makulit, My Majesty." Yumakap siya sa 'kin at ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. "Nahihiya na nga ako sa 'yo na sa gan'tong bahay lang kita naitira tapos babayaran mo pa ang kalahati? Iniinsulto mo ba 'ko?"
Napakunot noo ako. Kailanman hindi ko siya iinsultuhin sa pagtira namin sa ganitong klase ng tahanan.
"Alam mong hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Wala naman sa 'kin kahit sa gan'to tayo nakatira."
"Pero hindi ito ang gusto ko para sa 'yo." Malungkot ang boses niya.
"Isang taon lang naman, Jasper."
"Oo isang taon lang. Pagkatapos ay dadalhin kita sa palasyong nararapat para sa 'yo, My Majesty." Humigpit ang yakap niya at nararamdaman ko ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. "Pakakasalan kita pagbalik natin ng Maynila, Cinderella." Seryosong dagdag niya.
Napaawang ang labi ko sa pagkagulat. Sumobra ba ang nainom kong kape at gan'to na lang ang kaba ko sa sinabi niya? Sumusobra na rin ba ang ilusyon ko para makaramdam ng saya sa mga salitang sinambit niya? Parang isang musika ito na nagpaulit ulit sa pandinig ko.
Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon. Sa tuwing maaalala ko kung gaano siya kagalit sa 'kin noon, hindi kailanman sumagi sa isipan ko na magiging maayos pa kami katulad nito. Lalong hindi ko kailanman naisip na gugustuhin niya 'kong makasama habang buhay.
Uminit ang makabilang sulok ng mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang tuwang nararamdaman ko. Sobrang saya kong lang na marinig iyon mula sa kanya. Nagdiriwang ang puso ko sa labis na galak at dahil do'n ay hindi na ako nakapagsalita pa. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang bahagyang lumayo siya sa 'kin para tignan ako ng harapan. Pumatak ang mga luha ko. Luha ng labis na kasiyahan.
"Huy, 'wag kang umiyak."
"I don't think I deserve this." Napatawa ako ng malungkot.
"You deserve to be happy. We deserve to be happy."
"Pero masyadong nakakatakot itong nararamdaman kong saya. It felt so surreal na para bang pwede itong bawiin sa 'kin ano mang oras. Natatakot ako."
"Ako rin natatakot na baka isang magandang panaginip na naman 'to. Na baka paggising ko ay hindi totoong kasama kita." Nabakas ko ang pangamba sa kanyang itsura. Yumuko siya at pinaglaruan ang mga kamay kong hawak niya. "Kaya sa oras na matapos lahat ng 'to, sa ayaw at sa gusto mo akin ka."
"Wala akong choice?"
"Meron. Either you marry me or I'll marry you. That's your only two choices." Siya mismo ay natawa sa mga ibinigay niyang pagpipilian. Wala na yata talaga akong kawala sa hangal na 'to. Dinala niya ang kanyang mga palad sa magkabilang pisngi ko. "I love you, Cinderella."
Ginantihan ko ang yakap niya ng mas mahigpit pa. Sa mismong oras na 'to, ipinapangako kong hindi na ako bibitaw. Lalaban ako hanggang sa kaya ko. Lalaban ako hangga't nakikita kong lumalaban siya para sa aming dalawa. Pangakong sasamahan ko siya hanggang sa huli.
"I love you too, Jasper."
Kinahapunan ay naghanda na kami para sa imibitasyon na salu-salo kina Aling Tonyang. Naghanap kami ng maayos na isusuot, pero mukhang ako lang ang nahirapan sa paghahanap. Kahit ano naman kasing isuot ni Jasper ay tiyak na babagay sa kanya. Tulad ngayon na simpleng plain black shirt lang at shorts ang suot niya, pero siguradong agaw eksena pa rin siya pagdating namin doon mamaya. Ako naman ay simpleng off shoulders lang at shorts din.
"Napakaganda mo naman, My Majesty. Bagay na bagay ka talaga sa kagwapuhan ko." Inalok niya ang braso niya at nakangiti naman akong kumapit doon. Sinundo kami ng mga kasama namin at
magkakasabay kaming nagtungo sa La Fatima Beach Resort. Ang ingay ingay namin habang naglalakad. Panay kasi ang pagbabanta nina Marites at Merling sa mga asawa nila na huwag na huwag titingin doon sa Fatima kung ayaw matulog sa labas ng bahay ng mga ito.
"Pagsabihan mo rin 'yang si Jasper, Cindy. Naku ikaw rin." Babala ni Marites.
Pareho kaming natawa ni Jasper. Nakaakbay siya sa 'kin habang naglalakad kami.
"Hindi niya 'ko kailangan pagsabihan. Siya lang naman ang pinakamaganda sa paningin ko."
Jusko po. Kailan ba ako masasanay sa mga matatamis na salita ni Jasper?
"Nakakainis!" kinikilig na reklamo ni Marites. "Hoy, Danilo! Dapat gano'n kang sumagot! Matuto ka naman kay Jasper!"
"Ikaw din, Jojo!" gaya rin ni Merling at hinampas pa ang kawawang si Jojo. Panay tuloy ang tawa namin ni Jasper sa kanilang apat.
Nang malapit na kami sa resort ay saka lang namin napansin na nasa likuran lang pala namin sina Pinky at ang pinsan nitong si Maricar.
"Hindi na siguro niya sasabihin ngayon na siya lamang ang nakapag kolehiyo sa buong Paniman?" nang-uuyam na tanong ni Marites sa amin ni Merling. Pasaway talaga. Hindi pa rin pala nito nakalimutan ang usapin na iyon!
Mayroong mga lamesa ang nakakalat sa harapan ng resort. Pumasok kami sa bakod na kumukulong sa buong lugar. Marami na ang mga tao at halos nakaayos ang mga suot ng mga ito ngayon. Mayroon ding malaking banner na may larawan no'ng Fatima at may nakasulat na welcome back. Tinitigan kong mabuti ang picture niya. Ang ganda nga niya at maputi nga ito.
"Mas maganda ka pa rin d'yan, My Majesty. Walang binatbat sa alindog mo 'yan."
"Inaasar mo ba 'ko? Tignan mo ang puti kaya niya."
"Ano naman? Pareho lang kayong may kulay, magkasalungat nga lang."
"Kaya kitang paliparin sa isang suntok ko lang."
"Charot lang, My Majesty. Pero seryoso, don't bother looking at her. Makikikain lang tayo dito tapos sisibat na tayo. Gagamitin lang natin sila para matikman ang mga ipinagmamalaking pagkain nila rito."
"Eat and run pala ang balak."
"Di naman halata kasi pogi ako. Privilege pa nga nila na dumalo ako rito. Lucky them." Sinuntok ko siya ng mahina sa dibdib habang tumatawa. Ang dami daming alam. Hindi nauubusan ng sasabihin.
Pumwesto kaming anim sa isang mahabang lamesa. At dahil may mga bakante pang upuan, nakisama sa table namin sina Pinky at Maricar. Kitang kita ko ang mga panakaw na tingin nila kay Jasper kahit nakikita nilang kasama ako nito. Mga walang pakundangan! Sana pala nagdala ako ng twalya pantakip sa mukha ng lalaking ito. Parang hindi na ligtas na magpakalat kalat siya rito nang walang balot ang mukha.
Kumuha sila ng mga pagkain mula sa mga nakahain sa isang mahabang lamesa sa harapan. Naiwan ako sa upuan ko para magbantay ng pwesto namin. Tuwang tuwa kong pinapanood ang bawat tao na masayang masaya sa pagkain. Mga katulad ko yata lahat ng narito na kasiyahan ang pagkain.
Huminto ang lahat nang tumigil ang tugtog at lumabas si Aling Tonyang. Pulang pula ang suot nitong bestida kahit na lalo lang siyang nagmukhang malaki. Pero hindi maipagkakakila ang taglay na kagandahan nito noong kabataan niya. Nagbigay siya ng short speech para sa lahat ng pumunta pagkatapos no'n ay ipinakilala niya ang pinakahihintay ng lahat ng narito.
Sumilay ang isang magandang binibini sa paningin naming lahat. Ang ganda. Kamukhang kamukha niya ang kanyang ina. Maamo ang kanyang itsura gaya ng nasa larawan na nakapaskil. Maputi at balingkinitan ang kanyang katawan. Talaga nga namang gugustuhin ng bawat kalalakihan ang ganitong klase ng babae. Lalo pa't bihira lamang ang ganitong itsura dito sa lugar nila.
"I'd like to thank everyone who came here to welcome me tonight. I appreciate it a lot and I hope that I'd get the chance to know everyone better soon."
Nagliliwanag ang mga mukha ng lahat sa pakikinig sa kanya. Kahit mukhang hindi nila na-gets yung sinabi niya, tumatango tango sila at nagpalakpakan nang matapos siya. Malapad ang mga mukha nina Jonel at Jojo na bumalik sa aming lamesa. Punong puno ng pagkain ang kanilang pinggan at hindi ko mapigilang maisip na siguradong kayang kaya ko ring umubos ng ganoon kadaming rice.
"Cindy! Ano iyong sinabi ni Fatima?" aligagang tanong agad ni Merling pagkaupo niya sa katapat kong upuan.
"Ah. Nagpapasalamat lang siya sa lahat ng sumalubong sa kanya at sana raw ay makasama niya ang lahat sa mga susunod na araw para mas makilala ang isa't isa."
Sumunod na bumalik sina Danilo at Marites na sinundan din nina Pinky at Maricar pagkatapos. Napatingin ako sa likuran nila.
"Si Jasper?" tanong ko kay Marites. Kasama kasi nila itong kumuha ng pagkain, pero hindi naman nila ito kasamang bumalik.
"Hala wala pa ba?"
Aba'y nakikita mo na ba? Hehehe. Pero syempre hindi ko sinabi 'yan.
"Hindi pa siya bumabalik e." tinanaw ko iyong hapag na pinuntahan nila pero wala naman na siya ro'n. Saan na kaya napadpad iyon?
"Naku." Biglang napatakip ng bibig niya si Merling at parang kinabahan pa. "Di kaya..."
Nagkatinginan sila ni Marites.
"Tinamaan na kay Fatima?" pagdugtong nito. Tinawanan ko lang ang mga kabadong itsura nila. Nakakatawa lang talaga na kabang kaba sila sa Fatima na iyon gayong mukha naman itong mabait.
Tumigil sila sa pagchichismisan at nanlalaking mata na ngumuso sa 'kin si Marites. Sinundan ko ng tingin iyong direksyon na itinuturo ng nguso niya at nakita namin ang paglabas ni Jasper mula sa isang pinto. At kasunod niya sa paglabas mula roon ay ang tumatawa na si Fatima.
"Mahabaging bathala." Takot na tinignan ako ni Merling. May awa rin ang mga mata ni Marites na tumingin sa 'kin. Sabay sabay naming pinanood na maglakad si Jasper pabalik dito sa table namin.
"Sorry ang tagal ko. Gutom ka na, My Majesty?" Nilapag niya sa lamesa ang dalawang plato ng pagkain na dala niya.
"Sakto lang. Bakit ba natagalan ka?" Hinila niya ang upuan sa tabi ko. "Bakit may dumi 'yang damit mo??"
"Ah ano...nabangga kasi ako ni Fatima. Tumapon tuloy sa 'kin 'yung dala ko. Sinamahan niya 'ko sa CR." Wow first name basis. Close agad sila. Hehe.
Hindi na ako sumagot at tahimik na lang kaming kumain. Pero ramdam ko ang pasulyap sulyap na tingin sa amin ng aming mga kasama. Siguradong kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ng mga ito. Napakalawak pa naman ng mga imagination nina Marites at Merling kahit narinig nilang may dahilan naman pala kung bakit magkasama ang dalawa.
"Hi, Jasper!"
Napatingin kaming lahat sa nakatayong si Fatima sa gilid namin dala iyong pinggan niya. Ang ganda pala niya lalo sa malapitan.
"Hey."
"Can I join your table?"
"Sure. Table niyo naman 'yan nakikikain lang kami." Tumatawang sagot ng loko lokong Jasper at tuloy lang siya sa pagkain. Baliw talaga. Chinika nina Marites at Merling si Fatima tungkol sa naging buhay nito sa ibang bansa. Nginitian ko naman ito nang magtama ang aming mga mata.
"Bago ka lang din ba rito?" tanong niya sa 'kin. "What's your name?"
"Ah oo. Ilang buwan pa lang. Ako si Cindy."
"Nice to meet you, Cindy! I hope we can all be friends here!"
"Ano daw sabe?" bulong ni Marites sa gilid ko.
"Sana raw maging magkakaibigan tayo rito."
Bigla siyang napapalakpak. "Ay oo, Fatima! Pwedeng pwede tayong maging magkakaibigan dito! Iilan lang naman tayong mag-kakaedaran dito sa lugar natin!"
"Thank you!" para siyang inosenteng bata na tuwang tuwa.
"Naaalala mo pa rin ba kami, Fatima? We are classmate when elementary!" maarteng ani Pinky na kasama rin namin sa lamesa. Sinipa ko ang paa ni Jasper sa ilalim ng lamesa nang makita ko siyang nagpipigil ng tawa.
"Oh yeah! I think I remember your face. You two are cousins, right?" tinuro ni Fatima si Maricar.
"Yes yes! I'm Pinky. She's Maricar. We are happy seeing you again!"
Sinipa ko ulit ang gagong Jasper.
"Yeah me too! I was really excited to go back when mom agreed with my plan. Sana mag-bonding tayo soon kahit tayo tayo lang as friends. What do you think, Jasper?"
Bakit si Jasper ang tinatanong niya? Long time friends?
"Yeah sounds great. I heard that there are beautiful places here and I wanted to bring My Majesty there."
"Your what?"
Nakangiting hinarap ako ni Jasper. Nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at kinintalan ng mabilis na halik sa labi. "My Cinderella."
Natulala na lang ako.
"Bakit mo naman ginawa 'yon sa harapan nila?" reklamo ko pagdating namin sa bahay. Pagkatapos naming kumain at makapagpahinga ay nagkayayaan na rin kaming umuwi na.
"Syempre para malaman nilang taken and not willing to mingle na 'ko. Bakit? Gusto mo bang may lumandi sa 'kin?"
"Syempre ayoko."
"Ayun naman pala e." kinurot niya ang pisngi ko. "Basta kapag may babaeng lumalapit sa 'kin, I'm giving you permission to kiss me right in front of them."
"Ayaw mo ba na may nagkakagustong ibang babae sa 'yo? Di ba kinagwapo mo pa nga 'yon?"
"No. I don't like it. I don't want to see my majesty get hurt whenever another woman wants to flirt with me. So, I'm not tolerating anyone na landiin ako." Kinindatan niya 'ko bago siya nagpaalam na maliligo muna.
Napangiti na lang ako napailing pagkaalis niya. Hmp!
***