Pinanood namin ang paglubog ng araw habang nakasakay kami sa motor boat pauwi. Ang awkward lang ng pakiramdam ko ngayon pagkatapos niya 'kong halikan kanina. Iyon ang unang halik ko! At iyon ang unang halik naming dalawa! Jusmiyo parang sasabog ang puso ko sa nerbyos at hanggang ngayon ay para bang nararamdaman ko pa rin iyong paggalaw ng labi niya labi ko. Nakakawala ng ulirat! Ganito rin kaya ang pakiramdam no'ng mga babaeng nakahalikan niya? Mabaliw baliw din kaya sila sa kaiisip nito pagkatapos? Ang hirap!
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala kaming imikan. Ako lang ba ang nababahala o pareho kami kaya hindi rin siya nagsasalita?
"Uy Jasper. Pakikuha mo nga iyong mga daing sa bubong. Makulimlim pa naman." Wala akong narinig na sagot mula sa kanya, pero sumunod naman siyang kinuha ang mga ito. Inilapag niya ang mga bilao sa lamesa saka siya bumalik sa sala at nanood lang ng TV. Inayos ko ang mga daing at nilagay ko sa basket naming nakasabit nang matipon ko.
Naghapunan kami nang wala pa ring imikan. Hindi ko tuloy alam kung ako pa rin ba ang may problema, o siya, o baka kaming dalawa na?
"May problema ba? Kanina ka pa walang imik d'yan." Hindi ko na napigilan pa ang magtanong.
Napahawak siya sa kanyang batok at parang batang biglang tinamaan ng hiya. Ayy?
"I was just so overwhelmed with the kiss earlier."
Uminit ang mga pisngi ko sa pagbanggit niya ng pangyayaring iyon!
"Bakit kailangan mo pang banggitin 'yan sa harapan ng pagkain natin?"
"Nagtatanong ka e. Syempre iyon ang sagot ko. Anong gusto mong sabihin ko sa 'yo?"
Bahagyang nabawasan ang ilangan naming dalawa nang magsimula na ulit siya sa pang-aasar sa 'kin. Pero at least, hindi na awkward. Mas mabuti na 'to kaysa naman sa isang nakabibinging katahimikan. Pagkatapos naming kumain ay nag-insist siyang maghugas ng pinagkainan namin.
"Hindi ka naman marunong. Ako na. Manood ka na lang ng TV d'yan."
"Ako na. Para matutunan ko rin." Pilit niya kaya para wala na lang away, hinayaan ko na siya. Tumungo na lang ako sa kwarto para ayusin ang aming higaan. Nagbuklat ako sandali ng mga papeles na kailangan kong i-review para sa Green Pepper. Kailangan ko pa lang makausap din iyong mga supplier namin ng ingredients. After kong pasadahan ng tingin ang trabaho ko ay naligo ako at nagpalit ng damit pantulog.
Nagulat ako pagbalik ko nang makita kong kumuha ng unan si Jasper at pumwesto siya sa sala.
"Anong ginagawa mo d'yan?" nakatayo ako sa may b****a ng aming kwarto habang siya ay pahiga na roon sa mahabang upuan na matigas.
"Dito muna ako matutulog, My Majesty."
"Bakit? Akala ko ba sumasakit ang likod mo d'yan? Bumalik ka na ro'n."
Umiwas siya ng tingin at nakangusong sumagot. "Para 'to sa kapakanan mo kaya hayaan mo na lang ako rito."
Ano namang para sa kapakanan ko ang pinagsasabi nito? Naglakad ako palapit sa kanya habang pinupunasan ng tuwalya ang basa kong buhok.
"W-Wag ka ngang lumapit sa 'kin." Arte neto!
Tumabi ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Anong problema mo?"
Gulat siyang lumingon at mabilis ding nag-iwas ng tingin. "Susmaryosep, My Majesty! Lumayo ka sa 'kin please baka hindi na 'ko makapagpigil pa!" nakapikit na pakiusap niyang tila hirap na hirap pa. Mahigpit siyang kumapit sa hawak niyang unan.
"May masakit ba sa 'yo?" nag-aala kong tanong. "Pinagpapawisan ka oy!" sinalat ko ang noo niya kung mainit ba siya, pero malamig naman ang temperature niya.
Nagulat ako nang biglang hawakan niya ang palapulsuan ko at hinatak niya 'ko palapit sa kanya. Naramdaman ko ang palad niya sa likuran ko at gumapang ito paakyat sa batok ko.
"Sabi ko sa 'yong 'wag kang lalalapit e."
"N-Napapano ka ba?"
"Naka-landi mode ako ngayon, My Majesty." Napaawang ang labi ko sa sinambit niya. "Binalaan na kita, pero lumapit ka pa rin."
Iginaya niya ang katawan ko paupo sa kandungan niya at marahan niya 'kong hinalikan. Napapikit ako sa sensasyon idinulot nito sa buong sistema ko. At dahil sa nakaawang kong labi kanina ay mabilis na napasok ng dila niya ang bawat sulok ng bibig ko. Para akong mabibingi sa kabog ng sarili kong dibdib. Sobrang bago sa 'kin ng pakiramdam na ito. Nakakabaliw! Gusto kong tumakbo sa hiya ngunit para akong adik na hindi kayang bumitaw sa mga halik niya at tinugon ko pa nga ito.
Bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. Napadaing ako sa pagsipsip niya sa isang bahagi nito at narinig ko siyang tumawa dahil do'n.
"Bampira ka ba?" giit na tanong ko. Bigla siyang huminto at tiningala ako. Nangungusap ang kanyang mga mata habang nakangiti siyang parang baliw.
"Minsan oo," nakangising sagot niya. "Dalasan natin ang paglalandian nang masanay ka, okay? Para sa susunod ikaw naman ang lalandi sa 'kin tapos kikiligin ako."
Isinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya sa sobrang hiya 'ko sa kanyang sinabi! Niyakap naman niya ang mga braso niya sa baywang ko habang pinagtatawanan ang reaksyon ko, samantalang ako ay halos manliit na sa katatago ng sarili ko sa kanya sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko.
"Ang landi mo!" hinampas ko siya ng mahina sa likod. Bahala siyang masakal sa higpit ng pagkakapulupot ng mga braso ko sa leeg niya. Hindi naman siya nagrereklamo at sa katunayan ay mukhang tuwang tuwa pa siya sa pagkakakapit ko sa kanya.
"My consent ka ng landiin ako every minute, every second. Use the opportunity wisely naman, My Majesty."
"Kapal mo, ano? Tingin mo ba lahat ng babae gustong landiin ka?"
"Pag ako nilandi ng iba, iyak ka d'yan."
Nasa kalagitnaan kami ng pagtatalo nang biglang isang matalim na kidlat ang umilaw sa paligd kasunod ng isang malakas na dagundong ng kulog nito. Napahawak ako ng mahigpit sa balikat niya.
"Ayan! Nang dahil sa kahanginan mo binabagyo na yata tayo!"
"Aba kasalanan ko namang ngayon kung may bagyo?"
"Bawasan mo kasi 'yang kayabangan mo. Tara na nga matulog na tayo!" Humiwalay ako at tumayo na kaming dalawa. Tumatawa siyang sumunod sa 'kin papasok sa kwarto at saktong pagkahiga namin ay bumuhos ang isang napakalakas na ulan.
"Cinderella?"
Jusko ano na namang ka-demonyohan ang sasabihin neto?
"Ano?"
"Malakas ang ulan."
"So?"
"Pwede bang tanggalin na natin 'tong unan sa gitna?"
"Ano namang kinalaman ng unan sa ulan?"
"Syempre umuulan. Cuddle weather 'to kaya dapat nagyayakapan tayo."
"Yakapin mo 'yang unan—ahh!! Inay ko po!"
Kinuha ko ang unan at ibinaon ang ulo ko sa ilalim nito. Matapang akong babae, pero aaminin kong duwag ako pagdating sa malalakas na kulog. Natatakot ako sa dagundong nito dahil para bang napakalaki ng galit ng langit sa mundo kapag naririnig ko ang kabog nito.
"Kunwari matapang, duwag naman sa kulog." Naramdaman ko ang paglapit niya sa tabi ko at ang paghapit niya sa katawan ko palapit sa kanya. Tinanggal niya ang unan sa pagitan namin at itinakip niya ang kamay niya sa tainga ko. Itinago niya 'ko sa dibdib niya. Kumalma ang naghuhuramentado kong puso sa kaba nang maamoy ko ang bango ng katawan niya. Alam kong hindi ako manyak, pero parang gusto kong singhutin lahat ng bango niya dahil literal na kumakalma ang pagkatao ko. Pakiramdam ko ay kahit gaano pa katalim ang kidlat at kalakas ang kulog ay hindi na ako matatakot. I just feel so secured in his arms.
"Matulog ka na. Dito lang ako babantayan kita." Hinigpitan niya ang yakap sa 'kin at hinalikan niya 'ko sa noo. Parang inagos ng ulan ang takot na nararamdaman ko at mabilis akong dinalaw ng antok.
Pagkatapos niyon ay sobrang naging touchy ni Jasper. Parang kahit saan kami magpunta ay laging nakayapos sa 'kin! Sineseryoso yata niya iyong madalas na landian niyang suhestiyon jusko po. Napagod na lang ako sa kakasaway sa kanya at hindi naman ako pinapakinggan!
Sinasamahan niya 'ko sa araw araw kong pagpasok sa Green Pepper. Hindi kalakihan iyong branch namin dito kaya minsan kapag walang importanteng ganap ay sa bahay na lang ako nagtatrabaho. Malapit lang naman kasi kaya kung sakaling kailanganin nila 'ko ay makakasakay agad ako ng habal habal. Isa pa kasing pampasikip do'n 'tong kasama ko. Parang anino ko na hindi mawalay sa 'kin.
Nakaupo kami ngayon sa mahabang upuan sa sala. Nanonood siya ng TV habang ako ay may nakapatong na unan at laptop sa kandungan ko. Tapos iyong kamay niya ay nasa baywang ko na naman. Parang may kung anong pandikit iyong kamay niya na laging dumidikit sa 'kin kapag nakalapit ako!
"Gutom ka na ba, My Majesty? Magluluto na ba 'ko?"
Natatawa pa rin ako sa tuwing nagtatanong siya ng gan'to. Hindi na yata akong masasanay na nagluluto na siya ngayon at pinagsisilbihan ako. Parang sa tuwing sasambitin niyang magluluto na siya ay matatawa pa rin ako.
Tinignan ko siya at nginitian. "Sige magsaing ka na. Yung tubig ng bigas mo bawasan mo ng kaunti ha. Napasobra yung sa sinaing mo kagabi."
"Yes, My Majesty." Tumayo siya at pumunta sa kusina. Tinuruan ko naman siyang magsaing at magluto ng mga ulam na madadali lang lutuin kaya kampante na akong hindi niya pasasabugin ang kusina namin. Pagkasalang niya sa sinaing ay bumalik siya sa tabi ko. "Anong type mo sa lalaki?"
Napakunot noo ako. "Bakit ka naman biglang nagtatanong ng ganyan?"
"Wala lang. Masama bang magtanong?" umayos siya ng upo at naka indian sit siyang humarap sa 'kin. "Dali na. Aminin mo ng simula't sapul type mo na talaga ako."
"Pisti ka! Do'n ka nga!" Siniko ko siya at pakunwaring nasaktan pa. Tinusok tusok niya 'ko sa tagiliran para piliting sumagot kaya wala akong nagawa. "Actually noong bata ako, pangarap kong magkaro'n ng sarili kong prince charming." Pagsukong tugon ko. Ang kulit kasi.
Sayang saya naman ang mukha ng loko. "Really?"
Tumango ako habang natatawang nagpatuloy sa pagkukwento. "Akala ko kasi noon, porke Cinderella ang pangalan ko, automatic na prince charming ang nakalaan para sa 'kin. Kaso habang tumatanda ako, palabo ng palabo ang akala ko na 'yon."
"Lumabo, pero luminaw naman sa huli diba? I came into your life and your dream came true." Hinawakan pa niya ang mukha niya at hinarap harap sa 'kin ng bwiset.
Tinakpan ko nga ng palad ko at itinulak palayo.
"Whatever! Ikaw ba? Ano ba talagang gusto mo sa babae?"
Nag-iisip pa kuno siya habang maloko akong sinusulyap-sulyapan.
"Syempre type ko sa babae 'yong may S-line. Maputi, makinis. Pang Victoria secret ang kasexyhan at kagandahan para naman pumantay sa kagwapuhan kong taglay. Kaso..." tumayo siya at lumayo ng kaunti sa 'kin. "...pinarusahan yata ako ng langit at kabaligtaran lahat ng ideal girl ko ang pina-pana niya kay cupid."
"Hayop ka." Inangat ko ang paa ko para maabot at masipa siya.
"Hahahahahaha! Pero wala naman akong reklamo sa binigay ng langit. Natutunan ko ng tanggapin na ikaw na talaga ang ipinagkaloob sa 'kin. Wala naman akong choice e!"
"Ah gano'n? Eh kung sipain kita ngayon pauwi sa inyo?!"
"Ayy walang ganyanan. Hahahahaha!" Umupo na ulit siya sa tabi ko at niyakap ako mula sa gilid. "Sabi nga ni Lord no'ng nakausap ko, tanggapin ang biyaya nang walang alinlangan at ikaw ay ipagpapala. Kaya hinihintay ko na lang ngayon na pagpalain ako."
Jusko. Wala na talagang pag-asa na magkaro'n ako ng matinong araw kasama ang hangal na 'to.
"Lumayo layo ka nga sa 'kin bago kita masaktan!"
"Ayy ganyan ka. Gusto mo 'kong laging sinasaktan. Kapag ako nanakit sa 'yo sa umpisa lang. Sa huli matutuwa ka na tapos ilang araw lang magkakabonus ka pa sa 'kin. Ang generous ko lang 'di ba?" Muntik kong maipukpok ang laptop na hawak ko sa ulo niya. Mabilis lang niyang naiharang ang mga braso niya at nakatakbo agad siya palabas. "Sornaaaa!!"
"Magluto ka na ng ulam!"
"Ihh sasaktan mo 'ko kapag dumaan ako d'yan!"
"Masasaktan ka talaga sa 'kin kapag natapos ako rito nang wala ka pang natatapos!"
Sumilip siya sa may pintuan. "Hehehe. Sabi ko nga magluluto na 'ko." mabilis siyang kumaripas ng takbo papuntang kusina.
Napailing iling na lang ako. Daig ko pa ang may alagaing bata dito sa kasama ko! Buti pa ang bata nasasaway. Eto jusko mauubos muna ang psensya ko bago umayos at sumunod! Ibinalik ko sa kwarto ang laptop ko nang matapos ako sa ginagawa ko.
"Cindy? Jasper?"
Tinungo ko agad ang pinto kung saan may tumatawag.
"Oh, Merling?" humahangos pa ito dahil mukhang tumakbo.
"May rasyon daw mamaya sa brgy. Hall dahil sa sunod sunod na pag-ulan. Heto ang ticket ninyo pinagkuha ko kayo ni Jasper!" hinihingal niyang inabot sa 'kin ang isang kapirasong papel na may nakasulat na relief goods @5pm.
"Naku maraming salamat ha. Saan ba ang brgy. Hall ninyo rito?"
"Sumabay ka na lang sa amin mamaya daanan kita! Isama mo na rin si Jasper nang malaman naman din niya ang pasikot sikot rito sa Paniman!"
"Osige sige! Salamat ha!" tinapik ko siya sa braso bago siya umalis.
Pagkatapos makapaghain ng aking tagapagsilbi ay kumain na kami. Nag-workout session pa ang loko sa sala after niyang magpahinga dahil baka raw mawala iyong mga pandesal niya sa katawan. Hahahaha! Napakakulit kainis!
"Bilangin mong mabuti. 30 lang pushups lang per set."
"Lima pa nga! Dinadaya mo naman e!"
Nag-fi-flex ang mga muscles niya sa braso sa bawat push niya. Nang makumpleto niya iyong tatlong set of pushups niya ay pagod na pagod siyang sumalampak sa sahig at natatawa kong pinunasan ang pawisan niyang mukha.
"Kailangan kong i-maintain ang mga abs kong 'to hangga't hindi mo pa natitikman."
Hinampas ko ang bimpo sa mukha niya.
"Sira! Maligo ka na at pipila ka pa sa parasyon ni Kapitan." Tumatawa siyang tumayo at naligo.
Pagkabihis niya ay sakto ang pagdating nina Merling at Marites. Kasama rin nila sina Danilo, Jojo, at Jonel dahil katulong daw ang mga ito sa pamamahagi ng rasyon. Nilakad lang namin iyong brgy. Hall at pagdating namin sa covered court ay marami ng mga tao ang naghihintay. Lumapit na sa pila namin si Jasper nang tawagin na ng mga kagawad iyong tatlong kasama niya.
"Kailangan ba talaga nating pumila rito? We can just go to the supermarket kung wala na tayong stocks. Hindi pa naman natin kailangan manghingi." Parang bubuyog na bulong niya sa tabi ko.
"Hindi naman tayo nanghihingi. Kusang ibinibigay ito. Saka sinadya tayo sa bahay ni Merling! Nakakahiya naman kung hindi tayo sasama." Kinurot ko siya sa tagiliran para tumigil siya sa kakareklamo niya. Napangiwi naman siya ng walang sound. Hahahaha!
Nasa gitna na kami ng mahabang pila nang kunin niya sa 'kin iyong stub. Pinaupo niya 'ko sa gilid at siya na law daw ang pipila para hindi ako mangawit. Tinanong ko pa nga kung sigurado ba siya na siya talaga ang pipila at tumango naman. Ang sakit ng tiyan ko sa kapipigil ng tawa habang pinapanood siya. Hindi ko talaga kayang palagpasin lahat ng memorable moments na ito ni Jasper. Kinuha ko ang cellphone ko at vinideohan siya.
Hindi naman kalayuan ang kinauupuan ko kaya't dinig ko pa rin ang mga pag-uusap nila ro'n. Nang si Jasper na ang aabutan, tinignan siya nung kapitan mula ulo hanggang paa. Tatayo na sana ako para itanong kung may problema ba dahil natagalan ang pag-aabot sa kanya ng rasyon, pero mas muntik kong ikinahulog sa upuan ang pagtapat nila ng camera ng cellphone sa kanya. Hahahahahaha! Hindi ko napansin na parang may social media officer pa lang nagdo-docu ng parasyon na ito! Hahahahaha!
"K-Kailangan talaga may picture?"
"Oo kailangan 'to." Sabi nung babaeng may hawak ng cellphone.
"Bakit 'yung iba hindi niyo naman pinipicturan?"
Nakita ko ang pagsimangot ni Jasper noong una, pero nang kinukunan na siya ng litrato ay ngumiti pa ang siraulo! Nagpose pa siya at itinaas iyong supot ng rasyon na akala mo'y endorser! Nagtawanan ang mga tao sa kanya at may mga babaeng tumitili pa at nagkumpulan sa harapan para lang makita siya.
"Ang hirap maging gwapo shet! Hanggang dito iniistress ako." Reklamo niya pagkalapit sa 'kin habang pakunwari'y nagpupunas pa ng pawis niya sa noo.
"Feel na feel mo namang magpapicture!"
"Aba syempre baka ipost pa nila 'yon! At least kapag nakita ng mama ko, makita niyang masaya ako sa pinili kong kapalaran."
Nang mabigyan na ang lahat ay pinagtipon kami para kunan ng group picture. Pinapwesto pa kami sa harap at enjoy na enjoy itong kasama ko sa pag-pose. Pauwi na kaming lahat nang biglang may matandang mag-asawa ang kumakalabit kay Jasper.
"Hijo, i-ikaw ba iyong n-nagbibigay ng rasyon? W-Wala raw k-kami no'ng papel kaya h-hindi kami binigyan," hirap ngunit medyo nahihiyang wika ni Lolo.
Nginitian ako ng lolang kasama nito. "Hindi na kasi kami nakatakbo ng mabilis kanina at naubos na raw iyong ticket."
Nagkatinginan kami ng mga kasama ko at panay ang iling nila na 'wag na lang itong pansinin. Hinahatak na ako paalis ng mga ito nang biglang narinig kong sumagot si Jasper at parang lalo yata akong na-inlove nang ngitian niya iyong mag-asawa.
"Heto po sa inyo na ito. Ang swerte niyo po nakaabot pa kayo." Nagliwanag ang mukha ng mag-asawa at maiyak iyak pang nagkatinginan ang mga ito. Hindi matapos tapos ang pasasalamat nila hanggang sa makalayo sila ay kumakaway pa rin sila sa amin.
"Hala! Kayo tuloy ang walang rasyon!" ani Merling sa napakatinis nitong tinig.
"Diet naman ang asawa ko kaya ayos lang 'yan." Inakbayan niya 'ko at masaya kaming naglakad pauwi kahit wala kaming bitbit. Mabilis talagang matuwa ang puso ko sa mga maginoong lalaki kaya't hindi maalis sa isipan ko iyong ginawa ni Jasper. Kahit gwapo siya, mas nangingibabaw pa rin sa mga nagustuhan ko sa kanya ang kagandahan ng kalooban niya kahit madalas abnormal siya.
[Dennis: Kailangan na rin ba kitang ibili ng palayan d'yan?!]
Ka-video conference niya ngayon ang gang niya habang ako nanonood lang ng TV sa tabi niya.
"Kung wala rin namang kasamang magsasaka 'yang bibilhin mo 'wag na lang!"
[Kevin: finollow ko na 'yung f*******: page ng barangay ninyo.]
[Dennis: done na rin. Lintek ka Jasper! Nakakahiya kang maging friend! Nangunguna ka pa sa pa-rasyon pucha! Tignan mo ang dami ng likes ng picture mo!]
"Pakikisama tawag d'yan mga gago! Tsaka gwapo ako kaya madaming likes."
[Dennis: nag-angry react na 'ko! Kayo din angry ang i-react niyo ha!]
Natawa ako sa pangungumbinseng ito ni Dennis sa mga kasama.
"Basher ampucha!"
[King: sorry I'm late. What's happening?]
Biglang nawala si King dahil inagaw ng anak niya 'yung cellphone.
[Sam: Tito Jasper! You're starving na daw?!]
Nagtawanan kaming lahat sa reaksyon ni Jasper sa sinabi ni Sam! Hahahaha! Sobrang gulo nilang magkakausap. Video call pa lang 'yan, pero parang magbubugbugan na sila sa sigawan. Lalo na jusko kapag magkakasama silang lahat! Natapos na ang pinapanood kong drama sa TV nang matapos din silang lahat sa call.
"Bakit ba kasi may internet dito! Natatawagan tuloy ako ng mga 'yon anytime!"
"Ayos nga at may internet pa rin. Updated ka sa nangyayari sa Maynila."
Nahiga siya at ipinatong ang ulo niya sa kandungan ko habang nag-i-scroll siya ng kung ano sa cellphone niya. Chineck niya iyong litrato niyang nakapost sa page ng Paniman. Tawang tawa ang siraulo na makita ang sarili niyang may hawak na supot ng rasyon.
"Tignan mo, My Majesty! Mukha ngang ako yung namahagi ng rasyon sa sobrang gwapo ko! Hahahahaha!"
Abnormal.
***