Kabanata 14

3440 Words
Sinamahan ako ni Jasper na bisitahin ang Green Pepper sa bayan. Dinatnan namin ang natitirang limang staff na mayroon ang branch. Iyong main chef, assistant nito at iyong tatlong waiter lang. "Starting on Monday, I'll be in charge of this branch. Lahat ng concerns ninyo at ng customers, gusto kong idirekta ninyo agad sa 'kin." "Ang strict niyo naman po, My Majesty." Sinamaan ko ng tingin si Jasper na nakaupo sa isa sa mga table. Bakit ba kasi ako pumayag na sumama pa ang lalaking 'to dito! Wala ng ibang ginawa kung hindi ang sumabat sa mga idinidiscuss ko rito sa mga staff! Ipinahanda ko kay Chef Rolly ang lahat ng dishes ng Green Pepper. Tinikman naming lahat ito ni Jasper para matukoy kung kapareho ba ito ng isine-serve namin sa Maynila at sa iba pang branches. Very strict kasi si Auntie pagdating sa lasa ng pagkain dahil gusto niya, iisa at markadong sa Green Pepper lang matatagpuan ang lasa ng mga ito. "Natikman ko 'to sa main branch. I like this." Feeling professional food taster na komento ni Jasper. "Kuhang kuha niya 'yong taste ano?" Nasa 40's na si Chef Rolly at aaminin kong base dito sa mga inihanda niya sa amin, magaling talaga siyang magluto. Hindi nagkamali sa pagpili sa kanya iyong dating manager dito. Nag take out pa ang lokong Jasper nang pauwi na kami. Pagbalik namin ng Paniman, napakaraming tao ang nagkakagulo sa may dalampasigan. Tumatakbong nilapitan ng tatlong lalaki itong kasama ko. "Pareng Jasper! Tara sumama ka sa paghulog ng bitana sa gitna ng dagat!" sigaw ng isang matipunong lalaki na may dala dalang sagwan. "Ako nga pala si Danilo." Pakilala nito sa 'kin. "Pare, sumama ka na! At nang matikman ni mareng Cindy ang mga isda rito sa Paniman." Pagmamalaking saad din ng isa pang kasama nito. "Ako nga pala si Jojo." "Ako naman si Jonel." Ngumit rin sa 'kin iyong isa pa. Halos lahat sila ay matitipuno ang pangangatawan at bakas ang bigat ng trabahong pinagdaraanan ng mga ito sa araw araw. "Lalaot na ang sensoro! Tayo na!" Excited siyang naghubad ng damit pang-itaas sabay abot niya nito sa 'kin. "D'yan ka muna, My Majesty! Manghuhuli ako ng maraming isda para sa 'yo!" Natawa ako sa mga nakabalandra nilang mga katawan dahil nangingibabaw sa lahat ang kulay ni Jasper. "Teka...marunong ka bang lumangoy?!" pahabol na sigaw ko sa kanya. "Oo naman! Sige na alis na kami!" Tumakbo sila patungong dagat at sumakay ro'n sa tinukoy na sensoro ni Jonel. Isang makitid na bangka pala ito na gawa sa kahoy at ginagamit nila patungo sa gitna ng dagat upang ihulog iyong bitana na malaking lambat pala na panghuli ng isda. Nakita ko ang pagsisigawan ng mga tao nang ipakilala no'ng tatlo si Jasper sa lahat. Dinig na dinig ko ang mga katanungan sa kanya ng mga ito kung artista raw ba siya. Hay naku. Para ko na ring literal na nasasaksihan ang paglobo ng ulo niya. Pumalaot na sila at tumakbo ako pauwi saglit ng bahay upang ilagay sa bagong bili naming ref itong mga tinake out ni Jasper. Lumabas din ulit ako agad at lumapit sa mga babaeng nagkukumpulan sa tabi at may dala dalang mga bayong at timba. "Marites! Merling!" sigaw ko sa kanila nang mapansin kong naroon sila sa kumpol. "Oh, Cindy!" "Nakita naming isinama nina Danilo si Jasper ah!" salubong ni Merling. Umusog sila ng kaunti sa sapin na kinauupuan at pinapwesto ako sa tabi nila. "Oo sinama nga siya." Nakangiti kong sagot. "Gaano katagal iyon?" "Saglit lang ang paghuhulog ng bitana, pero isang oras halos ang paghahatak no'n. Ngayon niyo lang ba ito mararanasan?" nanlalaking mata na tanong pabalik ni Marites. "Oo e. Hehe." "Naku! Ihanda mo mamaya ang timba mo dahil tiyak na marami ang huli ng mga iyon." Ipinakita sa 'kin ni Merling ang dala niyang timba. "Bakit ang daming tao? Mga bumibili ba silang lahat ng mga huli?" Tila may nakakatawa yata sa sinabi ko dahil nagtawanan silang lahat pati na rin iyong iba pang mga babaeng kasama namin dito. "Libre ang kahit na sinong narito sa pagkuha ng mga nahuling isda! Kaya marami 'yang mga nag-aabang!" Tinuro ni Marites ang mga tao sa paligid at maging ang mga batang nagkalat na nakikikuha rin daw sa mga huli. "Siya nga pala, ito si Cindy. Siya ang asawa ni Jasper!" nag-init ang magkabilang pisngi ko sa pakilalang iyong sa 'kin ni Merling sa mga babaeng kasama namin. May edad na halos ang mga ito at lima lang kaming mukhang mag-kaka-edaran. "Yan si Pinky." Itinuro ni Marites iyong babaeng tinignan ako mula ulo hanggang paa nang sabihing asawa ko si Jasper. Batid ko agad sa mga mata niya na hindi niya ako gusto. Pero baka naman nagkakamali lang ako. Hehe. "Siya naman si Maricar. Magpinsan silang dalawa." Kinawayan ako nito sabay ayos sa mga takas nitong buhok sa likod ng kanyang tainga. "Matagal na ba kayong mag-asawa ni Jasper?" matinis ang tono na tanong ni Pinky. "Gaano na kayo katagal na mag-asawa?" kyuryoso ring tanong ni Maricar. Sasabihin ko ba sa kanilang hindi naman talaga kami mag-asawa ni Jasper? May parte sa 'kin na parang ayokong sabihin dahil mukhang lahat sila ay may gusto sa hangal na iyon. Ngunit hindi ko naman din kayang magsinungaling at paniwalain sila sa kasinungalingan lalo na't isang taon kaming mamamalagi rito. Wait. Ako lang pala. Ilang araw na lang ay susuko na rin sigurado si Jasper sa buhay rito at uuwi na siya ng Maynila. "Hindi pa kami mag-asawa. Pero boyfriend ko si Jasper." "Talaga?!" nagliwanag bigla ang mukha ni Pinky. Hay. Hindi ba niya narinig na boyfriend ko naman? Tsk. "Bakit kayo magkasama rito kung gano'n? Nagtanan ba kayo?" Ngumiti ako ng tipid. "Naku hindi. Narito kami para sa trabaho ko. Sumama lang siya dahil hindi niya ako kayang malayo sa kanya." Biglang nagsumiksik sa gilid ko si Marites. "Ihhhh. Nakakainis naman 'yan nakakainggit!" "Siguro ay balak din naman nilang magpakasal na kaya ayos lang na tumira sila sa iisang bahay." Dagdag ni Merling kay Pinky na biglang sama ulit ng mukha. "Oo naman. Plano namin 'yan balang araw." Nababaliw na yata ako sa mga pinagsasabi ko rito. Mabuti na lang at wala rito ang mayabang na Jasper dahil baka nagdiwang na iyon kapag narinig ang mga pinagsasabi kong ito. Kinuha ko iyong timbang binili namin no'ng isang araw at magkakasama namin silang hinintay sa may dalampasigan. Napakarami nilang tanong sa 'kin. "Sasabihan ko si Danilo na lagi nilang isama si Jasper sa pangingisda," ani Marites. Asawa pala niya si Danilo at si Merling naman ay asawa si Jojo. "Naku salamat ha." Sakto at may pagkaka-abalahan siya rito. "Nakakatuwa nga at magkakasundo agad sila. Panay ang sabi sa 'kin ni Jojo kagabi na ang bait daw no'ng maputing bagong lipat." Tawang tawa si Merling sa pagkukwento. "Sabi ko nga sa kanya ay nakita ko nga iyong si Jasper at napakagwapo! Pinagselosan ba naman niya ito!" napapahampas pa siya sa pagkukwento, pero halatang kilig na kilig naman siya sa inakto ng kanyang asawa. "Kailan ninyo balak magkaanak, Merling? Ang tagal niyo ng kasal ni Jojo. Wala pa tayo sa tamang edad ay magkasintahan na kayo." Natahimik bigla si Merling sa sinabing ito ni Pinky. Ngumiti lang siya kahit may lungkot akong nababatid sa mga mata niya. "D-Darating din siguro kami r'yan balang araw. Hindi naman kami nagmamadali." "Oo nga naman hindi minamadali ang pagkakaro'n ng anak! Tsaka bata pa naman tayo. Kami nga ni Danilo halos gabi gabing gumagawa wala pa ring nagiging bunga." Napakadiretsong magsalita ni Marites! Napansin kong walang preno ang bibig ng babaeng ito. "E, ikaw? Bakit hindi ka pa nag-aasawa? Nasa hustong edad ka na, Pinky. Ikaw rin baka mahuli ka sa byahe n'yan." Ngumisi ito. "Naku. Napakahirap naman kasing mamili sa mga nakapila." Nakita ko ang patagong pag-me-make face ng dalawang katabi ko. "Baka may nakapila?" natatawang tugon ni Merling. Pabiro siyang hinampas ni Marites at saka muling tumingin kay Pinky. "Balita ko ay walang may gustong ligawan ka dahil sa kagustuhan ng inay Salvacion mong makapag-asawa ka ng may kaya sa buhay?" "Syempre naman kasi, ako lang ang nakapag-kolehiyo sa buong Paniman kaya nais lang ng inay na sa maayos na lalaki ako mapunta." "Mapili kasi talaga ang pamilya namin sa mga ganyang usapin." Singit ng pinsan nitong si Maricar. "Grabe ka naman do'n sa ikaw lang ang nakapag-kolehiyo sa buong Paniman!" Mapagbirong tinignan ni Marites si Pinky. "Saktong naka-enrol ka lang naman sa kolehiyo, pero hindi ka naman talaga pumasok, 'di ba?" Namula ito bigla. "Y-Yun din 'yon! Nakatungtong pa rin ako sa kolehiyo!" Yumuko ako at tinakpan ang bibig ko para pigilan ang pagtawa. "Anong nakakatawa, Cindy? Bakit, ikaw ba? Nakapag-kolehiyo ka ba?" inis ang tono nitong bumaling sa 'kin. "Sigurado 'yan! Mga taga Maynila 'yan e!" sabat ni Merling. "At saka mukhang may kaya sila sa buhay!" Hinawakan ako ni Marites sa braso. "Mayaman kayo?" "N-Naku hindi! Laking probinsya rin ako sa Visayas. Mahirap din ang buhay namin, pero masaya naman." "Pero nakapag-kolehiyo ka sa Maynila?" "Anong itsura ng mga eskwela sa Maynila?" Ikunwento ko sa kanila na pinag-aral lang ako ni Auntie at iyong restaurant nito sa bayan ang kasalukuyan kong trabaho kaya ako narito. "Susmaryosep sa Canada ka nag-aral?!" halos ialog ako ni Marites. "Sabi ko na nga ba kaya mukha kang matalino e!" ani Merling. "Sakto maraming mga dayuhan dito at ikaw ang ipakakausap namin sa susunod! Hirap na hirap na kami sa pasenyas senyas naming pagkausap sa kanila dahil walang marunong mag-ingles sa amin!" tawang tawa na pagkukwento ni Marites at saka niya makahulugang tinignan si Pinky doon sa parte ng pagsasalita ng Ingles.. Sumama yata lalo ang pagitingin sa 'kin nina Maricar at Pinky pagkatapos kong magkwento. Ayoko namang isipin nilang nagmamalaki ako dahil nakapag kolehiyo ako sa ibang bansa. Eh kaso tanong naman kasi sila ng tanong. Napatayo silang lahat nang matanaw ang mga pabalik ng sensoro sa pampang. "Ayan na sila!" sigaw ng mga maliliit na bata na nakisama sa kumpulan. Nagtakbuhan muli ang mga nagkalat na tao sa dalampasigan at inabangan sa pampang ang pagbabalik ng mga lalaking naghulog ng bitana sa dagat. Pagbaba nila ng bangka ay nagtipon tipon pa sila ng pahaba para sa mahaba habang oras naman ng paghahatak sa bitana. Inaabot raw ang paghila nito ng isang oras. May parang lubid silang itinali sa kanilang mga baywang na tinatawag nilang sikote para sa paghihila sa dambuhalang lambat na ito. Mapa-bata, matanda, babae, at lalaki ay nagtali nitong sikote sa kanilang mga sarili! Tulong tulong ang mga mamamayan ng Paniman sa paghatak. Nakakatuwa silang panoorin na nagkaka-isa para sa paghatak ng mga biyaya ng dagat! Lahat ay masaya at excited sa mga pang-ulam nilang mahuhuli. At kapag may sobra pa raw sa kanilang huli, ibinebenta pa nila ito at saka paghahatian ang pera! Sa sobrang tuwa ko sa panonood sa kanila ay kinuha ko ang cellphone ko at vinideohan si Jasper na enjoy na enjoy sa pakikisali sa kanila! Kung makakilos siya roon ay parang taga rito talaga siya! Hahahaha! Napaka-makasaysayan ng pagkakataong ito at siguradong matutuwa ang mga kaibigan niya sa Maynila kapag napanood ito. Lalo na si Dennis! Dahil sa ingay at tuwa ng lahat, hindi namin napansin ang mabilis na paglipas ng isang oras at hinatak na ako nina Marites at Merling para makisali sa pagkuha ng mga huli. Sobrang saya manguha ng mga isda dahil sa dami at fresh na fresh pa! "Ang dami kong huli, My Majesty! Look! Ang laki laki nitong talakitok!" "Ilagay mo dito sa timba dali!" Na-e-excite na 'kong mailuto ang mga ito at siguradong hanggang sa mga susunod na araw ay may uulamin kami! Mabuti na lang ay bumili pala talaga kami ng ref. Nagkalat ang mga tulingan, talakitok, bangus, at galunggong! Napakaraming biyaya ng langit! Nakakatuwa! Sa laki ng mga pinagkukuha naming isda ay halos magmukhang puno ang aming timba. Tuwang tuwa kaming lahat na nagsiuwian at ilang oras lang ay may kumatok sa pintuan namin para ibigay iyong parte raw namin sa napagbentahan! "Wow! May pera pa?!" gulat na gulat siya nang ipakita ko ang iniabot ni Jonel sa 'kin. "Dito na lang yata talaga tayo mamumuhay forever, My Majesty! Ayoko ng umalis dito!" Nawala iyong ngiti ko at nakaawang ang labi kong napatingin sa kanya. Putspa. Tinaningan ko siya ng 1 week tapos ngayon gusto na niyang forever manirahan dito?! Nooooo! Masaya niyang inilabas iyong mga bilao kong may mga daing at ibinilad niya sa itaas ng bubong namin. Sakto ang tindi ng sikat ng araw para sa mga 'yon at siguradong malulutong kapag pinrito ko. Pagbalik niya ay hinila niya 'ko paupo sa mahabang upuan namin sa sala. Humiga siya at ipinatong ang kanyang ulo sa sa kandungan ko saka siya pumikit. "Patulog lang saglit, My Majesty." "Doon ka na sa kama matulog. Lalong sasakit ang likod mo rito." Noong unang gabi kasi niyang natulog sa papag ay maghapong daing niya ang pagsakit ng likod niya. Kaya no'ng namili kami ng gamit ay nakibili na ako ng kahit mattress man lang. Kawawa e. Bahagya kong isinuklay ang mga daliri ko sa kanyang buhok. Hindi niya 'ko sinagot. Nakatulog na yata talaga siya. Pinagmasdan ko ang nakapikit niyang mukha at napakabait talaga ng itsura niya kapag tulog. "Alam mo bang tinaningan kita ng isang linggo rito? Sabi ko sa sarili ko, siguradong uuwi ka rin kapag naranasan mo ang hirap na malayo sa kinagisnan mong buhay. Pero bakit ang saya ng pakiramdam ko nang sinabi mong gusto mo ng dito tumira? Nasiraan na ba talaga ako ng bait?" Marahil nasisiraan na nga ako sa pagkausap ko sa sarili ko. "Bakit sweet ka lang kapag tulog ako?" nakapikit niyang tanong. "Y-You're awake?!" Nagmulat siya. "Ginising ng mga matatamis mong salita ang puso ko, My Majesty." "Para kang tanga, alam mo? Ang korni mo oy." "Normal lang daw maging korni kapag inlove ka. Ikaw nga, ang korni nung mga sinabi mo pero kinilig pa rin ako," natatawang aniya. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinawakan. Nakatitig lang siya roon habang pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. Nakakapanibago talagang kausap ang lalaking ito kapag gan'tong nagseseryoso siya. Para bang hindi siya normal? Mas mukha siyang wala sa katinuan kapag serious siya e. "Cinderella, mahal na mahal kita. Alam mo ba 'yon?" dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan iyon habang nakatitig siya sa mga mata ko. Parang lumukso yata palabas ang puso ko mula sa dibdib ko. Napakaseryoso naman kasi ng pagkakasambit niya nito at ng pagtingin niya. Sininok ako. Sinubukan kong pigilan, pero sininok pa rin ako. Magkakasunod. Ayaw umalis ng sinok ko. "Hahahahaahahaha! Hindi talaga natin kayang maging romantic ng matagal ano, My Majesty?" humahalakhak siyang bumangon at umayos ng upo sa tabi ko. "Ang seryoso na ng moment natin tapos sisinukin ka naman. Pambihira oh!" napakamot siya ng ulo at hindi ko na rin napigilan ang pagtawa ko. "Nakakagulat ka naman kasi! Binibigla mo 'ko." "Anong nakakabigla sa sinabi ko? Kinukulang ka kasi sa lambing ko kaya ka ganyan e." Humarap siya sa 'kin at iniharap din niya 'ko sa kanya. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin. "Kung kailangan kong sabihin sa 'yo 'yon ng paulit ulit para masanay ka at hindi ka nabibigla, gagawin ko. Mahal na mahal kita, Cinderella." Biglang huminto iyong sinok ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kayang pigilan ang pag-ngiti ko. Huhu. Kinikilig ako punyemas. Kung wala lang siya sa harapan ko ay baka nagsisigaw na 'ko sa sobrang galak ng puso ko. Napakahirap pa namang magpigil ng tili. Yumuko na lang ako at tumahimik ng ilang sandali. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangisi ang loko habang sapu-apo ng kanyang palad ang baba niya at nakatukod ang siko sa kanyang binti. "L-Labas tayo," sabi ko. "Date?! Sige!" Tumayo ako. "Sira. Date ka d'yan! Maglilibot libot lang tayo d'yan sa labas. Sabi nina Marites marami raw magagandang lugar malapit dito." Tumayo rin siya at tumatakbong tumungo sa kwarto. Pagbalik niya ay may dala na siyang foldable chair. "Let's go, My Majesty!" parang prinsipe niyang inilahad ang kanyang kamay sa harapan ko at natatawa ko itong tinanggap. Magkahawak kamay kaming naglakad sa kahabaan ng dalampasigan at nagulat ako nang lumusong siya at pakialaman niya iyong puting motor boat na nakatali sa isang bato. Ito pa lang yata ang nakita kong bangkang mukhang mamahalin dito. "Hoy, bakit mo ginagalaw 'yan?! Baka magalit ang may-ari n'yan!" nagpanic agad ako dahil mukhang mamahalin talaga iyong bangkang de motor na 'yon! Pero imbes na sagutin ako ng loko ay kinindatan lang ako at itinuloy ang pagkalas niya sa tali no'ng bangka. Kabado akong tumingin sa paligid dahil baka mamaya ay hinuhuli na siya ng mga taga rito sa pakikialam niya! Jusko! "Magpayong ka muna, My Majesty, at baka mangitim ka!" "Gago ka!" "Hahahahaha!" Isinakay niya sa bangka iyong mga foldable chair na dala niya. "Halika na!" "Magagalit sa atin ang may-ari niyan!" "Hindi ako magagalit promise! Halika na!" Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!" Mabilis kong tinanggal ang mga tsinelas ko at lumusong palapit sa kanya. "Iyo 'to?!" "Sa atin, My Majesty. What's mine is yours." Inalalayan niya 'ko sa pagsampa. "Kakailangan natin 'to kaya pinabilhan ko si Dennis." "What?! Paano siyang nakabili nito wala naman siya rito?" Pinaupo niya ako sa port at pumwesto siya sa starboard. "Duh? He doesn't have to be here to serve his master. Hightech na tayo ngayon." Binuhay niya ang makina ng bangka. "Wow ha! Sumbong kaya kita kay Dennis?!" "Yate sana ang pinapabili ko kaso baka masyado tayong agaw eksena rito. Tingin mo? Papalitan ko ba 'to?" halos sumayad ang panga ko sa tanong niyang iyon. Tingin ba niya ay hindi pa agaw eksena itong motor boat na ito?! Inirapan ko siya at parang sanay na sanay niya itong minaneho patungo sa hindi ko alam kung saan. "Saan ba tayo pupunta?" "May sinabi sa 'kin sina pareng Jojo na beach dito. D'yan lang raw sa kabilang baybayin. Tanaw mo ba 'yon?" tinuro niya iyong parang islang maliit na nasa 'di kalayuan. "Yan ang Lahus beach. Maganda raw d'yan." Nasabik ako bigla na makarating doon. First time kong makapunta sa gan'tong lugar kaya't hindi ko maiwasan ang mamangha ng labis sa nakikita ko. Asul na asul ang dagat at sa sobrang linaw ng tubig ay nakikita ko ang mga isdang lumalangoy sa ilalim. "Ang ganda rito..." wala sa sariling sambit ko habang nakatitig sa paligid at humahampas ang sariwang hangin sa mukha ko. Narinig ko mahihinang pagtawa niya. Hindi ko siya pinansin at itinuloy ko ang nakagiginhawang pagmamasid ko sa ganda ng kalikasan. Nang makarating pa kami sa tinutukoy niyang Lahus beach, pakiramdam ko ay sa isang paraiso kami napadpad. Pumarada siya sa may pampang. Nauna siyang bumaba saka niya 'ko binuhat hanggang sa tuyong parte ng dalampasigan. Simpleng puting sando at board shorts lang ang suot niya, pero mukha siyang bida sa isang drama na lumabas sa TV. Feeling ko tuloy nasa isang teleserye ako ngayon na ako talaga ang leading lady. My gosh. Umupo ako at tuwang tuwa kong hinawakan ang puting-puting buhangin at pinagmasdan ang malalaking bato na nakapaligid. "Cinderella!" Nilingon ko ang tumatawag na si Jasper at sakto sa paglingon ko ang pag-click niya sa camera ng cellphone niya. Napatayo ako at nag-martsa palapit sa kanya. "Hoy! Burahin mo 'yan!" Inabot ko ang cellphone niya ngunit napakatangkad niya para maabot ko iyon. Lalo pa nang itaas niya ito. Tinalon ko iyon at umatras siya para ilayo pa ito. "Jasper, tumigil ka na nga sa pang-aasar mo!" "A.yo.ko." lalo pa siyang umatras at umatras nang umatras. Napakabilis ng pagkilos niya. "Huli ka ngayon, My Majesty." Tumatawang wika niya. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakakulong sa kanyang mga braso at wala ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Nahigit ko ang hininga ko sa takot na baka marinig niya ang malakas na pagkabog ng puso ko. Nag-iwas ako ng tingin at para akong malulunod sa mga titig niya nang muli niyang iharap ang mukha ko sa kanya. "Alam mo bang kapag tinititigan kita? Nakikita ko ang kinabukasan ko sa 'yo?" "A-Ano na naman ba 'yang p-pinagsasabi mo." Tumawa na naman siyang parang sira, pero s**t. Bakit parang musika ngayon sa pandinig ko iyong mga halakhak niya?! Huminto lang siya sa pagtawa nang mahuli niya akong nakatitig sa mga labi niya. Nakita ko ang pag-awang ng mga ito. Mahabaging bathala. Tulungan niyo pong maka-survive itong puso ko. Napapikit ako at parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko nang lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Halos mabaliw ako nang maramdaman ko ang maiinit na paggalaw ng mga ito. Oh jusko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD