Kabanata 13

3239 Words
"Bayad mo?" Pumasok siya at tumayo sa tabi ng papag ko. Loko 'to ah. Bakit kung kelan matutulog na 'ko saka niya 'ko sisingilin? Galit ba siya dahil ako ang matutulog dito sa kwarto at siya ay sa matigas na mahabang upuan lang sa sala? "Ita-transfer ko sa account mo! Magkano ba?" Hindi naman kasi niya diniscuss sa 'kin kung magkano ang renta namin dito. Excuse me, dahil wala akong balak magpa-libre noh! "Priceless 'yon hoy! Hindi mo mababayaran ng kahit anong halaga ng salapi!" nanlalaking mata na tugon niya at para bang nayurakan ko ang pagkatao niya sa sinabi ko. Naguluhan na naman ako sa pinagsasabi ng abnormal na 'to. Pwede bang hindi salapi ang ipambayad namin kay Aling Tonyang?! "Diretsuhin mo nga ang sasabihin mo at inaantok na ako!" Napahawak siya sa batok niya. "Yung kiss ko kagabi. Hehe. Sabi ko sa 'yo ibalik mo ngayon." Ay bwiset! "Punyemas ka halika dito at ikikiskis kita sa rito sa papag!" "Haist! O sige na nga utang muna!" Padabog siyang lumabas at bumalik sa sala. Ilang araw kaya akong magtitiis sa ka-abnormalan ng lalaking ito? Pagsibakin ko kaya ng kahoy at pag-igibin ng tubig? Lol. Humiga na ako para matulog muli. Masyadong nakakabigla ang mga pangyayaring ito at kailangan ko ng mahabang pahinga para maging ready sa isa na namang mahabang araw bukas. Napatingin ako sa kulambo ko at sa pinto. Hindi kaya siya nilalamok do'n? At bakit ko pa ba inaalala iyon? Mabuti nga na lamukin siya para maisipan niyang umuwi na bukas na bukas din! Hinila ko ang kumot ko at pumikit na. Itutulog ko na lang ito. Humarap ako sa kabila. Umiba ulit ako ng posisyon. Humarap ulit ako pabalik sa kanan. Ugh! Hindi ako makatulog kakaisip na baka binubuhat na ng mga lamok ang Jasper na 'yon! Kainis. Umahon ako at pinagpag ang kulambo bago ako lumabas. Dahan dahan akong naglakad—iwas na makagawa ako ng ingay. Maingat kong binuksan ang pintuan at sinilip siya sa sala. Pinanood ko siyang papalit-palit din ng posisyon sa pagtulog. Ang hirap lang sa pwesto niya dahil limitado ang espasyo. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang paulit ulit siyang nagtampal ng balat niya dahil siguro sa mga lamok na dumadapo sa kanya. Bigla siyang umupo kaya napaatras ako ng bahagya. Nakatalikod naman siya sa kinaroroonan ko kaya't malaya ko siyang napagmamasdan. Nakita ko ang pagkakamot niya ng ulo. Naawa tuloy ako na natatawa. Paano pa ako makakatulog ng payapa kung gan'tong kinokonsensya ako ng hangal na 'to? "Hoy, Jasper!" Lumingon siya. "Oh, bakit gising ka pa, My Majesty?" Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa ko. "Dito ka na matulog. M-Malapad naman iyong papag." "Talaga?!" Mabilis siyang napatayo. "Pero binabalaan kita. Sa oras na magkamali ka ng galaw sisiguraduhin ko ang madilim na kinabukasan mo." "—natin, My Majesty. Tandaan mong parte ka na ng kinabukasan ko." Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko. "Tulog na tayo?" anyaya niya sabay nilagpasan ako at nauna na siya. "Lagyan mo ng unan sa gitna! Dahan dahan ka sa pagpasok 'yung mga lamok baka sumama sa loob!" "Wag kang mag-alala, maingat naman ako lagi sa pagpasok." Pinatay ko ang ilaw at sumunod na rin ako sa kanya. "Ikaw din ingat ka baka may makalusot." Paalala niya habang papasok ako. Ano na ba ang nangyayari sa utak ko at parang iba ang atake sa 'kin ng mga pinagsasabi ng lalaking 'to? O sadyang marumi lang talaga ang bunganga niya? Inayos ko ang unan na nasa pagitan namin. Sa katunayan hindi naman gano'n kalaki itong papag. Saktuhan lang talaga sa dalawang tao. Eh kaso nilagyan pa namin ng unan sa gitna kaya talagang sumakto na lang ang pwesto namin. Buti na lang ako ay nasa side na may pader. Samantalang siya ay isang pagkakamali lang niya ng kilos ay mahuhulog siya sa baba. "Cinderella?" "Oh?" Pumikit na ako. "Tutulog ka na ba?" "Oo. Bakit?" "Wala lang. Ang saya ko kasi. Share ko lang." "Anong kinasaya mo? Ipinagpalit mo ang malamig at maganda mong kwarto sa mainit at malamok na bahay." "Okay lang. Kasama naman kita." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nakapikit pa rin ako kahit na nag-uusap pa kami ng kung anu-ano pang trip niya. "Hindi ka ba kinakabahan?" "Bakit ako kakabahan? May masama ka bang balak? Subukan mo lang yayariin talaga kita." Tuluyan na siya humalakhak kaya pati ako ay natawa sa tawa niya. "Baliw. Wala pa naman." Wala pa naman, pero sa future meron? Hay nako, Cinderella, hindi mo dapat iniisip 'yang ganyang bagay. "Matulog ka na nga." "Ayoko pa. First night natin 'to 'wag mo naman akong tulugan—" sinipa ko ang paa niya. "—aray ko naman, my majesty, bakit ka ba nangangalabit?" "Umayos ka at sisipain na kita d'yan sa lapag." "Sinabi ko lang naman na first night natin 'to, anong masama do'n?" "Pag galing kasi sa bunganga mo awtomatikong sumasama." "Ay judgmental. Mapanghusga ka pala, My Majesty?" "Tigilan mo nga ko sa pagtawag mo niyan. Royal ba 'ko?" "Hindi. Coke ka, My Majesty. Orange kasi yung royal." "Namo ka!" "Ay ang sama ng bibig. Linisin ko 'yan, gusto mo?" "Itapon kita sa labas, gusto mo?" "Hehehe." Tumahimik siya sandali kaya akala ko nakatulog na siya. Akala ko lang pala. "Cinderella?" "Ano na naman?" "Love mo pa rin ba ako kahit maging mahirap na 'ko? Pero don't worry, pogi pa rin naman ako." Wala talagang takot ang siraulong 'to sa mga pinagsasabi niya. Hindi man lang kabahan! "Kaya kong kumita ng sarili kong pera at hindi ko kailangan magmahal ng mayaman." "Yiee. Kilig much." "Ikaw? Kakayanin mo bang maghirap?" "Oo naman! Pangarap ko dati maging mahirap at maging panget. Kaso pagiging mahirap lang yata ang ma-a-achieve ko. Ang hirap pa lang magpa-panget ano?" "Hindi ka kinakabahan sa mga sinasabi mo?" "Hindi. Totoo naman kasi e." Lumangitngit ang papag sa paggalaw niya. Humarap siya sa side ko. "Cinderella?" Wala yata talagang balak matulog ang Jasper na 'to. Pati tuloy ako nahahawa. "Oh?" "Hindi kita makita. Nand'yan ka pa ba?" "Naririnig mo naman siguro ako kaya malamang nandito ako." "Kinoconfirm ko lang. Hindi kasi talaga kita maaninag." "Punyeta ka alam ko hindi ako kaputian para makita mo sa dilim. Kailangan ang ulit ulitin pa?" "Hahahaha! Hoy wala naman akong sinasabing maitim ka!" "Gago ka." Humarap na lang ako sa pader bago ko pa siya masuntok ng harapan. Rinig na rinig ko pa ang pagtawa niya kaya ang tagal bago ko nasungkit ang antok ko. Hay, Lord. Bukas pa lang ang opisyal na first day naming magkasama, pero iyong stress ko sa kanya pang 1 month na! KINABUKASAN mga tilaok ng manok ang gumising sa diwa ko. Hindi pa man ako nagmumulat ay alam kong umaga na. Napangiti agad ako dahil para lang akong nasa probinsya namin. Napakasarap gumising sa ganitong awitin ng kapaligiran. Naghikab ako at nagmulat ng mata. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong walang suot na pang-itaas si Jasper sa tabi ko! Gusto ko sana siyang sipain ng todo kaso masyadong payapa ang itsura niyang natutulog at hindi ko magawang gisingin siya. Naiiling na lang akong maingat na bumangon at lumabas ng kwarto. Ngayon ko pa lang mapagmamasdan ng mabuti itong buong bahay dahil kagabi ay tila wala na ako sa sarili nang ipinakita ito sa amin ni Aling Tonyang. Kaya hindi ko masyadong na-appreciate ang kabuuan ng bahay kubo na ito. Gawa ito sa kahoy at sawali. Isa lamang ang silid nito at may katamtamang laki. Hindi rin ito nakatapak sa lupa dahil may mga pundasyon itong bato sa bawat sulok. Tapos iyong sahig ay yari sa mga kawayan kaya sobrang presko. Binuksan ko ang bintana naming yari sa sawali. Detulak ito at inilagay ko ang tungkod upang manatili itong bukas. Agad na sumalubong sa akin ang sariwang hangin at ang imahe ng asul na karagatan. Hindi ko napigilang mapapikit at namnamin ang napakapayapang paligid. Nakangiti kong tinungo ang munting kusina namin na katabi lang ng sala. Mag-iinit sana ako ng tubig pang-kape kaso wala pala kaming lutuan. Wala halos mga gamit kaya kailangan naming makapunta sa bayan mamaya para mamili. "Good morning, My Majesty." Nabato ako sa kinatatayuan ko nang biglang yumakap siya sa likuran ko. "H-Hoy. B-Bakit mo 'ko niyayakap? Gusto mong masaktan?" Tumatawa siyang lumayo sa 'kin. "Just tried how it feels like to be a married man. Sarap pala sa feeling?" "Umagang umaga nababaliw ka na naman." "Binabaliw mo 'ko e." "Magtigil ka na nga! Maligo ka na at pupunta tayo ng bayan para mamili ng ibang gamit." "Alright!" excited siyang tumungo sa banyo na nasa likod ng bahay namin. Habang hinihintay siyang matapos maligo, napag-desisyonan kong lumabas muna at tanawin ang kahabaan ng dalampasigan. Marami din pala kaming kapitbahay at saka may isang parang resort sa may 'di kalayuan. "Ikaw na ang kumausap, Merling. Mas malapit naman ang bahay mo sa kanila." "Ikaw na, Marites. Ikaw ang magaling kumilatis ng tao sa ating dalawa." Mayroong dalawang babae na nagwawalis sa tapat ng dalawang kasunod na bahay namin. Parang nagtatalo silang dalawa kung sino ang lalapit sa 'kin para kumausap. Nagbubulungan pa kuno, pero ang lakas lakas naman ng mga boses nila at pasulyap sulyap pa sa direksyon ko. Hehe. Naalala ko tuloy sa kanilang dalawa iyong mga chismosa naming kapitbahay sa probinsya. Tumingin ako sa kabilang nang makita kong papalapit na sila. "Magandang umaga! Kayo na ba ang bagong may-ari niyang bahay ni Aling Tonyang?" itinukod nito sa kanyang siko ang hawak na walis. Ngumiti ako sa kanila. "A-Ah oo. Magandang umaga rin sa inyo." Para silang mga kiti-kiti sa sobrang likot nilang makipag-usap. Pero mukha naman silang mababait kaya nakakatuwa sila. "Galing ba kayong Maynila?" excited na tanong pa no'ng isa. "Ako nga pala si Marites!" inilahad nito ang kamay niya na agad ko naman tinanggap. "Ako si Cindy. Oo galing kaming Maynila." "Ako naman pala si Merling!" "Ikinagagalak kong makilala kayong dalawa, Marites at Merling! Sana magabayan niyo kami rito." "Naku! Walang problema! Kung may mga katanungan kayo 'wag kayong mahihiyang kumatok sa mga pintuan namin!" "Nga pala, Cindy. Sino iyong kasama mo? Anong pangalan niya?" excited na tanong ni Marites. "Ah...iyon ba? Si Jasper iyon." "My Majesty! Tapos na 'kong maligo!" Sabay sabay kaming napalingong tatlo kay Jasper na papalapit sa amin habang hawak ang puting bimpo at pinupunasan ang pang-itaas niyang walang damit. Nakita ko ang pag-awang ng labi nina Marites at Merling habang pinapanood nila ito. "Hi!" bati niya sa dalawa paghinto niya sa tapat namin. "Ako si Marites!" "Ako si Merling!" Halos mag-unahan ang mga ito sa pagpapakilala sa kanya at parang mga espadang nagtatalo ang mga kamay ng mga itong nakalahad sa harapan niya. Nagniningning ang mga mata ng mga itong nakatitig kay Jasper. Okay? Don't tell me na may naakit na agad sa kanya rito ng gano'n kabilis? Nginisian niya 'ko at inirapan ko naman siya bago niya binalingan iyong dalawa. "I'm Jasper." "Jasper, nag-almusal ka na ba?" "Jasper, gusto mo bang matikman lahat ng ipinagmamalaking putahe rito sa Paniman? Ipagluluto kita!" Umaliwalas naman bigla ang mukha ng hangal na 'to. Sarap ilublob sa dagat. "Talaga?! Masaya 'yan ah!" Tumabi siya sa 'kin at inilagay niya ang kanyang braso sa baywang ko na ikinagulat ko. "Kaso pwede pa ba 'yan next time? Kailangan naming pumunta ngayon ng asawa ko sa bayan para mamili ng mga gamit sa bahay." Parang yelong natunaw iyong ngiti ng dalawa. Samantalang ako ay parang natuwa yata ako sa sinabi niya. Wait. Bakit ako natutuwa sa pagsisinungaling niya?! "Sabi ko na sa 'yo mag-asawa sila e!" "Hindi naman kasi halata!" Muntik ko ng samaan ng tingin si Marites. "Hoy Marites! Hinahanap ka na ng asawa mo!" sigaw ng isang lalaki sa malayo. Ohh. May asawa na pala siya sa lagay na 'to. Parang bigla itong natauhan at bahagyang napatalon. "Naku o sige na ha. Sa susunod pwede pa 'yong offer ko sa i-inyong d-dalawa." Para namang sapilitan lang iyong pagsama niya sa 'kin sa offer niya. Hehehe. "O sya sasabay na rin ako at sa susunod na libre kayong dalawa ay nais ko kayong imbitahan sa bahay!" ani Merling at kumaway silang dalawa bago umalis. Tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko. "Bakit ka ba lumalabas ng walang damit, ha?!" "Of course, we're on a beach! Hello?!" Padabog ko siyang iniwan at bumalik sa bahay. May point naman siya, pero hindi naman pwedeng isang taon siyang hindi magdadamit hangga't nasa beach kami?! Pero wait. 1 week lang pala at uuwi din 'yan. Hmp! Naligo na rin ako at pagkatapos ko ay wala pa ang loko dito sa bahay. Pagkabihis ko ay sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang may kausap na mga lalaking may hawak na lambat. Napangiti ako dahil nakasuot na siya ng sando ngayon. Nahuli niya akong nakangiti at nakasilip mula sa bintana. Kinindatan niya ako at nagpaalam siya ro'n sa tatlong lalaking kausap niya. "Tapos ka ng mag-ayos?" tanong niya agad pagkapasok. "Oo. Sino iyong mga kausap mo?" "Sina pareng Jojo, pareng Danilo, at pareng Jonel iyon." "Wow pare. Taga rito ka?" "Oo since yesterday. Tara na nga at nagugutom na 'ko." Hinatak niya ang kamay ko palabas ng bahay. "Teka alam mo ba paanong pumunta sa bayan?" tanong ko habang sapilitang napasunod sa hatak niya. "Naman! Syempre tinanong ko sa mga pare ko kanina. Sakay lang daw tayo ng habal habal ba yun?" Inakbayan niya 'ko at nilakad namin iyong papunta sa kalsada kung saan kami pwedeng mag-abang ng habal habal. Mabilis kaming nakasakay at parang tricycle lang pala ito na malaki. Tuwang tuwa ang siraulong Jasper dahil hindi pa pala siya nakakasakay ng tric sa buong buhay niya! Jusko po para akong may kasamang bata na sinasaway na 'wag tumayo! We paid 25 pesos only at nakarating kami sa loob lang ng 15 minutes. Nagpababa kami sa tapat ng isang bistro para kumain muna. Pagkatapos namin ay dumiretso kami sa itinuro sa aming KServico kung saan daw kami pwedeng mamili ng mga murang gamit. "What do you think about this sofa set?" Tinignan ko iyong minamata niyang mga higanteng upuan na pang-mansyon. "Adik ka ba? Maglalagay ka ng ganyan kalalaking sofa sa kubo?" natatawa kong tanong ko pabalik sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo nang ma-realize ang sinabi ko. Saktong naka-sale pa ang mga appliances nila kaya tuwang tuwa akong namili habang sinusundan ako ni Kuya na staff dito. Bumili kami ng stove, mga kaldero, kaserola, at iba pang gamit sa kusina. "Etong pinakamalaking washing machine bilhin natin para isahang lagay na lang lahat ng laundry." Sus Ginoo! Tiyak na maninira ng mga damit ang lalaking ito kapag nag-washing machine kami. "Hindi na natin kailangan 'yan. Kaya kong magkusot." "Wag! Mapapagod ka masyado kapag ikaw ang naglaba, My Majesty!" "Edi ikaw na lang ang magkusot. Tuturuan kita." Nanlaki ang mga mata niya at napalunok. "A-Ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Hindi mo kaya?" "Kaya ko! Sus easy lang 'yon." Napangisi ako at tumungo naman sa mga TV. "Kuya, yung 32-inch kunin namin." Tinuro ko iyong napili ko. "Wait, tol! Gusto ko 'yung pinaka malaki. Mas magandang manood ng basketball sa malaking screen." Tinapunan ko siya ng blangkong tingin. "Sa inyo malaki sigurado ang TV." "Tol pakuha na yung 32-inch!" Tumalikod akong takip takip ang bibig kong natatawa. No'n ko lang napansin na pinapanood pala kaming lahat ng mga staff dito. Napatingin ako sa paligid at may iba namang mga namimili. Sus. Dahil na naman 'to sigurado sa kasama kong Mr. Clean. Bakit ba kasi mukhang hindi uso ang mga mapuputi dito? Nakakita ako ng dalawang tasa na magkapareha. Na love at first sight yata ako kaya hindi ko alam kung gaano ko katagal na tinititigan ang mga iyon bago kinuha ni Jasper at dinala sa cashier. "Hindi kusang uuwi ang mga tasa sa bahay natin kung tititigan mo lang." Inirapan ko siya at magkatabi kaming pumila sa cashier. "Ako ang magbabayad." Pauna ko ng wika. "No. I'll pay." "Makikinig ka sa 'kin o pauuwiin kita ng Maynila?" banta ko. "Syempre makikinig ka sa 'kin." Inabot niya ang cash sa cashier at napangiting tumingin si ate sa aming dalawa. "Just keep your money with you. Kapag wala na 'kong pera, ikaw naman ang bubuhay sa 'kin whether you like it or you love it." Sa huli ay wala na naman akong nagawa dahil nabayaran na niya. Kinukulit ko nga rin siya kung magkano ang hatian namin sa renta ng bahay, ayaw naman akong sagutin ng bwiset! Dalawang habal habal ang kinailangan naming sakyan pauwi para magkasya lahat ng pinamili namin. Nang makarating kami ay nagkumpulan na naman ang mga bata sa paligid namin at pinagtitinginan iyong mga pinamili namin. "Ay ang lambot nito oh!" tinusok tusok ng isang batang lalaking kalbo iyong mattress na nakatali pa sa likod ng habal habal. "Yan ba yung kama?" tanong ng isa pa nitong kasamang bata. "Oo masarap daw matulog d'yan!" Naalala ko tuloy noon, ganyang ganyan din ang reaksyon ko sa kama at sa marami pang bagay na unang beses kong nakita sa Maynila. Manghang mangha rin ako noon sa maraming bagay na never kong nakita sa probinsya namin. Akmang lalapitan sila ni Jasper para siguro kausapin dahil natawa din siya, kaso bigla na lang silang nagtakbuhan. Akala siguro pagagalitan sila. Hahahaha! "Tinakot mo ang mga bata," sabi ko pagkalapit niya sa 'kin. "Luh? Sa pogi kong 'to matatakot sila?" "Sa lakas ng hanging dala mo, tiyak doon sila natakot. Tulungan mo na nga sina kuya sa pagbubuhat nang matapos tayo agad!" "Masusunod po, my majesty." Nag-bow pa sa harapan ko ang loko at ipinakita ang mga muscles niya sa braso bago binuhat iyong TV papasok. Siraulo talaga. Hahahaha. Pagkapasok lahat ng mga gamit namin ay naging sobrang gulo ng buong bahay. Nag-ayos muna kami at naglinis na rin. Sabay kaming napaupo sa sahig nang matapos kami. Butil butil ang pawis sa noo ni Jasper sa dami ng mga binuhat at pinaglilipat niya. Natatawa akong gumapang palapit sa kanya at ipinunas ko ang hawak kong puting bimpo sa pawisan niyang mukha. "Napagod ka ano?" "Oo. Pero bawing bawi naman ako sa misis ko." Maloko na naman niyang tugon kaya itinakip ko sa mukha niya ang bimpo. "Magpunas ka mag-isa mo." "Sweet mo ano?" Naligo kami ulit dahil sa nanlalagkit naming mga katawan. Nanood siya ng TV pagkatapos habang ako naman ay nagluluto ng aming hapunan. "Ang bango naman niyan, My Majesty. Luto na ba?" Tumayo siya at lumapit sa tabi ko. "Tikim?" Kumuha ako ng kutsara at sinalinan siya ng kaunti. "Dahan dahan ka mainit. Ay teka nga akina." Hinawakan ko ang kamay niyang may hawak sa kutsara at hinipan ko ito upang bahagyang lumamig. Nang mapansin ko ang matamang pagtitig niya sa mukha ko habang ginagawa ko iyon, marahan kong itinulak ang kutsara sa bibig niya. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng bibig niya at ang paglasap nito sa niluto ko. Kabado kong hinintay ang judgment niya rito. "Cinderella..." "Oh? Masarap ba?" medyo kabado kong tanong. Sa tagal ko ng kilala ang bwiset na 'to, alam ko kung gaano siya kaselan at kapintasero pagdating sa maraming bagay lalo na't sangkot ako. "Ano na? Masama ba ang lasa?" Napakatagal namang sumagot oh! Di na lang kaya niya ako deretsuhin kung hindi masarap! Tinignan ko siya ng masama at binitawan niya iyong hawak na kutsara. Ipinatong niya sa magkabilang balikat ko ang kanyang mga kamay. "Pwedeng pwede na talaga kitang pakasalan, My Majesty. Napakasarap mo...ng magluto." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD