[5]
It's been 2 months since I came back in the Philippines. Inaamin ko, nag-eenjoy ako sa trabaho at sa mga tao sa paligid ko. Regular na rin kaming nagkikita ni Amega Roxanne tuwing weekend. Kaso parang may mali. There's something wrong in me. Wow! Hehe.
Minsan may pagkakataon kasi na kapag mag-isa ako ay nakakaramdam talaga ako ng sobrang sadness. At kapag nakarinig ako ng malungkot na song, hindi ko namamalayan na tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o baka kailangan ko lang mas libangin ang sarili ko sa ibang makabuluhang bagay. Nade-depressed na ba 'ko?
After taking a quick bath napagpasyahan kong bumisita sa Jesus' Home Orphanage. Dumaan muna ako ng mall to buy some groceries for them at toys na rin sa mga kids. 2 weeks din akong hindi nakabalik after my 2 consecutive visits simula noong dumating ako ng Maynila. Napakadami naman kasi ng trabaho na kailangan tapusin sa opisina.
2 hours drive before ako nakarating. May kalayuan lang ito kaya't gustuhin ko mang bumisita ng madalas kahit busy ay hindi pwede. Nagpark ako sa tabi ng isang magarang kulay pulang kotse. May bisita kaya sila?
Nag-doorbell ako at kaagad naman akong pinagbuksan ni sister Sylvia. Nagmano ako at nasilayan ko ang isang mala-anghel na ngiti ni sister.
"Kamusta ka na, anak? Mabuti naman at nakadalaw ka," masayang bati niya.
"Maayos naman po ako. Pasensya na at ngayon na lang ulit ako nakabalik. Kamusta naman po kayo dito ng mga bata?" tanong ko at bago pa man makasagot si sister ay natanaw ko na ang papalapit na tumatakbong sina Chino at Rita.
"Ate Cinderella! Ate Cinderella!" paulit ulit nilang sigaw habang humahangos.
Sinalubong ko sila ng dalawang kamay at sabay silang yumakap sa akin. Halos matumba ako sa pagyakap nilang dalawa.
"Ang sweet naman ng mga baby ko. Namiss n'yo ba si ate?" tanong ko habang yakap pa rin sila. Humiwalay ako tinignan silang dalawa.
"Super po, ate Cinderella! Bakit ngayon ka lang?" nakangusong sagot ni Rita.
"Naku naging busy lang ng konti si ate kaya 'di agad nakadalaw. Pero promise dadalasan ko na ang pagdalaw kapag walang masyadong work si ate sa office. Basta promise n'yo rin na magpapakabait kayo dito lagi."
"Opo, ate," sabi namna ni Chino. "Gumagawa na rin po ako lagi ng assignment." Lalong nawala ang singkit n'yang mga mata sa pag-ngiti.
Sobrang gumagaan talaga ang puso ko tuwing narito ako. Dito ko nararamdaman iyong kapayapaang hinahanap ng isipan ko.
"Naku mga bata papasukin muna natin si ate sa loob ha?" sabi ni sister Sylvia at tumungo kami sa likod ng ampunan kung nasaan ang iba pa. Medyo malawak na lote ito na may iba't ibang halaman kaya napaka-preskong tumambay. Dito madalas naglalaro ng habulan at lutu-lutuan ang mga bata. Pagdating namin ay sinalubong ako ng iba pa nang may ngiti sa labi.
"Namiss ka namin, ate Cindrella!"
"Maglalaro po ba ulit tayo ng doktor-doktoran?"
Sunod sunod na tanong ang mga sinambit nila at wala akong nagawa kundi ang tumango lamang sa lahat ng mga gusto nilang laruin.
"Osya maiwan ko muna kayo d'yan at maghahanda ako ng meryenda ninyo. Wag nyong masyadong pagurin si ate, ha?"
"Opo, sister Sylvia!" they said in chorus.
Hawak nila ako sa kamay at hinatak papunta sa may ilalim ng malaking puno ng mangga. May malaking papag dito at kung sakaling magutom ka ay madaling abutin ang hitik na mga bunga ng puno.
Napahinto ako nang mapansin ko ang lalaking naka indian sit sa gitna ng papag. Nakasuot lang ito ng simpleng white T-shirt and shorts. May hawak itong gitara at hinahawi hawi ng preskong hangin iyong buhok niya.
His eyes were shut as he started strumming his guitar.
"I set out on a narrow way many years ago
Hoping I would find true love along the broken road
But I got lost a time or two
Wiped my brow and kept pushing through"
Napakaganda! Parang isang anghel na bumaba sa langit para awitan ang isang pusong maraming beses ng binigo. Literal na hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Nakatitig lamang ako sa kanya habang pinapakinggan sya.
"I couldn't see how every sign pointed straight to you
That every long lost dream lead me to where you are
Others who broke my heart, they were like northern stars
Pointing me on my way into your loving arms"
Napapangiti na lamang ako habang pinapanood ko siya. I'm lost for words. Napaka-meaningful ng kantang ito para sa 'kin. At minsan kong hiniling na sana dumating ang araw maging akin ang awiting ito--na ma-awit ko ito sa taong magmamahal sa 'kin at mamahalin ako.
"This much I know is true
That God blessed the broken road
That led me straight to you"
I'm just amazingly looking at him. Until our eyes met. Wala sa sarili akong napapalakpak nang matapos s'ya sa pagkanta. He was a bit surprised when he saw me standing in front, but he managed to give me a smile. One of the few genuine smiles I've ever seen.
"Baka gusto n'yo naman akong ipakilala sa bisita niyo?" tanong nya sa mga bata na obvious namang ako ang tinutukoy n'ya. I smiled back at lumapit sa kanila.
"Siya po si Ate Cinderella!" sigaw ni Rita. Pakunwari'y nagulat ito.
"Ah! Yung madalas niyong ipagmayabang sa 'kin!" aniya na para bang he's already aware of my existence. Tinignan n'ya ulit ako. "Finally nakilala rin kita." he said, extending his hand.
I grabbed it without any hesitation. "Hi. Ako si Cinderella. At ikaw?"
"It's Calyx,"
"Yeah... Calyx." I said. We exchanged smiles.
"You wanna join us?" aniya at iminuestra ang hilera ng mga batang naka-indian sit. Para naman akong tanga na sumunod at umupo.
Nagpatuloy s'ya sa pagharana at para bang kinokontrol n'ya ang mga ngiti kong ayaw nang lumayas sa pagmumukha ko. Haruyjusko 'di kaya artista itong lalakeng 'to? Pumikit ako at dinamang mabuti ang kanyang mga awiting tumatagos sa puso. Napakalungkot na tila bang napakaraming kwento sa likod ng mga ito.
Haaay. Sadya nga naman talagang may mga taong pinagpala ang tinig. Ang swerte ko siguro kung magkaka-boypren ako ng ganito ne? Yung araw araw akong haharanahin! Lord, baka naman po? Hehe. Joke lang.
Sa sobrang overwhelmed ko ay 'di ko napansing napaluha ako sa pakikinig. Napakasarap sa tenga. Nang magmulat ako ay ligpitan na pala at kumakain na ng meryendang inihanda ni sister Sylvia sa loob ang mga bata. Dali dali kong pinunasan ang takas na luha sa aking pisngi. Naiwan si Calyx na nagliligpit ng mga kalat.
"Ako na d'yan!" sabi ko at napatingin siya sa 'kin. Inagaw ko ang walis at pinagpupulot ang mga papel na nagsihulugan sa lupa.
Gusto ko s'yang chismisan habang naglilinis kaso I'm a bit shy. May kahihiyan pa naman akong taglay sa katawan. Huminga na lang ako ng malalim, pero may mga times na napapatingin talaga ako sa direksyon n'ya. Di ko naman sinasabing na-like at first sight ako sa kanya, pero parang ganon na yata? Ay ewan ko sayo, Cinderela!
"Matagal ka na bang nagpupunta rito?" tanong nya in the middle of the awkwardness between us. Ilang minuto na rin kasi ang nakakalipas ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Muntikan ng mapanis yung saliva ko. Hehe.
"Ah oo. Kaso natigil lang nang pumunta ako ng Canada." mahinhin kong sagot.
"Ahhh so you just got back?" obviously? Pero syempre 'di 'yan ang sinagot ko sa kanya.
"Yeah 2 months ago. Ikaw? Parang 'di naman kita napapansin pa noon dito." sagot ko. Nagpupunta na rin kasi ako dito sa orphanage kahit noon pang dumating ako dito sa Maynila. Bored na bored kasi ako noon kaya naghanap ako ng place kung saan pwedeng mag-volunteer kahit every Sunday lang noon kaya ayun. Natagpuan ko itong napakasayang lugar na ito kahit may kalayuan talaga.
Binitawan n'ya ang hawak na walis at tumungo sa papag. He laid half of his body on the pallet. Nag-inat siya ng katawan at nakangiting tumingin sa kalangitan.
"Ewan ko. Di ko na maalala kung kelan. Basta dinala na lang ako ng mga paa ko dito." sabi nya at saka unti unting pumikit. And in just a split second he's already sleeping.
Tinitigan ko lang sya. He looks like an angel! Napakaamo ng mukha. Kung baga sa babae, mukhang di makabasag pinggan. Di tulad nung isang demonyong kilala ko.
Parang magnet akong hinatak ng papag. Humiga ako at tinignan ang langit katulad ng ginawa nya. Ang sakit sa mata ng liwanag. Maybe a few minutes won't hurt. Bigla akong dinalaw ng antok at hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng aking mga mata. Ramdam ko ang pamamahinga ng katawan ko, pero gising na gising ang aking diwa. Para bang naririnig kong muli ang napakagandang boses na narinig ko kanina kaya naman sobrang nakakarelax at parang ayoko munang magmulat.
***
Nalingat ako nang maramdaman kong nag-va-vibrate ang phone ko. I slightly opened my right eye to see my Amega Roxanne calling. Sa sobrang lutang ko pa yata ay ni hindi ako kumilos para sagutin ito at pinagmasdan ko lamang. I looked at the person beside and oh my gosh. My left arm was on his chest! It's on his chest! I blinked 3 times at mabilis na tinggal ito. Napaka-shameless ko sa part na 'yon! My goodness nakakahiya. Mabuti na lang at mukhang tulog mantika ang isang 'to.
Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahang tumayo. Muli na namang nag-vibrate ang phone ko. And this time, an unknown number registered in my screen. I answered it quick dahil baka importante.
"Hello? Sino 'to? " pabulong kong tanong dahil baka magising si Calyx.
"It's me," aniya. Napataas ako ng kilay. Bakit naman siya tatawag sa 'kin?
"Oh. Hi, It's me." I sarcastically replied.
"Niloloko mo ba ko?"
"Nope. Hindi kita niloloko. Never kitang niloko you know that."
"Whatever," mataray na sagot niya. Napairap na lang ako. Para talagang babae.
"Bakit ka ba tumawag? How did you know my number? " tanong ko at napansin kong nalingat si Calyx.
"Uh...Gising ka na pala?" tanong ng lalaki sa tabi ko. Namumungay pa ang mga mata niya dahil kakagising lang. Tinanguan ko siya at sinenyasan na saglit lang. He just gave me an okay sign.
"Hello? Bakit ka nga ulit tumawag?"
"Amega!! Nasan ka ba oy??"
"Oy, Amega. Nandito lang ako sa orphanage. Bakit gamit mo phone nun?"
"Napudpod na daliri ko at nalowbat na phone ko kakatawag sayo kaya nakitawag ako dito kay Jasper. Nagkita na pala kayo?"
"Ah oo. Accidentally lang din. May problem ba, Amega?" nag-aalala kong tanong.
"Ah wala naman. Ayain sana kita sa apartment ko bukas birthday ko. Don't tell me nakalimutan mo?" may pagtatampo nyang sabi.
"Hindi noh. Kahit nasa ibang planeta ako hindi ko nakakalimutan ang araw ng pagkasilang mo. Go ako bukas."
"Yeyy!! Osige see you tom ha! Mag-grocery muna kami ni Dennis. Bye! Ingat!"
"Bye! Ingat din kayo."
Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang cellphone ko nang agawin ito sa akin ni Calyx at sandaling may tinipa rito saka ibinalik sa akin. Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko.
"Make sure to save it. Okay?" he said and then smiled.
"O-Okay." and then again... he smiled. Napaka-smiling face naman niya masyado.
Sabay kaming nagpaalam kay sister Sylvia at sa mga bata. I got on my car at si Calyx ay doon sa magarang pulang kotse sa tabi ko. Naku. Magkapareho sila ng taste sa sasakyan no'ng demonyong kilala ko. Pero kabaligtaran naman ng kasamaan ng attitude no'n ang attitude ni Calyx.
Bumusina s'ya at nakangiting nag-ba-bye sa 'kin. Nag-wave din ako at nag-drive na rin pagkaharurot n'ya ng kanyang sasakyan.
Pagkauwi ko ay naibagsak ko na lang ang aking sarili sa kama. Ngayon ako nakaramdam ng pagod. Feeling ko ay napaka-productive kong nilalang ngayong araw sa dami ng mga nagawa ko. Biruin n'yong napuntahan ko lahat ng meetings ko today at nakapag-visit pa 'ko sa Jesus' Home Orphanage. Ang bahay-ampunan kasi na iyon ang secret haven ko.
*Kroo kroo*
Napamulat ako mula sa chill na chill kong pagkakapikit. Jusko nagugutom na ako. Tila may kababalaghan ng nangyayari sa loob ng tiyan ko. Napatayo tuloy ako ng walang tsinelas at dumirecho sa kusina. Inakit ng mga butil ng bigas ang aking mga kamay kaya't nahugasan ko sila agad at naisalang sa rice cooker.
Sumandal ako sa countersink at napaisip kung ano kaya ang ireregalo ko bukas kay Amega. A part of me is excited to go. Excited to see everyone of course dahil sigurado nandoon silang lahat bukas. But there's a part of me as well that's scared. Scared to create an awkward ambiance at my bestfriend's special day.
***