Kabanata 6

2204 Words
Nagulantang ako sa napakalakas na alarm. Tamad na tamad ko itong kinapa sa mini table sa side ng bed ko. The sound was just too loud kamuntikan ng nabasag ang eardrums ko! Sa sobrang inis ko na hindi ito makapa ay napatayo na ako at simangot na hinanap ang bwiset na cellphone na 'yon. Found it inside my drawer. Jusko bakit ganto kabilis ang oras?! 2PM na?! Chineck ko iyong mga alarm na sinet ko kagabi at lahat ay tumunog na nang hindi ko namamalayan. Napa-buntong hininga na lang ako sa kawalan. Problema ko talaga 'tong pagkatulog mantika ko. I took a quick shower at naghanap nang masusuot. Siguradong inis na si Amega sa sobrang late ko. Napakadami na niyang missed calls! 30 mins has passed. Wala pa 'kong nahahanap na damit uy! Ano'ng nangyayare sa akin?! Kelan pa ako namroblema sa isusuot ko? Ang labo mo na talaga, Cinderella! Ang ginawa ko ay ipinikit ko ang aking mga mata at kinuha ang unang damit na mahawakan ko. Edi mas madali! Mabilis ko itong sinuot at kinuha iyong regalo at susi ng kotse ko. Sa sobrang bilis ko yatang nagmaneho ay nakarating ako in 20 mins lang. Nag-doorbell ako at pinagbuksan naman ako ni Dennis. Nasa labas pa lang ako ay naririnig ko na ang mga tawanan at malakas nilang tugtugan. "Akala namin i-indian-nin mo na naman kami," natatawang salubong ni Dennis habang naglalakad kami papasok. Hinampas ko s'ya sa braso at tumawa kahit ang totoo ay kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay walang magandang idudulot itong pagpunta ko ngayon. Kaso hindi naman ako maaaring hindi magpakita sa birthday ni Amega. Binuksan ni Dennis iyong door para sa akin. I quickly froze on my spot. Everyone's looking at my direction. Maybe dahil nag-lighten iyong skin ko kaya sila nakatitig? Hehe. Ngayon lang kasi nila ako nakita since umuwi ako ng Pinas. Lahat ng eyes nila as in nasa akin. Samantalang ako, naroon sa dalawang tao na unang nahuli ng paningin ko. Kay Jasper at doon sa babaeng nakadantay sa balikat niya. Galaw, Cindy! Galaw galaw uy! Sumisigaw na utos ng utak ko sa sarili ko. 'Wag kang tumunganga d'yan titigan lang sila! "Amega! Akala ko hindi ka na darating! Nakakainis ka bakit ngayon ka lang?!" lumipat ang tingin ko sa nakakunot noo'ng si Amega. Hay salamat! "A-ahh s-sorry Amega h-hindi ako nagising dun sa mga alarms ko," dahilan ko. Jusko bakit ba ako kinakabahan? Huhu. "Sabi ko na nga ba. Tara maupo ka muna," iginiya niya ako papasok. I felt relieved nang hawakan ni Amega iyong kamay kong siguro super pinagpapawisan na. Nilagpasan namin iyong dalawang naglalandian. Pakiramdam ko napaka-strong ko na kinaya kong makadaan sa harapan nila. Bakit kasi kailangan pa nilang ipakita in public iyong paglilingkisan nila? Ang sakit kasi sa mata at...hehe. Tumungo kami sa sala kung saan naroon ang iba pa. "Cinderella! Ang puti mo na at ang ganda mo!" salubong sa 'kin ni Yuka at niyakap ako. Wala talagang pagbabago ang napakagandang nilala na ito! Napakabait! "Thank you, Yuka! Super happy ko rin na you're okay!" sagot ko. Nagchika chika ng mga people na kasama ko. Binati nila akong lahat at sinabing gumanda raw talaga ako uy. Pinilit kong tumawa at ngumiti, but at the back of my head gusto ko na lang yatang umuwi. Parang bigla akong nawala sa mood nang masulyapan naghahalikan na iyong dalawa sa sofa. Ba't 'di pa sila pumasok sa kwarto! Lahat sila kinakausap ako at kinamusta iyong mga nangyari sa akin simula nung umalis ako. Pero no one dared to ask me why I decided to leave without words. They kept on talking to me. Mukha akong robot na sinasagot lahat ng tanong nila pero ewan ko ba parang may humahatak sa mga mata ko para titigan pabalik iyong dalawa. They looked so great together. Gwapo tsaka mayaman si Jasper at sobrang ganda ng babae na kasama niya. Kitang kita rin sa kutis niya at pananamit na lumaki siya sa mayamang pamilya. Bagay na bagay silang dalawa. At dahil do'n ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako na bumabagay siya sa iba, pero hindi sa akin. Never sa akin. Cliché man pakinggan pero langit siya at lupa ako. We came from two totally different worlds. Tila huminto sa pagtibok ang puso ko nang mahuli niya akong nakatingin sa kanilang dalawa. Tumatawa siya sa mga ibinubulong sa kanya nung babaeng kasama niya pero nasa akin ang mga titig niya. Hindi ko mabawi ang mga titig ko. Ano ba'ng iniisip mo, Jasper? Napakahirap mong basahin. "Let's all get drunk tonight!" sigaw ni Dennis at Kevin. Inilabas nila ang napakaraming alak. Nag-apir lahat ng lalake sa tuwa. Hayy mga boys talaga. We formed a circle on the floor at inilagay sa gitna lahat ng inumin. Siguro kailangan kong uminom ng kaunti ngayong gabi para makatagal ako dito nang hindi nawawala sa ulirat. Dennis proposed a toast. "For the best girlfriend I've ever had—" hindi niya natapos ang kanyang sinasabi dahil binatukan siya ng malakas ni Amega. Nagtawanan kaming lahat sa kalokohan ni Dennis. Hindi pa rin talaga nagbabago ang makulit na 'to, pero napansin kong nag-matured naman siya kahit papaano. Napakabilis ng panahon. Hindi mo talaga masasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Sino ba ang mag-aakala na makakarating kami kung nasaan kami ngayon ni Amega? We may not be that successful yet, pero kumpara sa sitwasyon ng buhay naming dalawa noong bago kami makipagsapalaran dito sa Maynila ay ibang iba na talaga. Napakabuti ng panginoon dahil dininig niya ang panalangin naming makatulong sa aming mga pamilya. "Happy birthday, Roxy!" masayang bati sa kanya ni Yuka, Napangiti ako na makitang maayos ang napakabait na babaeng ito. She deserves everything that would make her and her family happy. Isa isa ring bumati ang mga miyembro ng Bloodshed Gang. Natutuwa akong pagmasdan sila dahil mas mukha na silang mga kagalang galang ngayon kumpara noon na parang laging naghahamon ng away. Itinungga ko ang buong laman ng glass ko. Sinalinan ko itong muli at itinungga. Ugh. This feels so good. Naramdaman kong nabawasan ang tensyon sa katawan ko. Tinignan ko silang muli at hindi na ganoon kasama sa pakiramdam ang presensya nila. Naiinis na lang akong makita ang mga mukha nila kaya itinungga ko ulit ang isang baso baka sakaling umayos ang itsura nila sa paningin ko. Tumayo si ate girl at mukhang nagpapaalam na sila kina Amega. Buti naman kung aalis na sila at luluwang na dito sa apartment. Hindi naman din kasi gano'n kalakihan itong tinutuluyan ni Amega. Marahil kung si Dennis lang ang masusunod ay sa malaking bahay siya ngayon nakatira. Pero pinagpilitan talaga ni Amega na hindi niya kailangan ng malaking bahay at ang gusto niya ay sa isang simpleng apartment lang siya. Isa pa-napaka-independent na tao ni Amega para umasa siya sa jowa niyang singkit. She wouldn't want Dennis meddling with her personal issues especially in terms of finances. Sabay na lumabas iyong dalawa. Ngunit wala pang 10 mins ay bumalik si Jasper. "Nahatid mo na si Louinne?" tanong ni Dennis sa kanya. "She can manage," derechong sagot niya at umupo sa tabi ni Kevin which is just a few inches from me. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. So what, Cindy? They just kept on talking about something I'm not familiar kaya nagpatuloy lang ako sa pag-inom habang kinu-kwentuhan din ako ni Amega tungkol sa mga na-missed ko noong umalis ako. "Sabi ko naman kasi sa inyo I don't have to be here," singhal ni Jasper na mukhang may tama na talaga. "Nandito ka na, so just enjoy the night! Wag kang KJ. Para namang seryoso ka sa pagiging businessman mo," pabirong sagot ni Kevin. I could see them from my peripheral vision. "Hoy seryoso ako. Kelan ba 'ko hindi naging seryoso? Kayo lang naman ang hindi sume-seryoso sa mga ginagawa ko," maloko rin niyang sagot, pero bakit parang half meant ang sinabi niya? "Sino ba ang hindi sumeryoso sayo, ha? Sabihin mo sa amin ngayon!" pasigaw na tanong ni Kevin. Halatang medyo lasing na siya dahil muntikan na siyang tumumba nang subukan niyang tumayo. "Sino pa ba?" mahina nitong sagot ngunit sapat na para marinig at matahimik kaming lahat. His eyes were on me. "I may act like an asshole, pero nagseseryoso din ako tulad ni legendary King Daryl Smith," natatawa pa niyang dagdag. May pait sa mga tawa niya sabay tungga sa kanyang alak sa baso. Natatawang napapailing na lang si King habang nagpapalipat-lipat ang kanyang tingin sa aming dalawa ni Jasper. Oh God this is suffocating. "Bakit ka ba nandito?" tila wala sa sariling tanong ni Jasper sa akin. Nakakatakot ang mga mata niya. Kalmado ngunit parang handang maglabas ng laser beam. "It's my best friend's birthday," obvious kong sagot. Tumingin siya sa kanyang relos. "It's already passed 12mn. Tapos na ang birthday ng best friend mo, bakit nandito ka pa?" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. The hell he care? "Ano naman ngayon sa 'yo? Bakit ba napakalaki ng problema mo sa pagpunta ko?" 'di ko mapigilang sagot. "'Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na sana hindi na kita makita," derechahan niyang sabi. Nag-iinit ang ulo ko! "So ako ang mag-a-adjust? Kung ayaw mo 'kong makita 'wag kang pumunta sa mga lugar na alam mong naroon ako," Tumawa siya ng nakakaloko at muling itinungga ang kanyang baso. "Edi sorry na ha. Nagpunta kasi ako sa birthday ng best friend mo," Kumunot ang noo ko sa tono niya. Napakalaki talaga ng problema ng lalaking ito ha! "Tumigil na nga kayong dalawa," pang-aawat ni Amega at hinawakan niya ang kamay ko. "Kung ayaw mo 'kong nakikita pwede ka namang umalis na o kaya pumikit ka. Walang kaso sa akin 'yon," malamig kong sabi sa kanya. Nakakapikon na siya e. Siguro marami-rami na rin ang nainom ko kaya't hindi ko na makontrol ang emosyon ko. Di bale ayos lang 'yan! He deserves it for being such a jerk. Kinuha niya ang jacket niya. "I'll go ahead," "Teka maya ng konti! Sabay na tayo wala akong dalang sasakyan!" pagpipigil sa kanya ni Kevin. "O kaya sige dito na lang ako matutulog. Hehe," at humiga siya sa lapag yakap yakap ang isang malaking bote ng JD. "No way! Hoy isabay mo tong uod na 'to," kontra ni Dennis at inagaw ang bote ng JD kay Kevin na nakatulog na yata. Inirapan ni Jasper si Dennis at hanggang sa akin ay nakarating ang pang-iirap ng mga nag-iinarte niyang mga mata. Amp! Sarap tusukin ng tinidor! "Tumayo ka na nga diyan! Bilisan mo ang sakit na ng mga mata ko!" sigaw niya kay Kevin pero sa gawi ko nakatingin ang mga nanlilisik niyang mga mata. Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor kong may pork chop at tumayo. Naglakad ako palapit sa kanila. "Ikaw!" dinuro ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit bigla na lang akong napaupo. Pinulikat iyong paa ko. Ugh! "Tsk. Aalis na 'ko. Kung gusto niyo patulugin niyo na lang sa kalsada 'yan," pagtukoy niya kay Kevin. Sinalubong ko ang mga tingin niya at mabilis na nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Ang sakit mo sa mata, Cinderella. Maybe because you're a fake," walang kagatol-gatol na aniya. Madalas ko namang marinig sa kanya dati ito pero bakit tila nabingi ako ngayon. Namanhid yata hindi lamang ang mga paa ko kundi maging ang bahagi sa may dibdib ko. "Jasper!" sigaw ni King at pumagitna sa aming dalawa. Na-sense niya sigurong malapit na malapit ko ng saksakin ng tinidor itong kaibigan niyang demonyo. "Can't you both talk?" Nilabanan ko ang mga luhang nagbabadyang mahulog mula sa mga mata ko. I don't think this jerk deserves to see me cry. "Hindi na kailangan, King," nakayuko kong sagot. "Wala namang maidudulot pang maganda kahit mag-usap kami. The damage has been done, so we'll just have to live with it." I forced a smile at tinignan si Amega at ang iba pa, "I guess the night ends here. Mauna na 'ko sa inyo ha." Nag-wave ako sa kanila at naglakad na palabas. I drove as fast as I could. Mabuti na lamang ay madaling araw na at wala ng gaanong mga sasakyan sa daan. I found myself heading to the orphanage. Tinext ko si sister Sylvia kahit late na para itanong kung pwede ba akong makitulog hanggang sa magliwanag. Ayokong mapag-isa sa unit dahil siguradong iiyak lang akong parang sira. Mabilis namang nag-reply si sister dahil sa mga oras na 'to ay magdadasal pa lamang siya sa chapel. Nakita kong papalabas na siya ng gate kaya't lumabas na 'ko ng sasakyan. Nakita ko agad ang pag-aalala sa mukha niya nang salubungin niya ako. "Anak, may nangyari ba?" medyo kabado niyang tanong. I just gave her a small smile kaya't hindi na siya masyadong nagtanong pa. Sinamahan niya 'ko sa kwarto ng mga bata at doon ako sa bakanteng bed space pumwesto. Pumikit ako at ngayon ko naramdaman ang pagod at sakit ng ulo ko. Siguradong mas masakit ang ulo ko bukas dahil sa hangover. Lord, bakit gano'n? Ako na nga ang nag-sakripisyo at nasaktan, pero bakit parang ako iyong mas masama sa aming dalawa? Siguro ganito talaga kapag isang hamak na mahirap ka lang. Walang breeding at walang karapatang humangad ng isang Jasper David Perez. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD