Kabanata 8

2180 Words
Binuksan ko iyong drawer ko at cabinet para maghanap ng masusuot. Dapat pala tinanong ko rin sa kanya kahapon kung ano'ng kailangan na attire. Nakakahiya namang magtanong ngayon baka tulog pa yun at isipin niyang excited ako masyado para gumising ng ganito kaaga. Chineck ko ulit ang oras. Past 2AM na pala. Sumakit kasi ang tiyan ko kaninang bandang 1:30AM at hanggang ngayon hindi ko na mahuli ang tulog ko. So, heto nag-decide na lang akong maghanap ng isusuot since wala pa akong naka-ready. Dapat kaya business attire? Assistant daw e. So malamang mataas ang posisyon nito sa opisina. Kaso sa Tagaytay ang location nila—so baka kailangan casual lang? Baka kargador kailangan nila do'n. Sabagay malakas naman ako at kayang kaya kong magbuhat ng mabibigat. Noong nasa probinsya nga ako ay kaban kaban ng bigas ang binubuhat ko tuwing anihan. Kinuha ko iyong dalawang naka-hanger. Okay na siguro itong white shirt ko at black pants. Papatungan ko na lang ng checkered na polo at saka ako magbabaon ng business attire just in case. Nang maayos ko na iyong isusuot ko ay iyong backpack ko naman ang pinrepare ko. Binuksan ko ang ref at kinuha ang mga posible kong kailanganin. Kumuha ako ng bottled water, mansanas, orange, dalandan, lettuce, kamatis, chilli paste at medyo madami pang iba. Mahirap na baka walang malapit na store doon or baka ginto ang mga bilihin. Nang sa tingin ko ay tama na ang lahat ng dadalhin ko, naligo na ako at nagbihis. At exactly 3:50AM ay ready to go na ako. Kailangan ko na lang hintayin si Calyx. Sinuot ko iyong white sneakers ko at binuksan ang pinto. Akmang pipindutin ko na iyong elevator ay naalala ko ang sinabi ni Calyx na 'wag akong bumaba hangga't hindi siya tumatawag kaya naglakad ako pabalik ng unit at umupo sa tabi ng sapatusan ko. Napakamot na lang ako ng ulo. Binibilang ko ang bawat pagtakbo ng kamay ng orasan na nakasabit sa pader ko. 5, 4, 3, 2.... Eksaktong pagpatak ng alas kwatro ay tumawag si Calyx na nasa labas na raw siya. Wow! On time! Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto. "Good morning!" bungad na bati niya at may dalang dalawang kape. "Good morning! Ang aga mong hyper ah," sabi ko at inabot niya sa akin ang isang kape. Nagsuot siya ng cap at mask habang pababa kami ng building at saka siya tumingin tingin sa paligid ngunit agad din naman niyang tinanggal nang makasakay na kami sa kanyang sasakyan. Weird. O baka takot lang talaga siyang madapuan ng virus? "Ano palang kailangan kong gawin today? Pwede mo na ba 'kong i-briefing?" "Hmmm. Aabutan mo 'ko ng tubig 'pag nauhaw ako. Pupunasan mo ang pawis ko. You'll have to ensure na hindi nag-i-smudge ang makeup ko. Check mo iyong wardrobe ko kung kumpleto at kung may kulang ay itawag mo agad sa Design Team blah blah blah...." Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya at sa mga sumunod pa. Napalunok ako bago nagsalita, "Ano'ng klaseng trabaho ba ang ginagawa mo at ganyan ang klase ng assistance na kailangan mo?" Napakamot siya ng ulo na tila ba ay bigla siyang nahiyang sagutin ako. Akmang sasagot na siya ay biglang nag-ring ang cellphone niya at sa ekspresyon pa lang niya na biglang nagsalubong ang kilay, mukhang may problema na naman. Humarap ako sa kabilang side at kinuha ang earphones ko saka nag soundtrip. Ayokong isipin niya na nakikinig ako sa usapan nila. Unti-unti ay nararamdaman kong bumabagsak ang mga mata ko. Marahil ngayon ako sinisingil ng antok kong hindi dumalaw kanina. --- Paggising ko ay feel ko na ang lamig ng panahon. Napahawak ako sa gilid ng labi ko at tinignan itong katabi kong nag-ce-cellphone. "Naku kanina pa ba tayo nakarating?!" "Medyo," kalmado niyang sagot nang di naaalis ang tingin sa cellphone. "Bakit hindi mo 'ko ginising?!" kinuha ko iyong mga gamit ko sa likod habang siya naman ay relax lang na inabot iyong salamin at tinignan ang sarili niya Tumingin ako sa labas at napakaraming tao. May mga pabalik balik sa pagtakbo, mayroong mga nakaupo lang habang nagbabasa, at ang nakakapagtaka ay may mga ilaw at camera. "Naku may shooting yata dito ng pelikula! Galing! Sakto tayo! Makakakita tayo sigurado ng mga artista!" hindi ko napigilang hampasin siya ng pabiro habang ini-imagine ko pa lang na may makikita kaming mga artista. Nakaka-excite naman 'to buti na lang sumama ako. "Huy okay ka lang?" Bigla kasi siyang namula at nagtakip ng bibig. "Pfft—s-sorry. Bumaba na tayo," "Tumawa ka na baka mautot ka pa diyan," sabi ko at bumaba na ako ng sasakyan. Di ko naman siya masisisi kung natatawa siya sa excitement ko. First time ko kasing makakakita ng gan'tong shooting sa personal at hindi gaya niya na baka sanay na sa mga ganito. Kinuha ko ang backpack ko at naghati kami sa pagdadala nung mga damit niyang nasa backseat. Grabe naman magdala ng extra clothes 'to. Para bang pagpawisan lang ng konti iyong kili kili niya ay magpapalit na siya. Sinundan ko siya sa paglalakad habang pinagmamasdan ko pa rin iyong shooting. Siguro mga artista itong mga makukulay ang buhok na 'to. Sa sobrang occupied yata ng utak ko sa shooting ay bumunggo ang aking noo sa likod ni Calyx na huminto na pala sa paglalakad. "Calyx!" tawag ng isang babaeng papalapit sa amin na may dalang mga folders. Hinimas ko nag noo kong bumangga. "Hey Ri," bati ni Calyx sa kanya at nag-beso sila. "Bad mood na naman si direk buti na lang dumating ka agad. Alam mo naman ikaw weakness no'n," aniya at kinindatan si Calyx. I cleared my throat, "Ahm excuse me. Ano pong meron dito? May shooting ba ng pelikula? May artista?" Napatingin siya sa akin at kay Calyx, "Who is she?" "Ah this is Cinderella nga pala. Temporary replacement ni Mina for today. Nilalagnat daw siya e," "Sus maniwala ka dun. Baka may blind date na naman iyon," sagot niya at tumingin sa akin tsaka ngumiti, "Commercial shoot tayo ngayon, Cinderella. So standby ka lagi ha. Kailangan attentive ka sa bawat demand ni direk at si Calyx—siya ang artista ng commercial natin," "A-Artista?! C-Commercial? Yung sa loob ng TV?!" magkakasunod na pasigaw kong tanong. Bumaling ako kay Calyx na nakangiti lang sa akin, "Artista ka?!" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Nakakasakit ka ng feelings ha. Bakit parang disappointed ka na ako ang artista dito? Akala ko ba sabi mo sa'kin kahapon ay bagay sa akin maging artista?" pakunwari'y nagtatampo niyang sagot. Humakbang ako ng kaunti paatras. Masyado siyang malapit. Napalunok ako. "Bakit hindi mo naman kasi sinabi agad na artista ka," medyo hinihingal kong sagot. "Di ka naman nagtanong e," Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Ms. Ri. "You were together yesterday?" "Yes," derechong sagot ni Calyx at hinatak na ako patungo sa isang malaking tent na feeling ko pang-artista. Kase artista siya e. Oh my gosh super excited pa naman akong makakita ng artista tapos ang artista pala ay itong kasama ko! "Nauuhaw ka na ba?" tanong ko sa kanya habang nagbabasa siya ng script. Ang sabi kasi niya kahapon ay trabaho kong painumin siya kapag nauuhaw siya. "Relax ka lang okay? Hindi pa 'ko nauuhaw. Just tell me if you need anything," "Assistant mo kaya ako ngayon," paalala ko. "So what?" "Magkabisado ka na diyan para 'di tayo mapagalitan mamaya," Tumayo ako at chineck iyong wardrobe niya. Base sa listahan na binigay sa akin kanina ni Ms. Ri ay lahat naman ng kailangan niya para shoot today ay kumpleto. May list din siya ng pagkakasunod-sunod ng mga dapat isuot ni Calyx. Habang hindi pa nag-uumpisa ay pinapanood ko siyang ayusan ng kanyang stylist. Wow. Ganito pala ang ginagawa nila sa mga artista bago lumabas sa TV. Kaya pala napaka-flawless nila at walang kahit anong butas sa mukha! Although kahit wala namang makeup si Calyx ay makinis talaga. Isa siya sa mga may pinagpalang malusog na uri ng skin. Hehe. Kakainggit dahil mas maganda pa skin niya sa akin. "In 10 mins start na tayo!" sigaw nung lalakeng sumilip sa may pintuan. Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Calyx. Wow. Just wow. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang black slim fit training shirt tsaka jogger pants. Kung susuriin ay napaka-simple lang ng suot niya, pero, literal na mukha na naman siyang lumabas mula sa isang magazine. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakanganga habang nakatingin sa kanya pero nang lumabas na silang lahat ay sumunod na rin ako. Commercial pala ito ng isang bottled water. Pagtingin ko sa paligid may mga bouncer na nakapalibot para pigilan iyong mga babaeng nagpupumilit pumasok. Oh my gosh. Fans niya ba ang mga ito? Kung gano'n ay tunay nga na isa siyang artista. "I love you, Calyx Lozano! Pangako 'yan lang ang tanging tubig na iinumin ko!!" halos sumabog ang ugat sa lalamunan na sigaw nung babae. Ayy grabe! Hindi na alam ng dalawang tenga ko kung kaninong boses ng mga fans niya ang pakikinggan ko. Bukod sa sabay sabay silang sumisigaw, tila ba may pa-contest na palakasan sila ng boses. Basta ang naiintindihan ko lang, lahat ng mga fans niyang nababaliw dito sa set ay willing magpakalunod at bahain ng tubig na ini-endorso niya. Nakaka-dalawang take lang si Calyx kada scene na kinukunan nila kaya nakangiti lahat ng staff pati direktor. Isang good shot at backup lang. Puro sila papuri sa performance niya na sobrang professional daw at ang ganda talagang katrabaho. Naupo ako sa isang sulok kung saan ay mapapanood ko pa rin siya. Ano ba naman kasing mahirap sa ginagawa niya? Bukod sa tumatakbo lang naman siya habang tumutulo iyong mga butil ng pawis niya mula sa noo pababa sa kanyang leeg at pagkatapos iinom siya nung tubig na ini-endorso niya. Pero siguro mahirap talaga iyon kapag ikaw na mismo ang nasa lugar niya. "P.A! P.A! Nasaan ang Personal Assistant ni Calyx?!" Nagulat ako sa nakakatakot na boses nitong katabi ko. Napakaganda niya. Mukha siyang anghel, pero mukhang kakainin niya ng buhay lahat ng taong nandito. Humihingal na lumapit sa akin sa Ms. Ri. "Cinderella! Ano bang ginagawa mo d'yan? Ikaw ang hinahanap ni Selina!" kabado ngunit pabulong lang na tanong sa akin. Jusko ako pala yata ang nakatadhanang makain ng buhay dito! Kabado kong hinaharap iyong magandang babaeng galit sa paghahanap sa 'kin. "Nasaan na ang next outfit ni Calyx?!" nakapamaywang niyang tanong sa akin. "N-Nasa loob po ng tent—" "Then what are you waiting for?! Get it now!" Sa sobrang takot ko sa kanya ay feeling ko nakuha ko ito ng wala pang kalahating minuto. Tumayo ako ng mas malapit sa kanila at tinalasan ko ang pandinig ko. Utos dito, utos doon. Takbo dito, takbo doon. Siguro ay sa sobrang kaba ko na mapagalitan ay hindi ko nararamdaman ang pagod sa kabila ng kabi-kabilang mga utos nila. "Let's call it a day, guys! Good job!" Pakiramdam ko ay namanhid bigla ang mga tuhod ko at hindi ko namalayan na napaupo ako sa sahig sa labis na panghihina. Tinignan ko ang oras sa relos ko at mag-alas kwatro na ng hapon. Grabe ni hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras sa dami ng ginawa ko. Tumayo ako at bumalik sa tent. Inayos ko iyong mga gamit ni Calyx tsaka dinala sa kotse niya. Nagpaalam ako kina Ms. Ri at pinauna na ako ni Calyx sa sasakyan dahil may kausap pa siya sa phone. Hindi naman nagtagal ay nakabalik din agad siya. "Are you okay, Cindy? Pasensya ka na mukhang napagod ka ng husto," napakurap ako ng tatlong beses sa pagtawag niya sa akin ng Cindy. "W-Wala 'yon 'no. Malakas kaya ako. Warm up lang iyon sa'kin 'wag kang mag-alala," paniniguro ko sa kanya. Nawala ang ngiti ko nang biglang sabay na kumulog ang tiyan naming dalawa. Nagkatinginan kami at sabay na tumawa dahil ngayon lang namin naalala na hindi pa pala kami kumakain ng tanghalian. May pagkain naman sa set pero sa dami ng ginawa namin ngayong araw ay bukod sa wala na kaming extra time, literal na nakalimutan na naming kumain. "I'm really sorry, Cindy, ginutom kita. This is really embarrassing," aniya ngunit natatawa pa rin kami. "Ano ka ba okay lang. Nawala rin naman sa isip ko," sagot ko. "Di bale, I'll treat you to a big meal. Sa'n mo gustong ku—" Napatigil uli siya sa pagsasalita nang muling tumunog ang kanyang tiyan. Humagalpak na naman ako sa tawa dahil sa itsura niya. At habang hinahabol ko ang aking paghinga ay naalala ko iyong mga baon ko kaya't kinuha ko sa backseat iyong backpack ko at inihagis sa kanya. "Hanap ka ng gusto mong kainin diyan. Kahit pampatanggal lang ng konting gutom," Nagtataka man siya ay binuksan niya ang bag ko at nanlaki ang kanyang mga mata. Inilabas niya mula sa backpack ko ang dalawang bowl. Lettuce, kamatis, onion, r****h, olive oil, dressing, sliced cucumber at mga chips. "You know what... I think we could literally make a buffet out of these foods inside this little supermarket of yours." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD