Kabanata 9

2390 Words
Before talaga ako hinatid ni Calyx sa condo ay pinakain muna niya 'ko sa isang mamahaling restaurant! Gusto ko nga sanang sa Green Pepper na lang siya ayain dahil sayang din 'yung sales kaso sarado kami ngayon. "Salamat talaga ha, Cindy. You saved this day." "Okay lang 'yon. Naka-dalawang extra rice naman ako kanina!" sagot ko sabay pabiro kong hampas sa braso niya. Tawa siya ng tawa magmula pa kanina. Hindi daw siya makapaniwala na may babae pang kasing lakas kong kumain. Nowadays daw kasi ay puro nag-da-diet na ang mga girls. Nag-iisa na lang daw ako sa mundo sabi niya! Hindi ko tuloy sure kung compliment ba 'yon or insult. Tatanggalin ko na ang seatbelt ko nang may isang pamilyar na sasakyan na naman ang humaharurot na nag-park. Sasakyan iyon ni Jasper. Napahinto ako at pinanood ko siyang lumabas mula roon kasunod ang isa na namang babae na nakabuntot sa kanya. Hindi ba siya nagsasawa? Araw araw na lang yata siyang may activity sa unit niya. Tsk. Magulo ang suot na suit ni Jasper. Halatang may pinagdaanan na naman doon sa loob. "Hatid na kita sa taas," alok ni Calyx kaya natauhan ako. "A-Ah oo sige." Parang hindi ko kasi kakayanin ang awkwardness kapag nakasabay ko iyong dalawang 'yon mag-isa. Mabuti nang may kasama ako at least may makakausap ako kahit papaano. Inalis ko ang seatbelt ko at pinagbuksan ako ng pinto ni Calyx. Suot pa rin iyong sombrero niya, pumasok kami sa loob ng building. Hinabol niya ang papasara na sanang elevator. Jusko sana pinauna na niya! Bumulaga sa amin ang dalawang pigurang hindi na kinaya pang makarating sa kanilang unit. Agad akong hinila ni Calyx at tinakpan niya ng kanyang kamay ang aking mga mata! Gusto ko sanang matawa sa ginawa niya kaso nang tanggalin na niya iyong kamay niya ay huminto na pala iyong dalawa. Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Jasper na niluwagan iyong suot niyang kurbata. Iginiya ako papasok ni Calyx at sinigurado niyang nakaharang iyong malaki niyang katawan para hindi ko makita iyong dalawang makasalanang nilalang. Jusmiyo mabuti na lang talaga ay nandito si Calyx. "Inumin mo iyong binigay ko sa 'yo para mas komportable ang tulog mo," ani Calyx. Sa dami ko raw kasing nakain kanina, kailangan kong uminom ng tsaa para sa mas maayos akong makatulog. "O-Oo salamat ha." Nang bumukas ang elevator ay naunang lumabas si Jasper at mabilis na sumunod sa kanya iyong babae. Lumabas na rin kami ni Calyx at tinungo iyong unit ko. Ngunit bago ko pa ito mabuksan, pabagsak na sumara iyong pinto ni Jasper at sunod sunod na kalabog ang aming narinig mula roon sa loob. Alangan akong ngumiti kay Calyx. Nakakahiya na nasaksihan niya ang ganitong eksena. Grabe naman kasi iyong kalabog na 'yon. Nagbugbugan ba sila sa loob? Psh. "Wag kang labas ng labas sa unit mo. Mukhang hindi katiwa-tiwala 'yung kapit-bahay mo," habilin niya sa 'kin pagkapasok ko. Natawa ako. Hindi na siya nagpasyang pumasok pa para raw makapag pahinga agad ako. "Thank you, Calyx. Ingat ka sa pag-da-drive ha." "Sabi mo e," he answered, smiling like an angel. We waved at each other before ko sinarado 'yong door. Nag-shower agad ako at nagbihis. Sa dami kong pawis na inilabas kanina, baka naging patong patong na libag na sila. Nakaka-darken pa naman lalo ng skin kapag malibag ka, kaya dapat laging maligo. After kong mag-freshen up, bigla kong nakita iyong mga basura kong nakalimutan kong ibaba no'ng isang gabi. Ang bango bango ko na pa naman tapos magtatapon ako ng basura. Hay naku! Kaysa naman makalimutan ko pa ulit 'yan at matambak lalo d'yan! Binitbit ko na nga ang mga garbage bags na ito at lumabas. Pagdating ko sa tapat ng elevator, naroon iyong babaeng kasama kanina ni Jasper. Aalis na agad siya? Bumukas na iyong pinto at pumasok iyong babaeng sexy. Tumakbo agad ako para sumunod papasok. Pagdating ko sa loob ay napatakip agad siya ng ilong at tinignan ako ng masama at ang mga basurang dala ko sa magkabilang kamay. Excuse me bagong ligo ako uy! Tsaka maayos namang naka-segregate itong mga basura ko! Amp! Masama niya pa rin akong tinitignan mula ulo hanggang paa at nang magbukas ang elevator ay mabilis siyang kumaripas ng takbo na para bang kinatatakutang virus itong dala ko. Napaka-arte ha! Pagkatapos kong makapagtapon ay may sink naman doon na hugasan ng kamay at sanitizer. So, malinis akong umakyat pabalik. "Jasper?" alangan na tawag ko nang makita ko siyang nakaupo sa labas ng pinto ko at nakadukdok ang ulo sa mga tuhod niya. "Huy bakit ka nandiyan?" Nag-angat siya ng tingin at medyo namumula iyong mga mata niya. Agad kong sinalat iyong noo niya at inaapoy siya ng lagnat! "Ang taas ng lagnat mo bakit nandito ka?!" "Let's talk..." nanghihinang sambit niya. "Teka uminom ka na ba ng gamot?" nag-aalalang tanong ko. Umiling siya at pinagpapawisan na ng todo ang kanyang noo. Hinawakan ko ang likod niya at basang basa na rin ito ng pawis! Aish! Agad ko siyang inalalayang tumayo at dinala pabalik sa nakaawang niyang pintuan. Napakagulo ng buong unit niya! Jusko kinailangan kong sipain lahat ng nasa sofa niya para makapwesto siya roon. Dahan dahan ko siyang pinaupo at tinanggalan ng damit. Pinunasan ko ang likod niya at hinanap ko ang kanyang kwarto para maikuha ko siya ng bagong maisusuot. Kumuha ako ng sando at pinasuot ito sa kanya. "May medicine kit ka?" tanong ko kahit nakapikit siya at hindi ko sigurado kung narinig ba niya ako. Pero umiling siya, so ibig sabihin ay alam pa naman niya ang nangyayari. "O sige kukuha lang ako sa unit ko sandali lang ha." Tumakbo agad ako pabalik sa unit ko at kumuha ng gamot. Kumuha na rin ako ng mga sangkap panluto ng porridge baka sakaling wala pa siyang kinakain na kahit ano. Pagbalik ko sa unit niya, pinainom ko agad siya ng gamot at pinahiga. Pinunasan ko siya ng tuwalya na binanlawan ko sa malamig na tubig. Sa sobrang init niya ay agad na nawawala ang lamig nito kaya't paulit ulit ko itong binanlawan. Ala una na ng madaling araw nang matapos akong magluto ng lugaw. Sinalat kong agad ang kanyang noo at nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay bumaba na ang kanyang lagnat. Nakapamaywang kong tinignan ang buong lugar niya at kanina pa nangangati ang mga mata ko sa sobrang kalat. Itinali ko ang mahaba kong buhok at nagsimula akong maglinis. Sinusulyap sulyapan ko siya habang naglilinis ako. Napangiti ako sa tulog niyang pigura. Napaka-payapa na ng kanyang mukha. Ang bait talaga ng itsura niya pag tulog. Para akong nabunutan ng tinik at nawala iyong pag-aalala ko sa kanya kanina. Tinipon ko lahat ng nagkalat niyang mga damit at pinaglaba ko na rin siya. Wala siyang washing machine kaya dinala ko sa unit ko lahat ng labahin niya. Mag-uumaga na nang matapos ako. Nang bumalik ako sa unit niya ay gising at nakaupo na siya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko at nilapitan siya. Mukha pa rin siyang nanghihina. Chineck ko ulit ang kanyang noo at ngumiti ako nang normal na ang nasalat kong temperature niya. "You took care of me all night?" Tumango ako at umupo sa tabi niya. "Ang taas ng lagnat mo kagabi." "Ti-nake advantage mo na naman ako," sabi niya nang mapatingin siya sa suot niyang sando. Kahit mukha pa siyang nanghihina ay ang sarap pa rin niyang batukan. Tumayo ako at kumuha no'ng niluto kong lugaw. "Kumain ka muna para tumino 'yang pag-iisip mo." "Nanghihina pa ang mga kamay ko oh." Pinakita niya ang mga kamay niyang hindi pa raw niya ma-i-angat. Inirapan ko siya at sinimulan siyang subuan. Naiilang ako sa bawat pagtitig niya habang sinusubuan ko siya. Hindi ko man siya deretsang nakikita ay ramdam ko ang mga sunod niyang pagtingin sa akin. Parang ilang sandali pa ay matatapon ko na itong hawak kong lugaw. Lumalakas ang kabog ng puso ko sa tuwing mapapatingin ako sa mga labi niya. Kaso, humigpit ang pagkakahawak ko rito nang magsalita siya. "Bakit bigla ka na lang umalis?" Pakiramdam ko ay nabingi ako do'n sa tanong niya. Akala ko ay dahil sa labis niyang galit sa akin ay wala ng silbi pa para malaman niya ang dahilan ko. Inilapag ko sa center table niya iyong hawak kong mangkok. "Mahalaga pa ba ngayon kung sakaling malaman mo? Maayos na ang buhay natin. We both manage to live separately," sagot ko nang nakangiti. Tumawa siya ng mapakla. "Do I not deserve an explanation?" Sa tono ng pananalita niya ay mukhang seryoso talaga siyang gusto niya itong malaman ngayon. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak ilihim ito sa kanya habang-buhay. Gusto ko lang nang mga panahong iyon na makaalis at sumunod sa nararapat. "Did my mom talk to you?" Nahigit ko ang paghinga ko sa sumunod niyang tanong. Nakita niya marahil ang ekspresyon ng mukha ko kaya bigla na lang siyang tumawa. "So it's really her," natatawa pa ring sambit niya. "Bakit ka naman nagpatalo do'n? Of all women na kilala kong hindi aatrasan ang mama ko, ikaw pa?" Napayuko ako. "Pero...tatanggalan ka niya ng mana kapag hindi ako sumunod." "Yun lang?" Nag-angat ako ng tingin nang magkasalubong ang kilay ko. "Ano'ng yun lang? Alam mo ba ang mangyayari sa 'yo kapag nagkataon? Maghihirap ka, Jasper. At alam kong hindi mo kakayaning maghirap," inis na paliwanag ko. Pero tila nainsulto siya roon sa sinabi ko. "Napaka judgmental mo naman pala. Nahusgahan mo agad na hindi ko kaya? Bakit? Napatunayan mo na bang hindi ako mabubuhay ng walang pera galing sa kanila? Cinderella naman!" Napahawak siya sa kanyang ulo. He looks really frustrated with my reason. "Sorry kung naduwag ako," "Dapat lang na mag-sorry ka! 5 years akong nag-iisip kung bakit ka umalis. Limang taon, Cinderella! Limang taon mo 'kong inistress sa pag-iisip kung ano pa ang kulang sa 'kin at iniwan mo 'ko. Nagkulang ba 'yong kagwapuhan ko sa 'yo? Hindi ba sapat 'yong bilang ng abs ko? Sana nilinaw mo man lang kahit sa chat lang!" Relax, Cindy. Kagagaling lang niyan sa mataas na lagnat. Pagpasensyahan mo na ang lumalabas sa bunganga niya. Pumikit ako at kinalma ko ang sarili ko bago ko siya tuluyang masapak. "Yun lang at wala ng ibang dahilan, okay?" Tumayo na ako para sana bumalik na sa unit ko. "I can't believe it. Na-stress lang pala ako sa walang kwentang bagay." Tumayo ako sa harapan niya nang nakapamaywang. "Okay ka na niyan? Masaya ka nang alam mo na ang dahilan?" "Hindi noh!" Sa lakas ng kanyang boses ay mukhang magaling na talaga siya. Pinaningkitan niya 'ko ng mata. "Akala mo gano'n gano'n na lang 'yon?! Ano ka, sinuswerte?" "Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong. "Kailangan mong pagbayaran 'yong ginawa mo," nakasimangot niyang wika habang nakahawak sa kanyang ulo. "Hala?! Wala akong pambayad sa 'yo noh." "Mahal mo pa ba 'ko o hindi?!" Muntik yata akong magka mini heart attack sa tanong niya. Wala man lang paligoy ligoy?! Nanlamig ang mga kamay ko sa kaba. Hindi ko alam anong isasagot ko oh my gosh! Emergency! This is emergency! "Hoy!" Nagulantang ako sa pagbulyaw niya. "Bakit mo 'ko sinisigawan?!" "Sagot!" sigaw niya. Aba! Akala ba niya ay gano'n kadaling saguting iyong tanong niyang 'yon?! "M-Mauna kang sumagot. Magpaka-gentleman ka uy," kabado kong sabi. Kinagat ko ang ibabang labi kong tumingin sa kanya. "Love mo pa 'ko?" "Oo! Dali ikaw naman!" mabilis niyang sagot. "Bakit kasi tayo nagsisigawan?!" "Edi 'wag tayong magsigawan!" inabot niya ang kamay ko at saka hinila. Bumagsak ako sa kandungan niya at mahigpit niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig. Oh my gulalalay!! Ano ito! "A-Anong g-ginagawa mo uy!" "Dali sagutin mo na yung tanong ko," malumanay na niyang tanong ngayon. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko habang nakayakap pa rin siya. "Crush mo pa ba 'ko?" "Hangal ka talagang lapastangan ka!" dinakma kong agad ang mahaba niyang buhok na nasa harapan ko at sinabunutan ko siya ng todo. "Aray ko! Aray! Tama na biro lang!! Mahal mo pa ba kasi 'ko?!" "Oo punyeta kang hangal ka! Kahit demonyo ka mahal pa rin kita!" "Edi tayo na?!" Kumikinang ang mga matang tanong niya. Binatukan ko na siya at hindi na 'ko nakapagpigil pa. "Bugok ka ba?! Hindi ka man lang manliligaw?!" Nakasimangot niyang hinimas himas iyong hinampas ko. "Naka-jackpot ka na nga sa 'kin, gusto mo pang manligaw ako? Ay wow! Maputi ka ba—ahhh!! Joke lang aray ko!" Pinilipit ko ang tenga niya. "Malandi ka! Malandi! Napakarami mong babaeng tapos gusto mong maging tayo in an instant?!" "Fans ko lang mga 'yon! Ikaw naman ang mahal ko!" sagot niya habang pilit tinatanggal iyong kamay ko sa tainga niya. "Inubos mo lang lalo ang natitira kong energy bruho ka!" Hinihingal ko siyang binitawan at ayaw naman niya 'kong pakawalan kaya hindi ako makatayo. "Sino ba yung panget na kasama mong bakla kagabi?" nakanguso niyang tanong. "Hindi 'yon bakla. Si Calyx 'yon artista siya," pagtatama kong sagot. "Wow lumelevel up ka na talaga. Artista na mga kaibigan mong bakla ngayon," "Hindi nga 'yon bakla!" Pinilit kong makawala sa kanya at makalayo. Naglakad ako palabas ngunit napahinto ulit sa sinabi niya. "Pwes kung hindi siya bakla, 'wag ka ng makikipagkita do'n!" sigaw niya. Nakataas ang kilay kong nilingon siya. "Ay bakit? Who you?" "Sige subukan mo lang bubugbugin ko 'yon." Nanlalaking matang banta niya. Basagulero talaga! "Bahala ka d'yan. Patulugin mo muna ako at wala pa 'kong tulog dahil sa 'yong demonyo ka!" Lumabas na ako at agad na lumipat sa unit ko. Pero pagpasok ko ay siyang pagsunod rin niya sa 'kin sa loob. Pigilan niyo po ako sa pwede kong magawa sa lalaking ito. "Remember may 3 wishes akong kailangan mo i-grant nung nag-usap tayo sa crown hotel?" seryosong tanong niya habang nakatayo sa may tapat ng pintuan ko. "Oh ano naman?!" asar kong sigaw nang nakapamaywang. Unti unti siyang naglakad palapit sa 'kin at huminto siya sa harapan ko. Iyong face niya kaninang mukhang joke ay biglang naging seryoso ngayon. De remote control ba 'to at ang bilis mag change ng mood?! Gusto kong iwasan iyong mga titig niya ngunit para akong nilalamon ng mga ito at hindi ko mabawi ang mga tingin ko. "I'm claiming my first wish today. You're now my girlfriend, Cinderella." he declared in a very authoritative voice. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD