"Ma'am Cindy, nasa labas daw po ang boyfriend niyo,"
"Sabihin mo naglaho na 'ko sa mundo," sagot ko nang hindi binibitawan ng tingin ang computer ko.
"Po?"
"Basta sabihin mo hindi mo makita. Naging invisible!"
"Naku ma'am ang gwapo pa naman! Bahala kayo ang dami ng namamapak ng tingin sa kanya sa labas."
"Ano?!" maliksi akong napatayo at nilagpasan ang tumatawang si Wendy. Hindi ako nahirapan sa paghahanap sa buyset na Jasper na iyon dahil ayun nga at pinaliligiran siya ng mga customers naming mga babae at pati mga staff ko!
Nakahalukipkip ko siyang pinanood na todo kung makangiti sa kanila. Ang laki ng ngiti na iyan ah. Pang maramihang babae. Naniningkit ang mga mata ko na pinagmamasdan siya. At nang mapansin na niya ang presensya ko ay agad siyang tumayo at malapad ang ngiti niyang lumapit sa akin, dala iyong bouquet of flowers niya.
"For you, my Queen," aniya sabay abot niya sa 'kin nito. Huwag kang magpasuhol sa bulaklak, Cindy! Sigaw ng utak ko sa puso ko.
"B-Bakit ka ba nandito?" tanong ko sabay kuha ng mga taksil kong kamay sa bulaklak.
"Susunduin ko ang Queen ko. Bawal? Pero teka... 'wag na pa lang Queen dahil kapag nagkataon King ako. Ayokong maging si King. Mas pogi ako dun." Hinawakan niya ang baba niya at nag-isip talaga. "Wag na nga tayong mag-endearment. Parang 'di bagay sa 'tin. Nakakakilabot." Niyakap niya ang sarili niyang tila kinilabutan talaga.
"Ah gano'n?!"
"Teka joke lang 'to naman! Mamaya na tayo ma-isip. Out mo na diba?"
"Oo," kunot noo kong sagot.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na at i-anunsyo na natin ang magandang balita sa mga panget kong kaibigan."
"Saan? Wala namang panget sa mga kaibigan mo,"
"Sino pa ba? Gumugwapo lang naman sila 'pag wala ako."
"Kapal ng mukha mong puno ng kalyo," singhal ko sa kanya.
Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin at pinatingin ng maigi. "Sus. Maiinlove ka ba sa mukhang 'to kung puno ng kalyo?"
"Nabulag siguro ako," gigil na sagot kol.
Tumatawa siyang sumama sa opisina ko para kunin ang bag ko. Kinuha niya ito at siya ang nagbitbit. Natatawa tuloy akong habang papunta kami sa sasakyan niya nang may hawak siyang handbag.
Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at pumunta nga kami sa isang hotel kung saan may dinner daw sila. Ayaw pa ngang mag sink in sa utak ko na kami na tapos gusto pa niya ay ipamalita na namin?! Nahihibang na nga ito uy!
"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya nang masulyapan ang ako. "Shock ka pa rin na boyfriend mo na ang pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa?"
"Paano kapag nalaman ng Mama mo ito?" seryoso kong tanong.
"Buhay ko 'to, Cinderella. She can't control what I want kaya 'wag mo siyang isipin. Wala na siyang magagawa 'pag binigyan na natin siya ng mga apo."
Binatukan ko siya. "Bugok!"
Humalakhak siya ng malakas at maging ako ay hindi ko na napigilan pang hindi matawa. Para kasing sira. Wala yatang pagkakataon na naging matino ang usapan namin ng hunghang na ito. Laging may halong kalokohan ang mga lumalabas sa bunganga.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para hindi niya mapansin ang pagngiti ko. Ayokong matuwa na sapilitan niya 'kong ginawang girlfriend dahil kahit papaano ay gusto kong maligawan muna. S'yempre doon sa probinsya namin ay hindi pwedeng magka-nobyo nang hindi dumadaan sa tamang proseso. Paano na lang ang sasabihin ko rito kay Jasper kapag nagkataon? Na naging nobyo ko siya sa loob lang ng isang araw? Dahil lang sa may 3 wishes siya sa 'kin? Oh my gulay cannot be! Baka habulin siya ng itak ng mga uncle ko.
Pumasok kami sa isang mamahaling hotel na alam ko ay pagmamay-ari nila. Paano ba namang hindi ko malalaman ay ipinagsisigawan nitong buong gusali ang apelyido niyang Perez. Papasok pa lang kami sa restaurant kung nasaan ang lahat ay naramdaman ko na ang kamay ni Jasper sa aking baywang. Hinapit niya ako palapit sa kanya nang makita namin kung nasaan sila.
"Hi, my friends!" bati ng loko loko ngunit iyong mga mata ng lahat ay hindi sa amin ang tingin kundi doon sa kamay ni Jasper na kapit na kapit sa baywang. Oh jusko nakakahiya!
Napatayo si Dennis. "Teka muna! Anong ibig sabihin ng mga kamay na iyan ha, Jasper?!"
"Oo nga!" napatayo din si Yuka. Lumapit siya sa amin at pinaka-check niya ng mabuti kung nakadikit nga ito sa baywang ko. "Legit nga ang kapit!" sigaw niya sa mga kasama. Lalo akong nahiya! Nagsilapitan silang lahat kay Jasper at pinagsasapok siya!
"Aray ko! Ano ba! Bugbog sarado na nga ako sa girlfriend ko, pati ba naman sa inyo?" reklamo niya.
"Girlfriend?! Agad agad?!" sabay sabay na tanong nila. Dinamba nilang lahat si Jasper at napilitan kaming maglayo.
"Hala tama na 'wag niyo siyang saktan," mahinang bulong ko at hinarang ang sarili ko sa harap niya.
"Cinderella, magsabi ka sa 'kin ng totoo," ani Yuka at hinila ako sa side niya. "Tinakot ka ba neto?" turo niya kay Jasper na hinihimas iyong mga parte ng katawan niya na hinampas nila.
Lumapit sa amin si Jasper at tinapik ang kamay ni Yuka na nasa braso ko.
"Grabe ka naman sa tanong mo, Princess! Hindi ba pwedeng tunay lang kaming nagmamahalan?"
"Why f**k did you hit my wife?"
"Hehehe. Mahina lang 'yon, King."
"Tss." Nilapitan ni King si Yuka at niyakap sa baywang saka sila bumalik doon sa pwesto nila. Haaay. Napaka-perfect talaga ng dalawang 'yon.
"Gumamit ka na naman siguro ng salamangka," sabi ni Kevin sabay sarado sa librong ipinukpok niya sa ulo ni Jasper kanina.
"Excuse me, sa gwapo kong 'to, mahihiya ang salamangka dahil mawawalan ito ng silbi," hindi papatalong sagot niya.
"Amega...is that for real talaga uy? Bati na kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Roxanne. Huhu. Sasabihin ko siguro sa kaya later ang reason.
Nakapamaywang din si Dennis sa tabi niya. "Wag kang maniwala diyan, Love. Siguradong gumawa ng magic trick 'yang feeling pogi na 'yan. Mas pogi ako diba?"
"Oo naman."
Hinatak na ako ni Jasper paupo dahil nagtukaan pa iyong dalawa sa harapan namin! Naku si Amega PDA!
Isang mahabang lamesa ang kinaroroonan namin. Ang dami dami nilang inorder at isang bandehado yata ang extra rice na inilagay ni Jasper sa tabi ko.
"Alam kong kulang sa 'yo ang tatlong rice kaya heto pa ha,"
"Hehe. Salamat."
"Sabihin mo lang kung kulang pa. Madami pa kaming bigas—aaah!!" Mariin kong tinapakan iyong paa niya.
"Maging normal ka naman kahit minsan, please," bulong kong puno ng pagtitimpi.
"Napaka-brutal talaga ng pagmamahal mo sa 'kin. Sadista ka."
"Kumain ka na lang. Napakadaldal mo."
Habang kumakain kami ay nag-usap usap ang mga boys. Nakakapanibago dahil puro tungkol sa business na iyong topic nila. Ibang iba na noon na puro usapan tungkol sa kaaway nilang gang ang topic. Ngayon may stock market na!
Inabot ko iyong baso ko ng juice at uminom. Eksaktong nalunok ko pa lang iyong juice at hindi ko pa nagagawang ibaba iyong baso ay parang gusto ko ng maglaho dahil sa isang pigurang papalapit sa aming lamesa.
"Oh, guys!" panimula ni Jasper. Parang hindi man lang siya kinakabahan na nandito ang nanay niya! Jusko gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa! "Eto pala ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Cinderella oh! Ang nanay kong magandang may anak na gwapo."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya! Samu't-sari rin ang reaksyon ng mga kasama namin sa lamesa. Hindi ko mawari kung gusto ba nilang tumawa o matakot para sa amin ni Jasper.
Isang magandang Ginang ang tumayo sa harapan namin. Katulad ng itsura niya noong nagkita kami, ganoon pa rin ang taglay niyang kagandahan. May aura ito na kahit nasa malayo pa ay mapapaatras ka na talaga.
"It's good to see you all here," sabi ni Donya Selerina. Mukhang Donya talaga siya dahil mula ulo hanggang paa ay mukha siyang mamahalin! Kung itatabi ako sa kanya ay literal na magmumukha akong basahang hindi nabanlawan. Napalunok ako nang dumapo ang tingin niya sa mukha kong nakatakip ng baso.
"You are..."
"My precious ko, Ma," mabilis na sagot ni Jasper. Napaawang ang labi ko.
Tumaas ang kilay nito. Kinuha ni Jasper iyong baso mula sa mukha ako at matiwasay na nasilayan ni Donya Selerina ang aking pagmumukha. Oh jusko.
"Your precious, huh?" Jusko nagtaasan yata ang mga balahibo ko sa batok at braso pagkarinig ko ng kanyang tinig.
"Yes, Ma. Kahit tanggalan mo pa 'ko ng mana hindi mo na kami mapaghihiwalay pa over my dead sexylicious body. Kaya please, 'wag ka ng kontrabida, Ma. Basbasan mo na lang kami at iaalay namin sa 'yo ang pinakamagaganda at pinakgugwapong mga apo sa mundong ito."
Nagtawanan silang lahat maliban sa aming dalawa ni Donya Selerina. Paanong nagagawang biro ni Jasper itong sitwasyong ito?!
"Umayos ka nga, Jasper," gigil na bulong ko sa kanya. "M-Magandang gabi po, Donya Selerina," kabadong bati ko. Feeling ko ay namamawis na pati talampakan ko sa sobrang takot at kaba. Saan ba napulot ni Jasper ang kalog niyang ugali? Tila ni 1% ay walang pagkakahawig ang attitude nilang mag-ina.
"Maayos naman ako," bulong na sagot niya sa 'kin. "Diba, Mama?"
Ngumiti ito ng kalmado sa aming lahat bago naging seryoso ang mukha na tumingin kay Jasper.
"I'll talk to you tomorrow, Jasper. Be in my office at 1pm," malamig na wika nito. Malapit na yata akong himatayin dito sa kinauupuan ko.
"Sige, Ma. Pero 'wag ka ng mag-abala pang gumawa ng proposals. Hindi magbabago ang pag-ibig ko kay Cinderella." Paulit ulit akong napapasapo sa aking noo dahil sa mga pinagsasasagot ng lalaking ito. Kung hindi man siya mapaslang ng kanyang Mama ngayon, ako ang tiyak na papaslang sa hangal na ito mamaya.
Straight face na tumalikod sa amin si Donya Selerina kasunod iyong dalawa niyang assistant.
"Baliw ka Jasper!" inis na sigaw ko sa kanya at sinapak ko siya sa braso.
"Aray ko ano na naman? Ipinaglaban ko lang ang pag-ibig ko sa 'yo na 'di mo man lang nagawa sa 'kin noon. Tsk."
"Lakas pala talaga ng tama sa 'yo niyan, Cinderella," sabi ni kuya John.
"Tumatapang pala si Jasper kapag nagseseryoso," natatawa ring komento ni Kris.
"Pero seryoso bang siya talaga ang dahilan?" si Yuka.
Natawa si Jasper. "Oo. Tinakot lang ng mama ko lumayas agad! Weak."
Tinignan ko siya ng masama. "Para sa 'yo naman kung bakit ako nag decide ng ganon. Tsaka at least nakapag aral ako noh," sagot ko.
"Sabagay. Katanggap tanggap iyong nakapag-aral ka. Pero yung para hindi ako mawalan ng mana? Hindi acceptable. Ano na lang ang silbi ng mga kayamanan ng mga semi gwapo kong kaibigan? Diba? Hindi ako maghihirap."
Napuno na naman ng tawanan ang aming lamesa habang kumakain.
Nagtaas ng kamay ang humahagikgik na si Dennis. "Sige sagot ko na pangkabuhayan package ninyo forever. Ako na rin ang bahala kung gusto ninyong magtravel anywhere wherever you want!"
"Ako na sa bahay," seryosong sabi ni King sabay inom ng alak niya sa baso.
"Ako na sa scholarship ng mga anak ninyo kahit isang section pa 'yan," natatawang nakisali rin si Yuka. Iinom din sana siya ng alak kaso inagaw sa kanya ni King iyong baso.
"Shet ayos!!" napasuntok sa ere si Jasper. Samantalang ako ay nakatulala lang sa pinagsasabi nila.
"Sige na ako na sa monthly allowance!" si Kuya John!
"Sagot ko na mga libro ng mga anak ninyo. Lahat ng gusto nilang basahin, ibibigay ko. Pati gadgets ako na rin,"
Halakhakan ng bawat isa ang bumalot sa aming pwesto. Inakbayan ako ni Jasper at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.
"See? Mamumuhay pa rin tayo ng matiwasay kahit alisan niya 'ko ng mana. Lugi pa siya dahil bukod sa mawawalan na siya ng gwapo at machong anak, mawawalan din siya ng mga apong ako lang ang kayang makapagbigay sa kanya."
"Tangina mo talaga gago!" hinagisan siya ng tissue paper ni Kevin. Napakamot na lang ako ng ulo sa kung papaano nila ihandle ng light itong sitwasyon.
After naming mag-dinner ay nagkwentuhan pa kaming lahat ng mga kalokohan ng buong gang. Mga may tama na silang lahat nang magpasya kaming umuwi na.
Pagpasok namin sa elevator ng condo, napasimangot agad ako nang maalala ang mga kababalaghan na ginawa dito ng bugok na ito.
"Bakit ang asim na naman ng mukha mo?" tanong niya na nasa kabilang side.
Pinakadikit ko ang sarili ko sa sulok. "Sa susunod ayoko ng makasabay ka sa elevator."
"Ha? Ano'ng kasalanan ko na naman?!" reklamo niya.
Tumaas ang kilay ko. "Hindi ka ba kinikilabutan sa mga milagro mong ganap sa elevator na 'to?"
Bigla siyang ngumisi. "Medyo. Ikaw rin ba? Kinikilabutan?"
"Napakalandi mo kasi."
"Wag ka ng magalit diyan." Lumapit siya sa 'kin. "Gusto mo i-retake natin yung mga eksena para image na nating dalawa ang maaalala mo kapag sasakay ka rito?"
Feeling ko ay talagang makakapaslang ako ng isang Jasper Perez ngayong gabi.
***