Kabanata 11

2757 Words
"Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo!" Nagpauna akong lumabas pagkabukas ng elevator. "Binibigyan na nga kita ng consent na gahasain ako ikaw pa galet?!" Tinipa ko ang code sa aking pinto. "Isa pang salita mo susungalngalin ko na 'yang bunganga mo!" sagot ko at pumasok na sa unit ko. "Teka last na lang!" pahabol niya na nakasilip ang kalahating katawan sa pinto. "Ano na naman?!" "Ano bang kasunod kasi ng I love you one?!" "I love you two!" pagalit na sagot ko ngunit huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. "Got it, Cindy! Good night!" mabilis niyang sinarado ang pinto at umalis. "Demonyo kang Jasper Perez ka!!" Hinihingal ako sa inis!! Matutulog na lang ay napapa-highblood pa talaga ako ng lalaking ito. Nag-shower na lang agad ako para lumamig ang ulo ko. Pagkatapos kong makaligo ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. May kagandahan naman ang hubog ng katawan ko. Noong nasa Canada kasi ako ay natutunan kong mag gym araw araw pampalipas ng oras. Sadyang ang kulay ko lang talaga ang medyo hindi tinablan. Although wala naman akong problema sa kulay ko. Mahal ko ang pagiging kayumanggi ko. Inilapit ko ang mukha ko sa salamin. May kalakihan ang mga mata ko. Sabi nila noong bata ako ay mukha raw pang dayuhan ang mga mata ko, pero wala naman akong halo. Purong Pilipino ako kahit may katangusan din ang ilong ko. Ito lang siguro ang magandang naiambag ng ama ko sa 'kin. Akala ko dati sobrang pangit ko talaga. Kailangan ko lang palang maligo araw araw para medyo lumabas ang kakaunti kong kagandahan. Charot. Nagbihis na ako at nag-blower ng buhok bago nag-dive sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-connect sa wifi. *Jasper David Perez sent you a friend request* Napataas agad ang kilay ko at binisita ang profile niya. Wala namang masyadong posts. Puro share lang ng mga memes ang nasa timeline niya. Grabe ilang taon na ba siya at feeling teenager sa social media? Mag-i-scroll pa sana ako nang may mag pop up na chat. JDPerez: tagal naman mag accept. Ganda ka? Siraulo 'to ayaw talagang tumigil ah. *Accepted Jasper David Perez Friend Request* JDPerez: ayan, ganda ka na. ? Cindyyy: lul. Matulog ka na nga! JDPerez: yieee concern. Kilig. ☺️ Cindyyy: bading ka ba? JDPerez: pickup line ba 'yan? Cindyyy: tanga hindi. JDPerez: gusto mo punta ako d'yan nang mapatunayan mo kung bading ako? Cindyyy: wag mo na nga akong ichat! JDperez: *sent 2 photos* Their Massimo -> *Michele Morrone* Your Massimo -> *Jasper Perez* JDPerez: lucky you. ? Tinakpan ko ang bibig nang bigla akong matawa ng malakas. Ang kapal talaga ng mukha! Ikumpara daw ba ang katawan niya sa hubad na katawan ni Massimo!! Pinakatitigan ko nga kung magkahawig nga. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Edited sigurado ito! JDPerez: tagal magreply zinu-zoom mo pa siguro yung picture ko. Cindyyy: asa ka. Kapal ng mukha mo. JDPerez: yiee wallpaper na niya 'yan. Cindyyy: kilabutan ka nga! Dinelete ko na! JDPerez: ok lang. Iyong iyo naman ang katawan ko. Pwede mong angkinin anytime you want. Cindyyy: malandi ka. JDPerez: tss. Sige na matulog ka na kung naiinis ka na sa 'kin. ☹ Cindyyy: k. bye. Hindi na siya nagreply pagkatapos. Pero medyo naghintay pa 'ko ng kasunod na reply dahil online pa naman siya. Mukhang 'di pa naman talaga siya matutulog e. Ano na namang kayang pinaggagagawa niya? Jasper Perez posted a status: Feeling hurt. ? Cindyyy: oi. JDPerez: oh. Cindyyy: kala ko ba matutulog ka na? JDPerez: wala akong sinabi. Nag-backread ako at wala nga siyang sinabi. Cindyyy: anong kaartehan yung status mo? JDPerez: kaartehan ba ang masaktan sa pag-ibig? Cindyyy: dami mong alam. JDPerez: yung gf ko kasi naiinis lang sa 'kin. Sad you know? Cindyyy: puro ka kasi kalokohan. Ingat na ingat na 'ko sa pagrereply ko. Nasaktan kaya talaga 'yon? O ginu-good time na naman ako? JDPerez: gusto ko lang namang mapatawa ka. ☹ Okay. Bakit ako nagi-guilty? Cindyyy: sorry. JDPerez: okay lang. Sanay na 'ko sa 'yo. Lagi ka namang badtrip sa 'kin. Cindyyy: di naman sa gano'n. Nakaka-highblood lang kasi talaga minsan yung mga pinagsasabi mo. JDPerez: napapagod ka na ba sa 'kin? Shit. Bakit parang biglang sumeryoso 'tong unggoy na 'to? Mas gusto ko na lang yatang maging abnormal siya ulit kaysa sa gan'to kami mag-usap. Cindyyy: hindi. Ikaw ba? JDPerez: hindi ako mapapagod kahit tumakbo pa ako ng ilang ulit basta sa puso mo ang finish line. Boom! Kilig overload! Putek. Binabawi ko na 'yong sinabi ko! Langya! Wala ng pag-asa ang utak nito. Cindyyy: matutulog na 'ko. Malala ka na. JDPerez: yieee excited ka lang niyan na mapanaginipan ako. Kase sabi nila kung sino daw ang huling nasa isip mo, siya ang mapapanaginipan mo. Cindyyy: kailangan mo na ng albularyo. Good night. JDPerez: good night, my majesty. -- Kinabukasan ay maaga akong binulabog na naman ni Jasper. Nasira daw 'yong shower niya kaya makikiligo siya! "Bakit naman hindi ka tumawag agad ng maintenance service?!" "Nakalimutan ko e. Busy," sagot niya at nagtuloy tuloy na papasok ng cr. "Busy kasi sa pambababae," bulong ko. Chineck ko ang sinaing ko at naghanda ako ng almusal sa lamesa. Pinakidamay ko na rin siya dahil kawawa naman. Paglabas niya ng cr nakatapis lang siya ng puting tuwalya at nagpupunas ng basa niyang buhok kaya muntik ko ng maibato ang hawak kong sandok. "Magbihis ka nga!" "Uuyyy. Distracted siya sa sexy figure ko." Hindi ko siya matignan ng masama dahil hindi pa rin siya nagbibihis. Nakasimangot akong nagpatuloy sa paghahanda ng lamesa. "Eto na po nakabihis na 'ko." Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ang plato niyang may kanin. "Hindi ka ba talaga mag-su-survive kung hindi ka magkakanin mula umaga, tanghali, at gabi?" "Nasanay ako e. Ayaw mo ba? May tinapay naman d'yan." Hinila ko ang plato niya, pero hinila rin niya pabalik. "Sinabi ko bang ayaw ko? Tsk." Feel at home siyang sumandok ng niluto kong sinigang na mackerel at nag 2nd round pa! "Ang sarap pala neto? Anong isda 'yan? Parang ngayon ko lang nalasahan ang gan'tong luto ng sinigang." "Sinigang na mackerel 'yan." "Aba aba aba. Pang mamahalin na talaga ang panlasa mo ngayon ah. Hindi pala ako pwedeng maghirap dahil nag-upgrade na ang taste buds mo." "Sira. Sosyal lang ang lasa, pero 45 pesos lang 'yan isang lata. Medium size na," natatawa kong sagot. "Lata? 45 pesos?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngayon lang yata nakatikim ng sardinas 'to jusko. "Oo sa supermarket sa canned goods section." "Woahh!! Ameyzing!" Walang natira sa sinaing ko dahil sinimot niya pati tutong. Tuwang tuwa siya dahil masarap daw pala ang sunog na kanin. Jusko po. "I'll treat you lunch since you cooked me breakfast," sabi niya pagkahinto namin sa tapat ng Green Pepper. "M-Magkikita kayo ng Mama mo later 'di ba?" "Kaya nga kailangan kong kumain bago ako mawalan ng gana sa sasabihin niya," seryosong wika niya. Kinabahan tuloy ako lalo. Sigurado naman akong tututol lang siya sa relasyon namin. "Basta 'wag kang magpadalos dalos sa mga isasagot mo mamaya," bilin ko. "Yang bunganga mo kontrolin mo muna. Mama mo pa rin siya kahit ano'ng sabihin niya sa 'yo." "Don't worry. I got this. Sige na magtrabaho ka na. Bubuhayin mo pa 'ko kapag itinakwil na 'ko mamaya ng nanay ko." Natatawa akong inirapan siya bago ako bumaba ng kotse niya. Hindi na niya 'ko pinagdala ng sasakyan dahil susunduin daw niya 'ko mamaya. "Ingat ka," sabi ko. "Wala man lang ba 'kong goodbye kiss?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at tawang tawa siya ng malakas nang makita ang reaksyon ko. Napapahampas pa siya sa manibela niya habang pinagtatawanan ang mukha ko. "f**k, Cindy! Ano na lang kaya ang reaksyon mo kapag hindi lang halik ang hiningi ko sa 'yo?" tanong niya sa pagitan ng kanyang pagtawa. Labis na nag-init ang magkabila kong pisngi! Sinamaan ko siya ng tingin at pabagsak na isinarado ang pinto ng Lexus niya. Bwiset talaga! Pagpasok ko ng office ay naihanda na ni Shane ang mga papers na kailangan kong i-check. May tinatapos din akong report for this month na ipapadala namin kay Auntie para makita niya ang status ng mga branches ng Green Pepper. Iyong branch pala namin sa Caramoan ay kailangan ng manager. Ilang buwan ng bakante ang posisyon ngunit wala pa ring nagtatangkang mag-apply dahil malayo. Wala namang taga roon ang gustong sumubok dahil hindi raw nila kaya ang managerial position. Paano kaya ito? Kailangan kong makausap si Auntie tungkol dito sa lalong madaling panahon. Chineck ko ang oras at sakto ay tumatawag na si Jasper. Dahil medyo marami pa 'kong tatapusin, sinuggest ko na dito na lang kami sa Green Pepper kumain. Hindi naman siya kumontra dahil pagdating niya ay may dala siyang laptop at mukhang may hinahabol na deadline. "Bagay pala sa 'yo ang magmukhang abala," komento ko habang kumakain. "Para 'to sa kinabukasan natin. Hindi ko hahayaang maghirap ang Cinderella ko," sagot niya nang hindi man lang sumusulyap sa 'kin at busy sa pagta-type. "Baka naman pwede mo 'kong subuan para mas sweet at magmukhang nagmamahalan tayo?" Muntik ko ng maibuga sa mukha niya ang kanin sa bibig ko. Mahiwaga talaga ang lintek na bunganga ng hangal na' to at kung anu-ano ang lumalabas! Uminom ako ng tubig at nakasimangot kong kinuha ang kanyang kutsara. Ngumanga naman agad siya. Natapos kami sa pagkain nang sinusubuan ko siya. Panay ang sulyap ng mga customer sa amin at pati na rin mga kasamahan ko sa trabaho dito. Lahat sila ay makahulugang ngumingiti sa akin tuwing magtatama ang mga mata ko sa kanila. Mga pasaway. 20 mins before mag 1pm ay hinatid ko siya sa parking space sa tapat ng resto. "Mag-iingat ka ha," sabi ko paghinto namin sa tapat ng sasakyan niya. Hinawakan niya 'ko sa magkabilang balikat. "Bakit naman ganyan ang mukha mo?" "Pakiramdam ko kasi ay parang sasabak ka sa gyera," nakangusong sagot ko. Natawa siya. "Hindi ka ba kinikilig do'n? Sasabak ako sa gyera na ako ang sundalo mo para ipaglaban ang pag-iibigan natin sa nanay kong mukhang lider ng mga militante?" "Siraulo ka talaga nagawa mo pang magbiro!" reklamo ko at sinapak siya ng mahina sa dibdib. Kahit ang totoo ay pinipigilan ko lang ang sarili kong mangiti at kiligin sa harapan niya. Hinuli niya ang kamay ko at ikinulong niya 'ko sa kanyang mga bisig. Napakasarap sa pakiramdam ng init ng kanyang yakap. Para akong nasa isang ligtas na lugar na walang ano man o sino man ang makakapanakit sa 'kin. Hinigpitan niya ang yakap sa kin. "Wag kang mag-alala. Ilalaban kita ng p*****n 'wag kang lang mawala ulit sa 'kin." Hindi ko alam kung anong nakakaiyak doon sa sinabi niya dahil bigla na lang nagluha ang mga mata ko. Lumayo siya ng bahagya at nagulat siya nang makita ang mukha ko. "Nakakaiyak na ba 'kong magpakilig ngayon? O unique ka lang talagang kiligin?" pang-aasar pa niya habang pinupunasan ang luha ko sa pisngi. "Abnormal ka kasi." "Wag ka ng sumimangot d'yan. Pabaunin mo naman ako ng ngiti mo para may lucky charm ako sa black magic na nanay ko." Tumatawa akong ipinagtulakan siya papasok sa kotse niya bago ko pa siya tuluyang masapak. "Ingat ka!" Nag-flying kiss siya sa 'kin bago nag-drive at nang makatalikod siya ay mabilis kong hinuli iyong kiss kaso nakalimutan ko yatang may side mirror siya. s**t. Jasper Perez posted a status: Marking our first virtual kiss today. ? Dennis Wang commented: weak ? Napapailing-iling akong bumalik ng opisina. Kahit nagtatrabaho ako ay lumilipad ang utak ko sa kakaisip kay Jasper. Sumama yata sa kanya yung kaluluwa ko. Hindi ako mapakali sa kakatingin sa orasan kung ilang oras na ba ang lumipas magmula kaninang umalis siya. Natatakot ako na baka pagbalik niya ay may magdesisyon siyang ihinto na namin ang kung ano mang mayroon sa aming dalawa. Baka sabihin na naman niya na mas mabuti pa ang hindi na kami magkita. Or worst ay baka may itinakda ng babae ang magulang niya para sa kanya. Mababaliw na 'ko sa kakaisip. Pero ayoko rin namang humantong sa itatakwil siya ng pamilya niya nang dahil sa 'kin. Baka iyon ang mas hindi ko makayang tanggapin. Na ako ang maging dahilang para mahirapan at magdusa siya. Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang chat message ko. JDPerez: I'm already outside. Mabiils kong dinampot ang bag kong kanina pa nakahanda at tumakbo ako palabas. Nag-menor lang ako ng takbo nang malapit na ako sa kotse niyang nakaparada sa tapat. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto at sumakay. Pagkasuot ko ng seatbelt, napakapit ako ng mahigpit nang bigla niyang pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. Oh my god! Napatawag ako sa lahat ng mga santong naaalala ko hanggang sa makarating kami sa condo. Masuka suka yata ako nang makababa kami ngunit wala akong lakas ng loob na kagalitan siya dahil mukhang alam ko na ang nangyari. Mukhang badtrip na badtrip siya at wala sa mood. Tahimik kaming naglakad papasok ng building. Mula elevator hanggang sa pagbaba ay wala kaming kibuan. Kating-kati na ang dila ko na tanungin siya sa kung ano ang nangyari! Dere-derecho siyang pumasok sa unit niya at naiwan akong nakatayo sa labas. Okay? Wala ba siyang balak na magsalita? Laglad balikat akong naglakad papunta sa unit ko. Hindi ko ito sinara para kung sakaling sumunod- "Pa-shower." Hindi pa man ako nakakasagot ng sige ay pumasok na siya. Okay? Pumasok ako sa kwarto ko at binitawan ang bag ko sa kama. Kabado kong hinintay ang tunog ng pagbukas ng pinto ng cr. At nang marinig ko ito ay tumayo ako agad para derechuhin na siyang tanungin kaso... Napaawang ang bibig ko sa katawan niyang bumalandra sa paningin ko. Bakit ba kasi pilit siyang lumalabas ng nakatapis lang? Hindi ba niya alam na nasa ibang unit siya? Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa katawan niyang pinagpala at sinalo lahat ng nutrisyon pampa-macho. Ito ang unang beses na nakita ko ito ng malapitan. Hindi lang basta sa litrato kundi personal. Totoo pala. Iyong sinend niyang picture niya kagabi na ikinukumpara ang katawan niya kay Massimo. Akala ko edited lang iyon para asarin niya 'ko, pero hindi pala. Literal palang kanya iyong katawang iyon. Oh my ulalam. Natauhan lang ako nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Pero imbes na mapikon ako ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa pagtawa niyang iyon. Naglakas loob akong lumapit kahit wala siyang suot pang-itaas. Napalunok ako nang gapulgada na lamang ang layo naming dalawa. "Hindi ka na takot sa danger zone?" nakangisi niyang tanong. Naguluhan ako. "H-Ha?" "You're currently inside the danger zone. Don't you know the probability of you getting out of here with your virginity intact?" tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa at nang matauhan ako sa sinabi niya ay agad akong lumayo. "Bastos ka!" kunot noo kong sigaw sa kanya at tinakpan ang sarili ko. Tinatawanan niya akong pinapanood magalit. "Ikaw ang lumapit sa marupok kong katawan," natatawang aniya habang nagpupunas ng kanyang basang buhok. Nakahalukipkip akong naglakad papuntang sofa at naupo roon habang hinihintay siyang makapagbihis. Nang may suot na siya ay tumabi siya sa 'kin. Lumayo ako ng konti. "A-Ano ba ang napag-usapan niyo ng Mama mo?" Sumeryoso muli ang mukha niya. Kapag pa naman ang malokong 'to ay biglang nagseryoso, feeling ko totoong seryoso talaga ang nangyari. "She told me to stop playing this game." "A-Anong sinagot mo? T-Titigil na ba tayo?" Bigla niya 'kong nilingon na parang nagulat sa sinabi ko. O bakit parang kasalanan ko ngayon? "Do you think this just a game? Tingin mo rin ba naglalaro lang ako?" "Jasper, hindi sa gano'n." "I bet everything I have without f*****g care if I'm on the losing side, so this is not just a simple game, Cinderella. This is me, gambling my life for you." "I don't want you to gamble your life for me, Jasper!" Nag-iwas siya ng tingin. "I don't care." Nagsalubong ang kilay ko. "Ano'ng gagawin natin? You can't give up what you have! I won't let you even if you decide to!" "Don't worry. They'll just cut me out of the will, but they won't disown me." "Paano ka nakakasiguro?" "Nakalimutan mo na bang nag-iisang anak lang ako? Matanda na sila para gumawa pa ng kasing perpekto ko." Putaragis. Napahilamos ako ng palad ko sa mukha ko. "Seryoso na 'to, Jasper!" "Seryoso naman ako!" "Paanong seryoso? Ni wala kang matinong solusyon!" "Meron!" "Ano?!" Lumapad ang ngiti niya. "Runaway with me, Cinderella. Mag tanan tayo." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD