" Apo, gusto mo bang magshopping kasama si lola?" Tanong ni Donya Matilda sa bata. Hindi siya nito pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paggawa ng assignments nito. Kahit na sabado ay masipag pa din si Miracle na gumawa ng assignments sa school. " Anong gusto mong meryenda? Magpapabili si Lola. " Sabi pa ng matanda. Ngunit hindi na naman siya pinansin ng bata. Abalang abala ito sa ginagawa. " Today is Saturday. Pwedeng bukas mo gawin ang mga assignments mo makipagbonding ka muna ka kay lola." Ngiting sabi ni Donya Matilda sa apo. " Mas gusto ko pong gumawa ng assignments kaysa makipag-usap sa inyo. Ayoko ko pong magshopping dahil nabili na po ko ni papa ng damit at kahit ano pong meryenda ay ayos na sakin. Hindi po ko maarte." Saad ng bata. " Gusto mo tulungan ka ni Lola na gumawa ng

