" Nagustuhan mo ba apo? " Tanong ni Donya Matilda sa kanyang apo. Nasa loob sila ng kwarto nito. Gulat na gulat ang matanda ng yakapin siya ng apo kanina. Sana talaga ay makuha niya ang loob nito para maipakita niya na sa bata ang lubos niyang pagmamahal. Sana hindi na sungitan. " Ah Lola gusto ko pong magsorry dun sa mga nasabi ko sa inyo. Sorry po kasi nawalan po ako ng galang. Parang hindi ko na po kayo nirerespeto dahil don. Sorry po talaga." Paghingi nito ng tawad. " Wala yon, apo. Ako nga dapat ang humingi ng tawad sayo dahil sa mga nagawa ko sa mama noon. Kaya hindi mo agad nakasama ang papa mo. Kaya naranasan mong bulihin ng mga kaklase mo. Si Lola dapat ang humingi sayo ng tawad. Ako dapat. Hindi ikaw. Hindi ang mama mo. Kaya pinapatawad mo na ba si Lola? " Nagulat ang matanda

