HALOS ISUMPA ko ang buong mundo nang kunin sa akin ng Diyos si Kristof. Ilang buwan akong nalugmok at nagdusa. Ang dating kasama kong sumumpa nang walang hanggan sa harap ng altar, suot ang puting bestida at barong, ay siya rin palang ihahanapan at pasusukatan ko ng kabaong sa huli. Sobrang hirap. Grief became a heavy shadow that followed my every step, halos mabaliw ako sa pagkawala niya.
Ang hirap gumising kung alam mong wala na iyong taong dati ay nasa tabi mo lang. Ngunit sa tuwing mamamasdan ko ang mukha ng anak ko, napapawi ang lahat ng sakit. May isang bagong buhay na umaasa sa akin ngayon.
Marahas akong nagpakawala ng malalim na buntonghininga saka tumingala sa bughaw na langit. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang banayad na pag-ihip ng hangin na animo’y yumayakap sa akin at humahaplos sa aking mga pisngi. Pakiramdam ko tuloy ay narito lang sa tabi ko si Kristof.
Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ako. Sira ang mga CCTV camera sa paligid kung saan nangyari ang aksidente noon kaya walang lead na maaaring makapagturo kung sino ang nakabangga sa kaniya. Wala ring nakakuha ng plate number, kaya ipinagpasa-Diyos ko na lang at ipinalangin na sana usigin siya ng kaniyang konsensya. Sa ngayon, ang dapat kong isipin ay ang ikabubuti ng anak ko. Siya na lang ang tanging buhay na alaala na iniwan sa akin ng kaniyang ama.
“Mama!” Mabilis kong pinahid ang luhang lumandas sa aking pisngi nang marinig ang boses ni Kristofer. As much as possible, ayokong nakikita niya akong malungkot.
“Oh, dahan-dahan lang sa pagtakbo, Anak,” turan ko saka mabilis siyang nilapitan.
Kumapit siya sa libreng kamay ko, at magkahawak-kamay kaming naglakad patungo sa puntod ng kaniyang ama.
Kumawala rin agad si Kristofer at naunang naupo sa bermuda grass katapat ng puntod. Ako naman ay nanatiling nakatayo habang matamang nakatitig sa lapida.
Yumuko ako para ibaba ang kumpol ng bulaklak at ang kahon ng cake. Baby’s breath ang madalas kong dalhin dito dahil ayon sa Victorian Times, sinisimbolo nito ang everlasting love. Para kasi sa akin, katawan lang niya ang nawala sa mundo, pero ang pagmamahal ko sa kaniya ay mananatili kailanman.
“Happy birthday, Mahal,” bulong ko matapos ibaba ang bulaklak. Umupo na rin ako sa tabi ng anak ko bago sinindihan ang kandila na nakatusok sa cake.
Nasa gitna kami ng paghaharutan nang biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko. Agad ko itong sinagot nang makitang si Monina ang tumatawag.
“Oh, bakit? Istorbo ka kahit kailan, alam mo iyon?” bungad ko sa kaniya. “Kung may irereto ka na naman sa akin, utang na loob, sa ’yo na lang dahil hindi ako interesado.”
“Gaga, hindi reto!” sigaw ni Monina sa kabilang linya. “Nakalimutan mo na ba? Interview mo ngayon!”
Bigla akong natigilan. Mabilis kong sinipat ang relong suot para tingnan ang oras. Alas-onse ang schedule ko, pero napaatras ako nang makitang alas-nuwebe y media na pala. Paulit-ulit akong nagpakawala ng mura sa isip ko habang nagmamadaling dinadampot ang mga pinagkainan namin.
“Mama, bakit po?” inosenteng tanong ni Kristofer.
“Anak, kailangan na nating umalis. Balik na lang ulit tayo rito kay Papa sa Linggo, ha? May interview si Mama sa trabaho ngayon.”
“Okay po, Mama,” sagot niya at mabilis na tumayo. Nagkumahog kami sa pagliligpit at mabilis na nagpaalam sa puntod.
Halos hingalin ako sa pagtakbo makaabot lang sa interview. Ilang galaw na lang kasi ng kamay ng orasan ay sasapit na ang alas-onse, at kung sinusuwerte ka nga naman—under maintenance ang nag-iisang elevator ng building! Napilitan akong gumamit ng hagdan papunta sa sixth floor kung saan naka-assign si Monina.
“Mama, paged na po ako,” daing ni Kristofer, kaya napatigil ako sa paghakbang.
Nahabag ako sa hitsura niya. Ako nga’y pagod na pagod na, paano pa kaya ang bata? Kung ihahatid ko kasi siya sa bahay kanina, lalo akong hindi aabot. Napagpasyahan kong isama na lang siya para maipabantay muna kay Monina.
“Sorry, Anak, ha? Kailangan lang talaga ni Mama 'tong trabaho. ’Di bale, kapag natapos ako, kakain tayo sa Jollibee. Gusto mo ’yon?”
Nagliwanag ang mukha niya at mabilis na tumango. Binuhat ko siya at ipinagpatuloy ang pag-akyat. Nang marating namin ang sixth floor, agad kong nakita si Monina na balisa.
“Bilisan mo, girl!” salubong niya. “Mukhang wala sa mood ang manager ngayon at ayaw niya ng late. Maraming aplikante kaya galaw-galaw!”
“Sige, ikaw muna ang bahala kay Kristofer, ha?” bilin ko.
“Ako na ang bahala sa inaanak ko. Lakad na!”
Bumaling ako kay Kristofer at hinalikan siya sa noo. “Behave ka kay Ninang, ha? Mabilis lang ako.”
“Opo, Mama.”
Inayos ko ang nagusot kong damit at pinasadahan ng kamay ang buhok ko. Mabilis akong tumakbo paakyat ng 8th floor kung nasaan ang HR.
“Ay, kabayo!” Napasigaw ako nang matapilok sa hagdan. Yumuko ako para hilutin ang paa ko, pero halos manlumo ako nang makitang natanggal ang takong ng sapatos ko.
“Kung minamalas ka nga naman, oh! Bakit ngayon ka pa bumigay?” inis kong bulong sa sapatos. Tatlong minuto na lang ay alas-onse na! No choice ako kundi putulin din ang kabilang takong para pumantay.
Iika-ika akong tumakbo hanggang sa marating ang mesa sa labas ng pinto ng HR. Time became a thief stealing my last chance, habang habol ko ang aking hininga.
“Good afternoon, Miss. May interview po ako ng alas-onse,” nakangiti kong usal.
Tumingin sa akin ang sekretarya. “Ay, sorry, Miss. Cut-off na kasi kami, eh.”
“Pero alas-onse po ang schedule ko. Saktong alas-onse pa lang naman, oh,” pakita ko sa relo ko, pero umiling lang siya.
“Pasensiya na talaga. Maraming aplikante kanina kaya napilitan kaming mag-cut-off nang maaga. Saka may nakuha na rin kasi kami para sa posisyon.”
Bagsak ang mga balikat kong tumalikod. Napaupo na lang ako sa pangalawang baitang ng hagdan para magpahinga. Ngayon ko mas naramdam ang matinding pagod. Huminga ako nang malalim at humilig sa pader.
“Ang aga mo naman kasi akong iniwan, Kristof. Kung narito ka lang sana. . .” bulong ko habang nakatingin sa kawalan.
Maaga akong gumising kinabukasan. Kailangan kong magdoble kayod dahil limang araw na lang ay back to school na si Kristofer.
Kasalukuyan akong nagtutuhog ng marinated na karne para sa paninda kong barbecue habang nag-icheck ng pa-order online. Basang-basa ang suot kong damit dahil sumasabay rin ako sa paglalaba sa likod, pero keribels lang.
Natigilan ako sa pagtutuhog nang tumunog ang cellphone ko. May mensahe mula sa unregistered number na tila galing sa rider ng Lazapee.
The package 711-143-KEMECHURVA is out for delivery today. Please prepare the exact amount of P600.
Napakunot ang noo ko. “Wrong send siguro ’to,” anas ko.
Wala naman akong natatandaang order na darating ngayon. Ibinaba ko ang cellphone sa mesa at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Hindi pa ako nakakaisang tuhog nang biglang pumasok si Kristofer.
“Mama!” sigaw niya sa may bungad ng pinto kaya napatalon ako sa gulat.
“Diyos mio kang bata ka!” nasapo ko ang dibdib ko habang tinatanggal ang gloves.
“Bakit ka ba nanggugulat? Pawis na pawis ka na naman.”
Nag-squat ako para punasan ng bimpo ang likod niya.
“Mama, may naghahanap sa ’yo sa labas,” turo niya. “Lazapee daw, Mama.”
Anak ng teteng!
“Sige, pumasok ka muna sa loob at manood ng TV. Huwag kang lalabas, ha?” bilin ko bago naglakad patungo sa pinto.
Pagkalabas ko, nakita ko ang isang bagong rider na nagbababa ng parcel. hindi ko siya kilala.
“Excuse me, Kuya. Ano ’yan?” tanong ko, pero tila hindi niya ako narinig.
“Kuya!” malakas kong ulit.
Lumingon siya habang hawak ang isang parcel. “Delivery po para kay Ma’am Sunshine Andrada.”
Umusbong agad ang inis ko. Frustration was a slow burn turning into a sudden fire. Wala akong in-order na darating ngayon! Uso pa naman ang modus na nagpapadala ng parcel kahit walang order.
“Kanino galing?” tanong ko.
“Ritchie Castro po,” sagot niya habang pumipihit paitaas ang tingin.
Nag-angat ako ng tingin at hinarap siya. Pagkaharap ko, biglang naipit ang boses ko sa lalamunan. My lips parted.
Damn. Ang guwapo naman ng delivery rider na ’to. Yung totoo? Rider ba 'to o model?
“Ma’am, 600 po lahat. Exact amount lang po, ha? Kuhanan ko rin po kayo ng picture for proof.”
“Hindi akin ’yan,” deretso kong sagot.
Natigilan ang rider at napangisi. Kaso, tila hindi siya mapakali. Kung saan-saan bumabaling ang tingin niya at hindi makatingin nang dideretso sa akin.
“Pero kayo po si Sunshine Andrada, 'di ba?” tanong niya habang nakatingin sa bubble wrap na hawak niya.
Gusto ko nang kutuban ng masama. What if magnanakaw 'to at naniniktik lang?
“Oo, ako nga. Pero wala akong in-order. May in-order ako pero kahapon pa dumating. Iyong iba naman, sa susunod na araw pa ang dating,” irita kong sagot.
“Kung wala po kayong in-order, paano maipapangalan sa inyo 'to?”
“Aba, malay ko sa ’yo? Bakit mo ako tatanungin?” napairap ako. Guwapo nga pero mahina naman pala ang kokote!
“Ibalik mo na lang sa seller. I-cancel mo. Scam 'yan.”
“Naka-note po na no cancellation of order policy sila, Ma’am. Kung wala kayong pambayad ngayon, pwede naming i-reschedule.”
“May pambayad ako, pero hindi ko kukunin ’yan kasi hindi ko in-order!” sikmat ko sa kaniya, pigil ang boses dahil baka marinig ng anak ko.
Nagkamot ng ulo ang rider. “I-cancel niyo na lang sa app kung ayaw niyo.”
“May note nga pong no cancellation dito, Miss. Nababasa mo naman siguro, malaki ang sulat.”
Lalong uminit ang ulo ko sa pananalita niya. His casual arrogance felt like gasoline poured over my rising anger. Walang modo itong scammer na 'to, ah!
“Ano ang pangalan mo, Mister Chinito Rider?” pilit kong ngiti.
“Rain po,” kalmado niyang sagot, hindi pa rin makatingin sa akin.
Rain? I smirked. Ginagawa ba niya akong gago? Dahil Sunshine ang pangalan ko, ginawa niyang Rain ang pangalan niya?
“Rain, bakit hindi ka makatingin sa akin? 'Di ba gano'n kapag may itinatagong kasinungalingan ang isang tao? Iyong totoo, budol-budol ka, 'no?” Iniliko ko pa ang ulo ko para masilip ang mukha niya.
Bahagya siyang umiling at sumungaw ang maliit na ngiti na nagpalabas sa dimples niya. Shemay, weakness ko pa naman ang dimples!
“Wala akong itinatagong kasinungalingan, Miss. Hindi rin ako budol-budol,” sagot niya sabay tumingala sa second floor ng apartment ko.
“Kung gano'n, bakit ayaw mo akong tingnan?”
Lumunok siya, at nakita ko ang paggalaw ng kaniyang adam’s apple.
“K-Kasi ano. . .”
“Kasi ano?”
“Umamin ka na lang na kasabwat mo 'yong seller! Scammer ka!”
“Hindi ako scammer, Miss! ’Yang—ay, tangina naman.”
“Aba’t nagmumura ka pa!”
“Eh, kasi nga, Ma’am. . .” Huminga siya nang malalim bago muling magsalita. “’Yang bra mo kasi. . . nakabakat. Basa ang damit mo, kita na 'yong ano mo.”
Mabilis na bumaba ang tingin ko sa dibdib ko. Halos bakat na pala ang lahat dahil basang-basa ako sa paglalaba kanina! Ilang mura ang sinabi ko sa isip ko.
Pinag-krus ko ang mga kamay ko sa dibdib at tatakbo na sana papasok sa bahay, pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. A sudden spark of electricity shot straight through my veins from his touch.
Nilingon ko siya nang matalim. Tila napaso naman siya at agad akong binitiwan.
“Bayaran mo muna ang parcel mo, Miss.”
“Hindi nga akin ’yan!” bulyaw ko sa kaniya, naghahalo ang inis at hiyang nararamdaman ko.
Bakit hindi niya agad sinabi kanina?!
Sakto namang huminto ang isang tricycle sa tapat namin at bumaba ang nakangiting si Monina.
“Uy, ano 'yan?” tanong niya habang naglalakad lapit sa amin.
Tiningnan ko nang masama ang rider bago binalingan si Monina na pangiti-ngiti habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
“Monina, pumasok ka sa loob,” utos ko habang nakaturo sa pintuan. “Kunin mo 'yong itak!”