bc

Renaissance Of Hearts (Completed)

book_age18+
84
FOLLOW
1K
READ
family
fated
drama
tragedy
sweet
bxg
lighthearted
serious
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Written by: PiNKVeiLBRiDe

Copyright Life Is Beautiful Publishing

Image on cover photo is generated by ChatGPT. All rights.

Nagbago ang takbo ng buhay ni Calix nang hindi sinasadyang matuklasan niya ang lihim ng kanyang pagkatao. Ito ang nagpangyari upang magtungo siya ng Pilipinas. Doon niya nakilala si Vel, ang babaeng inakalang siya ang pumanaw nitong nobyo kaya wala itong ibang ginawa kundi ang akitin at paibigin siya.

At nagtagumpay ito!

Ginising nito ang mga damdaming ito lamang ang tanging nakapagdudulot sa kanya. He was lost between so much emotions he couldn’t fathom. He became a sinner and indulge in a beautiful mess. He knew where to stop but he never did. Nagpatuloy siya sa pagbabalat-kayo. Ngunit katulad din ng sikretong natuklasan niya ay nalaman nito ang kasinungalingang ginawa niya at gumanti ito sa paraang hindi niya lubusang inaasahan…

chap-preview
Free preview
ONE
Kabanata 1 Dugo. Umuulan ng dugo. Ang bawat patak niyon ay gumuguhit ng sakit na tila patak ng asido sa kanyang balat. Napapahiyaw siya sa sakit. At mula sa kawalan ay nakarinig siya ng tinig, tinig na noon ay laging musika sa kanyang pandinig. Ngunit ngayon ay tila halimaw na nais siyang kitilin. Galit na galit ang boses na umaalingawngaw sa buong paligid. “Pinatay mo ako! Pinatay mo ako!” pauli-ulit na sigaw nito. Hindi niya magawang magsalita. Napuno siya ng labis na takot. Nanginginig na napalugmok siya sa sahig na tigmak sa dugo. Bigla’y malakas siyang napasigaw ng mapansin sa palad ang isang kapirasong laman. Manipis na buhay na nasa kanyang mga kamay, pabagal ng pabagal ang t***k niyon hanggang sa unti-unting tuluyang huminto!  “Zane!” napabalikwas ng bangon si Vel sa higaan, naliligo siya sa sariling pawis. It was but a dream. An endless nightmare every time in her sleep. Sa panaginip na lamang niya magigisnan si Zane sapagkat wala na ito sa mundo niyang ginagalawan. Subalit parang movie scene lang ang bawat pangyayari sa nakaraan na malinaw niyang nakikita. It keeps rewinding spontaneously every day. Past haunts her, still. Napakurap-kurap ang mga mata niya dahil sa liwanag na naglalagos sa nahawing kurtina. Nakalimutan niyang isara ang bintana ng nakaraang gabi. Umiba siya ng puwesto upang hindi tamaan ng sinag ng araw. Inilubog niya ang mukha sa unan. Why do I still need to wake up, huh? Does someone hear me? Of course, no one will listen to me, I’m a murderer… Mahinang-mahina na ang katawan niya, alam niya iyon sapagkat damang-dama niya. At sinadya niyang magkaganoon. Para saan pa ba ang buhay ko? He was already gone, so why I’m still here? I must be with him. Ah, yes, Tita Clarita won’t allow that. I need to pay. I need to suffer. Kailangan palang madama ko ng maraming ulit ang nadama niya sapagkat kulang pa ang sakit na nararanasan ko ngayon. Pilit na pilit ang ginawa niyang pagbangon. Bawat galaw niya’y kailangang may matinding puwersa sapagkat hindi na siya makakilos sa sobrang panghihina. Tinungo niya ang refrigerator, pinagsisipa niya ang mga bote at lata ng alak na nasa harapan niyon. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang canned beer. She opened it and took two swallows. What a delicious breakfast, huh? Doctor says this is bad but what the heck? I’m also a doctor, a lousy one. Sarkastikong tuya niya sa sarili. This is great, it will devastate me perfectly. And soon, Tita Clarita will be happy. Mapait na natawa siya. She toasts the can in the wind then she cries a little and in the very next moment she’s crying storm. Inihagis niya ang latang may kaunti pang alak. Her hand was craving for something; she’s trembling in so much hatred for herself. Lahat ng mahawakan niya ay binabato niya at sinisira. Hindi siya tumitigil hangga’t may nakikita siyang magandang bagay sa loob ng kanyang silid. She wants to destroy everything inside her room, including herself. Humagulgol siya ng humagulgol. Nalugmok siya sa sahig katabi ang mga bubog na mula sa mga babasaging gamit. She stared at her hands; it was full of blood. Memories are flooding in her mind again. Zane, why you have to leave me? I’m alone and I have no one to relay on. Alam mo namang ikaw lang ang nagmamahal sa akin pero bakit mo ako iniwan? Zane… Muli siyang umiyak hanggang sa mahagip ng kanyang mga mata ang isang piraso ng malaking bubog. Nanlalabo na ang kanyang mga mata subalit alam niya kung ano ang puntirya. Tita Clarita, I think this is the time. I’ve been mourning for five years. It’s your time to be happy ‘cause I’ll die very soon. It had been so long; this is me now… Hallelujah! Let’s celebrate my death! Pagak siyang humalakhak. Itinapat niya ang matalas na bahagi ng bubog sa kanyang pulso. She closed her eyes tightly, embracing the wild darkness. She slashed herself. She screamed in excessive pain. She was hurting physically and emotionally. Muli siyang napahiyaw sa dagsa-dagsang kirot. Nag-echo iyon sa apat na sulok ng silid. Doon bumukas ang pinto at natanawan niyang humahangos ang natatarantang si Nana Salve. Dinaluhan siya nito at inagaw ang bubog sa kanyang kamay. But that’s too late. Kitang-kita niya ang pulang-pulang dugo na umaagos sa kanyang kamay. It was like Zane’s blood. She smiled. I’ll be there, Zane…     Malamig pa rin ang simoy ng hangin sa kalupaan ng Romania kahit na paparating na ang buwan ng tag-init. Dahil nasa elevated na lugar ang kinatatayuang bahay ng mga Sandoval ay mas dama ang mahalumigmig na temperatura na mas lalong nakadadagdag sa piguratibong pagyeyelo ng kalooban ni Calix. Hinubad niya ang suot-suot na jacket at ang ilan pang patong–patong na damit, dinampot niya ang tuwalya at robang ipinatong niya sa kanyang kama. Nagtuloy-tuloy siya sa banyo at pinalagaslas ang tubig mula sa shower. Nang matapos maligo’y naisipan muna niyang maglublob sa maligamgam na tubig sa bath tub. Nang makontento at hindi na masyadong maramdaman ang literal na lamig ay paspas siyang nagbihis. Kinuha niya ang maletang noong nakaraang araw pa niya palihim na inayos at hinatak iyon pababa. Pagbaba niya’y nagulat siya nang maabutan ang inang si Clara na abala sa paghahanda ng almusal sa komedor. Balisang-balisa ang anyo na nitong nakalipas na mga araw pa niya napapansin. Alam niyang labis itong nababagabag. Sino nga ba’ng hindi sa kinalalagyan nitong sitwasyon? Iniwan niya sa puno ng hagdan ang tangan-tangang maleta at nilapitan ang ina. “Good morning, Ma!” Binahiran niya ng sigla ang pagbati rito at hinagkan ito sa pisngi. Naupo siya sa katabing silya nito. “What’s wrong?” untag niya rito nang hindi man lamang ito tumugon ng kahit na ano. “You’re wrong,” anito na hindi lumilingon sa kanya. Patuloy pa rin ito sa paghiwa sa mga malalaking kamatis. “What’s wrong with me?” maang na tanong niya. “Everything is wrong with you,” kapagdaka’y sagot nito nang tumigil sa ginagawa. Punong-puno ang himig nito ng pag-aalala ngunit tila ba’y hindi nito pansin ang sariling tono ng pananalita na binalingan ang mga lettuce. “Ma, you shouldn’t have to worry anything. I’m a Pinoy at walang masama kung uuwi ako ng Pilipinas. I want to spend my vacation there.” Malakas na nagbuntong-hininga ito at iwinasiwas ang mga kamay tanda na inis na ito. Itinabi nito ang mga lettuce at kinuha ang parsley sa fridge. “Ma!” habol niya rito. “Oh, you shut up, boy!” asik nito sa kanya. Siya naman ang nagpakawala ng hangin sa bibig. He could still remember his mother hysterical face the first time he told her about his decision. It was the first time he planned to see his homeland—Philippines. He was an adventurist. He already toured almost half of Europe, some in America, Africa and Australia. He had gone visited in Antarctica and Arctic region, too. He also made some vacation in Asia but never set foot in the Philippines.   Mariin kasing tinututulan ng kanyang ina ang mga pagtatangka niyang pagbisita roon, maski ang pagbanggit lamang sa lugar kung saan siya ipinanganak ay hindi nito kailanman nais marinig, pati ang pagtatanong niya’y hindi rin nito sinasagot kahit isang beses man lang. And now he knew why. Natuto lamang siya ng mga kaalaman ukol sa Pilipinas dahil sa kanyang pag-aaral ng history at pagbabasa ng mga akdang ito ang paksa. Nakatulong din ang pagkukwento ng katulong nilang Pilipina at ng kanyang Daddy Zandro noong nabubuhay pa ito, namatay ito noong sampung taong gulang siya dahil sa sakit sa puso. Simula noon ay tuluyan nang nalayo ang Pilipinas sa kanya sapagkat umalis na rin ang yaya nilang Pinay. Dinaan na lamang niya sa research ang pangangalap ng impormasyon tungkol sa pinagsilangang bansa. Naging bihasa naman siya sa pagsasalita ng wikang Filipino dahil sa pagkuha niya ng linguistic. Nagtapos siya ng kursong Public Administration sa Estados Unidos but he was a theology student right now. Nagtapos siya ng sekundarya sa States at lumipat lamang sila sa Romania nang magsimula siyang mag-aral ng pagpapari. He wanted to be a priest and his greatest dream is to serve God. Pumasok siya sa seminaryo. Ngayo’y binibigyan sila ng bakasyon upang mapag-isipan kung tiyak na tutuloy sa pagpapari.  He didn’t know why he was very fascinated about the Philippines. Pero ngayon kahit papano’y alam na niya kung bakit. He and his very own country had a big link na sinekreto sa kanya ng kanyang mga magulang sa loob ng maraming taon. Nagtutumining sa isip niya kung paano niya nalaman ang masakit na katotohanan… Habang nasa study at hinahanap ang ilang librong nais hiramin ng kaibigan niyang si Feliph ay panay ang sipol ni Calix. After an hour he already collected all the books he needed. Inisa-isa muna niya ang mga iyon upang matiyak na wala siyang nakaligtaang kuhain. Nang mapansin niyang may kulang pa sa mga iyon na isang libro’y muli siyang naghalungkat. Nang matanaw niya sa pinakamataas na hilera sa bookshelf ang huling libro ay kailangan pa niyang gamitin ang hagdan kahit na may katangkaran din siya. Saktong nahawakan niya ang libro ng malaglag ang isang maalikabok na folder. Nagkalat ang mga laman niyon na papel. Agad naman siyang bumaba at inimis ang mga iyon at muling isinilid sa folder.  Muli siyang sumampa sa hagdan at ibinalik iyon sa itaas ng shelf ngunit dumulas iyon sa kanyang kamay. Napapalatak na lamang siya. Iiling-iling na muli niyang pinulot ang mga laman niyon. Hindi inaasahang dumapo ang tingin niya sa papel na hawak-hawak ng kaliwang kamay. Great astonishment drew in his face. It was his death certificate! Malinaw na nakasulat roon ang buong pangalan niya. Calix Jude Sandoval. But, no! It wasn’t him. How could that be? He was much alive; his heart was still beating. Kinurot pa niya ang pisngi sa pag-aakalang baka nanaginip lamang siya. But nothing happened. “This isn’t true… Someone’s just playing around me…” hindi makapaniwalang bulalas niya… “You can visit the entire places in the world, Calix but not the Philippines! Why not try Italy, Paris or New York?” anang kanyang ina na nagpabalik sa isip niya sa kasulukuyan. Hinawakan nito ang kanyang braso. “Oh, please, son. Hindi mo alam kung ano ang dadatnan mo sa Pilipinas. It won’t cause you any good visiting that country.” Her voice was pleading. “Ma, I will know if you would let me and I should know what is waiting for me there. Don’t worry yourself, I can manage. Promised.” Nagawa pa niyang ngitian ito at dampian ng halik ang pisngi nito kahit naninikip ang dibdib niya sa sama ng loob. Hindi niya kailanman aakalain ang bagay na iyon sapagkat carbon copy nga raw siya ng ama. Mataman siya nitong tinitigan na para bang binabasa ang isip niya. He can’t bare her eyes; it was misty and her emotions was contagious he couldn’t do but gain the same feelings. He held his own emotions bago pa tuluyang kumawala ang sariling mga luha. Hindi iniaalis ang mga mata sa kanya na nagsalita ito. “You’re not going, Calix.” Mapait na ang tinig nito na sa hinuha niya’y dahil sa pinipigilan ding mga luha. “Bakit ba ayaw ninyong umuwi ako ng Pilipinas? May assassins’ ba na naghihintay sa akin doon at once na tumapak ang paa ko sa bansang iyon ay mamatay ako? Or don’t tell me that you are wanted in the Philippines, kayo ni daddy?” Paghahanap niya ng dahilan dito. Nagbabakasakali siyang batid na nitong alam niya na ang totoo at kusa na itong magtatapat sa kanya. She did not. “Did I teach you to talk to me in that way, Calix? You’re not going in the Philippines and my decision is final! Mark my words!” pabulyaw na tugon nito sa kanya. Napayuko na lamang siya sa sariling kagaspangan ng ugali at humingi ng tawad dito. Kahit kailan ay hindi siya nasanay na sumagot ng pabalang sa mga magulang. He had a high respect for his mother subalit ngayo’y kinakain siya ng pagngingitngit para dito. Hindi naman niya mailabas iyon sapagkat natatakot siya, naduduwag sa maari nitong sabihin. Kumalma na ito at inilapag ang iba’t-ibang flavors ng sandwiches. Pinakatitigan niya ang mga iyon. Nag-angat siya ng ulo. “Ma…” usal niya. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. “I already bought a ticket and booked myself for a flight…” nabitin niya ang sasabihin at sumagap ng hangin “… I’m leaving today.” His voice was in descending tone hanggang sa hindi na niya iyon matagpuan. Nang tingnan niya ang ina ay mabilis na rumehistro muli sa magandang mukha nito ang takot. Natigalgal ito at naestatwa sa kinatatayuan. Mahabang katahimikan ang pumailanlang sa paligid ngunit makailang sandali pa’y binasag iyon ng malakas na paghikbi nito. Mabilis na dinaluhan niya ito at doon hinayaang lumuha sa kanyang mga bisig. May sundot ng konsensya sa kanyang isip. He has not seen his mother crying into her loudest, she’s always happy and very jolly. Hinaplos niya ang likod nito at pinilit itong aluin. “As your mother you should have asked me first before you decide, Calix. Wala ka na bang tiwala sa akin? I’m your mom and I know what’s best for you.” Lumuluhang saad nito. Nais sana niyang sabihing nabawasan na ang pagtitiwala niya rito sa ginawa nitong pagtatago ng tunay niyang katauhan. But at the last moment he decided not to tell what’s on his mind because he knew her mother’s heart will break. “Calm down. I’m sorry.” His voice was very sincere. “You’re not leaving me! You’re not leaving me! You’ll just stay here, Calix!” Paulit-ulit na hiyaw nito sa pagitan ng mga luha. Hinayaan na lamang muna niya ito at pinagpatuloy ang banayad na paghaplos sa likod nito. “But I have to leave…” for my sake. Sukat na lamang na nagwala ito. “I’ll disown you Calix if you dare do that!” Clara was filled by conviction but she can’t hide her worries and fears in his child unbreakable decision. You never own me! Muntik nang maisigaw ni Calix ang mga katagang iyon sa harap ng ina o mas tama na ngayong sabihing kinilalang ina. It pained him so much in heart for knowing the truth. He needs to start his wandering in finding his real identity. Binalikan niya ang maleta sa may puno ng hagdan at hinila iyon palabas. Nakasunod sa kanya ang kanyang ina. He took a glance on her face. He prepared thoroughly for this but his heart still softens for his dearest mother, hindi man ito ang totoo niyang ina’y ito pa rin ang nagpalaki sa kanya, nag-aruga sa kanya sa loob ng tatlumpung taon, nagbigay ng pagmamahal at pangangailangan niya na ipinagkait ng nagsilang sa kanya. Napilitan pa rin siyang lingunin ito. “I’ll return soon,” pahayag niyang walang kasiguruhan. Tumalikod na siya rito at mabilis na lumulan sa kanyang kotse kasama ang tangan-tangang maleta. Umagapay naman ang mga kawaksi nila sa bahay at ang mga ito na ang pumigil sa kanyang ina. Ini-radyo niya sa guwardiya na buksan ang tarangkahan. Off he went. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
445.1K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.2K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
178.0K
bc

Just Another Bitch in Love

read
39.9K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook