TWO

2847 Words
Kabanata 2 Habang nakatalungko sa puntod ng tunay na Calix ay hindi maiwasang magdamdam ni Calix. Calix? Tama pa bang tawagin siyang Calix gayong nandito na sa harap niya ang tunay na nagmamay-ari ng pangalang iyon? He was blank. Wala nang kasiguruhan ang tunay niyang pagkatao. Parang nag-exist siya sa isang virtual world.  Kung may anong matinding kirot ang bumabalot sa kanyang kabuuhan. Napakasamang magbiro ng kapalaran. Ibinaba niya ang itim na sunglass na nakataas sa noo papunta sa kanyang namumugtong mga mata. He shed a lot of tears sa airport pa lamang. Nagtungo siya sa North Cemetery na hindi naman niya nahirapang hanapin. Nakasulat din sa iba pang papel sa folder na natagpuan niya ang iba pang impormasyon tungkol sa kamatayan ng totoong Calix, his medical records as well was written there. Hindi niya alam kung ano pa ang ginagawa niya sa puntod na iyon. Siguro ay para sa sariling kumpirmasyon na lamang at para mas lalong masaktan. Truth hurts but it will set me free. Ah, sana naging bilanggo na lamang ako ng kabuktutan na iyon upang hindi ko na nadarama ang ganitong pagkapoot at kirot sa dibdib. Iniwan na niya ang bungkos ng mga bulaklak sa ibabaw ng lapida at ang dalawang nakasinding kandila na itinirik niya kanina. Walang direksyong naglakad siya palayo. He needs to find the real him. Kung paano’y hindi niya alam. Only Mama Clara knew subalit ayaw pa niyang magkaroon sila ng komprontasyon nang ganito kaaga sapagkat sariwa pa ang mga sugat niya. Nagpaikot-ikot siya sa loob ng sementeryo na para bang doon lamang niya makikita ang kasagutan sa kanyang paghahanap. Hapong-hapo na sumandal siya sa rebulto ng isang anghel. Malalim na napabuntong-hininga siya sa biglang paninikip ng dibdib. It was a clueless quest! He exclaimed in his mind. Nagpalinga-linga siya sa paligid, kinakalma ang sarili. Hinayon ng mga mata niya ang babaeng nakaupo sa wheel chair sa harap ng isang puntod kasama ang isang matandang babae na nakapuwesto sa bandang likuran nito. May tila magnetong nagbibigay atraksyon sa kanya upang titigan ang hapis ngunit hindi makakailang magandang mukha nito. Tigib sa luha ang mga mata nitong namumungay at puro pait ang nababasa niyang ekspresyon sa anyo nito. Nang umalis ang mga ito ay parang may sariling isip ang kanyang mga paa na tinahak ang kinaroronan nang binisitang libingan ng mga ito. Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang pangalang nakaukit sa lapida. Zane Montillon. Isang estrangherong pakiramdam ang bumundol sa kanyang dibdib. It was weird.  Nadagdagan pa ang hindi mabigyang deskripsyon na pakiramdam na iyon nang matutok ang tingin niya sa taon ng kamatayan nito. It is today. Creeps crawl inside him. Agad niyang binura iyon. Walang maitutulong sa kanya ang ganoong emosyon. Mas lalo lamang niyang guguluhin ang sariling isip. Umalis na siya roon bago pa mabaliw dahil sa isang walang kuwentang bagay. Nagtungo siya sa simbahan. He needs a peace of mind and with God he knew he can gain it. Nanalangin din siyang matapos na sana ang kalbaryo niya sa paghahanap sa tunay na katauhan. Alam niyang matutulungan siya ng Panginoon. Napakataas ng pananampalataya niya Rito. Nang lumabas siya ng simbahan ay lumuwang ang paninikip ng kanyang dibdib. Thank God for giving me strength. Mahinang usal niya. Sumakay na siya sa rented car at nagmaniobra papalayo sa kumpol ng mga taong nagsimba.   “Nana I want to go home!” Nais mang magtaas ng tinig ni Vel ay hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na lakas. Nakaupo siya sa wheel chair dahil nanghihina ang mga tuhod niya. Ayaw niyang kumain kaya hindi pa rin sumisigla ang katawan niya. Gusto na talaga niyang mamatay, lamang ay naagapan ni Nana Salve ang pagpapatiwakal niya at nadala agad siya sa ospital. “Aba, itong batang ito talaga, oo. Ang sabi ng mga doktor ay kailangan mong makapag-unwind naman, makakita ng magagandang tanawin ng hindi ka masyadong nade-depress,” nagpakawala ito ng buntong hininga at pinunasan ang pawis na tumulo sa gilid ng kanyang mukha. “Hay, Vel, hindi matutuwa si… Zane sa ginagawa mo. Hindi niya gugustuhing ganyan ang maganap sa’yo sa pagkawala niya. Pareho kayong hindi liligaya. Hindi rin nakatutulong sa’yo ‘yan. Limang beses ka na yatang nagbababang-luksa. Tapusin mo na, Vel!” “Nana, stop! I want to go home!” pina-ikot niya ang gulong ng wheel chair niya at bumalik sa pinaradahan ng kanilang van. Her wounds won’t seem to heal. O kung maghilom man siguro iyon ay mananatili pa rin ang mga pilat na dadalhin niya habang buhay. She vowed herself to become a doctor, a good doctor para maalagaan at matulungan niya si Zane. Pero dahil sa kanya, dahil sa katangahan niya’y binawi ito ng Maykapal sa kanila. Dapat lamang talaga sa kanya ang magluksa habang-buhay. Nang mawala ito’y nawala na rin ang kulay ng mundo niya. She lost her sunshine. He also took her heart and soul that she gave without hesitations. Ibinaon na rin niya ang sarili sa hukay kasama nito. Katawan na lamang niya ang patuloy na humihinga. Kaya ano pa ang maitutulong ng pagpunta niya sa parke? Ang mas lalong malungkot. Iyon lamang naman ang tanging makukuha niya sa mga taong larawan ng kasiyahan doon. Wala nang sparks sa kanya ang mga ganoong tanawin. Kailan nga ba siya sumaya? Kahit noong bata siya ay hindi siya naging maligaya. Dumagsa ang samu’t-saring alaala sa kanyang balintataw… Malayo pa lamang ay naririnig na ni Vel ang pagmumura ng kanyang ama. Isa itong sugarol, sunog-baga at lasinggero. Wala itong kuwentang ama. Wala silang napapala rito. She was always beaten by him kahit na ang ina niya ay walang palag dito. Ni hindi niya naramdaman na minahal sila nito. She also wants to curse her own father for that subalit hindi niya kaya sapagkat aral siya sa kagandahang-asal na itinuro hindi ng kanyang ina kundi ng kapit-bahay nilang pastor. Ang kanyang ina kasi ay wala nang ibang ginawa kundi ang paluguran ang ama niyang mapanakit. Tila ito laruan na de-susi ang galaw sa bawat utos ng kanyang ama. Nito pa ngang isang araw lamang ay narinig niyang ipambabayad utang daw ito ng kanyang ama sapagkat natalo ito sa sugal. Ang alam niya’y ngayon ang huling araw ng ibinigay na palugit sa kanyang ama. Ilang saglit pa’y bumulaga sa pinto ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ama na nakahubad-baro na lagi nitong gayak at ang kanyang inang balot ng isang manipis na kumot. Mula sa kakarampot na tela na iyon ay naaaninag niya ang kahubdan nito. Gumuhit ang takot sa kanyang mukha. “Pakiusap, Hernan, hindi ko kayang gawin ang inuutos mo sa akin. Hindi ko kaya.” wika ng kanyang ina. Hilam sa luha ang mga mata nito. Ang gilid ng labi nito ay may bahid ng dugo na paniguradong buhat sa kamay na bakal ng ama. “Putang ina mo, gunggong ka! Buwisit, ang arte-arte mo! Kiri ka namang hitad ka bago pa kita nakilala! Punyeta!” sunod-sunod na bulyaw ng kanyang ama na para bang iyon ang pinakatamang sabihin sa harap ng isang walong taong gulang na bata. “Hernan, hindi ko kayang ibigay kay Anton ang sarili ko dahil lamang sa utang mo…” Sukat sa sinabi ng kanyang ina ay nabuhay ang pagkasuklam sa kaibuturan niya. Ang Anton na tinutukoy nito ay ang matandang kilalang adik sa droga sa kanilang pook. Nakuyom niya ang maliit na kamao. Anong maitutulong ng isang kagaya niya? Isang hampas lamang sa kanya ng ama ay titilapon siya. Nahabag siya sa ina at sa sarili. Pa’no sila makawawala sa demonyong ama niya? Pipi na lamang siyang nanalangin. Sunod-sunod pa rin ang pag-ugong ng malalim at malakas na boses ng kanyang ama na para bang kinokokontra ang panalangin niya. Isang malakas na bigwas ang sunod na nakita niyang ibinigay nito sa kanyang ina. Sumadsad ang kawawang katawan nito sa magaspang na sahig ng kanilang tirahan. Nakita niyang napangiwi ito at napadaing sa sakit. Napuno ng galos ang katawan nito. Hindi pa ito nakatatayo ay inundayan na ito ng sipa ng kanyang ama. Bumalong ang mga luha nito kasabay ng mga luha niya. Hinaklit ng ama niya ang tanging tumatabing sa katawan ng kanyang ina. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Ayaw niyang makita ang susunod nitong balak gawin. Nang muli siyang magmulat ng mga mata dahil sa pagtalsik ng malagkit na likido sa mukha niya ay nanghilakbot siya sa natunghayan. Parang karne lamang ng hayop ang nakikita niyang walang habas na tinatadtad. Kitang-kita niya sa mukha ng ina ang pagkagalak, sa mga mata nito’y naroroon ang matinding galit na paminsan-minsa’y hinahalinhinan ng kakaibang kinang. Nagtawa pa ito ng makitang halos hindi na makayang kilalanin ang bangkay ng ama. Hindi niya maarok ang damdaming nakakapa niya sa nasaksihan. Subalit damang-dama niya ang pangangatog ng kalamnan na hatid man ng takot o ligaya ay hindi na mahalaga. Matapos isapin sa katawan ang kumot ay hinapit siya ng ina patayo at hinawakan ang kanyang kamay. Ang inosenteng palad niya’y nabahiran ng dugo. Hinila siya ng kanyang ina at isinakay sa pick-up ng kanyang ama. Pinaharurot nito iyon ng ubod ng bilis. Parang hinahalukay ang sikmura niya sa pagkakataong iyon. Nang makasalubong nila ang isang malaking trak ay walang alinlangang mas lalong pinaragasa nito ang takbo ng sasakyan. Her mother face was filled of agitation, it was sweetest as death. Hindi nito inilagan ang makakasalpukang trak. Nakabibinging umpugan ng mga malalaking metal ang pumailanlang sa katahimikan ng gabi. Nang magising siya’y nasa ospital na siya. Dead on arrival na raw ang kanyang ina sabi ni Pastor David. Ligtas naman daw di-umano ang drayber na binangga nila. Hindi na raw ito humingi pa ng danyos-perhuwisyo. Nang makalabas siya’y sabay na inilibing ang ina at ang kanyang ama na sinagot ng opisyal ng kanilang siyudad gayundin ang gamutan niya at bills na naiwan sa ospital. Hindi siya umiyak noon subalit damang-dama niya ang pag-iisa, ang kalungkutan, ang kahungkagan. Walang kamag-anak na nais kumupkop sa kanya kahit na si Pastor David ay hindi siya magawang isiksik pa sa malaking pamilya nito, hindi naman siya nagdamdam sa pastor sapagkat nauunawaan niya ito. Dinala na lamang siya sa isang bahay-ampunan sa pagtutulungan nito at ng mga taga-DSWD. Doon na siya lumaki sa foundation at sa tulong ng mga namamahala roon ay nagawa niyang makapag-aral na hindi man lang pinatikim sa kanya ng mga magulang. She even accelerated in grade school. Dulot marahil iyon ng kasabikan niyang matuto. Nabawi niya ang lahat ng nasayang na taon sa pamamagitan niyon. Nang magkolehiyo siya sa tulong pa rin ng naturang foundation at government scholarship ay doon niya nakilala si Zane. Isa itong HRM student noon, magkasing-edad lamang sila at parehong nasa iisang unibersidad subalit siya’y nasa med-course. Unang kita pa lamang niya rito’y nabuo na ang pagtinging inuukol lamang ng isang babae sa kasalungat na kasarian. Sa nakalipas na apat na taon ay munting unawaan lamang ang namagitan sa kanila ngunit pagkatapos na pagkatapos ng kanilang graduation ay nagtapat na ito sa kanya. Hindi niya makakayang tanggihan ang inaalay nitong pag-ibig. Sinagot niya ito. Sa piling nito’y naunawaan niya ang salitang ligaya at naramdaman niya ang pagmamahal na pinakaaasam. Sa pagdaan ng kanilang relasyon ay mas lalong tumitibay iyon, alam niya sapagkat lagi nitong pinadarama sa kanya ang sekyuridad, ang kapanatagan kapag kasama ito at ang walang kapantay na kagalakan sa puso. Sa lalong pagtagal ng kanilang relasyon ay nalaman niya ang tinatago nitong sakit, maging ang ina nito’y hindi batid ang bagay na iyon. Dahil roon ay nagsumikap siyang makapagpatuloy ng pag-aaral, nag-aral siyang maging seruhano at nagpakadalubhasa sa cardiology dahil naroon ang pangangailangan ng nobyo. Subalit walang halaga pala ang lahat ng pinaghirapan niya. He didn’t survive. She didn’t fulfill her promise. Napakalaki pa naman ng kompiyansa nito sa kanya ganoon din ang ina nito. But she failed… It felt like doomsday… Pinahid ni Vel ang mga nag-uunahang luha na tumulo sa kanyang pisngi. Iwinaksi niya ang mga alalaang ayaw man niyang balikan ay kabuntot palagi ng kanyang pagkatao. Binuksan niya ang pinto ng van ngunit hindi naman siya makapasok roon sapagkat hindi kaya ng mga tuhod niyang tumayo. Hinintay pa niya si Nana Salve at ang nars na nagbabantay sa kanya na dumating upang asistehan siya sa pagsakay. Nang makaayos siya sa pagkakaupo’y siya namang dating ng drayber nilang si Mang Alfonso na galing sa malapit na simbahan. Pagkaraan lang ng isang minuto’y tumatakbo na ang sasakyan. Binuksan niya ang bintana upang makasagap ng hangin subalit puro usok lamang ang nakuha niya, gayon pa man ay hindi niya isinara ang bintana. Isinungaw niya ang tingin sa labas, wala sa sariling inobserbahan niya ang mga nagdadaang mga sasakyan. Hanggang sa mahagip ng sulok ng mga mata niya mula sa hindi kalayuang bukas na bintana ng kotse ang isang napakapamilyar na pigura. Ganoong-ganoon pa rin. Walang ipinagbago. Pati ang pagsasal ng dibdib niya at ang pagsasalabat ng daloy ng dugo sa kanyang ugat tuwing makikita ang mukhang anghel nito ay ganoong-ganoon pa rin. The man she grieved for past five years. It was Zane! “Zane! Zane!” paulit-ulit na tawag niya ngunit ang tinig ay nalulunod sa pagitan ng mga ingay. “Nana Salve, si Zane! Ihinto ninyo Mang Alfonso ang van! Bababa ako!” natutulirong saad niya. Dahil sa trapiko ay kusang nahinto ang pag-usad ng kanilang sasakyan. Walang pag-aalinlangang binuksan niya ang pinto ng van. Dumaplis lamang sa kanyang siko ang kamay ni Nana Salve.  Nagtatakbo siya sa gitna ng kalsada. Hindi niya inalintana ang mga sasakyang lahat ay biglang-biglang nagpreno at nagbusina sa harap niya. Kahit ang sigaw-babala ni Nana Salve ay hindi niya pinansin. Nang tumakbo ang sasakyan ni Zane ay hinabol pa rin niya ito. Umikot ang paningin niya at ang tuhod niyang puwersahang itinakbo ay tuluyang naubusan ng enerhiya at naging mabuway. Walang sabi-sabing tumimbuwang siya sa gitna ng kalsada.   “Si Zane po talaga ang nakita ko Nana Salve. Hindi ako maaaring magkamali. Believe me. Hindi ako nagsisinungaling.” animo’y batang saad ni Shivelle. Anuman ang pagpipilit niyang paniwalaan nito ang sinasabi niya ay hindi nito pinakikinggan. Alam niyang ang tingin nito sa kanya ay nababaliw na subalit hindi pa siya nababaliw at mababaliw lamang kung hindi niya muling makikita si Zane. “I need to find him. Baka hinahanap na rin niya ako. Kailangan naming magkita.” akmang tatayo siya nang pigilan siya nito at muling iniupo sa kama. Mahina man ang pangangatawan nito ay mas malakas pa rin itong higit sa kanya sa ngayong kalagayan niya. Wala siyang nagawa sa pagpigil nito. “Vel, matagal nang patay si Zane. Wala na ang nobyo mo. Marahil ay nasobrahan ka lang sa pagod kanina kaya kung ano-ano na ang nakikita mo. Isa pa’y lagi mong iniisip ang nobyo mong iyon. Hala, sige na, matulog ka na’t palalim na ang gabi. Baka mabinat ka pa niyan.” “Pero Nana Salve, nakatitiyak akong si Zane ang nakita kong nakasakay sa kotse.” giit pa rin niya. She was very sure that it was him. She wasn’t hallucinating. She still has her sanity, it’s too impossible that what she saw was just a product of her tired mind. It’s not an illusion or a mirage of Zane. That was very absurd. Wala siyang problema sa vision niya kahit na palagi siyang umiiyak, hindi siya namalik-mata lang. Buhay si Zane! For God’s sake, nagbalik siya! “Baka kamukha lamang niya iyon. Malayo rin naman tayo sa kotseng iyon kanina kaya hindi ka pa rin nakasisiguro. Gamuntik ka pang masagasaan kanina sa pagtakbo mo. At Vel, wala pang nakababalik mula sa pagkamatay! Aba Ginoong Maria!” Napaantada pa ito at umusal ng maikling panalangin. Yeah, that was very fancy. Skeptical siyang tao. Kahit kailan ay hindi siya naniwala sa kababalaghan. Oh, God! Is Zane didn’t really die? Pero paanong nangyari iyon? Kitang-kita niya ang pagpatag ng linya na nagsasabing wala na itong buhay. Isa lamang bang palabas iyon? Another impossibility! Muli siyang tumayo upang lumabas ng bahay nang pigilan siyang muli ni Nana Salve. “Hija, gabing-gabi na baka mapaano ka pa. Ipagpabukas mo na lamang ang alalahaning iyan.” Pero nagpumilit pa rin siya at itinulak ang matanda palayo. Wala namang lakas iyon kaya wala ring nangyari. Nag-hysterical na siya at nagwala roon. Panay ang sigaw niya sa pangalan ng nobyo. Nauwi na siya sa paghagulgol at lumong-lumong sumiksik sa gilid ng kama. Tinawag naman ni Nana Salve ang nars. May hawak itong heringgilya nang pumasok sa loob. Alam niya ang laman niyon kaya mariin siyang nagpupumiglas subalit mataktika ito at naitusok sa kanyang balat ang karayom niyon. Waring naubusan siya ng lakas, nanigas ang katawan niya at namigat ang talukap ng mga mata. Ayaw niyang matulog subalit natangay siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD