Kabanata 3
Naroon na namang muli si Calix sa sementeryo. Nakatanghod sa libingang labis niyang kinaiinggitan sapagkat ito ang may-ari ng kinilala niyang sarili. Muli ay nag-iwan siya ng makukulay na bulaklak roon. Mukha namang may nagmimintina roon dahil lagi iyong malinis. Umalis na rin siya roon mayamaya.
Tinahak na naman niya ang kawalan. Para siyang naghahanap ng karayom sa gitna ng talahiban. At ang hinahanap niya ay hindi niya sigurado kung naroroon ba talaga.
Palabas na siya ng sementeryo nang muli siyang pumihit pabalik at tinungo ang puntod ni Zane. Tinitigan niya ang lapida na para bang tumatagos ang paningin niya roon at nakikita niya ang bangkay ng nakalibing doon.
“What am I doing here?” wala sa loob na sigaw niya sa kawalan. “Ugh!” nasapo niya ang noo. Akmang tatalikod na siya nang muli siyang humarap sa puntod at naupo sa damuhan.
Ano bang mayroon sa taong nakabaon sa lupang ito?
He shook his head in frustrations. Hindi kaya ang babaeng bumisita rito noong nakaraang araw ang binabalikan niya? Ah, hindi. At bakit naman? Nag-aalala lang marahil siya para dito dahil nakita niya itong tumumba sa gitna ng kalsada habang tinatawag ang pangalan ng pumanaw na ito na matagal nang nabubulok sa sarili nitong kabaong. Likas lamang siguro siyang mahabagin at dala na lamang marahil ng kanyang kuryosidad.
“Ugh, I’m leaving! I’m leaving!” paulit-ulit na turan niya makalipas ang ilang oras na pananatili sa harap ng puntod. Walang lingon-likod na nilisan niya ang sementeryo. Pakiramdam niya’y kapag lumingon siya ay muli siyang babalik doon. Ayaw niya dahil nasisira na nang tuluyan ang utak niya sa sa pag-iisip ng kung ano-anong walang kabuluhang mga bagay.
Katulad ng lagi niyang gawi’y dumaan siya sa simbahan. He had the same prayer for God. Iyon ang tanging hinihiling niya sa Poong Maykapal. To put an end with his seemingly endless journey. Ang sabi sa kanila’y ulit-ulitin ang panalangin para raw makulitan ang Diyos at ibigay na iyon sa taong humihiling. And he’ll believe that and how he wished that God will answer him soon for his sanity would be lost. He takes a deep sigh then sneak outside the chapel against the crowd.
Gumawi muna siya sa pinakamalapit na parke para makapag-relax kahit papa’no. Naglakad-lakad siya roon. Inisip niya ang Mama Clara niya. Makailang beses na rin niyang tinangka na tawagan ito upang alamin ang totoo subalit sa huli’y natitigilan siya. Alam niyang kapag nalaman nanitong alam na niya ang lihim nito ay magbabago ang samahan nila. May mabubuong adobeng pader sa pagitan nila hindi man nila naisin. Ayaw niyang maganap iyon. Because he loves his mother very much.
He shooed away his dilemma. Bin’langko niya ang isip. Hinayaan na niya ang paa kung saan siya niyon dadalhin. Sunod-sunod ang wala sa loob na pagbuga niya ng hangin. Natigil siya sa ginagawa ng bumagsak ang isang bulto sa harap niya. Agad na tinulungan niya ito. Nang mabistahan niya ang mukha ng babae’y may kakaibang damdaming bumalot sa kanya. Nahaplos nito ang ulong nagalusan sa pagbagsak nito. Unti-unting nagmulat ang nakapikit nitong mga mata. He wondered as her eyes widened as if she saw a horrifying ghost. Her lips drew a curved line in her beautiful face afterwards. Her emotions are swinging rapidly, her expressions jump from one to another. Naguluminahan siya sa inaakto nito subalit wala na siyang pagkakataong unawain pa ang pinagkakagayon nito.
Malakidlat sa bilis na dumikit ang mga labi nito sa mga labi niya. Ang mga braso nito ay maliksi ring nakapangunyapit sa batok niya. Hindi niya nagawang iwasan ang ginawa nitong matamis na atake. Ang kakaibang damdaming bumalot sa kanya kanina lamang ay tila bakteryang mas lalong lumago at sinakop ang buong sistema niya. Napakabanyaga ng pakiramdam na iyon sa kanya subalit hindi niya magawang iwaksi iyon sa kaigaigayang kaakibat niyon. Heaven’s sake! Sa mga labi ng babaeng ito nagmumula ang mga iyon! Agad na napaatras siya nang matanto ang kahangalang hinayaan niyang makawala. Napuno naman ng pagtataka ang mga mata nitong walang buhay.
“Why?”
“I’m sorry, Miss but I won’t take advantage to a weak person. That is not my character. Thanks for the kiss really but I wouldn’t take that as your ‘thank you’ because I help you. And I think that thing is only for married couples. I didn’t know that what we have done was just that normal and rampant in the Philppines. I shouldn’t have responded to your kisses---” Natilihan siya sa sinabi ng sariling bibig. Gamuntik pa niyang masuntok ang sarili sa kung ano-anong dahilang pinagtatahi niya sa labis na pagkapahiya. Siya, magpapari, ay nakipaghalikan sa gitna ng parke na nakikita ng maraming tao at sa isa pang babaeng hindi niya man lang alam ang pangalan?
“But Zane, this is me. I’m Vel. Don’t you remember me? I’m your girlfriend. I thought you were dead and I was really amazed to see you alive. But nonetheless I’m so happy. Oh, Zane, I’ve missed you a lot, I’ve yearned to be with you again.” Ang pagtataka, ang pagkabigla, ang pag-aalinlangan at ang walang kapantay na ligaya ay sunod-sunod na rumehistro sa mukha at tinig nito. Ang mga mata nito ay unti-unting nagniningning. Kung kanina ay patay iyon ngayon ay napakasigla ng mga matang iyon. It was tantalizing and the kind of gaze she was giving him regain that foreign feelings endowed on his soul. It was… It was… Oh, he really doesn’t know what it was.
Muling dumampi ang mga labi nito sa kanya. Walang babala. Hindi niya iyon muling napigilan. Or did he exert an effort to protest? No. Umahon muli ang sensasyong nagdulot upang manlagkit ang pawis niya. He was lost all over again. Kaya ba ng isang babae na maghatid ng ganitong epekto sa isang lalaki? Siya mismo marahil ang sagot sa sarili niyang katanungan. Lumalim ng lumalim ang halik na pinagsasaluhan nila. Nasa ganoong posisyon pa rin sila ngunit wala silang pakialam.
Nang tila mapupugto na ang hininga niya ay hindi pa rin niya nais kumalas sa mga labi nito at gayundin naman ito. They exchanged precious breathing to each other. No one wants to stop. Anumang gawin niyang pagbabalik sa kanyang nawalang huwisyo ay hindi niya magawa na para bang napakabigat na gawain iyon.
Nang maramdaman ang paninikip ng pundilyo ng pantaloon ay awtomatikong napaigtad si Calix palayo kay Vel. Mahabaging Diyos! It was lust! Kailan pa siya natutong magnasa? Pangungumpisal ang sunod na naisip niya. Hindi tama ang kanyang ginawang pagtugon. Napakalaking kasalanan niyon. Bakit nawalan siya ng control sa sarili? Ano na bang nangyayari sa kanya?
“Zane…” usal nito.
Tila hindi nito nakita ang naging reaksyon niya kanina lamang. Her lips was inviting tenderness and delight, it was luscious red lips. There he was again. Oh, man! He silently reprimanded his self. Itinayo na niya ito. Yumakap naman ito sa kanya ng mahigpit. Oh, please! Oh, please! Nais na niyang isigaw iyon subalit may namuong bara sa lalamunan niya. Kailangang makalayo na siya rito sapagkat nabubuhay muli ang hindi dapat mabuhay na bagay sa kanya.
Panginoon, hindi ko po sinasadyang magkasala! Piping usal niya.
“I love you, Zane…” ikiniskis pa nito ang ilong sa kanyang dibdib. It makes him shivers and gains goose-bumps all over. “Don’t leave me again, please… I can’t leave without you. I felt like a zombie for losing you. I’m really sorry. Promise, I’ll make it up to you.” She said and went crying.
“Miss, excuses but I’m not the one you were looking for. I’m not Zan,” sa wakas ay nagawa niyang sabihin dito. Akala niya ay lulubayan na siya nito ngunit hindi nagkabula ang hinala niya.
“What are you saying, Zane? Let’s go home. I’m tired.” She tried to stop her tears. Ngunit may ilang butil pa ring pasaway na kumawala sa mga mata nito.
“Miss whoever, please listen to me, I’m not---.”
“Sabi ko na nga bang bata ka, oo, kanina pa kami hanap ng hanap sa’yo. Pinag-alala mo ako ng sobra-sobra. Pa’no kung may nangyari sa iyong masama?” Agaw ng bagong dating sa sinasabi niya. Kung tama siya nang pagkakatanda ay ito rin ang kasama ng babae noon sa sementeryo.
“Nana Salve!” magiliw na baling nito sa matanda sa kabila ng mga luha. “Sabi ko na po sa inyo buhay si Zane. Siya po talaga ang nakita ko dati. Zane si Nana Salve natatan---” naputol ang pagsasalita nito nang manlaki ang mga mata ng matanda at bumagsak ito sa lupa.
“Hindi ako si Zane! Naiintindihan mo ba? Naririnig mo ba ako? Nag-Filipino na ako baka hindi mo pa rin ako naiintindihan? Hayaan mo na akong makaalis. Hindi tayo magkakilala. Hindi ka pamilyar sa akin. Paumanhin.” Naguguluhan man ay hindi nagpatinag si Vel sa sinasabi ng nobyo. Hindi siya bumibitiw sa pagkakayakap dito. Wala siyang pakialam sa mga nakakakitang doktor at mga pasyenteng naroroon sa pinagdalhang ospital kay Nana Salve.
Ganoon na ba talaga ang hinulog ng kanyang katawan? Pumangit na ba siya nang tuluyan kaya hindi na siya nito magawang kilalanin pa? But that was very impossible. They have been together for almost five years. How can he forget her?
“Zane, if you were just kidding, please don’t. This is not the time to crack some of your jokes. I know you are a funny man but please don’t make a fool out of me now.”
“Well, miss whoever, I really had a respect for people but don’t provoke me to become rude for the very first time of my life. And I’d rather wish that you and all of this was just a kind of stupid joke. Pakiusap, balikan mo na ang Nana Salve mo roon dahil baka kailangan ka na niya ngayon. Try harder to understand if you really can’t comprehend,” exasperated na wika nito bagaman ay malumanay lamang ang pagkasasabi.
“Zane, ano ba? Ako ito si Shivelle Cortez, ang nobya mo.” Nagkaroon ba ng amnesia si Zane kaya hindi siya nito maalala? O baka sinabihan ito ni Tita Clarita na ganituhin siya? Pero bakit naman ito pakokontrol sa utos ng ina? Wasn’t he in love with her? That was impossibility.
But stare to him now. Is that the looks and actions of a person in love towards the love of his life? Singit ng maliit na tinig sa isip niya.
“It didn’t ring a bell in my mind no matter what your name is,” iritadong sabi nito sa kanya na bakas sa pamumula ng mukha nito. Matiim ang pagkakatitig ng mga mata nito sa kanya. Nagbabadya na rin ang galit sa anyo nito. Tila ba napaso na humiwalay siya sa katawan nito.
“What happened to you? What Tita Clarita has done to you? Or was it my fault?” wika niya sa mahinang tinig. Tinangka niyang haplusin ang pisngi nito ngunit tinabig nito ang palad niya.
“Obviously, this is your fault! You were harassing me for moments and quite some now. Really, am sorry. I don’t want to disrespect people. Lalong-lalo na sa kagaya mong babae. Excuse me.” Sinenyasan nito ang mga guwardiya na agad siyang inalalayang huwag makasunod dito. Tigalgal na hinabol na lamang ng tignin niya ang palayong imahe nito.
Ang unti-unting paglaho nito ay ang muling pagkulimlim ng kanyang paligid. Ang akala niya ay patay na ang kalungkutan at kahungkagan na matagal nang nananahan sa kaibuturan niya simula nang matagpuan niyang muli si Zane. It was a miracle indeed to saw him alive and sound. Pero bakit ganoon ang pakitungo nito sa kanya?
Pahapyaw na ligaya lamang pala ang hatid ng sasaglit na pagtatagpo nila. Subalit ayaw niyang maubusan ng pag-asa katulad noong unti-unting pinapawi ang buhay nito at wala siyang nagawa. Hindi na dapat sa pagkakataong ito. Hindi na dapat mawalay itong muli sa piling niya. She had to do something.