Kabanata 4
Ibinaba ni Calix ang itiniklop na pahayagang kanina ay binabasa niya. Inabot niya ang puswelong may lamang kape at humigop roon. Nasa isang paupahang apartment siya na pansamantala niyang tinutulayan. Hindi na siya nag-hotel sapagkat napakaluho niyon.
Hindi siya dinalaw ng antok kagabi sa dinami-dami ng isipin niya. Nakaidlip man siya ay sasaglit lamang. Nananakit pa ng bahagya ang sentido niya. Nagkaroon din ng itim sa ilalim ng kanyang mga mata at lumalim iyon. But he’s not vain, so it doesn’t matter to him. Napakarami pang mas importanteng bagay na kailangan niyang unahin. Nagpakalap na siya ng impormasyon tungkol kay Zane Montillon. Malakas ang agam-agam sa dibdib niya na may link sila nito. His instinct telling something he can’t ignore.
Napalingon siya sa gawi ng pinto nang tumunog ang doorbell. Tinungo niya iyon at pinagbuksan ang taong tumatawag sa labas.
“Zane!” Tinig iyon ng babae mula sa labas.
Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Si Vel nga ang bisita niya. Naririndi na ang tainga niya rito sapagkat puro pangalan na lamang ng Zane na iyon ang lumalabas sa bibig nito.
“I’ve been looking for you these past weeks. Ano ba talagang problema?” tanong nito sa kanya sa paraang tila nanunumbat. Kamukat-mukat na lamang niya ay nakapasok na ito sa loob ng apartment.
“How did you know that I’m here?”
“I’ve traced your rented car plate number.”
“You’re a great stalker!” sarkastikong saad niya na hindi na napipilan pa ang bibig. Naroroon na naman ang pagdambana ng puso niya. He just ignored his heartbeat. Hindi niya alam na ganito pala ang defense mechanism niya--- ang magtaray!
“I’m not stalking you. I’m your girlfriend. Tell me what’s going on. Did Tita Clarita asked you to forget me?” Pabagsak na naupo ito sa couch. Hindi na ito mukhang namumutla. Sa katunayan ay mamula-mula na ang pisngi nito. Mas lalo itong gumaganda. Urgh, what am I thinking?
“Baka nagka-amnesia ka? Imposibleng hindi mo ako matandaan!” Tumayo ito at inilang hakbang ang kinatatayuan niya. Awtomatikong umisod naman siya palayo.
“I think I don’t need to show some of my Filipino traits like hospitality. You are trespassing in my house and you sat comfortably in my couch, I won’t be surprised if you would get your own cup of coffee. You really feel like at home, I guessed. Uh-uh.” he said nonchalantly ignoring the tension built between them. He moves backward as she steps two feet forward, the tension was in extreme tenderness. She laid her arms against his shoulder and wrapped in his nape. Its kind a de javu.
“Zane… Why? Please don’t do this to me, you’re killing me,” her voice was begging him. Her eyes become misty and that misty eyes were looking intently direct into him, deepen into his very core. With those stares he could hardly breathe. His heart skipped a beat. It’s happening to him without apparent reason. He was confused.
“I… I…” walang nanulas sa mga labi niya. Bago pa man niya mapag-isipan ang gagawin ay kusang bumaba na ang mga labi niya sa mga labi nito. Her sweet lips as candy add an intense desire in him to conquer her. He had this craving that couldn’t satisfy with just coaxing of lips. He wanted her, the whole her at this moment. And he wanted more of that but having more seems not enough though because he can’t have her the way he wanted to. It’s just pure craziness!
This is wrong! This is sin! It was just a lust! Sunod-sunod na babala ng isip niya na nagpanumbalik sa tumakas na katinuan. Itinigil niya ang halik kahit na labag iyon sa sariling kalooban.
“I don’t know that Clarita you were talking about. Please leave and don’t back again,” tila walang nangyaring saad niya. He opened the door and fakes a glare at her.
“But… I felt that you already remember me. You know me. I just knew it. The way you kissed me it’s---”
“Stop! I said leave!”
“But---”
“No, buts! Don’t dare to come again here! I’m not Zane!”
“If you’re not Zane then who you are?”
“I’m--- Ugh! Leave!” Sino nga ba talaga siya? Hanggang ngayon ay malaking katanungan pa rin ang pagkatao niya.
“So, you see? You find it hard to lie. Don’t you? You didn’t prepare for a name to answer me. I caught you. Why you have to do this, huh, Zane?” nagdaramdam na saad nito.
“Hindi talaga kita kilala. Luluhod pa ako kung gusto mo umalis ka lang.”
“Oh, Zane…” she cooed and ran. Bago pa man ito makalayo sa kanya ay nahagip na ng kanyang mga mata ang pag-uunahan ng mg luha nito. Sumama ang loob niya sa sarili.
But he can’t tolerate that feeling inside him.
Naiiling na isinara niya ang pinto at sumandal roon. Pinadausdos niya ang likod hanggang sa makaupo siya sa sahig. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. He sighed.
Ipinarada ni Calix ang Toyota Avanza sa gilid ng isang matayog na tarangkahan. Umibis siya ng sasakyan at nag-doorbell siya ng tatlong beses bago bumukas ang gate. Isang unipormadong kawaksi ang nabungaran niya. Nang makita siya nito ay nanlaki ang mga mata nito, as he expected.
‘I’m looking for Clarita Montillon. Its personal.” untag niya sa nakatulalang katulong.
“Sir Zane…” usal nito. Mayamaya’y nagsisigaw na ito papasok ng kabahayan habang hila-hila siya sa isang braso. Ang lahat ng madaanan nilang katulong ay pawang nagsisipanlaki ang mga mata nang mamataan siyang papasok sa marangyang salas. “Ma’am Clarita! Ma’am Clarita!” paulit-ulit na tawag nito. Ang ibang tauhan sa bahay ay nagsipaglapitan sa kanila. Animo’y nakakita ang mga ito ng multo. He didn’t wonder anymore.
Nakuha na niya ang inisyal na report ng inupahan niyang private investigator. May ilang impormasyon na siyang hawak-hawak. Kalakip sa ibinigay nito sa kanya ang isang larawan ni Zane. Kahit siya ay aakalaing siya iyon kung hindi lamang ay mas matured ang hitsura niya rito.
Napako ang tingin ng lahat sa babaeng pababa ng hagdan. Nang matagpuan siya ng mata nito ay bumakas maging sa mukha nito ang labis na pagkagulat. Napahawak ito sa dibdib sa paraang kapag binitiwan nito iyon ay aatakehin ito sa puso at mangagahulugan ng kamatayan nito.
Pinagmasdan niya ang babaeng natigalgal sa kinatatayuan. She couldn’t be his mother. They don’t even look a little bit the same, not even for a second glance. Sa palagay niya ay nasa mid-forties na ito gayunpaman ay napakasopistikada pa rin ng dating. Nakapustura ito na animo’y may dadaluhang pagtitipon. Ang mga mata nito ay naglambong.
“I’m not Zane. I’m Calix Jude Sandoval, Clara Sandoval’s Son.” agap niya sasasabihin nito na alam naman niya kung ano. Bumalatay sa mukha nito ang pagkagimbal. Natutop nito ang bibig. Pagkaraan lamang ng ilang segundo’y nawalan ito ng malay. Nagtuloy-tuloy ang katawan nito sa marmol na sahig na hindi naagapan ng sinuman sa labis na pagkatigalgal sa tinuran niya.
Hinihintay ni Calix ang pagsagot mula sa kabilang linya. Ito ang unang beses na magkakausap sila ng ina buhat ng umalis siya sa Romania sapagkat hindi niya iniwan ang bagong numero rito. Ayaw naman niyang mangamba itong baka may nangyaring masama sa kanya. She’s still his mother after all.
Sa pautal-utal na paglilitanya sa kanya ni Clarita ay natukoy niya ang tunay na katauhan. He was Zack and Zane were his twin brother. Nang matapos silang ipanganak nito ng kanyang kapatid ay ipinamigay siya nito kanila Mama Clara at Daddy Zandro niya. Hindi na nito nabanggit pa kung sino ang tunay niyang ama. He didn’t insist because she was in a mild shock.
Mula rin ditto ay nalaman niya ang ugnayan nila Vel at Zane. Katulad nga ng sabi sa kanya ng dalaga ay nobyo nito ang kakambal niya. “She killed my son; she killed your brother.” Iyon ang natatandaan niyang sinabi ni Clarita. Hindi man niya alam ang buong istorya sa likod niyon ay nahihinuha niyang matindi ang galit nito kay Vel. Bakas na bakas iyon sa paraan ng pananalita nito. Kung papa’nong nasangkot ang pangalan ng babae sa pagkamatay ng kakambal niya ay hindi niya alam at hindi na rin nito nasabi pa sa kanya. Ayon sa PI ay namatay sa isang heart transplant operation si Zane. Kung ito man ang dahilan kung bakit inatake sa puso ang kapatid niyang nauwi sa operasyon ay hindi niya sigurado.
“Calix, anak?” tinig iyon ng kanyang mama mula sa kabilang linya. Tila galing ito sa mahabang pag-iyak na nagdulot upang mamaos ang tinig nito. Punong-puno ito ng pag-aalala. Parang hinaplos ng isang mainit na palad ang puso niya na naging sanhi upang matunaw ang lahat ng kanyang sama ng loob.
“Ma, are you all right?” puno ng concern at thoughtfulness ang tinig na tanong niya.
“I’m okay, son. How are you?” Naroroon na namang muli ang kudlit ng pagkakakonsensya sa isip niya. The word ‘son’ on her statement means possessiveness. Pinilit niyang huwag maluha. Kahit kailan ay hindi siya itinuring na kaiba ng mga magulang niya. Naramdaman niya sa pangangalaga ng mga ito ang pagmamahal na ipinagkait sa kanya ng tunay niyang ina.
“I’m fine, Ma. Don’t make yourself worry too much. Sorry po kung hindi ko naiwan ang number ko sa inyo. I’m asking for your forgiveness, Ma.”
“You’re forgiven son. I’m glad you called up. I missed you. Kapag nagkaproblema ka tawagan mo ako agad.” I had a lot of problems but I can’t tell you because it might ruin our harmonious relationship. I don’t want to lose a caring and fond mother like you. I really can’t. Sinarili na lamang niya ang pahayag na iyon sa isip kahit gustong-gusto na niyang ibulalas dito.
“Yes, I will” sagot niya.
“Kailan ka ba uuwi anak?”
“Soon but I don’t know when.” walang katiyakang tugon niya. “I’ll keep in touch. I’ll call tomorrow. Take a rest. I know you cried too much, Ma, please don’t. I love you.”
“I love you, too, son.” Matapos ang saglit pa nilang kamustahan ay pinindot niya ang end button at nahiga sa kama. He would try to sleep at least for a while so he could have a peace of mind.
Desidido na si Vel sa kanyang plano. Wala nang maaari pang pumigil sa kanya. Not even Zane himself. Alam niyang mahal siya nito. She could feel it. Dangan lamang marahil ay kinausap ito ng ina nito upang kalimutan siya. Kung ano man ang ginawa nitong dahilan upang mapasunod nito ang anak ay isang malaking palaisipan sa kanya. At paano nito natago ang binata sa loob ng limang taon? Wala namang indikasyon na may amnesia ito. Alam niya dahil naging doktor din siya. Imposibleng may ipinainom na gamot dito si Tita Clarita upang malimutan siya o maari rin. Ngunit ang mga gamot na iyon ay hindi maaring makapili ng buburahing memorya sa utak ng tao. Isa pa’y imposibleng mabura ng gamot na iyon ang pag-ibig na taglay nito sa puso para sa kanya.
Nag-doorbell na siya sa apartment na tinutuluyan ni Zane. “Surprise!” nakangiting bungad niya nang bumukas ang pinto. Ang ngiti nito sa mga labi’y agad na napalitan ng kaseryusohan ng mukha. Hindi niya maunawaan kung bakit pati ang espesyal na ngiti nitong handa nitong ilaan sa kanya noon ay pinagkakait nito ngayon.
“What are you doing here? Hindi ba’t sinabi ko nang huwag ka nang babalik.” tonong-galit na saad nito. Lumapad ang pagkakangiti niya. Batid niyang nagagalit-galitan lamang ito. Kabisado na niya ito.
May pasimpleng dinukot siya sa kanyang bulsa. Yumakap siya rito. How she wished to be imprisoned in this broad shoulder again. “I want to be with you.” she whispered seductively. Nakita niya ang paggalaw ng Adam’s apple nito na nagpahagikgik sa kanya.
“Stay away from me.” hanging lumabas lamang iyon sa labi nito. She kissed him in cheek.
“I don’t want to spoil the fun, Zane but don’t you worry, we’ll continue it later and sooner I’ll be back in your arms again… with no inhibitions I know you would get me,” she tried to be daring as she could be. Itinarak niya ang injection sa batok nito na naglalaman ng pampatulog. It will just take a minute. It was closed to tranquilizers but not that hard as it is.
“Sit down, Zane.” Iginiya niya ito sa couch. Hindi siya nahirapan sapagkat mabilis itong tinablan ng gamot. Namigat agad ang talukap ng mga mata nito. Mayamaya’y umungol ito at napahilot sa sentido.
“What have you done to me?” Lumupaypay na ito roon. Tinawag na niya ang guwardya at nagpatulong na maisakay ito sa kotse. Sinabi na lamang niyang dadalhin niya si Zane sa ospital sapagkat nahimatay ito.