Chapter 5

2059 Words
Sa sinabi ko ay sandaling natigilan si Paul Shin, bakas sa kaniyang mukha ang pinagsamang gulat at pagiging dismayado. Marahil ay heto na naman ako at inuungkat ang nakaraan, pero sino ba naman kasi ang hindi makakalimot doon, hindi ba? Palagi kong sinasabi na tinanggap ko na, pero sa tuwing sumasagi sa utak ko iyon ay hindi ko maiwasan na magalit na hindi ko naman malaman kung kanino. Magulang ko iyong nawala, kaya literal na hindi ko iyon makakalimutan. Nandoon na rin ako sa punto na naiintindihan ko kung bakit ako inampon ng pamilya ni Paul Shin, iyon ay para pagbayaran ang kanilang kasalanan. Kapalit iyon ng pagbawi nila sa buhay nina Mommy at Daddy. Imbes sana na makulong ang mga magulang ni Paul Shin ay iyon na lamang ang ginawa nilang paraan para makabayad ng utang sa akin— utang na hindi naman matutumbasan ng kahit ano dahil buhay iyon ng magulang ko, dalawang buhay ang nawala. Naroon na rin ako sa point na laking pasasalamat ko sa kanila na pinalaki nila ako nang maayos, binihisan, inalagaan at itinuring na parang anak. Pero syempre, iba pa rin iyong pakiramdam kapag totoong magulang mo iyong nasa tabi mo. Honestly, iyong pangyayaring iyon sa buhay ko ay pilit ko na lang din ibinabaon sa puso ko, na kahit maalala ko man lang iyon ay hindi ko na kailangang magalit pa. Kung magbabalik-tanaw man ako sa nakaraan ko ay wala ng sama ng loob sa akin. Ngunit hindi rin pala talaga madali. It's been almost fifteen years, pero iyong sugat na naiwan sa puso ko ay nananatiling nakabukas at nagsusumigaw ng pagsusumamo. Patuloy akong nagdadalamhati sa pagkawala nina Mommy at Daddy. Patuloy pa rin akong nangungulila na sana balang-araw ay makita ko ulit sila, kahit saglit lang o kahit man lang sa panaginip ko. Miss na miss ko na sila, kaya kapag ganitong sitwasyon ay hindi ko maiwasan na magalit. Alam niyo iyong tipo na para akong naiipit sa isang sitwasyon? Iyong kalungkutan ko sa pagkawala ng magulang ko, iyong obligasyon ko na palitan din ang lahat ng kabutihan nina Tita Carmina at Tito Paulo. Ang gulo ng buhay ko, ni wala na nga akong maintindihan ngunit kahit na ganoon ay pinipili ko na lang ang mabuhay para ipagpatuloy ang pangarap sa akin nina Mommy at Daddy, pati na rin ng mag-asawang Shin. "Hoy, teka lang naman— wala namang ganiyanan," kalaunan ay palatak ni Paul Shin na para bang gusto na lamang nitong ilihis ang topic na iyon. "Tinatanong lang kita kung anong gusto mong kainin. Tama ka na, Vanny." Wala sa sarili nang mapatitig ako, sa kagustuhan kong hambalusin ang pagmumukha niya ay minabuti ko na lang ang tumayo. Kapagkuwan ay walang lingun-lingon na nilayasan siya. Kahit papaano rin naman ay ayoko siyang saktan. Napakurap-kurap ako nang lumabo ang paningin ko sa tila nagbabadyang luha, kaya rin ay mabilis akong napailing-iling sa kawalan. Hanggang sa makalabas pa ako ay dinig na dinig ko pa rin ang malakas na pahabol na sigaw ni Paul Shin. "Vanny! Huwag mong kalimutan, ah! Si Raquel!" Sandali akong natigilan sa paglalakad nang marinig iyon, sa kabila pala talaga ng nararamdaman ko ngayon ay mas matimbang pa sa kaniya ang kagustuhan niyang mapalapit kay Raquel, ni hindi nga nito nakita iyong pagbigat ng emosyon ko. Natawa na lamang ako at napahinga nang malalim. Sakto pa nang masilayan ko si Raquel na siyang papalapit sa gawi ko, rason para ako na mismo ang patakbong lumapit sa kaniya. Mabilis kong hinila ang braso nito at isinama sa malalaki kong paghakbang. "Uy, bakit? Anong nangyari? Tapos ka na ba sa paglilinis? Katatapos lang ng klase ko, balak pa naman sana kitang tulungan, kaya ako napadaan dito," sunud-sunod na pahayag ni Raquel na hindi maipagkakaila ang kabaitang taglay nito. Napabuga ako sa hangin. Actually, nahihirapan din ako sa sitwasyon na hinihingi ni Paul Shin. Mas nangingibabaw kasi sa akin iyong mararamdaman ni Raquel kapag sakali na sasaktan lang siya ni Paul Shin. Alam ko naman na may pagkababaero si Paul Shin, chick boy ika nga. Though, lahat naman din ng mga girlfriend niya ay tumatagal sa kaniya at ayoko rin na mapalapit sa kaniya si Raquel. For f**k's sake, ayokong masira ang kinabukasan ng kaibigan ko. Totoong mabait si Raquel, lahat ng kabutihan sa isang kaibigan ay nasa ugali niya. She's easy to be with, happy go lucky at go with the flow lang. Maliban doon ay maganda rin siya, matalino— basta lahat ay nasa kaniya na. Sa madaling salita, kapag siya ang naging girlfriend mo ay wala ka ng hahanapin. But of course, may parte pa rin sa akin na naiinis kapag iisipin kong sila na ni Paul Shin. Yeah, ayokong sumaya si Paul Shin sa ibang babae. "Vanessa," pukaw sa akin ni Raquel dahilan para mabalik ako sa reyalidad. "Huh? Ah, oo... tapos na nga akong maglinis." At bahala na si Paul Shin sa mga natirang espasyo na hindi ko pa nalilinisan. "Bukas naman iyong girl's restroom, pagod na ako." "Gusto mo libre kita? Punta tayo ng mall," maagap niyang anyaya ngunit umiling naman ako, literal kasi na wala ako sa tamang huwisyo. Hindi ko alam kung tama bang pagod lang ako o talagang wala ako sa mood dahil sa kaninang nangyari sa pagitan namin ni Paul Shin. Idamay pa na mabigat ang loob ko na kasama ngayon si Raquel. f**k, I felt sorry for her. Kahit hindi naman ako dapat makonsensya, pero heto at ramdam na ramdam ko iyon. Naiinis ako sa sarili, hindi ko mawari kung bakit ba ganito ka-big deal sa akin ang paggi-girlfriend ni Paul Shin. When in the first place, nakailang ulit na siyang palit ng girlfriend. Dapat nga ay sanay na ako, dapat ay wala na lang ito sa akin at ano naman ba ang pakialam ko sa kaniya? Hindi ko naman siya kapatid, hindi ba? "By the way, may nagugustuhan ka bang lalaki rito sa school natin?" kalaunan ay pagtatanong ko nang makalabas kami ng campus. "What? Bakit mo naman itinatanong iyan?" Mahina itong tumawa, kapagkuwan ay dinanggi pa ang balikat ko. "Well, honestly, normal naman sa ating mga teenager ang magkaroon ng hinahangaan. So, yes, mayroon nga." Kumibot ang labi ko at saka pa saglit na binalingan. "Would you mind kung tanungin ko kung sino? What friends are for, right?" Mas lalo siyang natawa. "So, ngayon ay ginagamit mo na ang katagang 'yan? Alam mo ba na sa tagal nating magkaibigan ay ngayon ka lang na-curious sa akin ng ganiyan?" Sa narinig ay natigilan ako. Nagtataka ko siyang tinitigan habang pilit na hinahanap ang pagbibiro sa kaniyang mukha ngunit masyadong seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Kaya natanto ko na totoo nga ang sinabi nito. Ewan ko kung talaga bang nasa katauhan ko na iyong pagiging walang pakialam sa iba malapit man sa akin o hindi. Bukod sa bachelor squad, hindi ako ganoon ka-socialize. At kung may isang tao man akong pinag-aakaayahan ng oras ay walang duda na si Paul Shin iyon. Hindi ko rin naman itatanggi iyon dahil sobrang obvious naman. At hindi ko rin pwedeng i-excuse na kapatid ko siya. Marahil ay pwede pa dahil naba-badtrip ako sa kaniya, dahil kumukulo ang dugo ko sa kaniya kapag nakikita ko siya. Kaya gusto ko rin na ibalik din lahat sa kaniya iyong pambubwisit at pang-aasar nito sa akin. Argh! I hate myself for doing it so, pero bakit gustung-gusto ko naman? Gagi, nababaliw na yata ako. Help! "Pero sige, since ngayon ka lang nakapagtanong sa akin ng ganiyan ay sasabihin ko na, pero secret lang natin, ah? Huwag mong ipagsasabi sa iba," pahayag nito, samantala ay para namang huminto ang pagtibok ng puso ko sa kakaabang ng susunod niyang sasabihin. "Sino?" Sa sobrang curiousity ay nagawa ko pang huminto sa paglalakad at tuluyan siyang hinarap, doon ko naman nakita ang pilit na pumupuslit na ngiti sa labi nito. "Mag-promise ka muna." Napabuntong hininga ako bago marahang tumango, siya namang hawak niya sa dalawang kamay ko kung kaya naramdaman ko ang lamig ng kaniyang palad, tanda nang pagiging kabado niya. At the same time ay kinikilig. "Alam mo ba kung kaya hindi ko rin magawang sabihin sa 'yo ang patungkol dito ay dahil ayoko rin na awayin mo ako katulad ng mga ginagawa mo sa tuwing may nalalapit na babae kay Paul Shin," mahabang lintanya nito, rason naman para umawang ang labi ko. Ilang beses na nagbukas-sarado ang bibig ko para sana magsalita ngunit para naman akong naputulan ng dila. Tanging paninitig lang kay Raquel ang nagagawa ko kung saan ay tuluyan nang umalpas ang ngiti sa kaniya. "And yes, si Paul Shin nga ang napupusuan ko," dugtong nito nang hindi na talaga ako magsalita. "Pero huwag kang magagalit sa akin, ah? Wala naman din akong balak na mapalapit sa kaniya, kasi mas nirerespeto ko iyong pagkakaibigan nating dalawa." Ubod ng tamis na ngumiti si Raquel, kapagkuwan ay muli niyang ipinulupot ang kamay sa braso ko at saka pa ako hinila upang ipagpatuloy ang paglalakad hanggang sa mapahinto kami sa dulo ng kanto. "Sumakay ka na habang may jeep pa." Dinig kong sambit ni Raquel dahilan para magising ako sa katotohanan. Napakurap-kurap ako, saka ko naman nakita ang jeep na nakaabang sa kantong iyon. May barker doon at paulit-ulit na sinasabing isa na lang daw ang kulang kung kaya rin ay panay ang tulak sa akin ni Raquel upang pasakayin. "Sige na, sumakay ka na. Bukas na lang ulit tayo magkita... at saka i-chat mo ako mamaya para alam ko na hindi ka galit sa akin, ah?" Nang makaupo ay kaagad kong nilingon si Raquel, nasa gitnang banda ako ng jeep kung kaya ay medyo malayo rin ang agwat naming dalawa. Naroon siya sa hamba ng pintuan habang malawak ang pagkakangiti. "Ito pala, Manong, bayad niya. Pababa na lang siya sa Corazon Residence," dagdag nito. Kumaway pa ito sa akin nang magsimula ring umusad ang jeep. Samantala ay nakatitig lang ako sa papaliit niyang katawan hanggang sa tuluyang lumiko ang jeep, kaya tuluyan din siyang nawala sa paningin ko. Kumibot ang labi ko, kasabay nang mahinang pagbuntong hininga ko. Roon ko lang din yata na-realize ang kaninang sinabi niya— na si Paul Shin nga ang crush nito. Maanghang akong natawa, lalo pa nang malaman ang rason niya. At doon ko napagtanto na sobrang bait ni Raquel to the point na kaya niyang itago ang sariling nararamdaman para hindi ako magalit sa kaniya, na mas gusto niyang magtagal ang pagkakaibigan na mayroon kami. Ang swerte ko pala talaga na magkaroon ng kaibigan na kagaya niya. Napayuko ako habang hindi halos malaman kung anong ire-react, gusto kong matuwa ngunit hanggang saan ang kaya niyang sakripisyo? Sa kawalan ko ng sagot ay naging kibit na lamang ang balikat ko, hindi rin naman nagtagal nang huminto ang jeep sa mismong gate ng Corazon Residence kung kaya ay mabilis din akong bumaba. Walang lingun-lingon na naglakad ako papasok ng gate at tahimik na tinatahak ang may kahabaan na pathway patungo sa bahay. Mayamaya pa nang may kotseng pumantay sa paglalakad ko, rason para lingunin ko ito. Nakita ko ang mukha ni Paul Shin na nakadungaw mula sa passenger's seat habang tinatanaw ako. May sarili kaming van na naghahatid-sundo sa amin ni Paul Shin, pero madalas ay mas gusto kong nagko-commute. "Ano na? Kinausap mo na ba si Raquel? Nakita ko kayong magkasama kanina, nabanggit mo na ba sa kaniya?" tuluy-tuloy niyang tanong ngunit mas minaigi kong bilisan ang paglalakad ko. "C'mon, Vanessa, ano mang iwas mo sa akin ay sa iisang bahay pa rin tayo magtatagpo." "Pwede ba ay tantanan mo muna ako?" asik ko rito na kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ko habang pinanlilisikan siya. "Not unless na naibigay mo ang gusto ko," pahayag niya, nalingunan ko pa ang animo'y pag-iisip nito. "Pero kung sabagay, bakit pa nga ba ako lumalapit sa 'yo? I have the confident, pwede ko rin naman siyang lapitan at ligawan na hindi ka ginagawang tulay, tama ba? Ang gagawin mo na lang ay papalakpak sa amin kapag sinagot na ako ni Raquel." Sa narinig ay awtomatikong napahinto ang mga paa ko, siya namang tulin nang pagmamaneho ng driver para tuluyan akong iwan. Natanaw ko pa ang simpleng pagkaway ni Paul Shin sa akin at tila pa nang-aasar ang mukha. Pagak akong natawa sa kawalan. "f**k it. God damn it! f*****g shit."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD