Chapter 6
Smile
Bella Alleja Cion
Habang natatawa ako sa napaka corny na banat ni Math ay hindi ko maiwasan na tingnan ang kabuoan ng kanyang itsura. He looks a tan skin American Asian looking guy.
I can see his define abs underneath his student’s uniform na yumayakap sa kanyang katawan. Even his mascular arms are defined already, masasabi ko na hindi nalalayo ang timplahan ng physical features niya kay Cromford.
Iyon nga lang ay mas positive, sweet and very friendly ang aura ni Math, while Cromford is more serious and mysterious bad boy type which is overrated though generic. I hope I can change my heart. Baka naman may mas pagasa ako kay Math kaysa kay Cromford. Sana mas nauna ko na lamang na nakilala ang lalaki na ito kay Cromford. If I could really control the hands of the time.
Ang sarap sabihin na pinagsisisihan ko ng makilala siya, sana nanakawan na lang niya ako at huwag iligtas. I hope I can change my impression to him. Sana kaya kong palitan ang ibig sabihin ng salitang Cromford sa utak at puso ko.
“Done checking me out?” Maangas na sabi ng lalaki sa akin. Napaka hambog naman pala koya. Pero matatawa na lang ako, kasi mukha siyang trying hard na pa sexy, hindi ko tuloy maiwasan na mapatawa ng malakas sa kanya.
“Oh my gosh, ang hambog mo naman pala Math, I am telling you, liars go to hell.” Biro ko sa kanya na ikinabura ng ngisi niya. Para tuloy siyang bata na nagmamaktol.
“Hey! I am telling the truth, pogi ako sabi ni mama! Am I not looking attractive for you? Mukhang may mali sa salamin mo.” Aba, at dinamay pa ang salamin ko ha?
“Pogi ka naman e.” Pambibitin ko sa sasabihin ko. “Pogi ka kapag tulog.”
And again, he just throw tuntrums like a kid na ikinatawa ko. Natigilan na lamang ako ng makita siyang nakangiti na.
“I am happy Bella, hindi ka na umiiyak pa. kung ano man ang pinagdadaanan mo. I am willing to make you smile, and shoulder your sadness.” Hays, mabuti pa si Math, maginoo, mabait. He is someone na masarap kasama at hindi tumitingin sa sttus at appearance. Sana ikaw na lang Math.
“Bella, you are still here? I thought nakauwi ka na?” Nagulat naman ako ng makita si Mitch with her usual cheerleader outfit. Sa tabi naman niya ay ang boyfriend niya na pawis pa at naka pulang jersey and basketball short. Napaiwas ako ng tingin nang makita ko na malalim ang tingin sa akin Cromford.
Tinapunan ko na lang ng tingin ang kaibigan ko. “Ah, naisipan ko kasi na maaga pa para umuwi. Eh sakto nakita ko itong gungong na ito.” Turo ko kay Math. Makisama ka na lang Math, please?
“Ako gunggong. Wala ka talagang bilib sa kagwapuhan ko Bella? O baka kunwari ka pa? Gusto mo ng kiss ko ano?” Aba, ang kupal ha? Sounds so conceited!
“At saka po sir. Tara na nga, hindi ba at may lakad tayo?” Palihim kong kinurot ang bewang ng binata. Makisa ka Math. I am telling you!
“ARA- ay oo nga pala. Tara na babe?!” What the hell? Anong babe ang pinagsasabi ng lalaki na ito?! Pinasukan na ata ng polusyon ang utak ng lalaking ito. For love of heavens.
Kita ko naman ang malisyosang ngiti sa labi ng kaibigan ko. While I can see the hard looks on Cromford’s face. I do not know why, but I just shrugged it off, it gives me a strange feeling… a very strange feeling.
Nagsalita naman ang kaibigan ko. “You look so good, may something ba sa inyo Math? Bella?”
Kunot ang noo naman akong nagtanong kay Mitch. “Kilala mo itong gunggong na ito?”
Hindi ko na tinapunan ng tingin si Math na parang bata na bumubulong. Basta ay tiningnan at hinintay ko na lang ang sasabihin ni Mitch.
“I know him of course, pinsan siya ng buo sa father side ni Cromford.” At opo, literal na namilog ang mga mata ko. I never expect that. Medyo kahit malapit ang features nila ay hindi ko agad nahulaan itong surprise trivia na ito.
“Ah, sige alis na muna kami ha?” At saka ko na hinila si Math papuntang parking lot, at hindi ko na silang hinayaan na magsimula. They look like they are going out on a date.
And just the thought of them, being sweet on each other gave me that inevitable pain inside of me. It taste sour and bitter mix. It feels heavy and uncomfortable. It feels like a small blade cutting me slowly. And again, I find myself crying because of them. Hindi ko na napansin na nasa harapan ko si Math. He embraced me and let me cry on his chest, ity is warm and soothing, kumakalma ang puso ko.
“Sorry, you just saw me again crying for a stupid reason.” Sinisinok ako sa labis na pag iyak.
“Dahil ba sa kanya?” I know who he is talking about, I do not want to confirm it. Lalo na at pinsan pala niya si Cromford.
He just sigh at hinawakan ang kamay ko para i-guide ako sa isang sasakya.
“Sa harap ng pagkain natin iyan pag-usapan.” At saka na nga ako tuluyan na nagpatianod sa kanya. I trust him naman. I can see that he would not do something na ikapapahamak ko.
Iyon nga lang ay sinama niya ako sa isang lugar kung saan napakaraming mga small cart na nagtitinda ng mga street food. I am so shock. Hindi pa kasi ako nakakain sa ganito. And Math does not look someone who is ino some kind of tusok tusok.
“Dito ba talaga tayo?” alanganin ang tono ng boses ko. Specially Taymom always reminding me not to eat unhealthy food or snack. I will be grounded for heaven knows time if he or she heard me eating street food.
“Oo, ahh. Hindi ka pa nakakain ng ganito ano?” tanong niya habang nakikipagsiksikan kami. I can see some public school students here, Ano bang magic at dinarayo ang mga ganitong tindahan?
Sinagot ko naman ang tanong niya. “Yes, on my entire existence, hindi pa ako nakakain sa ganitong lugar at sa mga ganitong pagkain. I am not allowed Math. My Taymom will punish me if he knows!”
Tumawa ng pagak ang lalaki. “But he would not, trust me this time.”
“Sa isang restaurant na lang Math, my treat na lang.” Pamimilit ko sa kanya, I am trying to convince me, pero may katigasan ata ang ulo ng lalaking ito!
“I said trust me Bella, sometimes, you have to realize na may mga bagay ka na dapat maranasan habang nabubuhay ka, are not you thrilled?” Fine! As if naman may magagawa pa ako para magbago ang isip niya.
“Uy poging suki! Nagbalik ka, at mukhang may kasama kang miss beautiful! Hala at tumusok na kayo.”
“Sige manang, mukhang fresh kayo ngayon a.” Napaikot pataas ang aking mata sa sinabi ni Math. Napaka bolero at maasukal naman talaga ng bibig, hindi ko ma reach.
Nagbiro naman ang babaeng tinder ng pabalik. “Naku suki, wala tayong promo at discount ngayon.”
Natawa na lang ang gungong. He handed me a clear plastic cup and a wooden barbeque stick. There are lots of thing swims on the hot oil on the big pan. Hindi ako makapili. Medyo natatakot ako. At mukhang nainip na sa kakahintay si Math kaya siya na ang kumuha sa pagkain ko.
He put some white flat staff there, white circuar stuff, brown kikiam I think? There is an orange battered something, a fries too, may manggang hilaw and shrimp paste and a drink, pandan flavor with gulaman.
After noon ay inabutan ni Math ng 1k ang matandang tinder and he said keep the change, napakabait naman palang lalaki.
We walk straight to a bay where we can watch the sun setting down, it is dawn in a fiendish time. Habang nakaupo kami sa seaside ay naglakas loob ko ng kinain ang mga binili naming. Pasensya naman, maarte lang po, pero hindi ako masamang tao.
And surprisingly ay nagustuhan ko sila! The fishball taste is so good, same as kikiam that has meaty taste, the squid ball, chicken ball and of course the kwekwek, at ang mas nagpasarap pa rito ay yung suka and sauce combination. The pandan juice is refreshing as well. Ang sarap kumain habang marahang hinahaplos ng hangin ang mukha ko.
Mukhang naghihintay na si Math na mag open up ako. I do not know if I am ready yet, but nothing is wrong on trying.
So I take I deep breath and already confess. “I am in love with your cousin Math. I am so in love with Cromford Davies that it pains me when I just knew na naging sila ng best friend ko.”
Kita ko na may gulat sa mukha ni Math. “That is a straight blow on your face.” Komento pa nito.
“I know, and believe me. It really sick, like being stab straight on my chest, like being choked by an unbreakable rope. Ang hirap kasi bestfriend ko pa, ang hirap na kasing magpanggap na okay lang ako sa tuwing sweet sila. Kasi selos na selos na ako Math. I am sorry to my self because I am plane stupidly in love with him, to my best friend’s boyfriend.” Nilabas ko na lahat ng bigat sa dibdib ko. All at once. Nakagaan naman ito kahit papaano sa akin. Thankfully.
“Ang hirap nga ng posisyon mo. Kung ako rin ang nasa paa mo ay hindi ko alam ang gagawin ko. I can’t give an advice, dahil hindi ko naman lubos alam ang nararamdaman mo. But I will always be on your side, I am not going to judge you and I will keep you secret safe.”
Tumango naman ako at nagpasalamat sa kanya. “You don’t have to say any advice , sapat na may tao akong pwedeng labasan ng sama ng loob.” Sabay bitaw ko ng ngiti, “Ikaw naman, mag kwento ka.’
Tumawa naman siya at may walang sense na naming sinabi ang gunggong. “Anong kwento ba? Kwentong bayan? Haha.”
Mahina ko naman siyang hinampas. “Nakakatawa ha? Seryoso na kasi.”
“Mapanakit ka pala Bella, bugbog ako sa iyo kapag naging mag asawa na tayo.” Namula naman ng kusa ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya.
“Asa ka pa!”