bc

Kung Hindi Sana Ako Sumuko (Scarce Series #15)

book_age16+
614
FOLLOW
2.2K
READ
family
others
independent
drama
tragedy
twisted
heavy
serious
slice of life
lonely
like
intro-logo
Blurb

TW!!! Everything mentioned in the story is pure fiction and made by the author. None of these are affiliated in real life. This story intends to spread awareness and mental stability of a person in times when we couldn't hold on anymore but wanted to survive at least.

xxx

Being mentally unstable was really hard to handle. Getting the feeling like the world is against you, and you need to fight it yourself.

Veronica never thought of being alone. She's not ready yet.

She hates how everyone she loves keeps leaving her and how her family destroys her.

How will she fight the anxiety within herself?

Can she move on?

How will she choose between the negative and positive meaning of the butterfly omen?

chap-preview
Free preview
Panimula
“Veron!” naglalaro ako sa labas ng bahay nang tawagin ako ni Kuya na nakatayo lang sa may pintuan. Ngumiti siya sa akin saka ikinaway ang kamay. “Kakain na. Pumasok ka na rito!” dagdag niya pa. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik. “Susunod na po!” sagot ko na ikinatango niya lang saka pumasok na sa bahay. Iniligpit ko ang mga paper dolls ko. Isa-isa ko itong inilagay sa shoe box na nasa gilid ko. “Kakain na raw kami. Kaya uuwi na ako,” paalam ko sa mga kalaro ko na nakasalampak pa sa sahig at naghahanap ng magandang pamato. “Sige, babye!” anila. Saglit nila akong tiningnan saka muling ibinalik ang atensyon sa paglalaro. Tumayo na ako at pinagpagan ang dami ko. Sinuot ko naman ang tsinelas na inupuan ko. Pansin ko ang dumi sa mga paa ko kaya paniguradong papagalitan na naman ako ni Nanay dahil sa dungis ko. “Ito, pamato ko. Bente lang muna taya ko, ah.” “Ikaw, Clarisse? Maglapag ka na. Aalog ko na 'to.” “Oh, singkwenta akin.” Narinig ko pa silang mga nag-uusap-usap tungkol sa taya nila gamit din ang mga paper dolls. Binuksan ko ang gate ng bahay at umakyat na papunta sa hagdanan namin na may tatlong baitang lang bago makapasok sa loob. “Anong ulam, Kuya?” tanong ko kay Kuya Vincent nang maabutan ko siyang nag-aayos ng sala at naglalagay ng mga pagkain sa lamesa. Lumapit ako roon ngunit mabilis akong hinarangan ni Kuya dala ang malaking mangkok ng ulam. “Hep! Maghugas ka muna ng kamay. Galing kang labas---” “Tapos ipanghahawak mo ng pagkain. Dadami na naman ang alaga mong bulate sa tiyan,” pagtapos ko sa paulit-ulit niya na lang na sinasabi sa akin sa tuwing kakain at galing ako sa paglalaro. Tumawa lang si Kuya at ginulo ang buhok ko nang mailapag ang hawak na mangkok. “Ang lagkit na ng buhok mo. Maghugas na ro’n dali nang makakain na at makaligo,” sabi niya sabay tulak sa’kin papuntang lababo. “Ito na po,” natatawang sabi ko. “Sila Nanay pala, Kuya?” tanong ko kalaunan habang nagsasabon ng kamay. “Hindi raw sila makakauwi sa tanghali kasi ang dami raw tao ngayon sa tindahan. Si Tatay, alam mo naman na laging gabi ang uwi no’n,” aniya. Nang matapos akong maghugas ng kamay ay pinunasan ko ito gamit ang basahan na nakakabit sa ref namin. “Buti na lang, hindi niya ako madadatnan na madungis,” nakangiti kong turan nang makaupo na ako katapat ni Kuya Vincent. “Kukurutin na naman no’n singit mo dahil nuwebe ka na pero hindi ka pa rin marunong mag-alaga sa sarili mo,” tumatawa nitong sabi. “Tingnan mo may uhog ka pa. Punasan mo nga ‘yan. Kadiri ka!” dagdag niya sabay bato sa’kin ng bimpo niya. Sakto naman ito sa mukha ko. “Sapul! Three points!” Binelatan ko lang siya bago kinuha ang bimpo niya. Tawa pa rin siya nang tawa. “Sana mabulunan ka,” pagsusungit ko sa kaniya habang masama pa rin ang tingin. Nang matapos punasan ang mukha ay ilalapag ko na sana ang bimpo sa lamesa nang mapansin ko ang kulay pula na mantsa roon. Wala namang pula sa kamay o bibig ko kaya tiningnan ko si kuya na tahimik na kumakain. Napakunot ang noo ko pero ipinilig ko na lang ang ulo. Baka nalagyan lang ng ketchup sa niluluto niya kaninang menudo. Tahimik ko na tinapos ang pagkain ko at nang matapos ay tinulungan ko si Kuya na magligpit. “Maligo na ako, ah,” saad ko pagkalapag ng pamunas ng lamesa sa lababo. “Maghugas ka muna ng plato, hoy!” sabi niya sa akin habang hinihiwalay ang mga sobrang pagkain na nasa plato. “Okay, boss. Tabi na!” Bahagya ko siyang tinulak kaya binatukan niya ako. Natawa na lang ako. Narinig ko na ang yapak niya na paakyat sa taas kaya mabilis kong tinapos ang paghuhugas ng mga plato. Nang matapos ay dumiretso ako sa kwarto para kunin ang tuwalya saka pumasok sa banyo para maligo. Matapos makapag-ayos sa sarili ay kinuha ko ang mga libro ko para magbasa ng ilang aralin pampalipas-oras. Nasa sala ako nag-aaral dahil dito lang naman may lamesa. Ang lamesa sa kwarto namin nina Nanay at Tatay ay maliit lang naman, hindi sapat para maikalat ko ang mga libro at notebook ko. Hindi ko na namalayan ang oras at nalaman na lang na gabi na nang sabay na dumating sina Nanay at Tatay. Kita sa sala kapag papasok ka ng pinto kaya mabilis ko rin silang naaninag. Ramdam ko ang mabibigat na presensya ni Nanay dahil na rin sa nakasimangot na mukha ni Tatay. Pabagsak na inilapag ni Tatay ang dala niyang gamit sa sofa habang si Nanay naman ay dire-diretso hanggang sa kusina upang kumuha ng tubig. Niluwagan ni Tatay ang suot niyang necktie habang nagtatanggal ng sapatos na suot. Lumapit ako sa kanila para magmano. Maya-maya lang din ay bumaba si Kuya galing sa kwarto niya. Nagmano rin si Kuya kina Tatay at Nanat. Pinandilatan niya ako ng mga mata na para bang tinatanong kung anong nangyari sa dalawa pero nagkibit-balikat lang ako dahil simula nang pumasok silang dalawa ay hindi sila umiimik. “Kumain na ba kayo, 'Nay?” tanong ni Kuya kay Nanay na umiinom ng tubig. “Hindi pa. Nagluto na ba kayo?” magkasalubong ang kilay ni Nanay nang sabihan niya iyon. Inayos ko na rin ang mga libro ko at inakyat sa taas. “Magluluto pa lang po,” rinig kong sabi ni Kuya Vincent. Nang makapasok sa kwarto ay ipinasok ko sa bag ko ang mga gamit ko saka kumuha ng pamalit ni Tatay na nasa lumang aparador namin. Hindi pa man ako nakakababa ay rinig ko na ang sigawan sa baba. Nang mga oras na iyon ay gusto ko na lang takpan ang tainga ko at umatras mula sa hagdan. Kaya ayun nga ang ginawa ko. “Lintek ka, Jaime! Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin ma-promote promote riyan sa trabaho mo? Ilan taon ka na sa kumpanyang ‘yan. Halos lumuhod ka na rin sa kanila pero hanggang ngayon kukurampot lang ang sweldo na ibinibigay sa’yo,” asik ni Nanay. “May ipon pa naman ako, ha? Hindi naman kayo nagugutom. Bakit ba hindi ka makapaghintay? Wala ka na bang pambili ng mga luho mo? Ha?!” galit din na sigaw ni Tatay. Nakatakip lang ang tainga ko sa gilid para hindi maintindihan ang iba pa nilang pinag-aawayan. Wala namang bago sa kanila. Tungkol na lang palagi sa pera ang problema nila. Kung hindi mismong pera, involved naman naman ang pera sa pagdidiskyunan nila. Tumayo na ako at dahan-dahang tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa aking tainga dahil sa biglang nawalang ingay. Nang makababa ay naabutan ko si Tatay na nakaupo na sa sofa habang si Nanay ay nasa sala. Hinahaplos ni Kuya ang likod ni Nanay. Iniabot ko naman kay Tatay ang damit na pamalit niya. Galit niyang kinuha sa akin ito at dumiretso sa banyo. Si Nanay naman ay umakyat sa kwarto. Kami ni Kuya Vincent ay nagkatinginan lang saka napabuntong-hininga. Parehas pa lang kaming nag-aaral ni Kuya pero para na kaming mga matatandang nagtatrabaho dahil sa kailangan namin silang sawayin para hindi lumaki ang away. Kami na lang din ang umiintindi. Tinulungan ko si Kuya sa pag-aasikaso sa kusina. Ilang oras lang ay natapos na rin kami at sakto naman ang pagbalik nila Nanay. Hindi pa rin sila nag-iimikan. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kina Nanay at Tatay na may babayaran kami sa school dahil mukhang mas lalong mag-iinit ang ulo nila once na nagsalita ako. Pero naunahan ako ni Kuya. “'Nay, 'Tay,” tawag niya kina Nanay at Tatay na iniangat ang tingin sa kaniya, tila hinihintay ang sunod niyang sasabihin. Umubo muna ito patagilid bago magsalita. “May thesis na po kasi kami, since graduating na po ako. May mga kailangan pong bayaran para roon,” dahan-dahan at maingat na saad ni Kuya Vincent. “Hingiin mo sa Tatay mo tutal mukhang marami naman siyang pera dahil wala siyang pakialam kung nagkakasya ba sa atin ang sinusuweldo niya,” matabang na sabi ni Nanay. Binitawan naman ni Tatay ang kutsara na hawak dahilan para kumalansing ito sa plato. “Hindi ka ba talaga titigil diyan sa issue mo? Nasaan ang kita ng tindahan at parang sa akin ka lang lagi naghahanap?” tanong ni Tatay. Masama namang tumingin si Nanay sa kaniya. “Aba, akala mo ba malaki ang kita roon? Kasya lang para sa pagkain natin ‘yon, minsan nga kulang pa,” sagot ni Nanay. Hindi ko na maituloy ang pagkain ko dahil sa pag-aaway nila. Ganoon din si Kuya na tahimik lang na nakaupo. Narinig ko ang pag-ubo ni Kuya sa gilid ko. Tila hindi ito napapansin nina Nanay at Tatay na tuloy pa rin sa pag-aaway. Kinuha ni Kuya Vincent ang bimpo na nasa hita niya saka roon umubo nang tuloy-tuloy. Nang mahimasmasan ay tinanggal niya ang bimpo sa bibig niya. At napatayo ako dahil sa kaba nang makita na halos punuin ng dugo ang bimpo niya. “Kuya!” sigaw ko nang mapansin na parang nahihilo si Kuya Vincent. Mabuti na lang ay mabilis ko siyang sinalo. Sabay kaming nahulog sa upuan dahil hindi ko kinaya ang bigat niya. Napatayo na rin sila Nanay at dinaluhan si Kuya. Tumutulo na ang luha ko dahil hindi namin alam kung anong nangyayari kay Kuya Vincent. “Kuya! Kuya Vincent!” umiiyak kong tawag sa kaniya habang mahina siyang tinatapik. Tumawag ng ambulansiya si Nanay. Hawak ko pa rin si Kuya na nakapikit lang. Pinakiramdaman ni Tatay ang hininga ni Kuya kaya tiningnan ko siya. “Humihinga pa ang Kuya mo.” Tuloy pa rin ang sa pag-iyak ko kahit na para silang nakahinga nang maluwag. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. “Kuya!” ang tanging lumabas sa mga labi ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
56.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

His Obsession

read
75.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook