bc

The Shadow of My Love

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
billionaire
reincarnation/transmigration
HE
drama
bxg
brilliant
office/work place
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Aina Talledo o mas kilala sa pangalang Kiara Aina Santos. Minsan na siyang nakidnap noong bata pa siya kaya dahil sa trauma wala siyang maalala kung sino siya. Ang alam niya lang ay Aina ang pangalan niya. Dahil sa isang tao na siyang nagligtas sa kanya noong bata pa siya,pinangako niyang maging isang mahusay na agent upang siya naman ang magliligtas sa lalaking nagligtas sa kanya. At hindi naman siya nabigo dahil natupad nga ito. Masaya siya sa bawat araw na sinusubaybayan niya ang lalaki,kahit pa man ni anino niya wala itong alam na palagi siyang nandiyan para dito o akala lang niya. Dahil sa pangako niya sa lalaking minsan ng nagligtas sa buhay niya nawala sa kanya ang lahat,ang trabaho niya,ang pamilyang nagpalaki sa kanya at higit sa lahat ang kanyang paningin. Paano kaya haharapin ni Aina ang bagong buhay na napakahirap at napakadilim na mundo? Makakaya kaya niya ang pagsubok na dumating sa kanya?

Angelo Ledesma anak ng isang senator at isang magaling at mahusay na doctor. At dahil sa isang pangako na binitawan niya sa isang batang babae at ng kanyang yumaong lola bago ito mawala sa mundong ito, tinupad niya ito ang maging isang mahusay na doctor. Dahil sa magulong landas ang tinahak ng kanyang ama, ang polotika ay maraming beses ng nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Pero palagi pa rin siyang nakakatakas kay kamatayan dahil sa isang tao na palaging nagliligtas sa kanya. Ni mukha nito ay hindi niya makita,palagi itong nakatago sa dilim. Ngunit nagising na lang siya isang araw na hinahanap hanap niya ang presensya nito. Alam niya na isang babae ang kanyang savior,ang kanyang beautiful shadow. Mahahanap pa kaya niya ang kanyang savior kung sobrang nagbago na ang buhay nito? Makikilala pa kaya niya ito kung anino lang nito ang palagi niyang nakikita?

chap-preview
Free preview
chapter 1 KIDNAPPED
AINA POV "KUYA Anton hanapin mo ako!..."sigaw ko kay kuya Anthony. We're playing hide and seek. Kanina ako yong taya,ngayon si kuya naman. Dalawa lang kaming magkapatid ni kuya Anthony. Siya ang panganay. Ako naman ang bunso. Limang taon ang agwat ng edad namin ni kuya. Ten years old na ako ngayon,samantalang fifteen years old naman si kuya Anton. Our parents loves us,very,very much. Pero hindi naman kami spoiled sa kanila. Deni-desiplina din nila kami kapag hindi na tama yong mga ginagawa namin. Our family business is about cars,something like that. I don't know exactly,what business my dad has. But I heard it's about cars. So,I have no idea about that. My brother also likes cars,any type of cars. He is like our dad. But I'm not like dad and kuya. I love to study any kinds of medicine. Our mom is 100% plain housewife. "Aina don't go too far! okay?" kuya Anton's voice,he's shouting again. Dinig ko ang sigaw ni kuya pero wala akong planong sundin siya. Gusto kong makapagtago sa medyo may kalayuan upang mahirapan siya kakahanap sa akin. Tuwing sunday nagsisimba kami kasama sila daddy at mommy. Katulad na lamang ngayon. Katatapos lang namin magsimba,at ngayon nandito na naman kami sa plaza ni kuya. Nakaugalian na namin ang pumunta dito after magsimba. Kuya and I played until we get tired. Dahan-dahan akong pumasok sa isang bahay na maliit. Luma na siya at parang wala ng nakatira dito. Mula sa kinaroroonan ko makikita ko pa naman si kuya. Natapos na siyang magbilang at nagsimula na rin siyang hanapin ako. Napalingon ako sa aking likuran ng maramdaman ko na may ibang tao maliban sa akin. Sisigaw na sana ako ng bigla na lang tinakpan ng lalaking pangit ng panyo ang aking bibig. Napaiyak ako dahil sa takot na aking nadarama sa mga sandaling ito. Gustohin ko mang humingi ng tulong sa kuya ko pero hindi ko magawa dahil sa kamay ng lalaki na nakatakip sa bibig ko. Hindi ako makasigaw. Hanggang sa unti-unti na akong nawawalan ng lakas dahil sa kakasipa ko sa kanya. Nagsisisi ako kung bakit hindi ako nakinig sa kuya ko. Kung sanay nakinig ako,hindi sana ito mangyayari ngayon. Kahit ano pang sisi ang aking gawin huli na. Huli na ang lahat. Siguradong mag-alala ng husto si mommy kapag hindi ako makauwi. Sigurado din akong magwawala ang kuya ko. Hindi ko alam pero unti-unti akong napapikit ng aking mga mata. Parang gusto kong matulog. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog ng hindi ko namamalayan. Nagising ako sa ingay na aking naririnig. Mayroong umiiyak,mayroong sumisigaw. Iminulat ko na ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang napakaraming bata. Kung tama ako nasa trenta lahat kami o sobra pa nga. Anong ginagawa nila dito. Anong ginagawa ko dito. Bakit ang dami namin. "Hello,mabuti at gising kana ate." napabaling ako sa batang babae na nasa kanan ko,nakaupo. "bakit tayo nandito? paano ako napunta dito?" "hindi niyo po ba matandaan kong ano ang nangyari bago kayo dinala nila dito?" Napaisip naman ako sa sinabi niya. Pero wala talaga akong matandaan. Bakit wala akong matandaan? "ako nga po pala si Maine. Ikaw anong pangalan mo?" "ako naman si Aina." pakilala ko din sa kanya. Ngunit mas lalo pa akong nangamba ng hindi ko maalala kong ano ang aking apelyido. Ano ba itong nangyayari sa akin? Kahit anong gawin kung kakaisip kong ano ang nangyari, paano ako nakarating dito at kung saan ako nagmula ay hindi ko na maalala. "tumigil nga kayo sa kakaiyak kung ayaw niyong makatikim ng walang kain buong araw." Nahinto ako sa kakaisip tungkol sa sarili ko ng biglang dumating ang matabang lalaki at nagsisigaw. Pinatatahimik niya ang mga batang kasama ko dito na walang tigil sa kakaiyak. "ayan kainin niyo iyan dahil bukas may mga pupunta dito at pipili mula sa inyo ang lalaban sa susunod na gabi." Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Pero hindi maganda ang kutob ko sa ibig niyang sabihin na lalaban sa susunod na gabi. Ano bang klasi ang mga taong ito. Bakit ang dami namin dito. Ano ang gagawin nila sa amin? Isa-isa na kaming kumuha ng pagkain na bigay nong matabang lalaki. Ako ang pinakahuling kumuha ng pagkain. Isang pabilog na tinapay at isang basong plastic ng tubig ang pagkain na kanilang binigay sa amin. Hanggang saan naman kaya ito aabot sa tiyan namin. Parang hanggang puwak lang ata to. Lumipas ang mga araw,gabi tapos araw,gabi ulit,na ang kinakain namin ay palaging ganito. Isang tinapay at isang basong tubig. Kulang na kulang talaga siya dahil sa isang araw isang beses lang sila nagbibigay ng pagkain sa amin. At sa mga nakalipas na araw at buwan na inilagi namin dito sa mura kong edad natutu akong makipaglaban, at ipagtanggol ang aking sarili. Si Maine ay isa sa mga batang katulad ko na hindi nakaligtas. Namatay siya sa gitna nang laban. "Aina!" napa angat ako ng tingin ng tawagin ng matabang lalaki ang aking pangalan. Kahit sabihin ko na nasanay na ako sa ganito kinakabahan pa rin ako. Sa tuwing tinatawag ang aming pangalan ibig sabihin non kami na ang susunod na ilalaban. Yong ibang kasama kong bata dito na ipinatawag ,kahit isa man lang sa kanila ay hindi na nakabalik, maliban sa akin. Puro bagohan ang mga kasama ko ngayong mga bata. Nanatili lang akong tahimik,hindi ko siya pinag kaabalahang sagutin. Sasagot pa ba ako kung alam kong,alam naman niya kung sino sa amin si Aina. Sa tinagal-tagal ba namin dito sigurado naman ako na kilala niya na kami isa-isa, este-ako lang siguro dahil ba sa tinagal ko dito. Bakit kailangan pa niyang ipagsigawan ang pangalan namin kong mamatay lang din kami. "Bilisan mo ang paglakad kung ayaw mong makatikim ng latigo. Ang tinatawag niyang latigo ay iyong parang buntot siya. May kahabaan lang siya at ito ang ginagamit nilang pamalo sa bawat isa sa amin. "Hindi mo na kailangan pang takotin ako sa bagay na yan dahil sanay na ang aking katwan diyan." malamig kong tugon sa kanya. Huminto kami sa isang may malaking pintuan. Binuksan niya ito at sumalubong sa akin ang pamilyar na espasyo. Mayroong malaking entablado sa gitna na napapalibutan ito ng mga kabilya na saktohan lang ang laki. Para siyang kulungan ng ibon,kong may paghahambingan ako sa aking nakikita ay iyon nga kulungan ng ibon. At sa paligid naman papalibutan ito ng napakaraming upuan. Kung ito ang sinasabi nilang arena,ibig sabihin maraming tao din ang nagpupunta dito. Ang tanong ko lang anong ginagawa nila sa isang lugar na ganito. wala man lang ba ni isa sa kanila ang nakapag sumbong sa pulis? Ayaw ko ng magtanong, naba-bad mood lang ako. Ginagawa nilang manok ang mga batang katulad ko at pinag pupustahan kapalit ng buhay namin. Mga demonyo mga tao dito. "maghanda kana at ipapasok kita diyan sa loob." hindi ko na sinagot ang pangit na to. Sana kahit ngayon lang maalala ko kung sino ba talaga ako. Dahil mamaya hindi ko alam kong mabubuhay pa ba ako at makabalik sa mga batang kasama ko. Habang nasa loob na ako nitong kulungan nila ay nagsimula na akong maghanda at pinatalas ang aking pakiramdam. Hindi ako sigurado kung buhay pa ba ako mamaya o ito na ba ang huli kong laban. "Ladies and gentlemen,nandito na naman tayong muli para saksihan ang napaka gandang laban ngayong gabi." Rinig kong sabi ng isang tao. Naka micropono yata dahil nag-e-echo talaga ang boses niya. Idagdag pa ang napaka dilim ng lugar na ito. Maliban na lang sa liwanag na ngayo'y nakatuon sa amin. Napalingon ako sa may pintong bakal ng tumunog ito. Hudyat na nandiyan na ang aking makakalaban. At ganon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang tuluyan ng makapasok dito sa loob ang aking makakalaban. Sobrang laki niya. My God! Napakalaking hayop, isang mabangis na Tigre na ano mang oras handa na akong kakainin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Nanny And Her Four Alpha Bullies

read
26.4K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
614.2K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.6K
bc

Alpha's Instant Connection

read
651.1K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
7.1K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
820.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook