Saka lang nag-sink in ang lahat nang lumalim pa ang madaling araw. Parang serye sa isang panaginip ang lahat, na para bang nananaginip ako dahil parang ang labo naman kung mangyari iyon sa reyalidad. Iisipin ko pa lang kung ang sinabi niya, wala akong ibang magawa kundi ang matuliro. Everything is strange. Nothing is normal. Humikab ako at sinubukang umupo sa kama. Madilim pa ang buong paligid at malamig ang dalang halumigmig ng madaling araw. Kusa akong nagising kahit na bandang alas tres na ako nakatulog. At kung hindi ako nagkakamali, wala pa yatang alas singko ng umaga. Hindi pa lumalagpas sa dalawang oras ang aking tulog. Dinama ko ang kasalukuyan kong nararamdaman. Bagaman medyo inaantok, malinaw sa akin na tila may pananabik akong makita siya, si Kuya. Hindi naman siya l

