Chapter 32

2557 Words

Batid kong hindi ko na kailangan pa ng dahilan para lang i-justify ang nararamdaman ko. Sapat na sa akin kung ano ang nangyari. Kung naiinis man ako sa kanilang dalawa, dapat din akong mainis sa sarili ko dahil masyado kong bini-big deal ang hindi naman dapat. Desisyon nila iyan. Pinasok nila iyan. Ano bang magagawa ng isang nineteen-year-old sa mga thirties na kagaya nila?   Isa lang naman ang nais kong gawin ni Arianne, ang sabihin niya sa akin kung ano ang totoo. Mismong si Alet na ang nagsabi na-set up lang ng agency ang kanilang relasyon para sa marketing strategy. Hindi naman ako tagahanga ng loveteam nila ‘kuno’ kaya hindi na dapat ako inihahanay sa mga taong niloloko nila.   “You’re mad,” malamig niyang deklara nang tumalikod ako at humarap sa ref upang ibalik sa loob ang pits

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD