Chapter 39

2457 Words

“Good morning,” dinig ko nang imulat ang mga mata. Maliwanag na ang buong paligid. Nangahas nang pumasok mula sa siwang ng mga bukas na bintana ang silahis ng araw ngunit dama ko pa rin ang matipuno niyang braso na nakayakap sa akin. Nakatanday ang mga paa niya sa akin habang ako ay nakatalikod. Para akong lutang sa katinuan, para akong nananaginip at nananatili pa rin sa isang panaginip na imposible. Hindi na naman mapigilan ng puso kong maghurumentado ngayong mulat na ako sa katotohanan at gising na sa umagang siya kaagad ang naririnig at nararamdaman. Kumislot ako. Sinubukan kong i-angat ang mga kamay kong nakababa lamang sa sofa ngunit marahan niyang hinuli iyon at pinagsalikop sa kaniya. Humikab ako dahil sa nararamdaman pang antok. Paano ako makakaalis ngayon kung todo-todo ang li

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD