"Tell me, how come?" Buong buo ang pagtataka ko sa kaniyang sinabi. Paanong nililigawan ako ni Yuri eh magkaibigan lang naman kami? "A-ano bang sinasabi mo?" nanginginig na nang bahagya ang tuhod ko dahil sa kaniyang tinuturan. Hindi ko maunawaan kung bakit nagagawa ko pang matakot gayong wala namang katotohanan ang akusasyon niya. Ni wala ngang nanliligaw sa akin kaya paano iyon nangyari? Umismid siya at mas inilapit pa ang sarili sa akin gaya ng huli niyang ginawa noong pumunta siya noon sa tapat ng bahay nang lasing. Maiintindihan ko pang ganito ang turan niya kung alam kong lasing eh. Pero nasa katinuan na siya ngayon. Maaaring bumubugso sa galit ang damdamin niya pero may kakayahan pa rin siyang kontrolin ang kinikilos niya. Ibang iba talaga siya ngayon. Nawala ang ka

