“Sorry…” mahinang sabi ni Yuri nang tumapat na ang sasakyan sa aming bahay. Buong biyahe ay nakatingin lang ako sa bintana at nawalan yata ako ng gana upang makipag-usap sa kaniya. Nauunawaan ko naman na napilitan lang siya sa utos o pamimilit ni Kahlil pero bilang kaibigan ko, sana man lang ay sinabi niyang naroon si Kahlil. Oo, may posibilidad na hindi ako tumuloy sa oras na malaman iyon ngunit upang mapagsabihan si Kahlil, kinailangan ko ring pumunta. Hindi lang para sa akin ito kundi upang matantanan na rin niya si Yuri. Huminga ako nang malalim at marahang humarap sa kaniya. Pinanatili ko ang walang kaemo-emosyong ukit ng aking mukha habang siya’y puno ng pag-aalala. “Hayaan na natin. Sa susunod na may sabihin siya ulit sa’yo, please, paki-inform ako. Kakausapin ko siya at ako na

