Chapter 08

2270 Words
Mariin akong tumikhim sa inisip. Asa pa ako.   Nadala lang ako ng kuryosidad at inaamin ko iyon. Gusto ko siya, oo pero hindi pa ganoon katibay. Maybe in the long run, once I happened to know him more, baka mahulog pa ako. Ngunit sa ngayon ay wala pa itong kasiguraduhan.   Sumapit na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Kuya Alet. Nais ko sanang tanungin si Ate Dahlia tungkol rito pero naisip ko na baka hindi niya ako masasagot nang maayos. She’s concealing her pain. Halata kahit hindi niya sinasabi.   Sa hapunan, sinabi niya sa akin na maaga siyang magpapahinga dahil maaga na naman daw ang pasok niya bukas. Lihim kong ipinagpasalamat na napagod na siya kaka-asar sa akin. Halos buong hapon ba naman i-open-up ang tungkol kay Kahlil, grabe.   “Good night darling!” medyo humihikab na paalam sa akin ni Ate Dahlia nang tumungo siya rito sa sala. Abala kasi ako sa panonood ng T.V.   “Good night po.”   “Ikaw na ang bahala kung dumating ang Kuya Alet mo ha? Pakituro na lang sa kaniya ang ulam. Baka kasi mag-abala pang magluto iyon mamaya.”   Tumango-tango ako. “Sige po.”   Muling kong itinuon ang atensyon ko sa telebisyon nang pumanhik na si Ate Dahlia. Bagaman doon ang atensyon ko, binabantay-bantayan ko rin ang cellphone ko na nakabalandra lang sa lamesita. Baka kasi mag-text doon ang pinagbigyan ko ng numero. Nakakahiya naman kung mag-reply ako nang late.   Gwapo si Kahlil kaya sinong hindi magkakagusto sa kaniya? Aaminin kong crush ko siya. Aaminin ko na may pagtingin ako sa kaniya. Hindi ko alam pero mayroon siyang impact na hindi ko mawari kung ano ang dahilan. May appeal pero… depende na lang kung ano ang tunay niyang pag-uugali. Kung mabait at responsible, hindi malabong mahuhulog ako.   Biglang umilaw ang cellphone. Tumayo kaagad ako at tiningnan kung ano iyon.   Mahina akong suminghap nang malamang text message ito mula sa isang unregistered number. Nang malaman sa context na si Kahlil iyon, agad ko na itong ni-rename at tinipa ang kaniyang pangalan.   Ako: Noted.   Umupo ako sa sofa at hihintay ang kaniyang reply. Sa totoo lang, hindi naman ito ang unang beses na magkaroon ako ng text messages mula sa isang lalaki ngunit bakit parang kakaiba ang dating nito sa akin?   Posible kayang may epekto ang pang-aasar ni Ate Dahlia? May kinalaman kaya ang pangungunsinti niya?   Sa kabilang banda, masaya ako na suportado niya ako sa mga ganito. Ang luwag-luwag niya sa akin. Hindi lang ako sigurado kay Kuya Alet.   Dalawang minuto ang lumipas bago ko natanggap ang kaniyang reply.   Kahlil: How are you?   Nagtipa agad ako ng reply.   Ako: Okay lang.   Kahlil: Can I call?   Sa puntong iyon, namilog ang mga mata ko.   Really? Tawag talaga? I mean, hindi ko inaasahan. Hindi ako sanay na tawagan kaagad  ang magaganap lalo’t ito ang kauna-unahan.   Hindi naman siguro ako mau-utal. Sana nga.   Ako: Okay   Para akong praning nang mai-send iyon. Sino bang hindi? Paano kung wala akong maisasagot sa kaniya? Paano kung magiging awkward lang ang buong usapan? Siya na ang nagsabi kanina na interesado siya sa akin. At sa totoo lang ay iyon lang ang pinanghahawakan ko para ma-jusify itong kapraningan ko ngayon.   Ilang saglit pa ay nag-ring na ang cellphone. Ito na nga ang tawag niya.   Mabilis kong pinulot ang remote saka pinindot ang power button upang patayin ang TV. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko nang muling harapin ang  tawag.   Huminga muna ako nang malalim. Sa huling ring ay walang pag-aalinlangan ko na itong sinagot.   “Hi,” baritono niyang bungad. His voice is manly at napuna ko na agad iyon.   “Hello…” maikli kong sagot. Ano pa bang maaari kong maidagdag dito?   “Ayos ka lang?”   “Oo naman. Bakit ka pala napatawag?”   Simple siyang tumawa sa kabilang linya. May kung ano naman sa tiyan ko na kumiliti.   “Is it wrong to call to know you more?”   Sinabayan ko na lang ang tawa niya bilang tugon. Ano kaya ang itsura niya ngayon?   Namayani ang matagal na katahimikan pagkatapos nito. Gosh. Senyales na ba ito  na dapat ako na ang mag-i-initiate ng usapan? Kung ganoon nga, ano ang itatanong ko sa kaniya?   Kung ang purpose nito ay upang mas makilala siya, siguro ay magtanong ako ng mga personal infos niya.   “Anong buong pangalan mo?” Mariin akong pumikit nang masabi iyon. Diyos ko. Tama bang iyon ang tinanong ko?   “Oh, it’s Kahlil Jed Guello.”   “Age?”   “19.”   “Oh, parehas lang pala tayo. Ahead ka lang sa akin ng isang grade.”   Mas lumawig pa ang aming usapan. Doon ko napag-alaman na nakikitira siya ngayon sa pinsan niyang si Ate Leticia dahil nasa Switzerland ang parehas na magulang. Nalaman ko rin na Medical Technology ang kaiyang kurso na halos ikinatuwa ko dahil posibile niya itong magamit para sa medical school.   Bagaman wala raw siyang balak mag-med, sinabi ko na may interes ako mag med school. Pangarap ko na ito noong bata ako. Dulot iyon ng mga sitwasyong kinaharap ng Isla Agunaya, partikular na sa dinanas ni Ate.   Naka-impluwensiya rin sa akin si Dok Galileo. He inspired me to have this dream kaya dala ko pa rin ito hanggang ngayon. Mahirap at matagal ngunit alam kong kakayanin. Hindi man para sa sarili ko, at least para naman sa pamilya ko at sa isla na kagyat na lang na naglaho.   Bukod sa pangalan, edad, at pangarap, wala nang inalam sa akin si Kahlil. Hindi ko na sinabi sa kaniya kung bakit nasa poder ako nila Ate Dahlia dahil hindi naman niya tinanong. Ayaw ko naman kasi magmukhang enthusiastic sa usapan. Baka mahalata pa niyang may crush ako sa kaniya.   “Anyway, anong oras ka matutulog?” tanong ko habang nangingiti. Maririnig ko na sana ang kaniyang sagot nang biglang bumukas ang pinto. Paglingon ko roon, nakita ko ang matangkad na anino ni Kuya Alet. Dama ko ang kaniyang awtoridad habang deretso lang ang tingin sa akin.   Habang nagsasalita sa kabilang linya si Kahlil, mabilis na akong nagpaalam.   “Uy, ibababa ko na ha? May gagawin pa kasi ako…” sambit ko.   “Uh, ganoon ba? Sige bukas na lang uli. Sasagot ka sa tawag ko ah?”   “Oo, sasagot ako.”   “Good night!”   “Good night din.”   Nang ibaba ko na ang tawag, dahan-dahan kong binaba ang cellphone. Tumayo ako at humarap sa direksyon kung saan nakatayo pa rin si Kuya Alet.   “Nandyan na po pala kayo…” malumay at puno ng galang kong sabi. Sinara niya ang pinto at naglakad palapit sa akin.   “Oo, kanina pa ako. Si Dahlia?” pagod niyang tanong. Bakit parang amoy alak? Lasing ba siya?   “Sa kwarto po, nagpapahinga na.”   Hindi ko na kailangan pang itanong kung lasing siya. Sa paraan pa lang kung paano siya lumakad patungong kusina, medyo pagewang-gewang na iyon at halos paika-ika. Nag-bar kaya siya? Lagot.   Gaya ng bilin sa akin ni Ate Dahlia, mabilis kong sinundan sa kusina si Kuya Alet. Naabutan ko siyang nakatayo ngayon sa harap ng bukas na ref at tila may hinahanap.   “Kuya, kung kakain po kayo, narito po ang ulam. Huwag na po kayo mag-abalang magluto—”   Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi nang isara niya ang ref at humarap sa akin ng may seryosong tingin. Doon ko mas namataan ang bahagyang pamumula ng kaniyang mga mata. Namumungay na ito, mata ng isang lasing.   “Sino ang katawagan mo?”   Kusa akong napalunok nang marinig iyon. Kailangan ba talaga na malaman niya iyon? Grabe naman, kulang na lang ay tawagin ko na siyang tatay.   “Kaibigan ko po.”   Nilagpasan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang umupo siya sa hapag. Lumapit ako at iminuwestra ang kaniyang ulam.   “Ipagtimpla mo ako ng kape. Hindi ko kailangan ‘yan.”   “Sige po.”   Tumalikod ako at kumuha ng maliit na baso. Ngunit bago magtaktak ng kape at asukal, saglit akong humarap sa kaniya upang magtanong.   “Ano pong mas gusto mo? Mapait, matamis, o katamtaman?   “Paitan mo.”   “Okay po.”   Aaminin ko. Hindi talaga ako sanay magtimpla ng tamang lasa na nais niya. Ang alam ko lang ay mas dadamihan ko ang dami ng kape kaysa asukal. Pero paano kung maglalasa itong katamtaman? Kung huwag ko na lang kaya lagyan ng asukal? Edi magkakanda-suka-suka siya diyan.   Nang mapansing lutang ako sa mahabang sandali, mas binilisan ko pa ang aking kilos. Mga ilang segundo lang yata ang ginamit nang mailapag na sa harap niya ang baso ng kape.   Aalis na sana ako ngunit muli siyang nagtanong.   “Ano ang kausap mo, babae o lalaki?”   Napalunok ako. Hindi naman siguro big deal kung sasabihin kong lalaki iyon ‘di ba?   “Lalaki po.”   Sa sagot kong iyon, tumango siya. Hindi ko na hinintay pa ang sumunod niyang sinabi at kaagad na akong lumakad pabalik ng kwarto. Lasing pa siya at wala sa sarili. Batid kong hindi kanais-nais ang maririnig sa kaniya kaya kaysa manatili pa roon, umalis na ako.   Nakahinga ako nang maluwag nang  makabalik na ng kwarto. Pinatong ko ang cellphone sa divider at humiga nang matiwasay sa kama.   Grabe lang. Doon ko napatunayan na kabaliktaran siya ni Ate Dahlia. Kung ano ang ikinabait ni Ate ay siya naman niyang ikinasungit. Paano na lang kung malalaman niya na may interes si Kahlil sa akin? Kung ngayon pa lang na kinakausap ko ay nag-aasta na siyang tatay, paano pa kaya kung magtatagal pa?   Wala akong karapatang mag-reklamo dahil nasa poder niya ako. Sila ang nagpapakain sa akin. Sila ang bumubuhay sa akin. Sa puntong ito ay maiintindihan ko kung bakit wala sa akin ang desisyon. Ang mahalaga ay tutulungan nila akong maabot ang pangarap ko. Ang mahalaga, may katuwang ako sa mapanakit na mundong ito.   Kinabukasan, nanibago ako dahil naabutan ko pa si Ate Dahlia sa hapag. Bagaman naka uniform na siya ngayon, madalas kasi siyang pumasok ng madaling araw.   Tumingin ako sa orasan at nakitang alas siyete na ng umaga.   “Good morning!” bati ni Ate nang mamataan akong papalapit sa hapag. Nakahain na ang kanin at ulam, ganoon din ang baso niyang may gatas at oatmeal.   “Good morning po, hindi po ba kayo male-late niyan ate?”   Umiling siya at hinawi ang buhok. “Ayos lang ma-late. Huwag lang araw-arawin.”   Nagsimula kaming kumain kahit wala pa si Kuya Alet. Speaking of Kuya, ayos na kaya sila? Posible kayang naglasing siya dahil sa away nila ni Ate? Magtabi kaya silang natulog kagabi? Sana naman ay nakapag-usap na sila.   Sa kalagitnaan ng aming pagkain, may mga yapak ng tsinelas na pababa sa hagdan. Sa paraan pa lang ng kaniyang lakad, batid kong siya na iyon.   Sinubukan kong lumingon sa direksyon niya. Naka-topless siya ngayon at gray sweatpants ang pang-ibaba. May towel din na nakapatong sa kanan niyang balikat. Kitang kita ang pamimintig ng kaniyang abs habang ang buhok ay basang basa pa rin sa ligo.   Umupo siya sa tabi ni Ate Dahlia. Napansin ko naman ang bahagyang pag-asog ni Ate palayo sa kaniya. Yumuko na lang ako at  nag-concentrate sa pagkain.   Nakabibingi ang katahimikan. Wala ni isang nagsalita kaya sobrang awkward ng atmosphere. Diyos ko, wala man lang bang magsasalita? Mga tunog ng kutsara’t tinidor na lang ang tanging naririnig.   “Kumusta Diana? Nagtext na ba sa’yo si Kahlil?” tanong ni Ate na siya kong ikinagulat. Nang i-angat ko ang tingin ko, napansin ko ang pagbagal ng nguya ni Kuya Alet habang nakayuko lamang sa plato.   “O-opo, tumawag din siya,” sagot ko. Biglang tumili si Ate. Na para bang siya pa ang kinikilig.   Ang kaninang mabagal na pagnguya ni Kuya ay mas lalo pang bumagal. Paulit-ulit akong nagmura sa isipan ko. Sigurado akong hindi siya sang-ayon dito!   “Anong napag-usapan niyo? Umamin ba siya? Gosh!” pumapaypay na sabi niya. Yumuko ako nang kaunti at hindi napigilang ngumiti. Bahala na kung may isa mang nagagalit diyan. At least may sumusuporta naman, ‘di ba?   “Hindi naman po, nagkamustahan lang kami.”   “Basta balitaan mo ako sa progress niyo ha? NBSB no more!”   Natawa ako. Naisip ko kasi na paraan ito ni Ate Dahlia upang hindi maging awkward. Bagaman masaya siyang tingnan ngayon, hindi pa rin sila nagpansinan ni Kuya.   Hanggang sa pag-alis niya ay hindi man lang sila nagkatinginan o nagkamustahan. Tanging sa akin lang nagpaalam si Ate at wala nang sabing umalis.   Ngayong kaming dalawa na lang ni Kuya Alet ang nasa hapag, nainis ako dahil ang bagal kong kumain. Sana pala ay binilisan ko na para hindi na lang kami magkaabutan dito nang kaming dalawa lang!   “Kahlil? Manliligaw mo?” tanong niya sa malalim na boses. Mula sa pagkakayuko sa pagkain ay inangat ko sa kaniya ang tingin. Dahan-dahan kong nilunok ang pagnguya sa bibig saka nagsalita.   “Hindi po, kaibigan ko lang po.”   “I don’t believe,” aniya sabay higop sa kape.   Eh bakit parang galit ka? Okay nga lang kay Ate Dahlia eh. Saka totoo naman ang sinasabi ko. Hindi pa nanliligaw.   “Kaibigan ko lang po talaga.”   Binaba niya ang baso nang hindi naaalis ang tingin sa akin. “Paano kung nanligaw, sasagutin mo?”   Huminga ako nang malalim at hindi nagdalawang isip sa sagot.   “Bakit hindi?”   Sa pagkakataong ito, napansin ko kung paano umigting ang kaniyang panga. Mas tumiim ang mga mata niya at sumeryosong lalo ang ekspresyon.   ‘Di bale, kakampi ko naman si Ate Dahlia. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD