Hindi ko alam kung saan siya iritado, sa mismong sagot ko ba o sa paraan ko ng pagkakasagot? Sinong hindi mapapasagot ng ganoon kung may halo ng panggigigil? Botong boto nga si Ate sa kay Kahlil eh. Ano naman kayang dahilan niya para maging taliwas doon? Nang maubos ko ang pagkain sa plato, tulad ng laging gawi ay sinimulan ko na ring hugasan ang mga plato. Siya naman ay nanatiling tahimik. Ang totoo nga niyan ay inabangan ko ang sagot niya pero mukhang sapat na para sa kaniya ang naipakitang ekspresyon. Wala naman na akong magagawa kung magagalit siya. Papasok kaya siya? Kung oo, anong oras kaya? Kung hindi naman, baka maghapon na naman akong mananatili sa kwarto. Mabalasik kaya niya akong sesermonan sa oras na mahuli niya akong nakikipagtawagan kay Kahlil? Kahit ako sa sarili ko, aam

