Halinhinan ang takot at kaba sa bawat minutong lumilipas. Oo’t nakatitig lang ako sa drills ng mga manlalaro ngunit hindi ko maiwasang mag-overthink. His voice is almost howling, resembling his flaring anger. Kahit boses niya lang ang naririnig ko kanina, tila nakikita ko na rin ang kaniyang ekspresyon. Mistula akong pipi na hindi makapagsalita habang ang grupo ni Eira ay panay cheer sa mga players. Lihim ko na lang ding ipinagpapasalamat na hindi na sa akin ang tuon ng kanilang atensyon. Hindi kaya mata-track ang lokasyon ko? Hindi naman siguro ganoon ka-techy si Kuya Alet upang magawa iyon, maliban na lang kung may kakilala siya na kayang gawin iyon. Sa kabilang banda, hindi iyon basta-basta susugod dito para lang sunduin ako. Subukan lang niya at malalagot siya sa kaniyang agency.

