“See you next time,” may confidence na winika ni Kahlil nang marating na ang tapat ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya nasa labas na rin siya ngayon at prenteng nakatutok ang atensyon sa akin. Tanging kahel na ilaw lang mula sa lamp post ang nagbibigay sa amin ng liwanag. Bagaman maliwanag ang mga ulap na nakapalibot sa buwan, hindi ito sumapat upang mas makita ang ilang bahagi ng paligid. He smiled as he looked down to watch my steps. Lalo akong napunan ng kaba dahil sinamahan niya pa ako rito sa labas. He should’ve let me alone. Dahil kahit hindi na ako tumingin sa bintana o balkonahe na nasa second floor, alam kong may nagmamasid sa amin. “Iyon ang hindi ako sigurado,” sagot ko sa sinabi niya. Sa pagtama ng aming mga mata nang i-angat niya ang tingin niya, napans

