Nilamon ako ng pagsisisi nang mapag-isip-isip ko kung ano ang nangyari noong gabing iyon. I was aggressive. Hindi na kagulat-gulat kung ano ang tinuran niya sa akin pero sa tuwing naaalala ko kung paano ako sumagot-sagot sa kaniya, wala akong magawa kundi ang ma-guilty. Hindi ko lubos maisip kung paano ko nasabi ang lahat ng iyon. Isiping siya ang nagpo-provide ng pangangailangan ko sa araw-araw, pakiramdam ko’y para akong anak na nambastos ng isang magulang. Ilang araw kong inisip kung tama ba ang ginawa ko. Pilit kong hinahanap sa sarili kung may sapat ba akong dahilan upang gawin iyon. Bagaman hindi tama na pagbawalan niya ako nang sobrang higpit, mali pa rin na sinagot-sagot ko siya kasabay ng nag-aalab kong damdamin. Natauhan na lang ako kung kailan tahimik na ang paligid. Para akong

