I could possibly tell that he’s happy. Naghahalo ang rason na naiisip ko kung bakit ito nangyayari. Dahil kaya ako ang humingi ng tawad sa kaniya? O dahil pumayag na akong hindi magpaligaw kay Kahlil? Kagabi, halos hindi ko makatulog. Sa tuwing pipikit ako ay babalik kusa ang mga nangyari bago ako nagtungo ng kwarto. He freaking smiled and teased me like his baby sister! Na mula sa pagigiging isang brutal na tagabantay, nagmukha siyang naglalambing na tatay. Naunawaan ko na kung bakit ganoon na lang kalaki ang impact ng pagngiti niya sa akin. Sinong hindi magugulat kung minsan lang ito nangyayari? Kung iba ang nasa posisyon ko, baka mayroon pang hindi makakapagpigil ng reaksyon. Mabuti na lang at nangingiti-ngiti lamang ako. Mabuti at hindi ako nagmukhang uod na binudburan ng asin.

