Nagising ako sa ingay mula sa labas ng kwarto. Bumalikwas ako ng bangon at kinusot ang mga mata. “Lagi na lang!" dinig kong sigaw ni Ate Dahlia. Humahagulhol siya kaya mas nagising pa ang diwa ko. Nag-aaway kaya sila ni Kuya Alet? Nilingon ko ang orasan. Saktong humikab ako nang mapansing alas tres pa lang ng madaling araw. Bumaba ako sa kama at binuksan ang pinto. Ang kaninang hiyawan ay lalo pang lumakas. Sa kanilang dalawa, si Ate Dahlia ang masidhing nagwawala. "Hindi kita maintindihan! Ano bang gusto mong mangyari ha? Kung maghiwalay na lang kaya tayo? Total ikaw lang ang laging magaling! Gusto mo ikaw ang nasusunod!" Umiiyak na si Ate. Sinuot ko ang tsinelas ko at lumabas ng pintuan. Marahan kong hinakbang ang hagdan at sa kalagitnaan huminto upang doon na pu

