Abot-abot ang takot ko nang mapansin kung gaano kabagsik ang kaniyang tingin. Akma pa sana akong itatabi ni Kahlil sa kaniya ngunit ako na mismo ang lumayo nang bahagya upang hindi iyon mangyari. Brutal kung magalit si Kuya Alet. Anuman ang gawin ko upang magpalusot ngayon, baka talakan lang ako ng talakan nito hanggang sa makauwi kami ng bahay. "Sino ka?" tanong niya kay Kahlil sa mas galit na boses. Matigas iyon at may diin. Kahit sino siguro ay makakahalata na may halo itong iritasyon. Sino ba naman ang hindi matatakot sa tulad niyang authoritative? "Arlet Gumabon?" wala sa sariling tanong ni Kahlil habang nakatitig sa kaniya. Napayuko ako dahil nakilala nga siya. Lalo akong kinabahan dahil baka magsimula siya ng eskandalo. He's a public figure. Kung hindi siya mag-iingat sa

