Victoria’s POV Ang mga sumunod na araw ay naging kakaiba. Hindi sila perpekto. Wala ring dramatic na eksena kung saan bigla kong naramdaman na mahal ko na siya nang buo. Sa halip, ang pagbabago ay dumarating sa maliliit na paraan sa kung paano niya ako tingnan na parang ako lang ang mahalaga sa sandaling iyon. Sa kung paano siya umiwas sa telepono tuwing magkasama kami, na para bang ayaw niyang may makasira sa payapang mundong unti-unti naming binubuo rito. Ngunit kahit gaano kaganda ang paligid, hindi kayang lunurin ng dagat ang lahat ng pagdududa ko. Isang hapon, habang nagpapahinga ako sa duyan sa ilalim ng punong niyog, napansin kong matagal siyang may kausap sa telepono sa may dalampasigan. Hindi ko marinig ang sinasabi niya, pero halata sa tindig ng balikat niya na seryoso ang us

