Victoria’s POV Kinabukasan, wala na kami sa ospital. At wala na rin kami sa lungsod. Tahimik ang biyahe papuntang Batangas. Tanging ang ugong ng makina at ang paminsang pag-ubo ko ang sumisira sa katahimikan. Hindi ko alam kung sino ang mas maraming iniisip sa amin. “Ano’ng sabi mo Kay Daddy? Alam ba niya kung saan tayo pupunta? ” tanong ko habang nakatanaw sa bintana. “Oo, sinabi ko sa kanya na kailangan mong magpahinga. Malayo sa gulo.” “Sa gulo… o sa katotohanan? ” Saglit siyang tumingin sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa kalsada. “Pareho.” Hindi ko na siya pinilit sumagot. Pagdating namin sa resort, agad akong sinalubong ng amoy ng dagat at maalat na hangin. Hindi ito ganoon kalaki, pero pribado. Tahimik. Halos walang tao. “Walang makakaalam na nandito tayo,” sabi n

