Victoria’s POV Hindi pa tapos ang laban. Maaaring may mas malalakas pang bagyo. Mas masasakit na salita. Mas matitinding pagsubok. Maaaring bumalik ang nakaraan para guluhin kami. At hindi ako nagkamali. Tatlong araw matapos naming ilabas ang statement, mas lalong uminit ang usapan online. May mga vlog na nagsusuri sa bawat galaw namin sa video…kung paano niya ako tiningnan, kung paano ako huminga bago banggitin ang tungkol sa baby. Parang may eksperto sa body language na biglang sumulpot kung saan-saan. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Habang nag-aalmusal ako isang umaga, hawak ang tasa ng tsaa, nakatitig ako sa tablet na nasa mesa. Tahimik ang bahay. Maaga pang umalis si Theo para sa meeting. Isang headline ang tumambad sa akin. “Source Claims Marriage Was Forced: Busi

